CHapter 1
"Kyro Kane Mendez!" tawag ng kung sino sa buong pangalan niya.
"Ano pang ginagawa mo, wala kang balak pumasok?" Tapik ng kung sino sa balikat niya.
Napalingon naman siya rito at napatulala.
Ngumiti at nagtaas ito ng kilay. Nai-iling na nagsasabing wala ka na naman sa sarili.
"Sinichi?" wala nga sa sariling-bigkas niya.
At ng mahimasmasan saka siya napalingon sa paligid at napansin na naroon na pala sila. Nai-iling naman itong namaywang sa harap niya.
"Ano? Nagising ka na ba?" anito pa.
"Bestfriend....Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko, umalis ka na?" naguguluhang tanong niya.
"Ano sa tingin mo rin ang ginagawa mo rito? 'Di ba dapat nasa loob ka na? Sa pagkakaalam ko hinatid kita kanina pa," taas kilay nitong sabi. Nakapamaywang pa rin ito.
"At kung sakaling umalis na nga talaga ako malamang baka nag-aaral na sila rito at ikaw inumagang nakatulala na lang diyan," anitong nai-iling pa rin.
"Hindi naman sa gan-"
"Ano bang iniisip mo? May problema ka na naman ba? Hindi ka na lang nauubusan ng hinaing. Kailan ka ba mapapagod at magpapahinga?" anitong bumubuntong-hininga.
"Hindi sa gano'n, Sinichi. Kilala mo naman ako. Always naman akong ganito. Kailan ba may nagbago? This is my life. Always my life," buntong-hininga rin niya. Napayuko na lang siya sa hiya.
"Be childish naman kung minsan, KY. I hate to admit that you keep ruin yourself for the sake of others dreams and wants. Paano ka naman?"
"It's not, Sinich." Nakayukong sabi pa rin niya.
"This is not you, Kyro Kane. Iyong kilala kong Kyro palaban at matapang. Hindi nagpapatalo, competitive at hindi hinahayang sumuko dahil lang sa iba. You're not what they think for. You're exceptional and capable of doing great and a lot without blinking in any obstacles," payo nitong medyo tumataas na ang boses.
Kahit kailan parang kapatid na niya ang isang 'to. Palaging takbuhan at nasasabihan ng lahat. Samantala, ang isa naman ay parang walang sawang nakikinig ng drama. Always ready to hear anything and everything without thinking or blinking just go with the flow.
"You know why I'm doing this, Sinich. Its a choice that I choose too."
"You choose? Are you sure?....really?" pigil ngiti nitong nang-uuyam.
"Para naman na nakakabit sa 'yo ang salitang fated to choose," pang-aasar pa nito.
"Naku, Sinichi. Tigilan mo nga ako. Kalalaki mong tao para kang marites na walang magandang masabi sa buhay. You always makes things complicated and have meanings.
"Huwag mo ibalik sa akin ang pagkakamali, KY. I do make things complicated and have meanings because its fated to have it. It's a destiny that every individual need too in order to survive," payo na naman nito.
"I don't know, Sinichi. I'm just too tired of everything but I never need to stop for the sake of my beloved one. He's all I need and it hurts me to see him like th-"
"NO, it's not. It's not your fault if that happens to him. This is not you, for you to suffer because of him. Everything is enough. And I hope this is enough for you to understand that you need you too. You need yourself to be alive and if others die then, that's not your fault. It's their destiny to find things for them alone," paliwanag pa muli nito. Mukhang hindi nauubusan ng bala ang isang 'to.
"I don't know. I'm not ready to face it individually. Wala pa ako sa puntong kailangan kong piliin ang sarili ko for me to find my happiness and freedom. I'm not ready yet for Sinichi. I don't want to stop for a while. I need to face it alone until I'm too tired to face it tomorrow," hinga niya ng malalim.
"Sure. If that's what you think is right then be it. Ayoko ng makipagtalo pa sa 'yo. I'm just too tired to speak through it. Hindi ka naman nakikinig. Para akong sirang plaka kaka-salita rito yet no one listen to me," pagsuko nito. Napapakaway pa ito ng kamay na animo'y kumakaway.
"Ang akin lang n-"
"Kaya mo iyan, laban lang if that's what you wanted to do. No problem with me," putol nito sa kaniya.
Tiniklop nito ang braso saka itinaas baba ang mga ito ng mabilis na nagsasabing kaya mo iyan. Sundalo lang?
Dahil sa nakitang reaksyon ni Sinichi agad niya itong niyakap ng mahigpit. Kung saan parang ayaw na niya itong bitiwan pa. Ito ang inaasahan niyang gagawin nito. Ang suportahan siya at bigyan ng lakas ng loob.
Hindi niya kailangan ng kaaway. Mas gusto niya ng suporta galing sa mga taong mahal niya. Kahit iyon man lang ay sana 'wag ipagkait sa kaniya because its too much sacrifice for every decision na ginagawa niya. Nakakapagod din kasing magpagod na kahit respeto man lang ay wala.
Minsan, that's what humans want. We need to breathe and find closure to things that make us free from toxicity and chaos. Iyon lang naman kailangan natin but sometimes people use it as a weapon to kill and manipulate. Simple but not easy to get.
"Salamat pinsan, kaya natin 'to. Salamat. Mag-i-ingat ka sa pag-uwi. Salamat ulit sa paghatid," aniyang tinapik pa ito sa likod.
"Mamimiss kita, pinsan. Sana huwag mo akong kalimutan. Nandito lang ako. Palagi mo akong pasyalan," pamamaalam niya rito at muli itong niyakap.
Ayaw na ata niyang matapos ang yakapang ito. Natatakot kasi siyang mawalan ng mga mahal sa buhay. Pakiramdam niya everything keep repeating itself. And he scared about it. Tao lang naman siya at siguro naman may karapatan siyang maramdaman ang pakiramdam na 'yon.
Kaibigan at kapatid na ang turing niya rito na halos magkapalit na sila ng mukha. Lagi rin silang magkasama sa mga kalokohan at achievement nilang dalawa. Partner in many times.
"Sige, pinsan, mauna na ako baka maiwanan na ako." Bitaw nito sa kaniya na saktong daan ng dyip sa harapan nila.
Kumaway at tumakbo ito patungo sa dyip na lumagpas lang ng bahagya. Pumarada ito at umakyat sa itaas si Sinichi na siyang inalalayan naman ng mga naroon. Buhay province nga naman. Free from city. (Kung saan nawawala na ang pagkamamamayan at kawanggawa ng mga tao rito.)
Nakipagsiksikan ito at nang makaupo kumaway pa ulit ito saka ngumiti. Malungkot na ngiti ang sagot niya na sinabayan din ng pagkaway pabalik dito. Mamimiss niya ito ng sobra. Matagal pa silang hindi magkikita ulit. Sana maging okay din ito sa direksyong tatahakin tulad niya because life put so much pressure and surprises.
Nang tuluyang umusad ang dyip saka siya tumawid sa kabilang kalsada. Pinasadahan pang muli sa huling pagkakataon ang pinsang nakaupo habang kausap ang may edad na ginang.
Malamang tinatanong ng ginang kung sino siya dahil parihong nakalingon ang mga ito sa dako niya. Nakatingin ang mga itong nangungusap ang mga mata habang nagsasalita. Hindi man niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito pero ang taas na ang nakakaalam.
Napabuntonghininga na lang tuloy siya bago tuluyang pumasok sa gate ng paaralan. Pinasadahan pa niyang muli ang naturang dyip sa huling pagkakataon bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Saan ka, Iho?" tinig ng kung sino.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top