CHAPTER THIRTY-ONE

"The Escape"

“AT LAST, you woke up,” mahinahon pero punong-puno ng inis kong sambit sa kanya.

At the same time as I uttered the words, I pointed the gun at his left head while he was unable to move because we tied him to his own chair in his own office.

Imbes na matakot ito sa pagbabanta ko ay mabilis na lumapad ang kanyang mga labi na parang natutuwa pa siyang makita akong muli. Dahan-dahan itong tumawa at habang tumatagal ang kanyang tawa ay lumalakas ito na siya namang nagtulak sa akin para suntukin siya sa mukha.

“Gusto mo talaga yatang mabasag yang mukha mo!” sigaw ko sa kanya.

“Let me guess, you think that this is the main base of CRYPTIC?, Am I wrong? ” tanong nito sa akin at ngumiti na naman na parang baliw.

“That is why we are here. Para ituro mo sa akin ang sekretong taguan ninyong mga mamamatay tao,” sagot ko sa kanya.

Mukhang mali ang kanyang iniisip kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Do you think I will show you the way there? If you still want to be alive after this, give me the metallic orb and the flash drive that your father gave you with many holes in the body because of the bullets that came from me!” nanlolokong sambit nito sa akin at muli na naman siyang tumawa na nakakarindi pakinggan.

Mabuti nalang ay pinigilan ako ni Vyxin nang tinangka kong siyang barilin. Pinaupo muna niya ako sa isang sulok para palamigin ang ulo ko dahil hindi ko nagustuhan ang mga sinabi ni Erso tungkol kay Dad.

“Ah… Vyxin Vix. My personal bodyguard before. Ilan ba ang binayad sa iyo ng Diasque na iyan para tulungan siyang hanapin ako? Nagpapasalamat nga ako sa iyong ginawa dahil hindi na kami mag-aaksaya ng oras para hanapin si Kylvin at bawiin sa kanya ang drive."

“Hindi ako binayaran ni Kylvin para hanapin ka,” sagot ni Vyxin sa kanya at tumingin ito sa akin.

“Eh ano ang kapalit? Why are you helping that poor little rat. Tinakot ka ba niya? He is just like a buzzing irritating fly that can easily be killed by one clap.”

Dahil sa sinabi ni Erso ay naramdaman ko ang pagbabago ng galaw ni Vyxin. Tinignan niya ako ng matalim at nandidilim ang paningin nito sa akin. Nagpakiramdaman at naghihintay ng tamang oras na gumawa mg kilos. Sabay kaming humugot ng baril at itinutok ito sa isa’t isa.

“Vyxin—”

“Erso was right. Why am I doing this? You are not a threat to me, Kylvin,” mahinang sabi ni Vyxin at bigla namang nagsalita si Erso sa kanyang likuran.

“Diba gusto mo siyang patayin. Go on. I’m watching. When you're about to kill him with your own hands, only the flies will mourn to his corpse,” panunuyang sabi ni Erso at kulang nalang ay pumalakpak siya sa kanyang nakikita.

“Bakit ko nga ginagawa ito? Para hindi mo ako saktan?" kunot-noong sabi ni Vyxin at tumawa siya ng malakas, “I’m not afraid of you. I’m good at killing people because I am the Master of Hunter!” sigaw niya at bigla kong narinig ang malakas na putok ng baril.

Nakita ng dalawa kong mata ang pagluhod ni Vyxin dahil sa balang tumama sa kanyang katawan. Dahan-dahan itong humiga sa sahig at nawalan ng malay.

“I heard all your conversation. We are running out of time,” sabi ni Karl na bigla nalang lumitaw sa aking likuran.

“Karl?”

“Ayokong iwan ka sa lalaking iyan. Alam kong hindi siya mapagkakatiwalaan.”

Nakita ko si Karl na nakasuot ng damit na katulad ng mga suot ng CRYPTIC. Narinig lahat ni Karl at Aelyne ang aming pag-uusap dahil sa walkie-talkie surveillance earpiece na gamit naming apat kaya mabuti nalang ay nakarating si Karl sa kinaroroonan namin. 

Dahil ayaw namang ituro ni Erso ang kanilang sekretong taguan ay agad ko siyang kinaladkad palabas habang naririnig ko siyang tumatawa para ako ay inisin. Papahirapan namin siya para siya na mismo ang umamin kung saan mahahanap ang sekretong taguan nila.

“Bilisan mo maglakad!” mahinang utos ko sa kanya para hindi kami paghinalaan ng mga taong dumadaan sa hallway na bihag namin ang lalaking namumuno sa lugar na ito.

“You will regret this,” malaking kompiyansang saad ni Erso at pinilit pa nitong pumalag, “Hindi kayo makakatakas dito. Dito na kayo mamamatay!” sigaw nito at agad na itinulak si Karl at diniinan niya ang paghawak sa sugat ko na dahilan para mapaluhod ako sa sakit.

Agad niya akong sinuntok sa mukha sabay tinadyakan sa tiyan. Masyadong malakas ang ginawa niyang pag-atake na halos ikawala ng malay ko.

Umagaw iyon ng atensyon sa buong CRYPTIC at patakbong lumapit sa amin ang mga guwardiya para dakpin kami pero agad akong inalalayan patayo ni Karl para tumakas.

