CHAPTER THIRTY-FOUR
"A Day Being A Teen"
"KYLVIN?" Aelyne asked when I woke up on the kitchen floor.
I was still in her arms and I saw her eyes filled with tears. She smiled when she saw me awake. I lifted myself up and I gave her a stare. I didn't know why it worries me so much when something bad would happen.
"Hindi pa nakakarating sina Kelly. Ilang minuto kang walang malay at mabuti nalang ay nararamdaman ko ang mainit mong paghinga. Kaya doon ako nakahinga ng maluwag," nag-aalalang wila niya at wala akong tugon sa mga sinasabi niya, "KYLVIN! Nakikinig ka ba? Ayos ka lang? Pinapakaba mo ako! Kylvin!" she shouted and shook my shoulder and at the same time I quickly hugged her tightly which surprised her completely.
"Naaalala ko ang ibang mga alaala ko, Aelyne." bulong ko sa kanya at mas hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya, "Naalala ko si Dad."
"Mabuti naman. Pinakaba mo ako," mahinang tugon niya at akmang bibitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Sandali lang. Gusto lang kitang yakapin ng matagal," marahang sambit ko habang nakapikit ang aking mga mata.
"K-Kase..." pag-aalangang sabi niya, "Ang lamig kase ng buong katawan mo, Kylvin. Napakalamig dahil sa natuyong pawis mo kanina." Bumitaw ako sa papagkakayap dahil medyo nahiya ako ng kaunti.
"P-pero wala ka namang amoy—" putol nitong sabi at lumaki ang mga mata niya nang makita niya ako mula sa pagkakabitaw ng pagkakayakap sa kanya. "Ang putla mo pa rin. Hindi ka pa maayos, Kylvin. Kukuhanin kita ng damit."
Akmang tatayo ito nang bigla namang pumasok ang medical team ng Headquarters. Pinangunahan sila ni Kelly at Miryam. Inalalayan nila akong pumunta sa kuwarto ko para doon isagawa ang eksaminasyon at tests kung ano ba ang nangyayari sa akin. Hindi sigurado si Kelly kung magiging maaga raw ang pagbabalik ng alaala ko mula sa aking temporary amnesia.
They told me that I needed a rest for able to regain my strength and my normal state due from what happened. They recommended that I should avoid thinking a lot these coming days because it would trigger the outburst memories in my head.
Matapos nilang gawin sa akin iyon ay nagpaalam sa akin ang medical group ng Headquarters at si Kelly para bumalik sa Headquarters. Nagpasalamat naman ako sa kanilang ginawa. Hindi nila sinabi kay Uncle ang nangyari dahil baka raw mag-alala siya ng husto at hindi makapokus sa kanyang trabaho. Naiwan sa mansyon si Aelyne at nakaupo itong minamasmadan ako sa sulok ng silid.
"Ano?"
"Ba't ang sungit mo?" tanong nito sa akin na ikinangiti naman ng mga labi ko.
"Ganito naman talaga ang tono ng pananalita ko. Hindi naman ako nagsusungit," sagot ko sa kanya at agad na bumangon sa kama. "Anong oras na ba?"
Tumingin ito sa kanyang relos para tignan ang oras. "Nasa 11:30 am. Hindi na tayo makakahabol."
Tumayo ako at pumunta sa banyo para maligo. Kailangan kong pumunta sa klase dahil sayang naman kapag hindi ako pupunta. Lalo pa't papalapit na ang mid-term examination namin. Kailangan ko na ring mag-review para maipasa iyon at makapag-graduate on time. Isa pa ay marami na akong absences sa klase dahil sa kakahanap sa base ng CRYPTIC.
"Pupunta ka?" nagtanong ulit si Aelyne nang nakita niya akong nakabihis papunta sa school.
"Bakit ayaw mo?"
"K-kase diba... pinagpapahinga ka?"
Hindi ko siya sinagot at agad na naglakad palabas ng mansyon. Bumuntot naman siya sa akin hanggang sa pumasok kaming dalawa sa loob ng kotse. Nang maayos na kaming nakapuwesto sa loob ng kotse ay huminga ako ng malalim at tsaka nagsimulang magsalita.
