1.10 | My Adorable Doctor
Reminders:
↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.
↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.
↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.
↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.
╔═══════════════════════╗
My Adorable Doctor
written by jindoodle_fairy
Genre: Romance
Language: Filipino-English
╚═══════════════════════╝
i. Book Cover
No comment. I love the cover. Sobrang bagay siya sa kwento. Kita ko na agad ang personality ng mga characters through those portrayers. Makikita agad na yung babae is doktor. Hindi nakakamislead ang cover. Even the text, it is clearly visible. Overall, it holds a light atmosphere which suits the story so much.
ii. Story Title
The title sounds cute. Simple lang din at wala naman akong problema doon dahil bumabagay naman siya sa kwento. The playfulness of it reflects the male lead. Gusto ko yung pachill lang na vibes nito. Alam mo na agad na it is something youthful and refreshing. It sounds like a typical Teen-Fiction story. I honestly can't think of another title that could fit the story. The title has its own power to attract readers lalo na at mayroong harmony between it and the cover.
iii. Story Description
Very informative description. Tamang tama lang ang timpla nito. Hindi sobra at hindi din naman kulang. You gave the points that could get the attention of the readers. You revealed the doctor-patient relationship which is a nice move. You also introduced a sneak peek of the conflict. Kumpleto ito. Magaling!
iv. Prologue
So, wala kang prologue. Ayos lang naman 'yon. Wala namang masama kung walang prologue yung kwento. But if you are planning to add, just think of the exciting part of the story and put it in the prologue. Pwedeng ang future ng character, pahapyaw ng climax o hindi naman kaya ay flasback o ang mga nangyari before the chapter one. Mayroon din kasi itong impact sa mga readers. This is where they build their expectations towards your story. Also, dito din sila tuluyang magdedecide kung itutuloy ba nila o hindi ang kwento.
v. Characterization
Konting push pa tayo dito. You have to put a barricade between the female lead and male lead. You have to sort out their attitude. Mayroon kasing mga parts na parang parehas sila ng ugali. Nawawala yung pagiging 'down-to-earth' niya. Also, bakit ang bilis? Ang bilis ng mga pangyayari. Nagkukulangan ako sa mga moments nila. And most importantly, kulang ang pagpapakilala mo sa kanila. Kulang yung mga information. Kahit sana isiningit-singit mo lang sa mga narration.
Nawawala din ang backstory nila. I just hoped na sana inumpisahan mo doon sa idinala sa hospital si Josh tapos punuin mo ng mga moments nila together. Ipakita mo yung process ng pagiging inlove nila sa isa't-isa. Yung first impression nila and how they deal with each other hanggang sa maggrow yung feelings nila sa isa't-isa. Nakakagulat lang yung may pa-i love you agad sila. Feeling ko napag-iwanan ako. Parang may mga nalaktawan akong mga scenes.
Yun lang naman. You should really take your time in writing about your characters. Show their development. Sana maging open pa sila. Create a character na tatatak sa utak ng mga readers. Ipakita mong 'down-to-earth' nga si Joy. Kung fierce sya, fierce lang dapat. Kung makulit siya, edi makulit. Maintain natin sila para hindi mawala ang pagkarealistic nila (unless may valid explantation sa sudden change ng attitude niya).
vi. Writing Style
→ Dialogues and Narration
Erros when it comes sa dialogue tag. Kapag ang kasunod na phrase ng dialogue ay ipinapakilala ang speaker (sabi ni, sigaw ni, maktol ni), small letter lang sila regardless of its end mark. Part parin siya ng dialogue. Pinapalitan lang ang period ng comma. Check my book 'Be Aware' for more details.
Also, pwede naman sigurong tanggalin yung mga 'hahaha' o kaya 'ehehe.' Dito papasok yung show and not tell. Imbes na ilagay mo sa dialogue yung mga 'yon, try to put it in narration. Dagdagan din natin ng action.
Here's an example: (random lang 'to at hindi ko kinuha sa kwento)
"Doc," sabi niya tsaka natawa nang mahina na nauwi sa pagkangiwi. Nasapo niya ang ulo niyang may benda habang lukot na ang maamo nitong mukha.
Napatayo ako nang dahil sa pag-aalala. Napakalikot talaga niya! Alam naman niyang kagagaling lang niya sa operasyon pero sige parin ng sige.
Palawakin natin yung narration natin. Huwag lang nating sabihin na malungkot siya. Ipakita natin na malungkot siya. This way mas naiimagine ng mga readers yung eksena kasi alam nila yung expression ng character, kung paano sya tumawa o umiyak. Pati movements nila dapat isinasali din. Paano ba mag-opera yung bida. Paano yung postura niya. Expression niya. Nanginginig ba yung kamay niya? Things like that. Pay attention tayo sa mga small details dahil malaki ang contribution nila sa kwento.
→ Language
Mayroong mga iilan na misspelled pero that's fine. I suggest na basahin muna kahit isang beses lang yung chapter bago i-publish para nababawasan yung mga mali.
Nga pala, napakagaling nung scene kung saan nag-oopera si Joy. I could really feel the tension inside that ER. You used some words there or jargons for doctors and I suggest na imbes na maglagay ng note tapos explanation ng word, why not isama mo sa mismong narration. Let your character explain or describe the tools para hindi napuputol yung daloy ng eksena.
Mabilis na iniabot sa akin ni ... ang scalpel. It's like a small knife that is used to cut chuchuchu. I took a deep breath before carefully cut chuchuchu. (Sorry, wala akong alam sa ganito)
→ Grammar
Walang problema dito. Malinis. Improve lang talaga natin yung pagnanarrate. Be aware sa context or situation. Describe and describe. Paint a picture in a reader's mind. Make us see the scenes.
♡ ฅ^•ﻌ•^ฅ ♡
Hi, Jane! Sana may naitulong ako. I did enjoy the story. It is so light (in a good way) and somehow unique. Continue writing it. You got the potential. Godbless and stay healthy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top