(A)
“Kyro Kane Mendez! Ano pang ginagawa mo, wala kang balak pumasok?” Tapik ng kaibigan sa balikat niya. Agad naman siyang napatulala rito. Ngumiti at nagtaas naman ito ng kilay sa kaniya na nagsasabing wala ka na naman sa sarili.
“Sinichi?” wala sa sariling-bigkas niya. At ng mahimasmasan saka niya napansin na naroon na pala sila. Naiiling naman itong namaywang sa harap niya.
“A-Ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko, umalis ka na?” naguguluhang tanong niya.
“Ano’ng ginagawa mo rin dito? ’Di ba dapat nasa loob ka na? Sa pagkakaalam ko hinatid kita. At kung sakaling umalis na nga ako malamang baka nag-aral ka na rin dito at inumagang nakatulala na lang,” balik nito sa kaniya.
“P—”
“Kaya mo iyan, laban lang,” putol nito sa sinasabi niya. Nagtaas baba pa ito ng siko na nagsasabing kaya mo iyan.
Dahil sa nakitang reaksyon ng kaharap agad niya itong niyakap ng mahigpit. “Salamat pinsan, kaya natin ’to. Salamat. Mag-i-ingat ka sa pag-uwi. Salamat ulit sa paghatid, nakaabala pa ako sa ’yo,” aniyang tinapik pa ito sa likod.
Kaibigan at kapatid na ang turing niya rito na halos magkapalit na sila ng mukha. Lagi rin silang magkasama sa mga kalokohan at achievement man nilang dalawa.
“Sige, pinsan, mauna na ako baka maiwanan na ako.” Bitaw nito sa kaniya na saktong daan ng dyip sa harapan nila.
Kumaway at tumakbo na ito patungo sa dyip na lumagpas na sa kanila ng bahagya. Umakyat ito sa itaas na siyang inalalayan naman ng mga naroon. Nakipagsiksikan ito at nang makaupo kumaway pa ulit ito saka ngumiti. Malungkot na ngiti ang sagot niya na sinabayan din ng pagkaway rito. Mamimiss niya ito ng sobra. Matagal pa silang hindi magkikita.
Nang tuluyang umusad ang dyip saka siya tumawid sa kabilang kalsada. Pinasadahan pa niya sa huling pagkakataon ang pinsang nakaupo habang kausap ang may edad na ginang. Malamang tinatanong nito kung sino siya dahil sa paglingon nito muli sa dako niya. Napabuntonghininga na lang tuloy siya bago tuluyang pumasok sa gyet ng paaralan.
“Saan ka, Iho?” tinig ng kung sino.
Agad siyang napatingin sa nagmamay-ari ng itim na sapatos sa harapan. Napayuko kasi siya dahil sa limang piso na nakaharang sa daan. Pinulot niya ito at nagbabakasakali na suwertehin siya. Bihira na kasing makapulot ng limang peso sa daan maliban sa 25 sens o peso.
“Transfer student po. Pinapapunta po ako sa Dean’s Office,” magalang niyang sagot.
Base sa itsura nito malamang ito ang guwardiya. Mukha rin na kararating lang nito mula sa kung saan. Namataan din niya ang bimpo nitong nasa kanang balikat na medyo basa pa.
“Ah, dire-diretsuhin mo lang iyan, nasa pinakagitna ang opisina nila.” Tapik nito sa balikat niya na siyang ikinapiksi niya. Nagulat pa ito sa reaksyon niya ngunit tipid na ngiti na lang ang sagot niya bago tumakbo ng bahagya; makalayo lang dito.
Bawat nadadaanan niya ay pawang puro punong mangga na nagbibigay lilim sa bahaging iyon. Sakto lang din ito sa tatlong katao na magkakatabi na naglalakad. Pansin din niyang wala ng ibang makikita rito maliban sa eskwelahan sa ’di kalayuan na parang bakanteng lote ang disenyo.
Sa patuloy na paglalakad hindi niya namalayang naroon na siya. Agad niyang namataan ang nag-iisang gusaling malamang tinutukoy ng guwardiya kanina. Nakukulayan ito ng ginto at puti. Mula sa gitnang bahagi ay natatanaw niya ang babaeng kumakaway sa kaniya. Mukhang itong resepsionis sa ayos nito.