"Pasensya nga pala kanina. Hindi kase naging maganda ang gising ko noong bigla kang pumasok sa mansyon. Kulang kase ang tulog ko at napapasalamat din ako na tinulungan mo ako nang halos mabaliw ako sa sobrang sakit ng aking ulo," pagpapasalamat ko nang hindi siya tinititigan. Nakatuon ang paningin ko sa manibela at nabaling lang ang paningin ko ng bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko na nakakapit sa manibela ng kotse.
"You're my friend. And I won't let you die because you promise me that we are going to find Alessandro and the rest of the Vanishers," seryosong sagot niya habang pilit na ngumiti.
Tinitigan ko pa siya ng matagal dahil sinabi niya iyon sa akin. Hindi ko naman siya puwedeng pilitin kung talagang wala naman siyang nararamdaman para sa akin at isa pa ay hindi ko naman pinapahalata sa kanya na gusto ko siya.
Nahagip ng mga mata ko na hindi niya naisarado ng maayos ang pinto ng kotse sa tabi niya kaya agad akong lumapit sa kanya para maisara iyon sa mabilis na paraan kaysa sa bumaba pa ako at isara iyon sa labas. Nagulat naman ako nang niyakap niya ako sa biglaang paglapit ko sa kanya.
"A-Aelyne?" sabi ko habang naiilang sa kanyang ginawa, "Hindi mo sinara ng maayos ang pinto."
"H-huh? Akala ko gusto mong yakapin kita?" sabi nito sa akin at namula pa sa pagkahiya.
"Huh?" kunot-noong tanong ko at napatawa ng malakas dahil sa naging reaksyon nito. Hindi ito makatingin sa akin ng maayos at biglang itinakip ng kanyang dalawang palad ang kanyang magandang mukha dahil sa kahihiyan na natanggap niya mula sa akin.
"Tama na. Huwag ka ng mahiya," sabi ko sabay tumawa ng malakas at pinatakbo ang sasakyan papunta sa school.
***
AFTER we both got out from the car, Aelyne ran quickly away from me, and she still couldn't look me in the eye because of the hug she did to me. Actually, It's fine for me whe she did her hugging, in fact, I enjoyed it. The only thing that bothered me was the sudden realization of her actions. She didn't expect her to do that out of the blue.
I laughed at her.
Akmang hahakbang ako papasok sa unang building ng campus nang makita ko si Franco at mayroon siyang kasamang dalawang babae.
A girl was locked inside Franco's arms and the other one was standing right beside them. Pinning herself against the wall. A tall, curly black hair had Franco pinned against the brick wall of the first building, kissing him wild. They were too close enough to me that I could hear the weird noises of their lips.
Napansin yata ako ni Franco na nakatingin sa kanila kaya tumigil muna sila sa kanilang ginagawa. Nanlaki naman ang mata ng babaeng kahalikan niya nang makita ako.
"Kylvin!" tawag sa akin ni Franco, "James was terrified after what you did with Vyxin," pagpapatuloy niya at tumawa pa.
Hindi ko nalang pinansin ang kanyang sinabi at akmang aalis ako nang nagsalita siya ulit.
"This is Cassandra and Reveka," pagpapakilala niya sa dalawang babaeng kasama nito nang makalapit ako sa kanila.
Agad namang niyakap ako ng dalawa at natuwa sila nang maamoy nila ang pabango na suot ko.
"He smells so good," bulong nila nang makabitaw sila sa pagkakayakap sa akin.
"Stop admiring him. I am here. Always available," pagbibiro ni Franco.
"Ayos lang ba si James? Kase medyo na-trauma siya sa kanyang nakita," tanong ko sabay nagkamot sa ulo.
"Ayos naman daw siya." Huminto ito sa pagsasalita para tumawa. "Hindi na siya nagtanong pa kung ano ang ISSUE niyo kay Vyxin dahil palagi naman daw siyang napapasangkot sa gulo."
Nang mabanggit ni Franco ang pangalan ni Vyxin ay biglang sumagi sa isip ko ang pagkamatay niya. Hindi ako nakakakasigurado kung patay nga ba siya dahil hindi ko nakita ang kanyang bangkay nang sumabog ang base ni Erso. Pero sino ba naman ang makakaligtas sa malaking pagsabog na iyon?
Maging ang hayop na si Erso ay paniguradong kahit ang sarili niyang abo ay mawawala sa mundong ito dahil sa lakas ng pagsabog.
