3.4 | Hina: Spirit of the Moon

Reminders:

↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.

↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.

↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.

↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.

ー ♡ฅ^•ﻌ•^ฅ♡ ー

“ Hina: Spirit of the Moon ”
written by Jessicalangpo


i. Book Cover

The cover is really nice and very suitable sa story. I like the image. Ang lakas ng dating nito. Very magical ang vibes. The only problem I could see is the text. Sa title, yung "Hina" lang ang nakikita ko at masyadong maliit at hindi nabigyan ng pansin yung "Spirit of the Moon." It's too small na. Same goes to your username. Hindi ko alam kung nasaan yung pen name mo. Take consideration natin yung size, font style and yung color. But other than that, it's great.

ii. Story Title

Maganda ang title. That "Spirit of the Moon" is really catchy. The way you form the title in general is really great. Iyong tipong ilalagay mo yung pangalan ng bida then yung role niya o significance niya sa kwento. Nakakakuha ng atensyon yung mga ganitong tipo ng title. Wala naman akong problema dito. It's unique, intriguing and also connected to the story or plot.

iii. Story Description

Poem ba yung description mo? Kasi written and read as a poem siya, hindi ko i-cocorrect yung mga mali when it comes sa capitalization. You can use "poetic license" kasi wherein pwede kang magviolate ng rule sa grammar and such basta alam mo kung ano yung mali mo. So, hindi ko papakialaman ang mga technicalities dito except for one : O magiging makasarili at hahayaan niyang ang liwanag tuwing gabi?


Let's talk about the content. Nakakaintriga ang ginawa mong description. Inilagay mo yung mga detalye na sigurado kang makakakuha ng atensyon. Also, you expressed it in a fancy and unique way. Madali din siyang intindihin at hindi nag-iba ang direksyon.

If I have to make a change, siguro yung last sentence ng unang part. Sobrang nakakagulat kasi yung entrada ng "Siya na kaya ang espirito ng buwan?" Masyado siyang revealing at parang sinira mo ang excitement. Pwede mo namang irephrase 'yon into: "Purong kagustuhan nga lang ba ito o may iba pang malalim na dahilan?" Don't reveal much. Make your readers wonder.

Other than that, you did an impressive job!

iv. Prologue

Your "prologue" is not a prologue. Ang prologue kasi ay naglalaman ng eksena na nangyari bago ang tunay na umpisa ng kwento. Bakit ba nagsimula yung kwento? Anong nangyari bakit nabuo yung kwento? In your case, pwedeng flashback noong bata pa siya or yung happenings sa mundo ng Buwan. Ipakita mo doon na nagugulo na sila o kaya nag-uutos yung hari na hanapin yung Espirito ng Buwan — scenes like that. Basta before the real start of the story.

Your prologue is more like a "teaser." Para itong sneak peak ng mangyayari sa buhay ng bida o yung part ng climax. Since nandito na 'to, kahit wala ng prologue. Just change the title into teaser in respect sa definition ng prologue (lol).

So talking about your teaser, magaling. Nakakaexcite siya hahaha! It builds excitement to the readers. You can keep it that way and huwag na magdagdag pa ng prologue since your teaser is already a good start. Pampa-back story lang yung prologue.

v. Characterization

Walang seryosong problema dito. I love their personalities. Nagco-compliment kasi yung mga ugali nila. Also, they are consistent lalong lalo na si Tarâ. Maganda yung ibinigay mong personality sa kaniya especially the way he talks. Sobrang nakakaentertain. Siguro ang kulang lang dito ay yung existence ng Fantasy. Well, first 5 lang naman ang binasa ko at mayroon naman isa doon. I just expected more para sana mas maging kapani-paniwala si Tarâ at pati na rin yung readers.

vi. Writing Style

In general, napakadescriptive mo. I can see the potential. Lawakan lang natin yung vocabulary natin. You can do it by reading and reading. Marami kang matututunan na mga descriptive words doon.


Punta tayo sa narration. There are paragraphs na napakahaba. Please cut them. Hindi healthy ang mga ganito dahil paniguradong mababagot ang nagbabasa. Try to balance each paragraphs. Three to four sentences will do pero kung mahahabang sentences, kahit dalawa lang.

