2.9 | The Mist on the Bridge

Reminders:

↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.

↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.

↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.

↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.

╔═══════════════════════╗

The Mist on the Bridge
written by DarkCelsius

Genre: General Fiction
Language: Filipino-English

╚═══════════════════════╝

i. Book Cover

Very simple and direct to the point. The title is visible and readable. I see that you've put 'written by' above your username. Napakaliit nito at mas mabuting tanggalin nalang.

Next is yung subtitle. I found it irrelevant sa kwento. Punong-puno ng misteryo ang cover mo maging ang kwento tapos ang subtitle mo ay patungkol sa pag-ibig. Medyo tumagilid tayo dito. Make sure na konektado to avoid misleading.

Pwede namang:
Where does this bridge ends?

Other than that, wala na. Ayos lang ang cover. Minimal lang.

ii. Story Title

The title is very intriguing. Ramdam mo na agad na may misteryong bumabalot dito. It's great! Relevant din sa kwento. Naipakita naman talaga ang point. Actually, parang in a form of symbolism din siya. Ang daming possibilities na nabubuo sa mind ko which is a good thing. This just means na nakakakuha ng sapat na atensiyon ang title.

iii. Story Description

Medyo misleading ang description natin. Maayos natin 'to kung dadagdagan natin siya. Maganda ito pero maikli. Wala din ang connection nito sa title. Palagi ko 'tong sinasabi, 'play with the words or to your title.'

Ang tulay na nagdudugtong ng dalawang lugar. Ang tulay na nagkokonekta sa limang magkakaibigan. Ang makapal nitong hamog ay hindi naging hadlang para sila ay magtagpo.

Hanggang saan ka nga ba dadalhin ng tulay? Sa kabilang dulo o sa malalim na ilog sa ilalim nito?

Samahan ang grupo ng kabataa...

With regards sa last sentence, it's either tanggalin mo o maglagay ka ng kadugtong. Kailangan ng supporting details about dito lalo na at medyo lumayo ito sa mismong takbo ng description. The upper paragraph is about the group of friends and yung last naman ay about sa tulay. Ayos lang naman kaso lang wala kang nilagay na pwedeng magconnect sa dalawang idea. Make sure na magkakadugtong ang mga details natin.

iv. Prologue

Interesting introduction! Ang ganda nito. Wala akong masabi. Punong-puno ng emosyon. Dama ko yung hinanakit nung character. Nandoon na lahat. Nabigyan na agad ng linaw yung title. Great job! Konting linis lang when it comes sa mga words.

v. Characterization

I honestly don't know how to describe your characters. Pansin ko kasi na puros emosyon ang lahat ng chapters mo. Walang masyadong narereveal patungkol sa mga tauhan kaya clueless ako. I can't see their personal trait. Para lang silang blurd images sa mind ko and you have to do something about it.

Show me your characters. Ireveal mo sila ng pakonti-konti sa kwento lalo na yung bida. Akala ko nga nung una lalaki siya kasi kulang sa information.

Instead of saying:

Mabilis akong tumakbo habang hawak hawak ang kapirasong papel.

Try doing:

Mabilis akong tumakbo. Ang itim kong buhok na umabot na hanggang beywang ko ay marahang tinatangay ng hangin. Mahigpit din ang hawak ko sa palda ko para hindi ito umangat.

More actions. Isipin mo lang na ikaw yung bida. Tignan mo yung mga detalye. Bigyan mo din ng distinction ang mga characters mo. Sometimes, they sounded all the same. Kung may mannerism ang isa, ipakita natin. Kung mahiyahin siya, iparamdam natin. With this, makikita ang pagkakaiba between characters. Kahit na sabihin natin na marami sila, masasabi ko na, 'Ay! Si Rein 'to!"

Magaganda ang mga characters mo. I love their flaws. Very relatable naman kasi sila at damang dama ko yung pinagdadaanan nila. Konting ayos lang sakanila lalo na sa bida.

vi. Writing Style

→ Dialogues and Narrations

Mayroon akong nakitang problema sa dialogue tag. Bukod sa gamit, pansin ko din na napakadalang mo lang gumamit ng tag. I suggest to put more. Kahit simpleng 'sabi ni Lucas' lang para atleast nalalaman ng mga readers yung nagsalita. May mga parts kasi na tuloy-tuloy ang mga dialogues at hindi na nalalaman kung sino ba yung nagsalita.

Heto yung mga basic rules sa dialogue tag:

"Hello," bati niya. → if the dialogue ends in period, change it into comma then attach the tag (small letters).

"Hello!/?" bati niya. → kung ang dialogue nagtatapos sa '?' o '!', no need to change at idugtong na agad ang tag.

Please do check my other book 'Be Aware' for more details (if you're interested in knowing more).

Going sa narration, maganda ang writing style mo. Full of emotion. Naideliver mo ng maayos yung emosyon na kailangan pero nagkukulangan sa action. You need to show more. Dapat maimagine ng mga readers yung eksena. I guess nagfocus ka masyado sa emotion kaya naset aside yung action. Try to balance them. Organize mo lang yung mga thoughts mo.

→ Language

First, create a great harmony between the two languages that you are using. Ayusin natin ang pagta-TagLish. Ang weird ng pure Filipino tapos may naligaw na isang word na English.

Second, spelled out as words ang mga numbers from 1-10. Kapag higher, doon ka na gumamit ng numbers.

Third, take note of these:
• sa'min - sa amin (two words)
• sa'kin - sa akin (two words)
• kesa - kaysa
• wag - huwag / 'wag
• di - hindi / 'di

Fourth, insert a dash inbetween the prefix (panlapi) and the rootword (salitang ugat) lalo na kung ang rootword ay nagsisimula sa vowel at ang prefix ay nagtatapos sa consonant.

→ consonant-vowel
• nag-aral
• pag-akyat
• pag-asa
• mag-isip
• nag-iisa
• nag-uusap

Lastly, tamang paggamit ng 'nang' at 'ng.'

→ When is the English translation of 'nang.'
• nang tumingin siya - when she look.

→ 'Nang' kapag sinasagot ang tanong na paano.
• Tinignan niya ako nang masama. Paano ka tinignan? Masama.

→ If none of those rules applied, then use 'ng' which is 'of' in English.

Mayroon ding iilang typographical erros. I suggest na reread lang before publishing para nababawasan yung mga mali.

→ Grammar

Walang problema dito. Majority of the narration is in Filipino naman kaya madali lang para sa 'yo 'yon. Keep it up!

♡ ฅ^•ﻌ•^ฅ ♡

Hello po! Thank you so much for trusting me. Pasensya na din kung ngayon ko lang nagawa 'to. Sana may naitulong ako sayo. God bless you and never stop writing!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top