“Magandang umaga po,” bati niya ng makalapit dito.
“Kyro Kane?” nakangiting bigkas nito. Agad nitong kinuha ang papel at ballpen sa kumpol na mga gamit sa mesa.
“Opo, ak—”
“Pumirma ka na lang dito at pumunta ka na sa room A,” anitong iniabot agad ang hawak na papel. Ngumiti pa ito na siyang ginantihan din niya.
“Ah, h-hindi po ba ako pupunta sa Dean’s office?” tanong niya matapos mapirmahan ang pinapapirmahan nito. Nagtataka kasi siyang pinapapunta siya agad sa klase samantalang sinabi sa kaniyang kakausapin daw siya ng dean ng eskwelahan dahil sa kung anong problema.
“A-ah, ganoon ba?” nakangiting anito. “Good morning, ako ang dean ng eskuwelahang ito. Nice meeting you, Mendez.” Abot nito ng kanang kamay. Napatangang napanganga naman siya dahil dito ngunit ginantihan niya ito ng pakikipagkamay.
“H-Ho—”tanging nabanggit niya matapos mabigla. Pinagmasdan pa niya ito ng maigi na animo’y kinakabisa ang mukha nito.
Nakasuot ito ng puting T-shirt at itim na pantalon habang may suot na puting eyeglasses sa mata. Simple lang ang itsura nito na mukhang nasa early thirties lang at may mahabang buhok na nakapusod pataas. Maganda este guwapo ito dahil sa hindi mahahalata na lalaki pala ito.
“H-Ho. . . . ang ibig ko pong sabihin—”
“Okay lang, alam kong hindi halata pero lalaki ako,” nakangiting anito sabay kindat. “. . . . boses babae nga lang,” anitong humagalpak ng tawa.
“Huwag kang mag-alala,” biglang seryoso nito na siyang mas ikinanganga niya. Hindi nga niya alam kung tumutulo na ba ang laway niya. “Hindi na bago sa akin ang ganyang reaksyon, relax ka lang,” anito sabay tapik sa balikat niya.
“A-Hh,” napayukong paumanhin niya. “Pasensiya na po, hindi ko po sinasadya, akala ko po kasi—”
“Huwag kang mag-alala, walang problema, pumasok ka na.” Tapik muli nito na siyang ikinatalima na niya. Ngunit agad din siyang napatigil nang hindi alam kung saang pinto papasok sa magkabilang gilid.
Mukhang napansin naman nito ang reaksyon niya “Pumasok ka sa kaliwang pinto. Makikita mo sa itaas ang bawat letra,” instruksyon nito na siyang ikinatuloy na niya sa paglakad. Hindi na siya nag-abala na luminga pa ulit dito.
Nang makapasok, tumambad sa kaniya ang bawat silid sa kaliwa. May mga nagka-klase na pero pagtingin sa itaas. “Room J?” bulong niya. Sa halip magtanong nagtuloy na lang siya hanggang tumapat sa hinahanap na silid-aralan.
“Wooh! May bagong pasok!” sigaw ng kung sino pagkatapak pa lang niya sa room A.
Tumayong nagbigay-galang pa siya sa mga ito ngunit pag-angat ng mukha isang nanglalagkit na keyk ang tumama sa kaniya. Napatulalang hindi agad siya nakapagreak na nangyari.
“’Yon, oh, member ka na!” hagikgik ng isang tinig. Base sa boses ng mga ito nasa labing-walo mahigit na ang mga edad ngunit mukhang isip bata pa rin.
“Chill lang, Dair, namiss mo bang mag-Welcome ng Transfery?” boses ng may gordong tinig.
“Syempre naman, ako pa ba?” puno ng bilib sa sariling sagot ng may atentibong-boses.
“Nasa labas ang C.R, maghilamus ka na bago dumating si Angeles,” wika ng kung sino na siyang hindi na lang niya pinansin, bagkus agad niyang pinunasan ang mukha gamit ang mga daliri. Naglaglagan tuloy ang puting keyk mula rito.