Hindi lang din yung number ng sentences ang tinitignan sa pagka-cut ng paragraphs. I-consider din natin yung change ng topic or subject. Kapag iba na ang pinag-uusapan, i-next paragraph na natin. Organize lang natin yung thoughts natin. Pagsama-samahin yung mga umiikot sa isang bagay.

Next is the transition. If nasa middle ka ng chapter at biglang nagfast forward, basta nagshift ang scene, make sure na may indicators tayo. You can bold the first word, put borders (lines) and such. May part kasi na nag-iba bigla yung scene at walang notice. Baka malito tsaka maligaw yung mga readers.

Corrections

- May mga minimal errors sa mga words in English. Sa first chapter lang ata 'yon. Medyo weird din yung narration mo na may halong English. It doesn't sound right (for me). I prefer yung more Filipino. Nakakaiba kasi ng feeling yung biglaang pag-English.

> Gusto kong mabuhay mag-isa and I succeed (succeeded).

> Paminsan-minsan ay umuuwi ako but almost (most) of the time ay dito lang ako.

- Put a dash in between the root word and the prefix if and only if the root word starts in vowel. Basta opposite ang end ng prefix at ng start ng root word.

> Mag-isa
> Nag-aaral
> Pag-aayos
> Pag-uwi
> Nag-abala

- No dash is needed kapag ang end ng prefix at umpisa ng root word ay pareho (consonant - consonant/ vowel - vowel).

> Magtrabaho (mag + trabaho)
> Umuuwi (um + u + uwi)
> Magkapatid
> Napagdesisyonan
> Nagtungo
> Panloob

- Put dash in between words na nag-uulit.

> Araw-araw
> Ano-ano
> Sino-sino
> Pagkalaki-laki (not kalaki-laki)

- Wastong paggamit ng 'nang.' Sa English, 'nang' is 'when.' Another thing is kapag sinasagot ang tanong na paano, use 'nang' at hindi 'ng.'

> Tinignan niya ako nang masama. (Paano ka niya tinignan?)

> Aalis na ako nang tawagin niya ako. (I was about to leave when he called me)

Just be patient. Medyo nakalito 'to but you'll get use to it soon. Basta reread lang before publishing para narerecheck mo.

- Minimal errors sa capitalization ng mga names (Hina & Tessa) and kinship term (Pa/ papa). Basta kapag ang kinship term ay tumutukoy sa iisang tao lang, capitalize ito unless maraming pa/ papa si Hina.

- When it comes sa dialogue tag, may isang rule ka lang na nakita kong namamali. It is when the dialogue ends in '!' or '?.' Automatic na small letters ang tag nito at walang punctuation na mapapalitan.

> "Hello!" bati ko.
> "Hello?" tanong ko.

- May mga typographical errors din.

> soot, sinoot, nakasoot - suot, sinuot, nakasuot
> iglip, umiglip - idlip, umidlip
> papatawadin - papatawarin
> likodan - likuran
> miske - kahit (more formal)

> Espiritu - Espirito (I think this should be capitalized. Specific name kasi siya for Hina.)

- If you want to be formal / dagdag kaalaman lang din:

> wag - 'wag / huwag
> di - 'di / hindi
> onti - kaunti
> tas - tapos
> kelan - kailan
> asan - nasaan
> meron - mayroon
> kesa - kaysa
> andito - nandito
> andoon - nadoon

If you want to know more about writing, you can check my other book 'Be Aware.'

vii. Final Thoughts

Ayos ang kwento. Nandoon yung pagka-unique niya. Polish lang tayo sa ibang parts especially sa writing style. Mahirap baguhin 'to pero just keep in trying. Reread before publishing and you know you'll learning when you can spot your errors.

ー ♡ฅ^•ﻌ•^ฅ♡ ー

Hello! Thank you so much for trusting me. Pasensya na kung may pakasabog ang critic ko pero sana may nakuha ka naman. Never lose your passion in writing and congrats nga pala for completing Hina! Godbless you and more stories to come!

Note: Hope you'll not forget the remaining payments.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top