Agad na akong naglakad palayo sa kanila para hindi na muling mabanggit ni Franco ang pangalan ni Vyxin. Bago pa ako pumasok sa classroom ay bumili muna ako ng lunch na nakalagay sa isang styrofoam food container na binibenta sa cafeteria. Dalawang order dahil alam ko na hindi pa nakakain ng tanghalian si Aelyne.
Ipinatong ko ang lunch ni Aelyne sa kanyang lamesa habang nakikipag-usap ito sa isa naming kaklaseng babae. Mabuti nalang ay naalala ko ang pangalan ng kausap niya, Si Heartjoy. Siya ang nakapansin sa pagpatong ng pagkain sa lamesa at agad niyang kinalabit si Aelyne para ituro ang ginawa ko.
Agad na akong umupo sa puwesto ko sa classroom at akmang bubuksan ang lunch na binili ko nang biglang umupo sa tabi ko si Marina at hinalikan ako sa labi. Gumanti naman ako ng halik sa kanya.
"What happened to you?" nag-aalalang tanong niya sa akin nang matapos niya akong halikan.
"What happened to you?" I asked her the same question, "Hindi kita nakita sa boutique. Alam mo bang muntik na tayong mapatay ng CRYPTIC. Mabuti ay nakaalis ka sa pinagsabugan ng dalawang hovercraft nila."
"Nang nasa fitting room ako ay bigla akong tumakbo palayo sa pag-atake. Hindi ko nga alam kung bakit ka nila inaatake. Tumakbo lang ako ng mabilis para makaligtas," sabi niya at agad na umiwas ng tingin sa akin.
Sa kanyang tono ng pagsasalita ay nagbigay sa akin ng matinding pagtataka.
"Bakit ka ba nila inaatake? Nakita kita kung paano ka makikipaglaban. Mayroon ka bang sekreto na kailangan kong malaman?" muli niyang tanong niya sa akin.
"H-Hindi ko rin alam," pagkukunwaring sagot ko. "Baka gusto nila tayong dukutin kagaya ng nangyari sa ibang mga kabataan."
Mukhang nakumbinsi ko naman siya sa aking sinabi kaya hindi na siya nagtanong tungkol dun.
"Masaya ako na buhay ka, Kylvin," she responded in a calmer way like it was her greatest relief of her life.
"Ako rin," tipid na sagot ko at nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Bigla nalang nagkaroon ng pag-alinlangan sa pagitan naming dalawa matapos naming mapag-usapan ang tungkol sa pag-atake ng CRYPTIC.
Nabaling ang paningin ko sa direksyon ni Aelyne at nakita kong umiwas siya nang tingin nang magtama ang paningin naming dalawa. Akmang tatayo siya para lumabas nang bigla pumasok ang classroom president at kasama niya ang iba pa naming kaklase.
Nakita ko ang pagpasok ni Karl at nang makita niya ako ay ngumiti ito tsaka tinapik ang balikat ko nang makalapit ito sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakaupo pala siya sa likuran ko at hindi ko manlang siya nakita nang unang araw ko rito sa school.
Hinintay muna ng classroom president na mapuno lahat ng buong klase bago niya simulan ang kanyang sasabihin.
"Good Morning to all. Next Week. Monday. The whole school will celebrate the 50th Anniversary of Central City High School. This school was established along with this city where we lived in," pagpapauna niya sa kanyang pag-anunsiyo, "We have two parts of celebration. The part one include all the students of this school. And the second part is exclusive for the teachers and staffs of the school only."
Napansin ko ang iilang mga kababaihan kong kaklase ang matinding pagkasabik sa nasabing selebrasyon. Nakikita ko naman ang tinatamad at nayayamot na mga mukha ng ilang kalalakihan kong kaklase at ibang mga kababaihan. Narinig ko pang bumulong ang isang lalaki sa harapan ko na walang kwenta raw ang gagawing selebrasyon.
"Dahil nga mayroong anniversary ay mayroon tayong Annual Night Ball. At ang isang babae at isang lalaki ay tatanghaling King and Queen of Night base sa obserbasyon ng mga hurado. Ang mga hurado rin ay mga student council."
Nakita ko ang mas pinatinding pagkayamot ng iba kong mga kaklase dahil sa mga sinabi ng aming Presidente ng Classroom. Kailangan ba talagang may sayawan pang magaganap? Puwede naman sigurong hindi na pumunta.
Nagsingtilian ang mga kababaihan sa narinig nila at kasama na doon si Marina. Matapos daw ang klase ngayon ay bibili agad daw sila ng gown para sila daw ang manalo bilang Queen of the Night.
