CHAPTER TWENTY-TWO

"In exchange for freedom"

A slow distractible noises created by the heels and stomps of the shoes coming from outside of the meeting room of all the directors. They were about to discuss what to do with the intruder named Aelyne.

Everyone sat down when Uncle got inside. As usual, Uncle was at the end of the long table and the HQ spokesperson started the meeting.

May the Justice be with our side. I hereby to present you the intruder,” sabi ng spokesperson at mayroong pinindot na buton sa lamesa at lumabas ang isang holographic video. Nasa video si Aelyne. Kuha iyon sa kanyang kulungan,  “She must be punish alongside with the nephew of our General Sebastian.”

I was not surprised that they decided that both Aelyne and I would be punished for our violation of what was ordered by the entire Headquarters. But I won't let Aelyne receive the punishment from HQ.

“May I?” bigla kong sabi at nabaling ang atensyon ng lahat sa akin, “Puwede ba'ng ako nalang ang tatanggap sa parusa na para dapat kay Aelyne?”

“Why?” tanong ni Miss Sam, “Is she your girlfriend?”

“N-No… what I’m trying to say is… since I am the one who took a reckless action that’s why Aelyne found this base, maybe you should all release her and I’ll take her punishment. I’m willing to take two punishments,” sabi ko sa buong HQ at nagsinwalang kibo ang lahat.

Nagsimula namang magsalita ang spokesperson ng HQ at sinabi sa buong directors ang plano nila kay Aelyne.

“We decided the one thing we know you would never agree. A device that can wipe most of her memories. Making a new one. Restoring her old memories and become one of us without hesitation," sabi ni Miss Sam na ikinagukat ko naman. Bigla niyang pinakita ang isang device chip. "Dito nakapaloob ang mga alaala niya. Binago ang kanyang mithiin at mayroon din kaming iniwan na significant memory sa kanya. Isa na doon ang paghahanap kay Alessandro at ang mga mahal niya sa buhay. I was talking about building a new one. A memory of you Kylvin. We created inside her brain about you and her, being a long friend and a partner in every mission in Headquarters."

"This is madness. How can you ever take someone's memories and to create a fake one just to—"

"We aren't the one who did this. It's all because of your impulsive action, you made this to her. Besides, she was exposed to CRYPTIC, their eyes are now on Aelyne, they will use her to track you. It's better this way. A better way to protect her and the Headquarters."

Hindi na ako nakipagtalo pa at pinilit tanggapin ang mga napgadesisyunan. Tama sila, ako ang dahilan kung bakit kinakailangan nilang kuhanin ang mga ala-ala ni Aelyne.

Agad na binigay ni Miss Sam ang device chip na pinaglagyan ng mga ala-ala ni Aelyne.

"Keep that. She can have it all when you finish your mission, Kylvin. You are also responsible for her memories. As of now the only thing she can remember is you and every mission you've done in the past that we've created."

When I touched the device chip that Miss Sam gave me, there was suddenly a bunch of memories of pictures of Aelyne's childhood flashing swiftly inside my head. I immediately put that device away from my hand. Those memories that I saw was kind of strange. Maybe I was too exhausted from every thing I had witnessed.

"Are you okay, Mr Diasque?" Miss Sam referring to me. I just nodded. Agreeing to everything they've decided.

"We decided that we will going to train Miss Mustacket here in HQ to help Mr. Kylvin to find the CRYPTIC. And you, Mr. Diasque, you should keep an eye to her and that’s your punishment,” sabi ng spokesperson na ikinagulat ko naman. "Since you admitted your mistake. You are the one to train her. Understood?”

“Pero...pero..." A long paused. "Alright, payag na ako. " Wala na akong magawa pa kundi ang sumunod sa gusto nila.

Lahat sila ay parang hindi pinakikinggan ang mga pinagsasabi ko. Maging si Uncle ay nakkikinig lang sa sinasabi ng spokesperson at parang isa akong hangin dito sa loob na walang nakakapansin.