“Ano ba! Sinabi ng maghilamos ka na. Ba’t ba ang bagal mo, para kang babae!” pasigaw nitong komento na siyang nilingon na niya.
Tumambad sa kaniya ang lalaking naka-Emo ng buhok habang nanlilisik ang tingin. Nakaitim na skinny jeans at leather jacket ito na parang tambayan lang pinuntahan. Nakadekwatrong pinaglalaruan pa nito ang susi sa daliri.
“Himala, nagsalita si Lair?” pansin ng lalaking kaharap. Kita mula sa peripheral vision niya ang kulay pula nitong buhok.
“Darating na si Angeles, ano bang masama sa sinabi ko? Babagal-bagal kayo,” sagot nito bago iniyukyok ang mukha sa mesa.
Nagulat na lang siya nang may biglang humatak sa kaniya. “Halika na nga, nagagalit na si boss,” anang lalaking may pulang buhok. Nagulat man siya ngunit hindi na lang siya nagsalita pa.
Mas nagitla na lang siya ng itulak siya nito kung saan muntik siyang sumubsob sa pinto ng banyo. Hindi niya napansin nandoon na pala sila.
“Putik! Ang lamya mo para kang babae. Ipapahamak mo pa kami.”
“Ano ba! Huwag ka ngang manulak! Sino bang hindi babagal kung natataranta ako sa ginagawa mo!” sigaw na niya na siyang nagpanganga rito; talagang puno na siya.
“Fine. . . relax,” sagot nitong nakataas na ang mga kamay; parang sumusuko lang sa batas.
“Grabe, para kang si Lair, nagiging dragon kapag galit,” anitong napahalakhak pa. Mukhang tuwang-tuwa pa ito sa itsura niya. May tama na sa utak.
“Oh, bakit ganyan ka makatingin? Ano pang ginagawa mo? Bilisan mo na.” Turo nito sa pintong papasukan niya. “Lamya mo!” pahabol pa nito. Talagang ayaw patalo sa kaniya. Naiiling na lang siyang pumasok ng banyo.
Tumambad sa kaniya ang inidoro na kulay abuhin habang nasa kaliwa ang gripo at baldeng puno ng tubig. Nasa tabi naman nito ang paghilamusan at salamin, kung saan kita niya ang sariling postura. Napatingin din siya sa kabuuan ng banyo kung saan agad siyang napaisip kung ito lang ba ang cr dito o mayroon pang iba.
“Hoy, bilisan mo!” Kalampag ng kung sino sa pintong nakasara. “Nandiyan na mamaya si Angeles!” tili ng pulang buhok na akala niya umalis na.
“Abnormal talaga,” bulong niyang naiiling.
“Bilis! Putik!” Kalampag muli nito sa pinto na siyang ikinaseryoso niya.
“Oo! Apurado!” sigaw niya bago binuksan ang gripong nasa paghilamusan.
“Kyro Kane,” titig niya sa anyong nasa harapan. Nakikita niya ang may manipis na labi, naka-bangs na buhok na may patilya habang may matabang cheeks. Nakikita rin niya ang lalaking may matangos na ilong at may matalim na mga titig. “Mapapa-away ako sa lagay na ’to.” Naiiling niyang ngisi.
“Hoy! Ano ba!” sigaw muli sa labas.
“Ano ba!” balik-hiyaw niya pagkabukas ng pinto. Muntik pa siyang sumubsob ng itulak na naman siya nito.
“Tangyna, natatae na ’ko!” Sabay lagabog ng pintong nakapinid na. Nailing na lang siyang napangisi. “Walanghiya! Brutal ang bunganga.”
Pagkatapos iwan ang kasama pumasok na siya sa silid na hindi naman pala kalayuan sa silid nila, kaya pala agad silang nakarating; kung saan muntik pa siyang madisgrasya. Pagkatapak sa silid agad lumipad ang tingin niya sa buong klase, dahilan upang napansin ang dalawang upuang walang laman. Isa sa tabi ng nakalugmok na lalaking naka-Emo habang nasa likuran naman nito ang pangalawa. Kaya naman napagpasyahan niyang umupo sa nahuli.
“Si Dair diyan,” pigil ng nasa likod na lalaking may magulong istilo ng buhok. Masama rin ang tingin nito habang nakahalukipkip na naka-cross ang mga hita.
