3.3 | Soul Connection

Reminders:

↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.

↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.

↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.

↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.

ー ♡ฅ^•ﻌ•^ฅ♡ ー

“ Soul Connection ”
written by kathejye


i. Book Cover

The cover is not relevant to the story. I can't see the connection of the image sa story. Para sa akin ay madumi ito lalo na yung dark part sa taas. Try looking for a much simpler image. Kahit babae lang na mukhang naliligaw or a couple will do.

Ayos naman ang text. It is big enough to read. But the color! Very out of place ang color nila. Make sure na kino-compliment ng image ang color. You can just use colors na evident sa mismong image. Kahit basic colors lang ang gamitin basta visible ito.

ii. Story Title

The title is nice at kita ko naman yung point mo kung bakit ito ang pinili mo. There is just this nagging feeling in me na may pagka-Fantasy ang title. Well, may Fanstasy ba sa kwento? It sounded like those famous anime movies like Your Name or Weathering with You. It's like a Teen-Fiction na may Fanstasy.

Honestly, hindi ito malinaw sa akin at parang ginulo niya yung utak ko noong binasa ko na 'yung kwento. Is it like reincarnation? Past life? Or yung past niya lang talaga tapos nagka-amnesia bigla? I don't know. You know your story more than I am. So ayun, no comment ako dito hahaha! Mapapatanong nalang ako.

iii. Story Description

First of all, magaganda yung mga point na nilagay mo dito sa part na 'to. Inilagay mo yung mga interesting parts. Ang ganda ng bungad mo at naipaikot mo ng maayos yung ideas. Also, suportado nito yung title so nabigyan ng linaw yung ibig sabihin nito.

Now I wonder kung past life ba yung concept or reincarnation. O baka naman magta-time travel siya lol! O baka normal lang na history repeats itself lang. Nakakaintriga kasi yung mga tanong mo dito. It sounded na kung ano yung nangyari sa past, mangyayari ulit sa future o kasalukuyan. Ang daming possibilities and that's a good thing. May nabubuo ng expectations sa mga readers at nagiging eager na sila to know more.

iv. Prologue

Interesting prologue! Tamang tama siya. Prologue na prologue talaga. Wala na akong masabi pa. Ang kailangang ayusin lang sa part na 'to is yung writing style mo. But overall, maganda ang eksenang inilagay mo sa prologue.

v. Characterization

Definitely needs improvement. Hindi masyadong naipakilala yung mga characters. One factor dito is yung point of view. You chose 3rd pov pero I can sense na hindi mo naman forte ang pov na 'to. I suggest na gumamit ng view na komportable ka at alam na alam mo talaga. Very tricky ang 3rd's pov.

Going back sa characters, hindi ko sila masyadong nakilala sa loob ng limang chapters. I wanted you to be more open pero malaking adjustment ang gagawin mo dahil sa type ng pov mo. Just try to show more. Actually, mas alam ko yung school kaysa sa mga characters mismo. Ang dami mong sinabi o inexplain tungkol sa academy pero sa tauhan napakalimited lang. Parang ang labas ay nakafocus sa academy ang kwento.

vi. Writing Style

First of all, widen your vocabulary. Try reading books. Madaming matututunan sa simpleng pagbabasa lang.

Next is about sa point of view. I don't have any problem kung gusto mo talaga ang third person's point of view. Iimprove nalang natin dahil medyo nakakabagot yung narration mo. May mga part din na nalilito na ako kung sino ba yung pino-point out mo.

Kapag naman nagshi-shift from one scene to another, make sure na may notice. May mga part kasi na biglang lumipat yung scene tapos ayon, naligaw na 'ko. Pwede ka namang maglagay ng sign doon na pwedeng mag-indicate na nalipat yung eksena.

Another thing is may mga narration na dire-diretso at walang period. As in comma lang lahat ng punctuation at walang tigil o period. Learn to cut sentences. Kapag new idea or thought na, i-next sentence na.

Working student si Celest o Celest kung tawagin ng kanyang bestfriend. Wala na ang mga magulang niya simula pa noong bata siya. Namatay silang pareho sa isang malagin na trahedyo. Ngayon, silang dalawa nalang ng kapatid niya ang naiwan.

Lastly, yung pag-iitalicize ng mga English words, paki-remove. I can't see the need to italicized those words. Ayos lang naman na mag-insert ng mga English words at saka hindi naman ganoon kapormal yung work mo para gawin yon. Nakakasakit lang sa eyes.

Proper Capitalization

After every punctuation, — period, exclamation point, question mark — nagcacapitalize ang word.

Hoy! Nasaan ka na?

Corrections

> Paulit-ulit
- use dash sa mga nag-uulit-ulit na salita lalo na kapag may prefix na nakadikit dito

> Magsialisan not magsi-alisan
- no need to use dash kung ang ang end ng prefix is same sa start ng root word (vowel - vowel > magsi - alis)

> sa'yo - sa iyo / sayo
> anyare - anong nangyari
> meron - mayroon
> sis' - sis (walang apostrophe)

> nag-iintay - naghihintay

> pagtinignan - kapag tinignan / 'pag tinignan

The e and i in words
> panget - pangit
> pakealam - pakialam
> helera - hilera
> dipende - depende

vii. Final Thoughts

Madami pa akong hindi alam sa kwento kaya pasensya na kung wala akong masyadong masabi. Malabo pa siya sa mind ko at ayokong gumawa ng judgement. Mas alam mo ito kaysa sa akin and besides, ikaw lang din naman ang makakatulong sa sarili mo. There are parts that are lacking pero alam ko naman na mapupuna 'yon in the mere future. Just stay focus and alwasy be open in learning.

ー ♡ฅ^•ﻌ•^ฅ♡ ー

Hello! Medyo nahihiya ako kasi walang kwenta yung critic ko sayo hahaha! Nandito kana since the last batch and I thank you so much for trusting me still up until now. Godbless you and more power!

Note: Sana huwag natin kalimutan yung mga remaining payments.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top