“B-but—” putol kong sabi nang biglang pumasok sa loob ng meeting room si Aelyne. Nakangiti itong tinignan ako at tumango sa bawat directors ng Headquarters.

“I promised that I won’t tell anyone about this secret organization. I accept the offer just because I need to find Alessandro Seale. Life is nothing without him. I know that this isn’t a joke, but I will do my best to help Kylvin to his mission. Kylvin is my partner from a long time. I know that he will help me to find CRYPTIC and Alessandro,” matapang na sabi ni Aelyne sa buong directors at nakita ko sa mga mukha nila ang mga ngiti nang masabi iyon ni Aelyne.

“H-How did—” In the second time around. They cut me off.

“Kylvin… She shouldn’t stay here in HQ to train. There’s a small Training Center in your mansion. That is the place where you will going to train her. Teach her everything you learned from the Headquarters. Remember, that is your punishment.” Pagputol ni Uncle sa sasabihin ko. 

“B-But…” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang nagsintayuan ang buong directors at isa-isa silang lumabas sa Meeting Room.

Record lang ba ang holographic video na iyon? Sinadya pa talaga ng buong directors na huwag ipaalam sa akin na pinagtibay na nila ang kanilang desisyon.

Hindi ko kayang makatingin ng deritso sa mukha ni Aelyne matapos kong malaman ang ginawa nila sa kanya. I blame myself for this. She has this right to all of her memories but they forced her to forget everything. This is madness. This is unrespectful.

“So… Mr. Diasque… your Uncle said that my training will start tomorrow,” sabi ni Aelyne at ngumiti ito ng napakalapad. Gagawin niya talaga ang lahat para lang kay Alessandro and I am starting to envy Alessandro.

“Nasa 3:26 na ng umaga. Ihahatid na kita," sagot ko sa kanya at agad na tumayo palabas ng meeting room. Hinabol niya ako nito at mayroon siyang sinasabi na hindi ko maintindihan.

Nang makalabas na kami ng Headquarters ay tahimik itong nakatanaw sa bintana ng kotse.

Malapit nang sumikat ang araw at mabuti nalang ay sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Medyo inaantok na rin ako. Wala akong tulog buong araw at idagdag mo pa ang problema ng buong HQ.

“Kung nagtataka ka kung bakit nangyari iyon ay sasabihin ko sayo," pagbasag ni Aleyne sa katahimikan, “Matapos mo akong iwan sa kulungan ay pumasok ang isang lalaking medyo kahawig mo. Si General Sebastian. Kinausap niya ako nito tungkol sa buong pagkatao mo at sa buong serketo na bumabalot sa Central City. Matapos kong marinig ang mga kuwento ay doon ako nagkaroon ng ideya na sumanib sa organisasyon ninyo. Gusto ko rin namang tumulong sa paghahanap kay Alessandro. Ayokong iaasa ko lang sa iba,” sabi nito sa akin pero pinakikinggan ko lang ang kanyang pagsasalita. Itinuon ko kase ang aking paningin sa manibela. Wala siyang ideya sa nangyari sa kanya.

This guilt of mine will devour me every time.

“Ang tanong… kaya mo ba, Aelyne?” tanong ko sa kanya. Tyring to sound that I don't know what happened to her.

“Si Aelyne kaya ito,” pabirong sabi nito at tumawa pa ng malakas, “But seriously… kakayanin. Hindi ko rin hahayaang makapagpatuloy pa sa kasamaan ang CRYPTIC. Hindi manlang nila naisip sa pinaggagawa nila ay nakakasakit sila ng ibang tao.”

Hinayaan ko lang siya sa pagsasalita ng kung anu-ano.  Sana ay malaman manlang ni Alessandro na masuwerte siya dahil mayroon siyang babaeng handang gawin ang lahat para sa kanya. Sana ay ganun din ang gawin ni Alessandro para kay Aelyne.

