CHAPTER THIRTY-TWO
"Lauding"
NANG pinuntahan ko ang subsidiary base ng CRYPTIC ay halos maabo ito dahil sa malaking apoy na sumiklab nang pinutukan ko ang isang silid sa loob. Naririnig ko ang daing ng ibang CRYPTIC na gumagapang palayo sa apoy pero wala na silang pag-asa pang mabuhay dahil kinakain na ng apoy ang kalahati ng kanilang katawan.
“C’mon, kid. The whole Headquarters is waiting for you," mahinang sambit ng isang agent ng Headquarters at mabilis nitong tinapik ang aking balikat.
Nakita ko sina Karl at Aelyne na nakatayo sa pinto ng hovercraft. Nang makita nila ako ay agad silang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Tinanong ni Aelyne kung ayos lang ba ako at sinagot ko naman siya sabay kinapa ang katawan ko kung may tama ba ako ng baril. Nang mapagtanto niya ang kanyang ginagawa ay mabilis itong tumayo ng tuwid at agad na pumasok sa hovercraft.
Napangiti ako sa kanyang ginawa at tinignan naman ako ni Karl sabay ipinatong niya ang kanyang braso sa aking balikat at naglakad na rin papasok sa Hovercraft. Hindi ko nga alam kung bakit ayos lang sa mga armies ng Headquarters na nandito si Karl. Sa susunod ko nalang ipapaliwanag kay Uncle kung bakit nagkaroon ako ng isa pang kasama sa paghahanap sa CRYPTIC.
When everyone entered the hovercraft, it slowly rose into the air and immediately flew straight to the Headquarters. There were no CRYPTIC survivors in the explosion. I kept wondering if Vyxin was still alive or with him turned to ashes inside CRYPTIC's subsidiary base. No one could survive that explosion, not even a bad guy like Erso.
Bumaba ang Hovercraft sa harap ng Headquarters at agad kaming pumasok sa loob. Kagaya pa rin ng dati ay abala ang lahat sa kani-kanilang mga gawain. Na-miss ko tuloy ang amoy ng buong Headquarters dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta rito.
Isang agent lang ang sumama sa aming tatlo papunta sa opisina ni Uncle. Nabasa ko sa kanyang maliit na nameplate sa kanyang damit ang kanyang pangalan. Jefferson D.C.
Medyo seryoso ang mukha nito at walang itong kibo hanggang sa nahatid niya kami sa tapat ng pinto ng opisina ng general.
Agad naman siyang umalis na wala manlang sinabi na kung ano. Nag-aalangan pa akong pumasok sa loob dahil wala akong maipaliwanag tungkol kay Karl. Hindi pa nga ako nakakakatok nang biglang binuksan ni Aelyne ang pinto. Nagulat ako sa ginawa niya at muntik ko na siyang masigawan pero mabuti nalang ay nagsalita agad si Uncle kaya hindi ko iyon nagawa kay Aelyne.
“Kylvin! Well Done! My greatest nephew!” magiliw nitong ekspresyon at sinunggaban ako ng mahigpit na yakap na ikinadaing ko sa sakit.
Nasagi niya ang mga sugat ko sa katawan at agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap at mabilis na nagpaumanhin.
“Mamaya ay ipagdidiwang natin ang ginawa mo. I’m sorry I doubted your abilities. You put an end to their base.”
“K-Kase Uncle,” pag-aalangang sabi ko at naghintay naman siya sa sasabihin ko, “kase hindi ko iyon magagawa kung wala ang tulong nina Aelyne at Karl.”
Agad namang tinignan ni Uncle ang dalawa sa aking likuran. Hinintay kong magalit siya pero nanaig sa kanyang mukha ang matinding kasiyahan at agad na nagpakilala kay Karl Jemingson. Magiliw namang nagpakilala si Karl sa kanya.
“Mabuti ay nagawa mong tumawag kay Kelly para puntahan kayo ng mga armies ng Headquarters.” Pagpapatuloy ni Uncle sa kanyang sinasabi. “Iyon na ba ang secret base ng CRYPTIC?, diba?”
“Sa totoo po ay hindi. P-Pero nahanap na sana namin kung hindi nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari. Isang subsidiary base lang iyon ng CRYPTIC. Pasensya po kase hindi ko pa rin nahanap—” putol na sabi ko nang humalakhak siya sa sobrang saya.
“It doesn’t matter. Now that CRYPTIC knew what happened to their subsidiary base, I bet they are now trembling in fear,” buong kompiyansang sambit niya at agad na umupo sa kanyang magarang silya, “Dahil sa ginawa mo, Kylvin, ay mapipilitan silang magpakita sa iyo ng hindi mo inaasahan. Sa oras na iyon ay agad mong tawagan ang Headquarters para dakpin ang miyembro ng CRYPTIC upang ituro nila ang kanilang Main Base.”
Biglang nagbago ang ihip ng hangin matapos iyong masabi ni Uncle. Talagang seryoso na si Uncle na patumbahin ang grupong pumatay sa kanyang kapatid. Sa pumatay sa kanyang mga magulang. Sa pumatay sa buong pagkatao niya.