"Pre, pupunta ka?" Biglang pagkalabit ng isa kong kaklase kong lalaki.
"Hindi," mabilis kong sagot sa kanya.
"Same here," sagot niy at tumawa pa at kinalabit din niya ang isa pang katabi niya para tanungin kong pupunta rin ba sila.
Mas mayroon pa akong mahalagang gagawin kaysa sa sayawan na gagawin nila. Isa pa ay hindi ako puwede magsaya dahil konting-konti nalang ay mahahanap ko na ang main base ng CRYPTIC.
"Sasama ka?" biglang tanong ni Karl sa akin mula sa likod.
"Hindi. Ikaw?"
"Gusto ko sana kaso wala akong maisusuot."
Biglang kong naalala ang napakaraming formal suit ko sa mansyon.
"I have a lot of spare tux in my house. Do you have cufflinks, though?"
He nodded in disappointment. "I don't have one."
"W-Well, we can fix that. I'll get it sorted. I'll get you some."
Hindi ko naman iyon lahat masusuot kaya sinabihan ko si Karl na sumama sa amin mamaya ni Aelyne sa mansyon para ibigay sa kanya ang dalawang suit para makapunta siya sa pagdiriwang. Matapos niya iyong marinig sa akin ay namutawi sa buo niyang mukha ang labis-labis na kasiyahan.
"Gawin niyo na ang makakaya niyong gawin sa sarili niyo para manalo kayo bilang King and Queen of the Night." Our President ended her announcement and it looked like she is the only one enjoying what she just announced.
Nang matapos na ang klase ay nag-uunahan ang lahat na makalabas para raw makabili ng susuotin nila sa Night Ball. Medyo sumakit ng kaunti ang ulo ko at napapakapit ako sa bagay na mahawakan ko para makapaglakad ng maayos. Medyo hindi pa kase maayos ang balanse ko dahil sa nangyari kanina.
"Aelyne," tawag ko sa kanya nang makasabay kaming dalawa sa paglabas ng classroom. Tinignan naman niya ako at binigyan ng ekspresyon sa mukha na nagpapakahulugan ng "ano iyon?". "Pupunta ka sa Night Ball. Kung bibili ka rin ng damit ay wala muna tayong pagsasanay ngayon."
"Hindi ako pupunta. Diba mas importante ang pagsasanay ko?"
"Oo pero..." Huminto ako sandali. "Pero baka gusto mong pumunta?"
"Ayoko nga. Bakit ikaw pupunta ka ba?" tanong nito.
"H-Hindi."
"Hindi rin ako," sabi niya at akmang hahakbang siya nang bigla kong hinatak ang kanyang braso pabalik sa kinatatayuan naming dalawa kanina.
"Pumunta ka," pagkukumbinsi ko.
"Kung pupunta ka."
"Ayoko nga."
"Bakit ayaw mo bang pumunta? Parang hindi ka naman seventeen-year-old. Masyado kang seryoso sa buhay. Pupunta ako kapag pupunta ka."
"Ayoko nga. Hindi ko gusto ang mga ganoong selebrasyon. Nakita mo naman siguro sa Headquarters noong nagkaroon ng selebrasyon"
Huminga ito ng malalim tsaka siya nagsalita, "Ayoko. Kung hindi ka pupunta ay ayaw ko ring pumunta. Sinabihan ko na rin kanina si Heartjoy na hindi ako makakapunta. Mas importante sa akin ang pagsasanay," sabi niya at nginitian ako, "At huwag mo ng balakin pang bilhan ako ng damit na susuotin!" pagbabanta nito at hinatak ang kamay ko papunta sa parking lot ng school.
"Kapag pupunta ba ako ay pupunta ka rin?" tanong ko sa kanya na dahilan para mapahinto ito sa kanyang pagsasalita.
"Kung pupunta ka," sabi nito at ngumiti. Hindi ko siya sinagot at binigyan ko siya ng tingin na ikinaiwas ng kanyang mga mata sa akin.
"Pupunta ako. Aasahan kita." Sabi ko sabay hinatak ang kamay nito papunta sa parking lot ng campus.
***
NANLAKI ang mga mata ni Karl sa kanyang mga nakikita. Hindi niya maitago ang matindi niyang pakiramdam sa mga tuxedos. Kung ako ang tatanungin ay mas bagay sa kanya ang itim na double breasted tuxedo suit. Hinayaan ko naman siya sukatin ang gusto niyang sukatin para rin makapili siya ng maayos.
