lies of love 1

Mabilis ang pagpapatakbo niya ng kanyang sasakyan. Halos liparin niya ang Edsa at banggain ang mga sasakyang kasunod. Kailangan niyang makarating agad sa hospital.

"Please Lord, protect my wife and my baby. Please don't take them away from me. Let them live," taimtim niyang panalangin habang habol.ang hininga dahil sa matinding kaba.

Kanina lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina. Dinala raw sa hospital ang kanyang asawa dahil sa paninikip ng dibdib. Pitong buwan itong buntis sa magiging panganay nila.

Agad siyang nagmadali para puntahan ang mag-ina niya. Iniwan kahit ang pinakaimportanteng meeting niya. Mas importante sa kanya ang kanyang asawa. Kung pamimiliin siya, asawa niya o ang kanilang 'di pa naisisilang na sanggol. Pipiliin niya ang kanyang asawa. Alam niyang hindi madali para sa kanila pero mas mararapatin niyang ang kanyang asawa ang buhay kaysa ang sanggol na hindi pa nasisilayan ang mundong kanilang ginagalawan. Tinapat na rin naman siya ng doctor. Fifty-fifty ang chance na mabuhay ang anak nila ni Avia.

He always choose his wife over everything. He may sound so selfish, pero iyon ang totoo.

Kaya nga wala siyang nagawa noong nagpumilit si Avia na magbuntis at magkaanak sila. Kasiyahan nito ang pagkakaroon daw nila ng anak kahit pa mahina ang puso nito. Ayaw man niya, pumayag siya dahil pinipili niya ang kasiyahan ng kanyang asawa. Na labis niyang pinagsisisihan ngayon. Halos araw-araw siyang natatakot sa kalagayan nito.

The couple of months was very fine. Pero sa pangpitong buwan ni Avia ay nanghina ang katawan nito at pumayat.

He suggested to take an early ceasarian. I-incubator na lang ang baby para sa kulang na buwan.
Pero matigas ang ulo ng kanyang asawa. Mas gusto nitong hintayin ang talagang paglabas ng baby nila.

Nang makarating sa hospital. Gaya ng sasakyan ay halos liparin na rin niya ang pagitan ng entrance at ICU.

Yes! Avia is now fighting for her life.
Tears fill his eyes upon seeing his wife. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya nang makita itong may mga nakakabit na tubo sa katawan. Nakaupo siya habang hawak-hawak ang kamay ng asawa. Napahagulgol siya at halos hindi kayang makita ang asawa sa ganoong kalagayan.

Makalipas ang isang linggo,.ganoon pa rin ang sitwasyon ni Avia. Hindi pa.ri  ito nagigising. Na-ceasarian na rin ito, ngunit hindi rin maganda ang lagay ng kanilang anak. When Avia's heart stop beating for a moment, naapektuhan ang bata.

"Please survive honey, come back to me, to us. Hindi ko.kakayaning nawala sa akin. Mahal na maha kita, Avia," pagsusumamo niya araw-araw.

Halos nagbago na siya. Tumubo na ang kanyang balbas at pumayat siya. Hindi niya maalagaan ang kanyang sarili dahil mas inuuna niya ang kanyang mag-ina. Hindi na nga siya umuwi sa kanilang bahay. Gusto niyang nakabantay lang kay Avia.
Lagi siyang taimtim na nagdarasal. Lagi niya ring kinakausap si Avia na hindi pa rin bumubuti ang lagay.

He was about to fall sleep nang pumasok ang doctor sa kanilang private room.

"I'm sorry, Mr Yap. Your baby didn't make it,"  malungkot na deklarasyon ng doctor sa kanya.

He was on shock that he didn't even shed a tear upon hearing the sad news. Napaupo lamang siya sa tabi ng asawa. Siya namang pagdating ng kanyang ama at ina.They were totally broken.Walang humpay ang pag-iyak ng kanyang ina.

Mabilis lang ang burol na ginawa nila sa kanilang anak. Ayaw man niyang iwanan si Avia. Naglaan siya ng isang araw para sa kanilang unica hija.

Ngayon ay wala siyang humpay na hamagagulgol habang hawak ang kamay ng kanyang asawa na nakaratay. Mag-iisang buwan na itong comatose. Wala pa ring pagbabago, walang magandang balita sa kalagayan nito.

"Hon, I'm sorry. I tried my best to keep our baby. I tried everything, but it was not enough. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Please wake up now. I need you here. I need your hug and kisses. I want to see your smile. I want to hear your voice badly," pakiusap niya sa nakaratay na asawa. Patuloy ang pag-iyak.

Iyon bang halos wala ng iniikutan ang kanyang mundo. Nawawalan siya ng ganang mabuhay. He was so weak.
And those weaknesses is all because of Avia.

Patuloy ang kanyang pag-iyak nang maramdaman niya ang mumunting pagpisil sa kanyang mga kamay.

Nabuhayan siya ng loob ng makitang gumalaw ang mga daliri ng kanyang asawa. Sa kasiyahan niya'y nakalimutan niyang magtawag ng nurse at doctor. He just hug his wife as she open her eyes.

Miracles happen!

Hindi halos makapaniwala ang lahat kahit ang mga doctor nang magising si Avia. She's still weak but her vital signs became stable. Kaya naman tinanggal nila ang mga tubong nakalagay sa katawan nito.

Isang araw habang nasa kuwarto sila nito sa hospital. Nakatitig lang ang kanyang asawa sa kanya.

"What is that look, honey?" tanong niya ngunit umiling kamang itong may ngiti sa labi.

"You look different hon, with your beard and mustache," sagot nito. Napahimas tuloy siya sa tumubong bigote. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naaasikaso ang sarili. Napakamot siya ng ulo, napakarumi pala ng kanyang itsura.

Ginagap ni Avia ang kanyang palad.

"Gusto kong makita si baby." Napatda siya sa kahilingan nito. Halos hindi makaimik ng ilang saglit. Naiiwas niya ang tingin dito.

"H-hindi pa puwede, hon. Naka-incubator pa si baby kaya hindi namin madala sa 'yo. Pagaling ka muna at magpalakas. Tayo ang bibisita kay baby kapag lumakas ka na." Pinisil niya ang hawak na kamay ng asawa. Hindi niya maatim.ang magsinungaling dito pero mas nakakabuti na iyon. Baka biglang humina na naman ang puso nito. Pinilit niyang ngumiti.

"Alam mo, magkamukha kayo. Pareho kayong maganda. She got your eyes and lips. She got my nose... "

He stop. Gumaralgal na kasi ang kanyang boses at ayaw niyang makahalata ito.

"Hmmm." Malambing nitong hinaplos ang kanyang braso.

"It will be a surprise. Ayaw ko ng I-describe. Magpalakas ka muna," saad niya at hi alikan ito sa noo.

Tumitig ito sa kanya. Titig na para bang binabasa siya sa kanyang kaloob looban.

"Why?"

"What if I die?"

Napamulagat siyang napatingin dito.
Gusto niyang sabihin na ayaw niya ang tanong nito. Ayaw niya kahit biro lamang iyon. Umiling siya. Ayaw niya iyong sagutin.

"Come on babe. Answer me. What if I die? I know you're  going to be sad. But after that, are you going to re-marry and create another family?" pagpupumilit nito sa kanya.

"No. When you die, I'll die with you. My heart will never beat again. I'll wait for the time that I will be with you again. This is how I love you. I love you Avia."

"I love you too, Lorde. I will always will."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top