CHAPTER FOUR
“Final Decision”
NAPUPUNO ng tunog ng tubig mula sa shower ang buong banyo at nagsisimula palang akong maligo dahil sabi ni Kelly ay kailangan kong tanggalin ang mga berdeng kulay na nasa katawan ko dahil magkakaroon iyon ng skin rashes kapag magtagal iyon sa aking balat.
Napamangha muli ako sa kanilang banyo. Kapag walang tao sa loob ng banyo ay makikita mo mula sa labas ang kabuuang loob ng banyo pero kapag may lamang tao sa loob ay nagbabago ang mga dingding nito at ang taong nasa labas ng banyo ay hindi makikita ang loob ng banyo. Pero ang tao sa loob ng banyo ay nakikita ang tao sa labas ng banyo. Two-dimensional glass kumbaga. Masyadong komplikado pero ganun iyon.
Mayroon kaseng malaking salamin sa aking harapan kaya nakikita ko ang aking kabuuan.
Dahil sa kakaibang teknolohiya na mayroon ang banyong ito ay nakikita ko sa loob ang kabuuan ko.
I had narrowed facial shape and light brown skin. I also had prominent jaw and prominent chin. Fuller and more symmetrical lips. Pointed nose.
Darker eye brows and darker eyelashes. No visible wrinkles between nose and corner of my mouth. A light brown hair but it was dominated by color black.
My haircut was called cool flow tapered haircut with long fringe. The color of my eyes were golden brown, and I had a hunter eyed-shape. I remember what Kelly said about it. She said that it could be a comfort warm if she had a chance to live inside my eyes.
As far as I remembered, she took some measurements of my body earlier. I could still remember my body measurements. My height was 6’3 feet or 190.5 cm. I have a lean mesomorph body type. To make it easier to understand, I had an ideal athletic body structures.
The measurements of my sleeves was 36 inches, inseam was 34 inches or 86.36 cm, neck was 16 inches, chest was 40 inches or 101.5 cm and my waist was 31 inches or 79 cm and of course I had eight pack abs and perfect V-line. Maybe I got these defined muscles because my Dad trained me some hand-to-hand combat before I got my amnesia.
Matapos kong maligo ay itinuro sa akin ni Miryam ang kuwarto ko rito sa HQ. Isang kuwarto na kasya lang sa isang tao. Mayroong isang kama at isang pabilog na bintana. Inabutan niya ako ng isang gray t-shirt, black pants and, lace up boots.
Ngayon na ang araw na sasabihin ko sa lahat ng directors ng HQ ang desisyon ko sa kanilang misyong ibinigay. Sa totoo lang ay hindi pa ako nakapagdesisyon dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kapag tinanggap ko ang misyon ay mapapasailalim ako sa pagsasanay sa pangunguna ng mga bihasang instructors ng HQ.
Kapag hindi ko naman tinanggap ang misyon ay magiging parte pa rin ako ng Headquarters pero ang aking parte ay katulad nina Miryam at Kelly. Hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Dad kapag hindi ko tinanggap ang misyon.
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong tumungo sa isang malawak na bulwagan at nasa gitna ng bulwagan ang isang entabladong hugis bilog. Mayroong microphone sa itaas at baka mayroon pa na mga introduction speeches bago ko sabihin ang magiging desisyon ko. Kailangan kong makapagdesisyon agad para na rin hindi na masayang ang oras ng buong directors.
Ang bulwagan ay mayroong eleganting chandelier sa kisame nito. Mayroon din na mga nakahelerang mga upuan palibot sa entablado. Mga ilang minuto ang nakalipas ay nag-sindatingan na ang mga tao. Napuno agad ang buong bulwagan at ang labing-dalawang upuan na nasa entablado ay para sa sampung directors ng Headquarters. Ang isang upuan ay para kay Uncle dahil siya ang general at founder, at ang natitirang upuan naman ay para sa akin.