Kaya naman, wala siyang choiys kundi umupo sa unahan. Pagkaupo, akala niya pagbabawalan siya nito ngunit hindi ito umimik, sa halip bumangon ito at sumandal.
“May nakaupo ba rito?” tanong niya nang mapansin ang biglang pagtitig nito kahit nakaupo na siya. Napatigil din siya sa paglabas ng notes na siyang sinundan din nito ng tingin.
“Wala, maingay ka,” sa halip na wika nito bago lumugmok muli sa mesa.
“Laway mo, Transfery,” biglang sulpot ng kung sino na siyang sinahod pa ang palad sa baba niya.
Napabuka-sarado naman siya dahil dito. Napapunas din siya ng bunganga kahit wala naman, dahilan upang mapahalakhak ang kaharap na pulang buhok. Pinagtitripan talaga siya nito.
“Ano ba! Ang ingay ninyo,” puna ng lalaking nakalugmok.
“Sabi ko nga tatahimik na ’ko,” turan ng lalaking napatigil din sa pagtawa. Nang tingnan niya ito ng masama agad itong nag-peace sign. Umiling na lang siyang ipinagpatuloy ang paglabas ng notebook.
“Ang ingay naman niyan!” sigaw ng kung sino na siyang lingon niya rito. Hindi niya napansin kung anong tinutukoy nito dahil sa pagsusulat niya ng pangalan sa notebook na inilabas.
“H-Ha?” Agad niyang napansin ang hawa nitong bag.
“Aki—”
“Maaasahan ka, Transfery,” anitong ibinalik sa kaniya ang hawak na bag bago binuksan ang piattos na roadhouse. “Salamat ah, ang sarap,” nguya nito sa kinakain na halos ’di na maintindihan ang sinasabi.
“Pagkain lang ang katapat niyan.” Tapik sa kaniya ng may pulang buhok.
“Good morning, Students. Nakita ninyo ba iyong bagong transfery?” bungad ng professor nila pagkapasok pa lang. Napatago naman ng piattos sa bag ang katabi niyang iyon lang ang katapat.
Agad naman na napatingin sa kaniya ang lahat. Bagamat, nahihiya siya agad na siyang tumayo. “Morning, Sir. Kyro Kane Mendez,” tipid niyang sabi.
“Okay, let’s start,” anito bago siya sinenyasang umupo.
MAAGANG NATAPOS ANG KLASE pero isang bagay ang naunawaan niya. Sa loob ng paaralan ng Saladair University, kalalakihan ang nangunguna. Itinuturo sa kanila ang kahalagahan, karapatan at pagiging pinuno ng kalalakihan na siyang labis niyang naiintindihan at pinapanigan.
Mahalaga ang bawat kalalakihan sa palakasan, pagtatrabaho, pagiging Breadwinner ng pamilya, pagbibigay supling sa kababaihan, higit sa lahat, sa lahat ng aspeto lalaki ang nangunguna at nabibigyan ng oportunidad upang makapagtrabaho ng mga mabibigat at mahihirap.
Samantala, ang mga kababaihan ay dapat nasa minimal at nararapat lang na gawain dahil sa tingin nila hindi kayang tumbasan ng mga ito ang kakayahan at talento ng mga kalalakihan. Kung kaya sa karapatan ng batas, mas maraming babae ang may mga ipinapatupad na proteksyon. Isa naroon ang mga panukalang para sa kanilang karapatan; ang Republic Act 9262 or ang tinatawag na VAWC.
Kung kaya maraming kalalakihan ang nagtataka kung bakit babae lang ang may karapatang maprotektahan. Samantala, walang batas ang ipinatutupad para sa karapatan nila. Kaya naman ang pananaw ng mga lalaki ukol sa paaralang ito’y iba. Masyado silang mahigpit para sa mga kababaihan.
“Tangyna, pre. Nakita ninyo ba si Elise? Shit, pre, nadama. Ang lampa ng gaga,” usapan ng dumaang apat na kalalakihan sa tabi niya.
Papunta siya ngayon sa kanang bahagi ng pintong pupuntahan niya sana pero dahil sa narinig agad siyang napatigil at tinitigan ng masama ang mga dumaan.
