2.7 | The Black Card
Reminders:
↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.
↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.
↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.
↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.
╔═══════════════════════╗
The Black Card
written by kathejye
Genre: Mystery
Language: Filipino-English
╚═══════════════════════╝
i. Book Cover
So ito yung new book cover mo. Mas akma siya sa kwento kaysa doon sa nauna. Doon kasi sa nauna, akala ko action yung kwento dahil na din sa presence ng baril while dito naman sa bago, mas binigyan mo ng emphasis yung city or yung setting. Ayos naman ang text pwera nalang sa username mo. Pwedeng ibaba natin siya and masyadong malaki ang spacing between letters. Kahit simpling font lang din ang gamitin basta ba visible at nababasa ito.
ii. Story Title
Dito ako meydo nag-aalinlangan. The title is good kung titignan. Nandoon yung pa-mystery feels. Alam mo agad na may kakaiba sa kwento pero as I read the book, medyo hindi ko nakuha yung connection. Sa book cover palang, kitang-kita na. The title of the book is 'The Black Card' pero ang name ng series is 'A Mystery City.' Tapos ang inemphasis mo pa sa cover is yung city mismo so medyo na-a-out-of-place yung title. Parang naligaw siya.
I'm not sure sa connection sa mismong kwento dahil hanggang chapter five lang ang binasa ko. Ang naiisip ko ay may similarities ito sa kwento ni Sherlock Holmes. Maybe may 'Moriarity' sa kwento mo and nasa form ng symbolism yung 'black card.' Anyway, make sure na mabigyan mo ng justice yung title mo.
iii. Story Description
The description doesn't support the title. I can't see the 'black card' in here. I think kulang. Medyo dama ko naman yung sense ng 'black card.' It is just that hindi enough yung description para ipasok yung title. Play with the words lang. Paglaruan natin sila tulad nito.
Working hard to know who is behind that black card, Detective E met a girl that bought happiness on him. Until one day, unexpected things started to happen.
He got the ace on his hand but is it enough win the game?
(Pasensya sya. Lumulutang yung utak ko.)
When it comes sa content naman, maayos. You introduced the main character and a sneak peak of the conflict. Nandoon yung excitement. Nabuild na agad 'yon.
iv. Prologue
The prologue is too short. Hindi ko masyadong nakuha yung eksena dahil sobrang ikli. Medyo disturbing din yung format. I would love to see this in narrative form sana. Also, may mali din when it comes sa capitalization.
Maganda yung eksena. It is about the character at malaki yung role niya sa kwento. You could still keep the mystery naman kahit naka-narrative form. Pwedeng hindi mo ireveal yung nagsasalita o yung batang lalaki. Just narrate it like how a child would narrate. I think mas maganda 'yon. Parang tunog fairytale kasi siya. Nandoon yung vibes ng 'Once upon a time.'
v. Characterization
So all in all, mayroon tayong apat na detectives. Napakawitty ng idea mo na tawagin sila by their name's first letter. Mas madaling matandaan. Ngayon, isa-isahin natin sila.
First, yung main character of si Detective E. Nasa kaniya palagi yung point of view and one more thing is that he is a boy. Medyo tricky ang pagnanarrate ng thoughts ng isang guy. Very secretive kasi sila. When it comes kay Detective E naman, I found him plain. Hindi ko makita yung personality niya. Napakadry at boring nya (for me). I want to see more from him. Gusto kong makita yung personality niya o kahit yung kung paano siya mag-isip.
Second naman ay si Simoun. Wala akong problema dito. Kitang-kita at feel na feel ko yung attitude niya. Mas dama ko siya kaysa kay Detective E. Mas naiimagine ko siya and I hope pati si Detective E ay magawa ko ding maimagine.
Wala masyadong appearance si Detective H. Sana isali mo sya sa mga eksena. Ito yung medyo challenging kapag madami ang characters. Dapat balance ang lahat lalo na yung sayo kasi detectives sila and obviously, sabay-sabay silang maglulutas ng kaso. Hindi pwedeng tahimik lang yung isa. Kung tahimik man siya, dapat dama parin namin yung presence niya sa eksena.
Mayroon lang akong isang problema kay Detective V. Sa unang appearance niya, full English siya nagsalita tapos sa mga sumunod na eksena, purong Filipino naman. Make sure na consistent siya. Pwede naman siyang may Filipino kaso imix mo ng English. Masisira kasi yung impression na nabuo about sa kaniya.
Si Alice pala! Walang problema sa kaniya. Feel ko yung pagkamisteryoso niya. Magaling!
Overall, konting polish lang sa kanila. Magaganda yung mga attitudes nila actually. Balance lang. Kinocompliment nung isa yung ugali ng isa.
vi. Writing Style
→ Dialogues and Narration
Sa kabuuan, your writing style is inconsistent. Mayroong mga parts na mali ang gamit sa dialogue tag at mayroon din na ayos. Konting ayos at linis lang. You can check my other book 'Be Aware.' It's a writing guide.
Proper capitalization tayo sa mga dialogues. Basta after period, question mark and exclamation mark, capitalize na ang next word. Also, learn to cut the lines. Gumamit din tayo ng period sa dialogue at huwag ituloy-tuloy.
Maayos ang narration except the fact na masyadong mahahaba yung bawat paragraphs at tuloy-tuloy. Same sa dialogues, learn to use periods. Take a look at the example below.
Habang nakatayo ako sa harap ng salamin, iniisip ko ang mga bagay na pwedeng mangyari ngayon. Sa trabaho kong ito, maraming pwedeng mangyari. Isa akong detective sa lugar namin, ang City of Fernia.
Hindi pwedeng comma lang tayo palagi. Try to read it loud. Makakatulong 'yon na mapoint out mo yung mga full stop o kung saan ilalagay ang period.
Actually, napakadescriptive ng writing style. Kulang lang sa linis at ayos.
→ Language
May mga iilang typographical errors. Hindi pwedeng hindi ko ipoint out yung mga 'to lalo na at majority ng narration ay nasa Filipino.
Andyan - nandiyan / nand'yan
Intay - hintay
Meron - mayroon
Kesa - kaysa
Wag - huwag / 'wag
Next naman ay yung paggamit ng dash between the prefix and the rootword. Kapag ang rootword ay nagsta-start sa vowel (a,e,i,o,u), use dash para maconnect ito sa prefix.
- pang-aasar
- mag-isip, pag-iisip
- nag-aya
Kapag naman yung rootword ay nagsta-start sa consonant, connected ang prefix at hindi nakahiwalay.
- naghihintay
- pagtataka
- magtanong
Reread lang tayo before publishing para atleast nababawasan yung mga errors.
→ Grammar
Walang seryosong problema dito since nasa Filipino nga ang kwento. Basta reread lang tayo. Medyo nakakapagod 'yon pero laban lang hahaha!
♡ ฅ^•ﻌ•^ฅ ♡
Hello, Kath! Pasensya na kung natagalan ito. Sana may naitulong ako kahit papaano. Nakita ko din pala na inunpublish mo yung story pero nabalik na din ata. Akala ko anong nangyari hahaha! Just continue writing!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top