“Maiba ako, Kylvin.”

“Hmm??”

“Talaga ba'ng nawala ang mga ala-ala mo. Mabuti nalang ay hindi mo nakalimutan na ako pa rin a partner mo sa bawat misyong ipapataw sa iyo ng Headquarters?” tanong niya nang nawalan ako ng konsintrasyon sa pagmamaneho. She doesn't know that I am not the only one here who lost a memory.

“B-Bakit mo naman naitanong?” I scoffed.

“Wala lang. Magaling ka kaseng magpanggap. Hindi ko manlang naisip na wala ka palang maalala. Alam ba ni Marina ang tungkol dito?”

“No. And I don’t want to tell her.”

“Why?” she asked again.

“I don’t know. Maybe… I don’t want her to know that… never mind.” 

I didn't want to tell her that I didn't had any feelings towards her because of my amnesia, and besides I had fallen with someone that didn't know that I loved her.

“Saan nga banda ang bahay mo?” tanong ko nang nasa highway na kami. Nakikita na sa buong kalsada ang mga nagkalat na golden troops. Masyadong abala ang buong siyudad. Naghahalo sa buong paligid ang iba’t ibang klase ng mga tunog. Mga tunog ng sasakyan at mga bulung-bulungan ng lahat. Mabuti nalang ay hindi binura ng Headquarters ang ala-ala niya sa kanyang pamilya.

Aelyne immediately went off from my car when we were in front her house. Her aunt was there, waiting at the door, she seemed nice, not what I expected as what Aelyne's described an hour ago. I was about to talk to her aunt to explain when Aelyne stopped me by grabbing my arms.

Base sa mukha ng kanyang tiya ay umuusok na ito sa galit dahil madaling araw nang umuwi si Aelyne sa kanila. Pilit pa rin akong pinigilan ni Aelyne pero dumeritso lang ako sa paglakakad papunta sa kanyang tiya.

“Magandang umaga po, tita. Ako po si Kylvin, kaklase po ng pamangkin ninyo. Ako na mismo ang humihingi ng tawad sa inyo dahil biglaan po kase na nagkaroon kami ng group activities para sa isa naming subject,” paunang pagpapaliwanag ko, “Huwag ka po mag-alala ako lang po ang isang lalaki sa grupo po namin at doon po sa kagrupo po naming babae si Aelyne natulog.”

Alam ko namang kasinungalingan ang lahat ng aking mga nabanggit pero kailangan kong gawin iyon para sa hindi na pagalitan si Aelyne.

“G-ganun ba hijo? Dalawang araw na kaseng hindi umuuwi itong si Aelyne. Nag-aalala pa naman ako dahil napabalita sa buong Central City ang ginawang pagdukot ng CRYPTIC sa mga kabataan,” sabi ng kanyang tiya at tinignan si Aelyne, “At ikaw na bata ka… kung mayroon kang gagawing importante ay sabihan mo naman ako ng maaga. Bakit hindi ka tumawag sa akin na mayroon pala kayong aktibidad?”

Akmang bubuka ng bibig si Aelyne para magpaliwanag nang ako mismo ang gumawa ng dahilan sa tanong nga kanyang tiya.

“K-kase po, tita… patay na po ang cellphone niya at isa pa ay hindi po namin naabot ng aming isip na tumawag gamit ang cellphone ng iba naming kagrupo,” pagdadahilan ko at sabay nagkamot ng ulo.

“Ganun ba… oh siya sige… base sa mukha mo hijo ay hindi ka nakatulog sa ginawa ninyong activity. Maanong pumasok ka muna at ipaghahain ko kayong dalawa ng umagahan,” pag-aaya niya.

“Huwag na po, tita… may gagawin pa si Kylvin…. Diba Kylvin??” sabi ni Aelyne at tinignan ako ng masama.

“Mukhang wala naman akong ibang gagawin. At medyo gutom na rin po ako,” sabi ko at ngumiti ng napakalapad.