“Aelyne! Prepare to cover. Do you copy?” sabi ni Karl.

“Copy that!” tugon naman ni Aelyne sa kabilang linya.

Bago pa kami lumabas ay pinahinto ko si Karl sa paglalakad nang makita ko ang silid na sinilip ko kanina. Binuksan ko ang pinto ng silid at nagtatakang tinignan ako ni Karl sa aking gagawin. Mabilis kong pinagbabaril ang mga cylinder tube na naglalaman ng likidong kemikal.

“What was that for?” pagtatakang tanong ni Karl.

“For the great show!” sabi ko at nginitian siya.

Dahil sa ginagawa kong pagbabaril sa silid ay lumikha iyon ng malaking apoy. Nakita ko ang mukha ni Erso sa pagkagulat nang nagawa ko iyon. Ilang saglit lang ay sumabog iyon ng malakas. Lahat kami ay tumilapon sa lakas ng epekto ng pagsabog dahil sa mga kemikal na naabot ng apoy.

The room was filled with flammable materials. One of which is the highly volatile chemicals that emitting dangerous vapour.

Nang makalabas na kami sa base nila ay agad namang bumuntot sa likod namin ang mga guwardya. Agad silang pinagbabaril ni Aelyne mula sa kanyang pinagtataguan. Pinilit nilang hanapin kung sino ang umaatake sa kanila mula sa itaas pero hindi nila ito makita. Dahil sa tulong ni Aelyne ay nagkaroon kami ng oras para makatakas.

Ginamit namin ang truck na sinakyan namin papasok sa kanilang base at agad iyon pinatakbo. Hindi na nagawang iwasan ni Karl ang mga CRYPTIC na umaabang sa daan at wala niya iyong awang sinagasaan. Nagkaluray-luray ang kanilang mga katawan at dinig na dinig namin ang bawat pagbasag ng kanilang mga bungo dahil sa kahindik-hindik na ginawa ni Karl.

“You’re so mean!”

“Am I?” pagbibirong tanong niya.

Dahil fences lang ang bakod na pumapalibot sa kanilang base ay inakala ni Karl na magigiba niya iyon pero hindi. Napahinto ang sasakyan dahil sa fences na bumalot sa harap ng truck dahilan para tumaob ito.
Nasa likuran namin ang mga CRYPTIC at wala kaming ibang nagawa kundi ang bumaba sa truck para tumakbo palabas. Hindi na kase kayang barilin ni Aelyne ang napakaraming bilang ng CRYPTIC na hinahabol kami. Handa ang bawat isa nito na patayin kaming dalawa.

“Can you still hold them?” tanong ni Karl.

“I’m out of ammo. I got company up here. You guys should run for your life!” sagot ni Aelyne sa kabilang linya.

“Seriously?”

“Do you think I’m joking around?” Pagmamaldita ni Aelyne sa kanilang linya.

Habang tumatakbo kami ay nakita ko ang paglabas ng mga CRYPTIC sakay ng mga sasakyan nila para habulin kami.

“Do you have any plan?” Tanong ni Aelyne sa akin.

“Wala!” sigaw ko habang tumatakbo para makaiwas sa mga CRYPTIC. Pumunta kami sa masukal na kagubatan para mahirapan silang habulin kami pero hindi iyon nagpatigil sa kanila. Bumaba sila sa kanilang mga sasakyan at patakbong pumasok sa kagubatan.

“They’re not going to let us escape!” sigaw ni Karl.

Naririnig ko ang mga putok ng baril mula sa likod na pilit kaming patayin.

“Guys,” mahinang sabi ni Aelyne.

“Ano?” tanong ko habang umiiwas sa pag-atake ng CRYPTIC.

“Just—Just don't die.”

Napangiti ako sa sinabi niya at sinabing, “We won’t.”

Kahit alam ko namang wala na kaming laban sa kanilang bilang ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo at pinagbabaril sila mula sa aking likuran.

Makailang ulit kaming nagtago sa malaking puno para lang makaiwas sa kanilang pag-atake. Hindi naman patas ang laban dahil dalawa lang kami ni Karl kumpara sa kanilang bilang.

“Are we going to deal with them alone???” tanong ni Karl sa akin at mabilis na umiwas sa mga pag-atake ng kalaban.

“Tiisin mo lang. May tulong na paparating," sabi ko sabay sumenyas sa kanya na muling tumakbo palayo sa kalaban.

“What do you mean?” pagtatakang tanong nito.

Ilang saglit lang ay  bumaba sa harap ng CRYPTIC ang hovercraft ng Headquarters para tulungan kami.

Tinawagan ko na kanina ang Headquarters bago pa kami pumunta dito. Alam na ni Uncle na nakikipaglaban na kami sa CRYPTIC. Dahil sa aking ginawa ay matatapos na ang laban sa araw na ito. Bumaba ang mga army ng Headquarters at pinagbabaril silang lahat.

“Who are they?” pagtataka ni Karl.

“Our Allies,” sabi ko at nginitian siya sabay tinulungan ang mga armies ng Headquarters sa pagbabaril at ilang saglit lang ay sumiklab ang napakalaking apoy matapos sumabog ang subsidiary base ni Erso Hallick.

We did it. Did we?

Thank you for reading:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top