LIES OF LOVE 10

Takot na takot si Lorde kanina nang mawalan ng malay si Aria. Tila ba tumigil ang ikot ng mundo niya sa nakikitang kalagayan ng babae.

Gagap niya ang kamay ni Aria, tila bumabalik sa kanya ang pagkawala ni Avia sa harapan niya. Hindi niya tuloy mapigilang matakot ng sobra. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa babaeng nasa kanyang harap.

Sa ngayon, dalawa lamang sila ni Aria sa hospital. Isinama muna ni Mrs. Yap ang anak nila ni Aria sa hotel na tinutuluyan nila.

Napahawak siya sa kanyang dibdib.
Tila nagwawala ang kanyang puso habang titig na titig sa babaeng nakahiga sa kama.  Hinaplos niya ang pisngi ni Aria.

Now he can distinguish who is who by just looking.

By the feeling.

By his heartbeat.

Ngayon, naaalala na niya ang unang tibok ng kanyang puso sa babaeng ginusto at minahal kahut isang gabi lang na pagkikita at pagsasalo.

"Nasaan ako?" tanong ni Aria nang magmulat siya ng mga mata.  Naramdaman niya ang mainit na palad sa kanyang pisngi at ang mahigpit na hawak sa kanyang kamay.

"Hospital," sagot ni Lorde na agad tumalima nang pinilit niyang maupo.

Hindi alam ni Lorde kung guni-guni ba ang biglang pag-ilap ni Aria at ang pagkakataranta sa kilos nito.

"Kailangan ko makalabas dito," ika niyang pilit na bumababa pero pinigilan siya ni Lorde.

"Wait, makakalabas ka rin daw naman ngayon. Kailangan lang natin hintayin ang resulta ng mga test na ginawa sa iyo."

Aapila pa sana si Aria nang biglang dumating ang doctor. Nakaramdam siya ng kaba dahil siguradong malalaman ni Lorde ang kalagayan niya.

Agad na sinalubong ni Lorde ang doktor. Parang hihimatayin si Aria sa kaba nang magtanong na si Lorde. Nakangiti ang doktor sa kanilang dalawa.

Napapikit siya nang muli, bumukas ang pinto at iluwa doon ang isang bulto ng tao.

"Doc Santillian? Napadaan ka yata?"

"Can I talk to my patient Doc Reyes?" sabi ni doctor Jaden Santillian. Nakatingin ito sa gawi ni Aria. "I'm her private doktor."

" Ah..." tila nalitong ika ng doktor. "okay sure, doc," anas nitong naglakad paalis ng silid.

"Thanks doc," pahabol na saad ni Jaden.

Samantalang nakamata lamang si Lorde sa lalaki. Tila wala siya roon kung iturong nito. Naalala niyang ito ang lalaking kasama nila Aria sa larawan.

"Can we talk in private please?" Kapagdaka'y saad nito at bumaling ng tingin sa kanya. Tila siya tinataboy aa paraan ng pananalita.

Lalo siyang nairita sa presensiya ng lalaking iyon.

"Puwede naman kayong mag-usap na narito ako." Lumapit si Lorde kay Jaden. "I'm John Lorde Yap, LJ's father," pakilala niya. "Umpisa ngayon, ako na nag tatayong guardian  nila." Iniabot niya ang kamay para makipag daupang palad dito.

Natawa si Jaden.

"Doctor Jayden Santillian. Nice to meet you Mr. Yap." Kinuha ni Jaden ang kamay ni Lorde. "But, we really need to talk, privately."

Humigpit ang hawak nila sa kamay ng isa't isa.

"I think, may karapatang akong malaman ang kalagayan ni Aria as the father of her child," pamimilit ni Lorde.

Hindi naman alam ang gagawin ni Aria. Parang bata si Lorde na nakikipagkumpitensiya kay Jaden. Nakikipagmatigasan.

"Gaya nga ng sabi mo, ama ka kang ng anak ni Aria. You're not her husband. So please, let us talk privately." Pamimilit rin ni Jaden.

Hindi maiwasan ni Lorde na matawa ng pagak, kalaunan ay napasimangot na napatingin kay Aria.

"Lorde, please umalis ka na muna." Pinipigilan ni Aria ang tawang nais kumawala. Sa itsura ni Lorde na talong-talo at hindi maipinta ang mukha.

Umiling si Lorde pero.wala.ring nagawa kundi ang umalis.

Sa loob naman ay sermon ang inabot ni Aria kay Jaden.

"See what's happening Aria? Please pag-isipan mo ang unang option"

Umiling si Aria.

"I'm not going to abort my baby Jaden."

Napabuntong hininga ang doctor sa katigasan ng ulo ng babaeng nasa harap.

"Malaki ang risk factor na lalong manghina ang puso mo dahil sa pagbubuntis na ito Aria. Isipin mo nalang si LJ. Nandiyan na siya, why risk your sa isa pa?"

Napabuntong hininga si Aria na inabot ang kamay ng kaibigan.

"Ayokong pumatay ng walang kamuwang muwang na bata Jaden. Isa pa, I can do this. Hindi ko ito ikamamatay."

"Hindi ikamamatay? Eh yang pagpapabuntis mo na nga lang sa iisang lalaki, para ka na rin nagpakamatay!" Nagpupuyos sa galit na saad ni Jaden.

"Alam na ba niya?" Muling tanong ni Jaden.

"Na mamamatay ako?" Pagbibiro ni Aria na ikinailing ni Jaden.

"Baliw! that you're  pregnant!"

Umiling siya. Hawak pa rin ang kamay ng kaibigan. Iyon ang naabutang eksena ni Lorde nang bigla-bigla itong pumasok. Matiibg tumitig kay Aria. Nagmadali siyang mapuntahan ito nang makausap ang doktor na pinaalis kanina.

"Hindi ko sinabi. But I think he knew already," hinalikan ni Jaden si Aria sa pisngi bago umalis.

Nakangisi si Jaden nang makita ang gulat na mukha ni Lorde dahil sa paghalik niya sa pisngi ni Aria.

"See you around, my love!"

Nang wala na ang doktor. Parehong pinapakiramdaman ni Lorde at Aria ang isa't isa.  Kanina pa sila walang imikan.

"May sasabihin ka ba sa akin?" Hindi nakatiis na tanong ni Lorde.

Nanatiling tahimik si Aria. Pero naalarma nang palapit  na sa kanya ang binata. Magtatalukbong sana siya nang mapigilan siya nito at hinila payakap.

"Wala ka nang dahilan pa para hindi sumama sa akin. Ngayong buntis ka sa pangalawa natin, sasama kayo sa akin."

Nakagat ni Aria ang labi.

"Hindi naman kita inoobliga para panagutan ito..."

Inilayo niya ang dalaga sa katawan at siniil ng halik sa labi. Kanina pa niya gustong patigilin ito sa pagsalungat sa mga sinasabi niya.

Iniwan niya ang labi nito pero hindi niya inilayo ang kanyang mukha kay Aria.

"Sa ayaw mo man o gusto,  uuwi kayo sa akin. Bukas na bukas, ba-biyahe tayo pa Maynila."

"Hindi pwed....."

Muli niyang pinatigil si Aria sa pamamagitan ng nagbabagang halik.
Halos mapugto ang hininga ni Aria dahil sa halik na iyon.

Nakalimutan niya tuloy ang pagtanggi. Dahil sa pangalawang halik ay tinugon niya ang iyon.

Tama si Jaden, nagpapakamatay nga yata siya . Hindi niya pinoprotektahan ang kanyang puso.

One more kiss and she became a willing victim.

Victim of love.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top