CHAPTER SEVEN
"The Alpha"
"WHAT do y-you... m-mean?" I said in curiosity.
"Hindi mo naalala?" he asked in surprise.
He actually scared of me. I barely heard his teeth making sound because he kept trembling not from the cold temperature but from extreme fear.
Big beads of sweats leaked from his forehead, it was like a faucet of running water. It was weird because we were both in the cold place, but he looked like he was in a dessert.
"We call you Alpha because everyone who cross your way couldn't stand a chance against you."
"Huh? I don't understand..."
"I fought you before, I fought you—"
Agad na pinahinto ni Tobias sa pagsasalita ang lalaking kalaban ko at agad akong inalalayan palabas ng section. Tumingin ito sa akin at nagsalita.
"Your Training will resume tomorrow. Be sure that you can get some good rest tonight," deriktang sabi ni Tobias at agad akong iniwan sa labas.
Pumasok siya sa loob ng section at kinausap ang lalaki. Papasok sana ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Miryam.
"Your lunch is ready, Kylvin," sabi nito na nakangiti ng napakalapad.
***
NATAPOS ang isang araw ko sa loob ng kakapanood ng mga agents at armies sa balkonahe sa loob ng Headquarters. Abala silang lumabas-pasok sa loob ng HQ at hindi naman ako nabagot sa kakanood sa kanila. Hindi kase natapos ang pagsasanay ko sa nangyari kanina sa Frostbyte.
Hindi rin maalis sa aking isipan ang sinabi ng kalaban ko kanina. The Alpha. Walang akong ideya sa mga nangyayari at parang mayroon pa talaga akong kailangang malaman.
Ipinakita sa akin kanina si Miryam ang kwarto ko sa Headquarters.
Tamang-tama ang laki ng silid sa isang tao lamang. Mayroon ito isang kama at pabilog na bintana. Walang halos na gamit sa loob at mayroon itong sariling banyo. May maliit na lamesa sa tapat ng kama at nakapatong doon ang walong libro.
Nasa 9:23 na ng gabi at handa na akong matulog. Nang hihiga na ako sa kama ay bigla nalang may bumukas ng pinto ng kwarto at pumasok ang isang babaeng hingal na hingal. Nang Namukhaan ko siya ay agad ko siyang nilapitan.
"Can you just knock the door before entering?" pagrereklamo ko kay Kelly.
Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago siya nagsalita.
"Can you just put your shirt on before going to bed?"
"Well, I'm a guy and it's normal for us to sleep without shirt on and you entering my room without knocking is definitely not normal."
Inirapan niya lang ako at agad na sumilip sa peephole ng pintuan. Dahil hindi niya ako pinansin ay agad kong binuksan ang pintuan at muntik na siyang matumba palabas sa biglaang pagbukas ko ng pinto.
"What the?... Tobias is coming, quick! Hide me!" sigaw nito sa akin at agad na isinara ang pinto.
Itinulak niya ako nito at muling sumilip sa peephole. Napakunot ako ng noo sa ginawa niya at agad kong hinawakan ang kanyang kaliwang balikat at hinila paharap sa akin.
"So you are the girl?" tanong ko sa kanya at siya naman ang napakunot ng noo.
"Ha?"
"Gusto ka ni Tobias, diba?" tanong ko sa kanya at agad naman siyang umiwas ng tingin.
Natawa ako sa naging reaksyon niya matapos kong masabi iyon. Agad ko maman siyang inasar at sinundot-sundot ang tagiliran nito para makiliti.
"Kylvin! Stop!" sabi nito at sinapak ako sa mukha.
"Ouch."
"Alam mo bang wala akong gusto sa kanya. Ilang ulit ko na sa kanyang sinabi na hindi ko siya gusto. Handa daw siyang maghintay para sa sagot ko. Eh wala nga akong gusto sa kanya," sunod-sunod niyang sabi sa akin.
Napatulala lang ako sa sinabi niya at wala akong balak na magsalita bagkus ay hinanap ko ang T-shirt ko at agad iyong sinuot.
Bumalik na naman siya sa pagsilip sa peephole at nagsimulang magsalita,
"Balita ko ay may nangyari raw kanina sa Training Center? Totoo ba?"
"Hindi naman ganon kalala ang nangyari," sagot ko naman nito habang nakaupo sa kama ko.
"So... paano mo nalaman na may gusto siya sa akin?"
I scoffed. That was a total cringe...
"Nakita ko sa locker niya tapos yung mga kilos mo ngayon. Bakit ka nga ba nagtatago?"
"Mayroon daw siyang sasabihin sa akin pero dahil mapilit ang taong iyon ay agad akong umalis sa Lab at naghanap ng matataguan dito."
"Ahhh.... I see," ang tanging sagot ko sa kanya.