Kasama namin si Aelyne at nakaupos ito sa kama ko habang pinagmamasdan niya kaming dalawa na naghahanap sa susuotin ni Karl sa Night Ball. Bigla nalang napatawa si Aelyne nang makita niya si Karl na nakasuot ng suit pants with large floral print.
Nahiya naman siya sa kanyang naisuot at agad na pumunta sa banyo para magpalit at sa pangalawang pagkakataon ay isinuot niya naman ang isang velvet suit pants with gold baroque print.
"Gusto mo talaga ang mga floral tuxedo, hindi ba?" tanong ni Aelyne saka tumawa ng malakas.
"Bagay naman sa akin bakit ka ba tawa ng tawa?" tanong ni Karl kay Aelyne pero patuloy lang ang pagtawa ni Aelyne sa kanya.
"Try this," suhestiyon ko sa kanya sabay abot ng isang itim na turtleneck at itim ding tuxedo.
Agad naman niya iyong isinuot at nang makalabas na siya ng banyo ay biglang natahimik si Aelyne sa kanyang nakita. Medyo bumagay sa kanya ang binigay kong tuxedo pero mas gusto niya ang isang royal blue plain suit na nasa likuran ko at agad naman niyang sinukat iyon.
Pareho kaming dalawa ni Aelyne na walang masabi dahil bumagay sa kanya ang kanyang suot kumpara sa mga floral na sinukat niya kanina.
"Himala. Mukha ka ng tao ngayon," pabirong sabi ni Aelyne at mabuti nalang ay hindi pumapatol si Karl sa kanya kahit kanina niya pa ito inaasar.
"Kylvin. Sukatin mo rin kaya ang mga suits mo dito. Isa lang kung babagay ba sa iyo ang naka formal suit," sabi ni Karl at napatingin ako kay Aelyne.
"Huwag na baka hindi babagay," pagdadahilan ko na ikinaiwas ng tingin ni Aelyne." Isa pa ay bibilhan ko pa ng damit si Aelyne.
"Gusto kong makita kung ano ang magiging mukha mo kapag nakasuot ka ng formal suit. Noong nasa Headquarters tayo ay hindi ka manlang nagsuot ng maayos na damit," sabi nito at agad akong pumili ng suit na susukatin ko.
Matapos kong maisukat ang isang plain black suit with watch pocket at black print waist coat ay medyo hindi ako sigurado kung babagay sa akin ang napili kong sukatin pero mas gusto ko kase ang simpleng desinyo sa tuxedo.
Nang makalabas ako mula sa banyo ay nakita ko ang ekspresyon nilang dalawa. Hindi sila makapagsalita dahilan para mailang ako sa suot ko.
"Sabi ko na nga ba hindi bagay sa akin kaya ayokong pumunta—"
"Are you kidding me, bro? You look fine. You look amazing," pagbibigay ng magandang tugon ni Karl habang hindi maalis ang kanyang paningin sa suot ko.
"You're perfectly fine," tipid na sabi ni Aelyne tsaka umiwas ng tingin sa akin. Agad naman akong pumunta sa banyo para hubarin ang suot ko. Hindi kase ako sanay sa mga ganoong kasuotan.
Pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin lalo na't ganoon lang ang naging reaksyon ni Aelyne nang makita niya ako.
Matapos kong mabigay kay Karl ang napili niyang suit ay lumabas kaming tatlo sa mansyon. Sinabihan ko na rin si Aelyne na wala munang pagsasanay ngayon dahil medyo hindi ko siya kayang turuan dahil sa nararamdaman kong konting sakit sa aking ulo. Bago ko nahatid silang dalawa sa kanilang mga bahay ay natawagan ko na si Miryam na bumili ng isang prom dress dahil siya lang ang may alam kung ano ang gusto ng isang babae sa kanyang susuotin.
Hindi ko hahayaang hindi pupunta si Aelyne sa Night Ball. Kailangan din niyang sumaya. Binigay ko ang lokasyon ng bahay ni Aelyne kay Miryam para mai-deliver ang binili niyang damit para kay Aelyne. Paniguradong masusurpresa si Aelyne kapag nalaman niya na ang binili kong damit para sa kanya ang nahihintay sa labas ng kanyang pinto.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top