Napupuno ang buong bulwagan ng mga bulungan ng mga taong nandirito para saksihan ang magiging desisyon ko. Nakita ko sina Kelly at Miryam na nasa kaliwang bahagi ng bulwagan. Nandoon din sa tabi nila si Tobias at agad naman akong nginitian nang magtama ang mga paningin namin.
Ilang sandali pa ay mayroong isang lalaking umakyat sa entablado na nakasuot ng suit with white stripes necktie. Humarap siya sa mga manonood at agad siyang nagsalita para simulan ang kanyang introduksiyon.
“Good evening, ladies and gentlemen. May the Justice be with our side. As we all know, our former General Siyaszo Diasque left us but it doesn’t mean that our enemies can easily crush and put our knees on the ground,” panimula nito at halata sa kanyang pananalita na mahusay siyang magsalita sa harap ng buong tao.
“The death of Diasque will not perish our courage, hope, and motivation to hunt down every last man from the group called The CRYPTIC. All of us here inside this Conference Hall was once a victim of the hideous violent of that group of criminals,” pagpapatuloy nito, “the death of General Diasque will fuel our heart to create a fire that will burn our enemies and leave them nothing but their own ashes. They killed our parents, children, and all of our love ones, and even those innocent people inside the Central City.”
Nakikinig ng mabuti ang lahat sa mga salitang inilabas niya sa kanyang bibig. Ramdam na ramdam mo ang kanyang matinding galit at poot sa grupo. Bawat salitang binibigkas niya ay mayroong matinding diin na nakakapagdagdag sa tensyon sa buong bulwagan. Patuloy pa rin ito sa kanyang pagsasalita sa itaas ng entablado at patindi nang patindi ang tensyon na nararamdaman niya.
“Here are the memories of our former General Siyaszo Diasque,” sabi niya at agad namang may lumitaw na isang holographic screen sa itaas ng entablado.
Isang video recorder na nagbibigay pugay kay dad. Ang laman ng video ay ang mga naging karanasan ni dad nang siya pa ang general ng HQ. He got a total of 514 killed men of CRYPTIC and expanded the allies of Headquarters twice as what the allies of my grandparents had before.
Nasa video rin ang mga stolen shots niya habang abala siya sa pakikipag-usap sa mga doctors ng HQ. Pagsasaayos ng mga trucks at hovercraft. Pinahigpit niya rin ang security ng buong HQ para walang makapasok na kalaban sa loob nito. Binigyang pugay ng buong Headquarters ang mga nagawa ni dad nang siya ay nabubuhay pa.
Ilang saglit lang ay lumabas ang isang holographic imagery ng isang lalaki. Habang tumtagal ay nasisilayan namin ang mukha ng aking ama. Sa pagkakataong ito ay bumigat ang tensyon sa loob ng bulwagan.
“If you’re watching this video of mine, it’s probably I am currently lying underneath the soil, waiting to decompose and waiting for the flowers of tulips to sprout above my graveyard,” malalim at buong-buo na boses ni Dad ang umalingawngaw sa buong bulwagan, “The CRYPTIC is a disease that multiplied itself to bring destruction and tears to each one of us. They control our immune system, attacking our healthy vitals just to heat up our body and eventually, bringing ourselves to our own demise. But that’s not what we want. The control they want was unnatural, the dominance they eager to achieve was also the reason why our organization built not just from suffering and agony, but also built from hope. Because of those things, we choose fight. Not for us, not for them, but for the future of our kin. It’s easy for the dead to tell you to fight, but if I could gasped another air, if I could move one muscle, I will fight them again. I will fight those bastards who ruined my life again and again. I’m telling you, Id rather choose on fight and die than living with their control! Let’s fight!” sigaw niya at biglang naghiyawan ang buong tao dahil nabigyan sila ng lakas na loob na lumaban kahit alam nilang kamatayan ang naghihintay sa kanila sa ganitong klase ng laban.