Ilang minuto ang nakalipas at agad naman siyang umalis sa kwarto ko. Nagpasalamat pa ito dahil sa ginawa kong pagtago sa kanya. Sa totoo lang binulabog niya ang pagtulog ko. Kawawang Tobias iniiwasan ng babaeng minamahal niya.
Natawa nalang ako bigla nang maisip ko ang dalawang iyon. Pero agad nagbago ang naging emosyon ko nang maalala ko ulit ang sinabi ng kalaban ko kanina. Hindi talaga mawaglit sa akin isipan ang bagay na iyon.
***
BLADE Of Shadow.
Ang pangatlong section. Sabi ni Tobias ay mayroong lalabas na mga blades sa mga pader at kailangan kong makapunta sa dulo ng section. Kailangan ko lang daw iwasanan ang mga blades at tutungo na ako sa susunod na section.
I heard the door clanked and Tobias started to count, and when he said go, I swiftly ran inside the Blade of Shadow. I saw Agent Kinoto operating the whole section by controlling those button on his computer. Every time he pushed his precious button, it sent him a relaxing signal on his head that made him smile wide. He was evil.
Napunit agad ang damit ko nang biglang sumulpot ang isang blade na nanggaling sa pader. Pinilit ko ang sarili ko na hindi mataranta dahil kailangan kong tapusin ang section na ito. Sabi ni Tobias ay mayroon akong limang section na kailangang tapusin at mayroon na akong natapos na tatlo.
Habang papalapit ako sa dulo ng section ay parami ng parami ang mga blade na sumusulpot sa pader. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa sakit habang mabilis na dumadaan sa balat ko ang matatalim na blade.
Para matagumpayan mo ang Blade of Shadow ay kailangan mong makaapak sa kabilang bahagi ng linya sa dulo ng section. Nang papalapit na ako sa linya ay tinamaan ang paa ko ng isang blade at bigla akong natumba. Gumapang ako ng mabilis papunta sa linya at nang nasa linya na ang kalahati ng katawan ko ay biglang tumigil ang mga Blades at hudyat na iyon na natapos ko na ang ika-apat na section.
"CONGRATULATIONS, Kylvin." Pagpupuri sa akin ni Tobias at tinapik -tapik ang kanang balikat ko. "You look terrible."
"Can I have a word?" sabi ko sa kanya at tinignan siya ng masinsinan.
"What look is that?" sabi nito na nakakunot ang noo.
"About what happened yesterday. About me. About The Alpha."
Hindi niya ako sinagot bagkus agad siyang tumalikod sa akin at akmang iiwan ako.
Bigla ko siyang hinila pabalik pero hinawakan niya ang buong braso ko at pinaikot ito.
Napasigaw ako sa sakit pero agad ko siyang sinuntok sa mukha.
"Masakit iyon, ah," sabi nito at ngumiti pa ng bahagya.
"May kailangan pa ba akong malaman?" tanong ko sa kanya, "you know what, Kelly was hiding inside my room last night. She was hiding because of you, isn't. I will tell what she said to me about you if you tell me about The Alpha."
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko at biglang nahiya at hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko. Umiwas ito ng tingin sa akin at akmang aalis na naman pero tinadyakan ko siya dahilan para mapaluhod ito sa sahig.
Mabilis kong ikinulong ang ulo niya sa mga braso ko para hindi ito makagalaw.
I heard him groaned in pain but he was still locked in my arms; and it will tighten it more if he insist to move.
"I can't breathe," he said in a hoarse voice.
"Tobias, please tell me. What is the meaning of The Alpha?"
"I will tell y-you if—" He is struggling to talk and I decided to release him.
As I expected, He coughed so hard and tried to catch his breath.
"Are you going to talk or...?" I threatened him.
"Relax, Kyvlin," sabi nito at dahan-dahang tumayo. "We will going to talk about this after you finish your training"
"Are you all hiding something from me?"
"No."
Tinignan niya ako ng napakaseryoso at agad na huminga ng malalim at nagsimulang magsalita.
"Look. We are going to talk about this later but for now you need to—"
"Every detail?" I cut him off.
"Every detail"
"Are you sure?"
"C'mon, Kylvin..." he uttered as he wore his frustrating face.
"I don't want to be treated here as a baby that clueless at anything. I am in a temporary amnesia and you, all of the Headquarters, need to help me to remember my existence."
"As I promise earlier, I will tell you everything I know."
Nang sinabi niya iyon ay agad akong tumayo ng maayos at huminga ng malalim. Nahihirapan pa rin siyang huminga dahil sa ginawa ko sa kanya kanina. Makailang ubo pa siya bago niya ako nilapitan at sinabing magpalit muna ako ng damit bago tumungo sa huling section.
Pumunta naman ako agad sa locker at mabilis nagpalit ng damit. Nang matapos na akong magbihis ay itinuro sa akin ni Tobias ang huling section na kailangan kong pagsanayan.
"This is called Knock Out."
Thank you for reading.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top