Tuwang-tuwa naman ang kanyang tiya nang pumayag akong makikain sa kanila ng umagahan. Hanggang makapasok ako sa loob ng kanilang bahay ay walang tigil sa kakatingin sa akin ng masama si Aelyne.

Umupo ako sa isang sulok at pinagmamasdan ang mga nakasabit na palamuti sa kanilang pader. Kuwento ng kanyang tiya ay nagkahiwalay ang kanyang mga magulang ni Aelyne at mayroon ng kanya-kanyang mga pamilya.

Hindi na raw dumadalaw o nagsusuporta ang kanyang magulang kaya si Aelyne mismo ang gumagawa ng paraan para mairaos ang kanyang pag-aaral. Tanging ang kanyang tiyahin nalang ang kumupkop sa kanya. Walang pamilya ang kanyang tiya at masaya itong nagkaroon ng pamangkin.

“Ikaw ba ang boyfriend ng pamangkin ko?” biglang tanong ng kanyang tiya na agad akong nasamid ng mainit na kape.

“P-po?” marahang sabi ko para hindi mahalatang nagulat ako sa sinabi niya.

“Alam niyo bagay kayong dalawa pero laging isa-isip na pag-aaral muna ang atupagin.”

“Nagkakamali po kayo,” sabay naming sambit ni Aelyne.

“Pakunwari pa… oh siya sige, kung ayaw niyong umamin ay bahala kayo basta ang akin lang ay unahin muna ang pag-aaral. And I’m rooting for you, Kylvin, for my knee,” sabi ng kanyang tiya at parang kinilig pa.

Patay!

“Huwag mo nalang pansinin ang sinabi ni Tita,” pabulong na sabi sa akin ni Aelyne nang makaalis na ang kanyang tiya papunta sa kanilang kusina.

“Wala naman sa akin iyon.” He scoffed. “She didn’t know about you and Alessandro?”

“Nasabi ko sa kanya kaso ay makakalimutin si Tita at isa pa ay matagal na niyang hindi nakikita si Alessandro.”

“Bakit naman? Ayaw ba ni Alessandro na pumunta sa inyo?” tanong ko sa kanya at umiwas ito ng tingin.

“Hindi namam sa ganon. Gusto niya pero pinipigilan ko siya.”

Mas lalong lumukot ang mukha sa pagtataka sa sinabi niya.

“Ang gulo mo.”

“Ganito kase…” pagsisimula ni Aelyne.

Sabi ni Aelyne ay ang tatay ni Alessandro at ang kanyang tiya ay nagkaroon ng relasyon dati. Nagkahiwalay ang dalawa dahil tutol ang lolo ni Alessandro sa pag-iibigan ng dalawa kaya mag mula noon ay hindi nagkita ang dalawa hanggang sa nag-krus ang mga landas nila. Matapos maiwan si Aelyne sa tahanan ng kanyang tiya ay siya namang pagdating ng ama ni Alessandro. Humingi ng pabor ang ama ni Alessandro na kung pupuwede ay kina Aelyne muna makitira si Alessandro dahil mayroong importanteng gagawin ang kanyang ama.

Hindi naman daw nagdalawang-isip ang kanyang tiya na kupkupin si Alessandro dahil hanggang sa araw na iyon ay mahal pa rin niya ang ama ni Alessandro. Araw-araw naglalaro si Alessandro at si Aelyne at doon nagbunga ang kanilang matibay na pagsasama bilang magkaibigan. Unang beses na nangako si Alessandro kay Aelyne nang sila ay labing-dalawang gulang na pakakasalan siya nito kapag malaki na sila.

Kasabay noon ay ang pagdating ng ama ni Alessandro. Walang magawa ang kanyang tiya para pigilan ang pagkuha ng ama ni Alessandro sa kanyang anak at doon natapos ang kuwento ng dalawang pamilya.


Thanks for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top