3.1 | This Love is Golden

Reminders:

↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.

↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.

↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.

↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.


ー ♡ ฅ^•ﻌ•^ฅ ♡ ー

“ This Love is Golden ”
written by aryanpel

i. Book Cover

Generally, simple at minimalistic lang ang cover. Hindi ito showy at wala itong masyadong say o nirereveal sa kwento. In contrary, nandoon naman yung dramatic vibes, mainly because of the colors used and the image itself.

Maayos ang placing ng mga text. Para sa akin ay tama lang yung mga sizes. Readable naman. The only thing that bothers me is yung capitalization sa title. "This Love is Golden" — I hope na pati sa cover ay tama ang capitalization lalo na at napakapormal ng mismong loob ng kwento.

ii. Story Title

Wala akong problema sa title mo. I find it interesting. Hindi siya yung mga madalas na nakikita mong title kapag napunta sa Romance section. You made it into another level. Kung tutuusin kasi ay pwede mo namang gawing "Golden Love" yung title pero you make it like a sentence na punong-puno ng interpretation. Mapapaisip ka kung ano ba talaga yung pino-point out ng title. Great job!

iii. Story Description

Wow! You got me in here. Hindi ko inexpect na ganito ka-complicated ang plot. Napakaganda ng pagkakalahad mo nito sa description. Walang labis at walang kulang. Saktong-sakto and the words — they are deep and on point. You played them well.

I'm deeply moved sa description mo. It is full of emotion and it encourages me to read the story lalo na at napaka-intriguing ng mga questions mo sa huli. I'm very impressed.

iv. Prologue

Wala ka nito. Ayos lang naman. But if you want to add one, just think of a scene na nangyari before the actual story. Pwedeng yung kasal or better is yung birth nung twins. You can introduce there yung story like akala ni Dulce na magiging maayos na yung lahat dahil may anak na sila then something happened like Rosalinda called. Things like that.

Other ways of writing a prologue is you put a sneak peak of the climax na magpupush sa mga readers na magbasa pa. It's against the true definition of 'prologue' but it's a great strategy and start.

v. Characterization

What can I say? The characters are amazing. They are consistent. Maganda yung pagkakagawa mo sa kanila. Their flaws made them more realistic.

Malinaw din yung boses ng bawat tauhan. Madali silang makilala. May kanya-kanya silang spotlight. Sa loob ng limang chapters, ang dami ko ng nalaman tungkol sa kanila. Kilalang kilala ko na sila. I can tell which is which lalo na sa anak nila. Keep it up!

vi. Writing Style

Malinis ang gawa mo. Sobrang nakakatuwa kasi walang sagabal sa pagbabasa. Mayroon man pero bilang lang sa daliri. Pati sa Filipino grammar ay perfect ka. Tama ang pagsasagawa ng dialogue tag and even yung 'nang' at 'ng'.

When it comes sa pagnanarate mo sa mga eksena, napakahusay. I can picture every scenes. I can see yung set-up nila as a family. Magaganda kasi yung mga salita na ginagamit mo. You have a wide range of vocabulary sa Filipino. Hindi nakakaumay yung mga words at mas lalong hindi nakakabored basahin dahil tama lang yung haba ng bawat chapters.

Another thing is yung emotion na inilalagay mo. It's very powerful at napapasa talaga sa reader. Sobrang nakakatulong ito kasi na-attach yung reader sa kwento. Nakakakuha ng sympathy yung character at parang kasali na sa kwento yung mismong nagbabasa.

I want to praise you for the great execution of the third person's point of view. Grabe! Ang ganda ng transition. Hindi pabigla-bigla at nakakalito. Medyo mahirap kasi ang paggamit nito kasi malawak pero naggawa mong ilimit yung sarili mo. You chose the right type of 3rd pov. Sobrang namangha talaga ako at minsan lang talaga ako maamaze. Ang galing talaga!

vii. Final Thoughts

Actually, wala naman akong nakitang malaki at seryosong problema sa gawa mo. It's very clean and delicately made. Halatang pinag-isipan nang mabuting yung bawat eksena. Hindi din siya nakaka-bored na basahin na kadalasang problema kapag purong Filipino ang isang kwento. And the plot is unique! Napaka-unpredictable niya at hindi mo talaga alam kung anong mangyayari sa susunod. A big applause for you!

ー ♡ฅ^•ﻌ•^ฅ♡ ー

Hello! Sobrang nag-enjoy ako sa gawa mo. Hindi nakakahiyang irecommend sa mga. Keep writing and may God bless you. Also, stay healthy and safe! ♡

Note: Huwag po sana nating kalimutan yung mga natitirang payments.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top