“K-Kylvin,” sabi ni Aelyne at agad naman akong napalingon sa kanya, “Napupuno na ng dugo ang damit mo,” nag-aalalang sabi niya at mabilis kong tinignan ang laylayan ng aking damit.
Nakita ko ang dugong umaagos sa dalawang malalim na sugat na natamo ko nang nasa boutique ako kasama ni Marina. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Nag-aalala tuloy ako kung maayos ba ang kanyang kalagayan.
“Mabuti pa ay ipapadala na kita kay Kelly," suhestiyon ni Uncle, “At mamaya ay magkakaroon tayo ng selebrasyon.”
Matapos iyong sabihin ni Uncle ay tinawagan niya ang mga medical personnel ng Headquarters para gamutin ang mga sugat ko. Hindi ko alam kung bakit nanginig ang buong katawan ko sa sobrang pagod matapos ang mga nangyari. Nang makapasok na ako sa Medical Center ng Headquarters ay doon na ako nagpahinga at umidlip sandali.
Binigyan nila ako ng mga gamot nang magising ako. Para raw iyon sa ikakabilis ng aking paggaling. Sabi nila ay kailangan ko raw magpahinga ng ilang linggo para manumbalik ang dating lakas ko. Pero medyo malabo iyong mangyari dahil mayroon pa akong klase at kailangan ko pa na turuan si Aelyne at Karl sa pakikipaglaban. Idagdag pa ang pagpapakita ng CRYPTIC. Hindi ko na sinabi iyon lahat sa Doktor at nagpasalamat nalang ako tsaka ngumiti.
Sabi ni Uncle ay magsisimula ang pagdiriwang mamayang gabi. Sa ngayon daw ay magpahinga muna kaming tatlo para mabawi raw namin ang mga lakas naming nawala sa pakikipaglaban sa kalaban. Lalo na raw ako na nagtamo ng maraming injuries.
Nagpahinga ako sa sarili kong kuwarto rito sa Headquarters at sina Karl at Aelyne naman ay binigyan ng sariling kuwarto para roon sila makapaghinga. Ganoon pa rin ang kuwarto ko. Nandoon pa rin ang pabilog na bintana at ang maliit na kama.
Sa hindi ko inaasahan ay nakatulog naman ako ng mahimbing. Ilang oras din siguro akong walang malay dahil tatlong minuto nalang ang natitira bago magsimula ang selebrasyon ng Headquarters dahil sa ginawa ko.
“Kylvin?” Boses ng isang babae na nasa labas at wala itong tigil sa kakatok sa pinto.
Agad ko naman iyong binuksan at nagulat siya sa kanyang nakita.
“Anong oras na! Kailangan ka roon sa Conference Hall. Bakit hindi ka pa nakabihis?” tanong ni Kelly.
“Kailangan pa bang magbihis?” binalikan ko siya ng tanong habang kinukusot ko ang aking kanang mata.
“Nandiyan na nga ang damit na susuotin mo. Sa tabi ng kama hindi mo pa nakita.”
Sa sinabi niyang iyon ay napalingon ako sa aking kama at nakita ko ang isang case. Isang ternong itim na suit. Binuksan ko iyon at nginitian si Kelly.
“I’m going to dress. Wait there in a minute,” sabi ko sabay nginitian siya.
Nang makaalis na siya ay agad kong isinara ang pinto para magbihis. Medyo naalimpungatan pa ako kaya hindi ko na alam ang uunahing suotin.
Kahit maglagay ng neck tie ay hindi ko na nagawa ng maayos dahil sa matinding antok kaya nagdesisyon akong sumuot mg casual na damit. Isang itim na T-shirt tsaka gray na pantalon. Wala na akong pakialam kung hindi ako nakasuot ng pormal.
Maraming tao ang nasa loob at ang kinaibahan lang dati ay ngayon ay mayroong mga pagkain sa gilid ng Hall.
Mayroong pabilog na mga lamesa at bawat lamesa ay mayroong limang silya. Hindi ko alam kung ano ba ang selebrasyong magaganap. Isa bang Anibersaryo ng Headquarters ang nagaganap dahil sa napakaraming handa o selebrasyon sa aking pagtuklas sa isa sa mga base ng CRYPTIC?
Sa bawat taong nakakasalubong ko ay hindi nawawala ang pagbati nila sa akin dahil sa ginawa kong pagpapasabog sa base ng CRYPTIC. Medyo naiilang naman ako sa daming pagpupuring natatanggap ko.
Ang hindi ko lang matanggap na pagpupuri nila ay ako raw ang pinakamagaling na Diasque na nakilala nila. Hindi ko iyon matanggap dahil ang pinakamagaling na Diasque ay sina Siyaszo at Sebastian dahil silang dalawa ang nagpatuloy sa iniwang responsibilidad nina Aljandro at Sionnara Diasque.
Hindi ko nalang iyon inisip pa at inintindi ko nalang na hanapin sa magulo at napakaraming tao sa loob ng bulwagan si Aelyne.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top