Nang matapos na ang video ay agad nagsintayuan ang buong kapulungan at pinalakpakan si dad. Nanaig ang tunog ng mga pagpalakpak nila sa buong bulwagan.
When I watched that, I couldn't explain my reaction. I had the courage to accept the mission assigned to me. It occurred to me that there was no Diasque wanted to give up like what my Dad did. What he had done throughout the Headquarters has given me the courage that I coulf handle the mission. We had the same blood running through our veins, when he prevailed his mission, I knew for sure that I could win mine too.
I was born being a Diasque. It was my crimson-red blood the courage and eager to bring hope and destruction to our enemy. I was born ready for this.
“Once again, ladies and gentlemen, this is the time that the last heir of House Diasque will going to announce to all of you his decision regarding the mission that given by the directors to him,” sabi ng spokesperson at agad akong tinawag sa aking inuupuan para pumunta sa tabi niya.
Noong una ay kinakabahan pa ako dahil ito ang unang beses na magsasalita ako sa harap ng maraming tao, hindi ko alam kung nagawa ko na ito bago pa ako nagka-amnesia pero ituturing ko itong unang beses.
“G-good… m-mor…ning,” panginginig na sabi ko.
Nang tumingin na ako ng deritso sa mga mata ng buong tao sa loob ng bulwagan ay kitang-kita ko sa kanila ang matinding pag-asa na matatalo namin ang kalaban sa pamamagitan ko. Lahat ay nag-aabang sa sasabihin ko. Lahat ay naghihintay kung ano na ba ang desisyon ko.
Ayaw ko namang pabagsakin ang pag-asang mayroon sila para sa akin pero isang hamak na teenager lamang ako. Hindi ko maibibigay sa kanila ang kasiguraduhan na matatagumpayan ko ito. Nagbigay nga ng lakas ng loob ang video na iyon pero nang nasa harap na ako ng lahat ay agad na bumahag ang aking buntot.
“A-Ako’y…” sabi ko at huminga ng napakalalim, “sa totoo lang ay… hindi pa ako nakapagdesisyon,” sabi ko at agad na napasinghap sa pagkagulat ang lahat.
“Ako ay nag-aalangan na baka mabigo ko kayong lahat,” pagpapatuloy ko, "I am only seventeen—” Agad na naputol ang sasabihin ko nang biglang may sumigaw na isang lalaki sa likod.
Sinabi nito na makakaya ko ang misyon na ibibigay sa akin ng HQ. Mayroon din na isang lalaki na sumigaw na ang buong Headquarters daw ay nasa likod ko lang.
Hindi raw ako pababayaan ng HQ. Nang marinig ng lahat ang sigaw ng dalawang lalaki ay agad na bumalot sa buong Conference Hall ang mga salitang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Hindi ko inakala na ganito nila ako suportahan sa misyong inaalok nila.
Napupuno ng buong hiyawan at sigawan ang buong bulwagan para lang palakasin ang loob ko. Ilang segundo ang nakalipas at tumayo si uncle at pinuntahan ako. Tumabi ito sa akin at hinawakan ako sa kaliwang balikat.
“Nandito kami Kylvin dahil parte ka na ng pamilya ng buong Headquarters,” sabi ni uncle at ngumiti sa akin.
Bago ko ibinuka ang aking bibig para sabihin ang magiging desisyon ko ay nag-isip muna ako ng matagal. Huminga ng malalim. Pinakalma ang bawat pulso sa katawan para mabitawan ng maganda ang mga salitang sasabihin ko ngayon.
“Tatanggapin ko ang misyong inaalok sa akin. I am Diasque. I was born to fight the injustice behavior of our enemies. I was born to end them all.”
“May the Justice be with our side!” sigaw ng spokesperson at mas lalong lumakas ang ingay sa buong bulwagan.
Sabay-sabay nilang binigkas ang mga katagang…
"May the Justice be with our side."
Thank you for reading. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top