2.2 | My Spirit Man

Reminders:

↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.

↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.

↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.

↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.

╔═══════════════════════╗

My Spirit Man
written by painism

Genre: Paranormal/ Rom-Com
Language: Filipino-English

╚═══════════════════════╝

i. Book Cover

Nandoon yung thrilling vibe sa cover mo. The image and the color scheme is great. Well-blended yung mga elements at lumilitaw na natural yung kabuuan ng cover. One thing that I notice is hindi ganoon kavisible ang text. Ayos ang font pero hindi masyadong kita lalong lalo na yung 'man.' Ang nababasa ko lang ay 'My Spirit' at hindi pa ganoon kalinaw 'yon. Probably natabunan ng maraming effects or layers yung text kaya hindi na kita. Please, make sure na visible ang title.

Another thing is yung username mo. It is too small. I can't even read it. No offense pero mas kita pa ang watermark ng editor kaysa sa writer. Sa text lang naman ang problema. Nandoon na yung feeling eh.

ii. Story Title

Personally, I think na yung title is kinda weak. Hindi ko masyadong maramdaman na Paranormal ang genre ng gawa mo. It sounded more like a Teen-Fiction story to me. Napakagaan niya. Siguro dahil sa word na 'my.' I want something more darker and bolder. Serious kasi ang takbo ng kwento mo. Pero kung pag-uusapan yung relevance nya sa kwento, ayos naman. Not misleading but sounds weak for me.

iii. Story Description

Kakaiba yung description mo. It's my first time encountering a description na nag-uumpisa sa 'Hi!' I found it unique. Simple lang siya pero nakakaintriga. Saktong-sakto din yung mga impormasyon na ibinigay mo. You put the points that could get the attention of the readers. Maikli lang pero malaman. Naipakilala mo na kaagad yung bida at nang dahil dito ay hindi mahirap para sa mga readers na sumunod sa kwento kasi alam na nila yung sitwasyon. Very interesting description.

iv. Prologue

First of all, masyadong mahaba ang prologue. Ayos lang naman 'yon ang kaso lang, nasobrahan yung sa'yo. Mayroong dalawang scenes sa prologue mo. Yung una is yung paghuhukay and yung next is inintroduce mo na agad yung lalaki. Masyadong maraming nangyari sa simula mo

And if you are going to ask me, tanggalin mo yung ikalawang scene o yung pagpapakilala sa lalaki. Put it in your first chapter then yung paghuhukay ang maiiwan sa prologue. Napakaganda ng scene na'yon. Suportado niya yung description. Mas naipaliwanag niya yung ito at kung ano ba talaga yung bida. Kahit 'yon lang yung nasa prologue mo. Nagustuhan ko siya actually. It builds the tension. Nakakagising siya ng diwa and it makes the readers crave for more. Napakawitty ng simula mo. It's just that nasobrahan nga dahil sa dalawang scene yung nandoon. Better stick to one nalang.

v. Characterization

I can't see any problem with this one. Consistent ang mga characters mo. Hindi sila nakakalito and every chapter, may narereveal na something new sa kanila. I could really see their development. Ang hindi ko lang makita ay yung chemistry nung dalawang bida. Siguro dahil masyadong uptight yung babae at masyadong maraming nangyayari. Hindi masyadong nabibigyan ng atensyon yung mismong plot ng kwento which is silang dalawa.

Sa totoo lang, may halos kapareha yung gawa mo. I am really a fan of that work and I had the physical book kaya siguro medyo magaan ang feels ko sa kwento mo. Of course, hindi ko maiwasang icompare pero I am trying not to. I really appreciate this kind of story. Sobrang saya nilang basahin lalo na yung sayo dahil napakalinis ng pagkakagawa.

vi. Writing Style

→ Dialogue and Narration
Dialogues are realistic. Malinis yung mga linyahan nila. Wala akong makitang mali when it comes sa paggamit ng punctuation marks except sa dialogue tag.

- Dialogue Tag
Kapag yung isang dialogue ay sinusundan ng phrase na nagpapakilala kung sino yung nagsalita, parte parin ito ng dialogue. Here are the basic rules:

"Dialogue," tag.
"Go away, Anna," she said.

Instead of period (.), use comma (,) then small letter lang ang tag.

"Dialogue!" tag.
"Go away, Anna!" she shouted.

"Dialogue?" tag.
"Go away?" she asked.

No need to add comma or change the end marks (if !/?). Automatic na small letter lang yung kasunod. Period lang ang pinapalitan ng comma.

Marami pang paraan kung paano ipull off ang dialogue tag. Mayroon pa yung may kasamang action. If you want to know more, please check my writing guide, 'Be Aware.'

As for the narration, napakalinis. Maganda yung pagpapaliwanag mo ng mga pangyayari. Careful lang tayo minsan sa mga words na ginagamit. Nandoon yung paggamit mo sa mga senses mo. Ingat-ingat lang tayo minsan.

Let's avoid this kind of mistake:
Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mata.

Other than that, wala na. Every chapters were meticulously done. Keep it up!

→ Language
Focus tayo sa capitalization when it comes sa mga proper nouns. Ang napansin ko lang na hindi naca-capitalize ay yung mga araw.

Friday, Sabado, Sunday — proper nouns ang mga ito at kailangang i-capitalize kahit anong mangyari.

Wala akong nakitang mga typographical erros so great job! Walang distraction na nagaganap. Tuloy-tuloy lang ang reading experience.

→ Grammar
Another splendid work. Ang linis talaga ng gawa mo. I believe hindi ko na kailangan sabihin na magreread muna bago ipublish ang chapter. Mukhang ginagawa mo naman ito. Magaling! Please don't get tired doing it.

♡ ฅ^•ﻌ•^ฅ ♡

Hello, Katayose! Thank you so much for trusting me. Sana may naitulong ako sa'yo. It was fun reading your work. Keep writing it and may God bless you.

Note: Please don't forget the reminders above.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top