“Ganyan ang pananaw nila rito. Masyadong mababa ang tingin nila sa kababaihan. Nasa kabila lang ang eskwelahan ng mga ito kaya malamang may pumuslit na naman doon para may makalap silang balita,” wika ng kung sino na siyang ikinalingon niya.
“Ms. . . . Mr. Dea—”
“Tawagin mo lang akong Dean. Okay na sa akin ’yon. Huwag na ang formalities. Hindi ako natutuwa,” anitong nakangiti na siyang kumindat pa. Mannerism na ata nitong gawin iyon.
“Po—”
“Sige na, kumain ka na, mamaya mahuli ka pa.” Nakangiting tapik muli nito sa balikat niya na siyang parang may ibang kahulugan.
“Hoy! Transfery halika rito.” Hatak sa kaniya ng kung sino, dahilan upang mapatingin siya sa kamay nitong may suot na silver bracelet. “Kahit kailan ang lampa mo,” anito pa.
“Naku, Lair. Subukan natin mamaya,” biglang sabi ng nasa kanan niya, dahilan upang mapalingon din siya rito.
Ito iyong naka-Saske na buhok na naka-cross kanina. Hindi ito magulo ayos nito talagang ganoon ito. May nanlilisik din itong mga mata ngunit mukhang masayahin. “I’m Sair, transfery,” tipid nitong sabi.
“Me, Dair, Sair and Lair, we're brothers, transfery, and kami ang may-ari ng school na ito,” pabidang hatak sa kaniya ng may pulang buhok.
Agad naman siyang napanganga sa narinig pero agad din bumalik ang wisyo niya nang ibagsak siya nito sa upuang naroon. “Shit!” hiyaw niya.
“Lampa,” anang pulang buhok. Hindi talaga napapagod na asarin siya. Agad kumuha ng tig-isang upuan ang mga ito at tumitig sa kaniya bago pumangalumbaba. Base sa mukha magkakahawig ang mga ito, parang triple.
“Ahem,” pukaw niya sa paninitig ng mga ito.
“Foods.” Sulpot ng kung sino na siyang patong sa harapan niya ng pagkain na naka-stayro.
Naglalaman din ito ng apat na tinidor, kutsara at may kasamang malalaking Piattos na may iba’t ibang flavor. May apat pang Iced tea na may yelo saka Ice cream na nakalagay sa plastik cap.
“Nandiyan na pala, si Lair, and dahil lampa ka titingnan namin ang galing mo,” wika ni Dair na nakangisi. Nagtatakang napakunot-noo naman siya sa pangisi nito. Mukhang may binabalak na masama ang mga luko.
“Let’s start, Brothers,” hudyat ni Dair dahilan upang agad nilang kunin ang tinidor na siyang ikinanlaki ng mata niya.
Nakatitig pa ang mga ito habang nakasubo ng pansit na iyon pala ang laman ng stayro, dahil sa reaksyong ipinakita ng mga ito agad niyang nahinuha ang ibig nitong sabihin. At doon na nagsimula ang kompetisyon.
“Yes! Yes! Panalo ako!” Nagtatalon siya sa tuwa nang maubos ang pansit. Nakandabilaukan pa ang tatlo sa pagkain samantalang siya walang tigil sa pagkain kanina. Malas nila, paborito niya ang binili ng mga ito.
“Ang siba, ang laking stayro ’to e. Favorite ko ’to,” reklamo ni Dair. Nakanguso itong parang naagawan ng candy.
“Tangyna! Grabe! Ang sarap ng libre, Lair,” komento ni Sair na mukhang siya ang pinatatamaan.
“Ang takaw!” Titig ni Lair sabay kuha ng Piattos na parang aagawin niya.
“Sorry, ang sarap ng libre, hindi pa kasi ako kumain,” sagot niyang humalakhak pa bago kinuha ang Iced tea na siyang ikinanlaki ng mata ng tatlo.
“Putik! Wala ng libre sa susunod ang takaw mo!” muryot ni Dair sabay kuha ng Ice cream. Ngingiti-ngiti na lang tuloy siyang humihigop ng Iced tea.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top