2.6 | The First Point of Aries
Reminders:
↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.
↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.
↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.
↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.
╔═══════════════════════╗
The First Point of Aries
written by TentenDC
Genre: Romance
Language: Filipino-English
╚═══════════════════════╝
i. Book Cover
Maganda ang cover. Simple lang at binigyan ng emphasis yung mismong title. Malinaw ang mga text. The image itself is also great. Hindi masakit sa mata yung mga colors. Very warm and welcoming.
ii. Story Title
Napaka-unique at catchy ng title mo. Ang sosyal banggitin. Tunog YA Novel ang title hahaha! It's also enough to form questions in one's mind. Nakakacurious. What do you mean by Aries? Yung constellation, yung zodiac sign or it's a name? You see, malawak ang coverage ng title and that's good. Mapapatanong talaga yung mga makakaencounter nito. Great job!
iii. Story Description
Maganda din ang description mo. Dito, nasagot yung mga questions sa title. Nilinaw mo kung ano nga ba yung 'Aries' na 'yon. Ipinakilala mo yung mga main characters at nagbigay ng pahapyaw about sa conflict. Even yung kung ano ang relationship nila, ipinakita mo. In shott, malaman ang description. Kumpleto ang mga impormasyon pero not to the point na na-spoil ang kwento. Kulang lang siya sa linis.
Si Ariestotle Clavio ay ang pangalawang anak ng mga Le Bris.
→ Remove the comma unless mayroon pang kasunod 'yang sentence na 'yan katulad nito.
Si Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris, ay isang mabait at palakaibigang bata.
→ Use a comma to add extra information about the subject.
→ Tanggalin natin yung 'katulad man siya ng bunsong kapatid.' I don't think necessary ang information na 'to. Pwede namang sa sabihin mo nalang ito sa kwento. Ideretso mo na agad doon sa 'ngunit may pader itong binuo sa kaniyang paligid.'
Sa paglipas ng panahon ay mas lumalim pa ang kaniyang pagkahulog.
→ One word lang ang 'paglipas' at no need to add comma. If you insist, then remove the 'ay.'
→ I also suggest na i-next paragraph yung dalawang questions sa huli. Nakakaoverwhelm masyado kapag iisang paragraph lang ang description. Para din may partition at maemphasize yung mga questions.
iv. Prologue
Sa totoo lang, hindi ko gets ang simula mo. Kuha ko yung part na nagkalabuan na yung relationship ng mga bida pero yung sa unang part na about sa family, hindi ko nakuha. Hindi masyadong malinaw ang pagkakaexplain. Isang factor na din siguro ay yung mga typographical erros. Make sure na malinaw ang simula natin. Explain things.
Maganda ang simula pero kailangan ng ayos. Nandoon na yung emosyon. Linawin lang natin.
v. Characterization
No problem with this one. Ramdam ko talaga na bata palang yung mga bida. The way their mind works and how they act on things, very appropriate sa age nila. They are young and you've clearly showed it. Napakarealistic nila and at the same time, relatable din lalong-lalo na yung mga kulitan nila.
Consistent din ang mga ito. I love the innocence of Tisha. Ang gandang compliment sa medyo seryosong pag-uugali ni Aries. Speaking of Aries, napakaplain ng pag-iisip niya. Hindi masyadong litaw ang personality niya sa point of view niya. Hindi ko masabi kung seryoso ba siyang tao o makulit. Bata palang naman siya so ayos na medyo open siya kapag nasa kaniya yung point of view.
vi. Writing Style
→ Dialogues and Narration
Dialogues are realistic kahit na sabihin nating napakapormal nila. I saw some errors when it comes sa dialogue tag. Sa tingin ko ay alam mo naman yung mga rules dito kasi tama naman yung mga iba. Ayusin natin yung mga 'to. Capitalization din after ng period, huwag kakalimutan.
When it comes sa narration, kulang sa linis. Maraming typos at yung iba ay nakakasira sa takbo ng kwento. Also, kulang tayo sa 'show' lalong lalo na sa mga expression ng mga characters. Don't just say 'mariing sabi niya.' Show us how firmly he talked. Hindi naman kasi kailangan na bawat dialogue tag ay may mga averbs (natatawa, mariin, nagtataka). Kahit simpleng 'sabi niya' lang ang gamitin mo tapos sundan mo ng narration about sa faces nila. Napansin ko kasi na ang daming 'mariin' kapag si Aries ang nagsasalita. Show us, readers, and not just tell.
Maganda naman ang narration. Pormal siya pero hindi nakakaboring basahin. Masyado lang madaming errors. I suggest na re-read tayo before posting the chapter para atleast nababawasan yung mga 'yon.
→ Language
Didiretso na ako sa mga typos. Hindi pwedeng palampasin ang mga ito lalo na at pormal nga ang kwento.
'i' and not 'e'
saken - sakin / sa akin / sa 'kin
namen - namin
kame - kami
madame - madami
shortcuts (use apostrophe)
sya - siya / s'ya
nya - niya / n'ya
to - ito / 'to
yon - iyon / 'yon
wag - huwag / 'wag
sa'kin - sa akin / sakin / sa 'kin (two words)
Other Typos
andyan, anjan - nandiyan / nand'yan
andito - nandito
jan - diyan / d'yan
mejo - medyo
sempre - syempre
muka - mukha
kaylan - kailan
kaylangan - kailangan
atska - at saka / atsaka
Use dash kapag nag-uulit ang salita
- pakagat-kagat
- pasayaw-sayaw
- tumalon-talon
- unti-unting
Magkadugtong ang panlapi (prefix) sa salitang ugat (rootword)
- pagkakataon
- magkagalit
- pagmamaktol
- maglaro
- nagtayo
- paglaki
Use dash kung ang rootword ay nag-uumpisa sa vowel
- nag-aabang
- pag-aalinlangan
- nag-aaral
- nag-umpisa
Capitalization of proper nouns and kinship terms
- Peechy (proper noun)
Automatic na capitalize ang kinship term o mga katawagan (kuya, tita, ma'am, senyorita) kapag nasusundan ng isang pangalan.
- Kuya Primo
- Tita Valencia
Another thing is that kapag yung term ay nasa dialogue, automatic na capitalize din 'yon. Basta kapag ang term na 'yon ay nagtuturo sa iisang tao lang.
- "Thank you, Daddy!"
- "Kamusta po, Senyorito."
- "Ayos lang po, Tita."
→ Grammar
Nasa Filipino naman ang kwento kaya walang problema dito. Nasa mga words lang ang problema. Basta reread lang bago ipublish.
♡ ฅ^•ﻌ•^ฅ ♡
Hello, Ten! Pasensya na kung ngayon ko lang naibigay itong critique. Anyways! Thank you so much for trusting me. Sana may naitulong ako sa 'yo. God bless you and don't get tired writing stories!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top