Kuya

"Hi kuya! Ang ganda ng damit ko 'di ba? Ito yong ibinigay mo sa akin noong birthday ko, oh. Sorry Kuya kung ngayon ko lang sinuot ha? Naiinis kasi ako noon sa mga damit na ganito," sabi ko kay kuya habang ipinapakita rito ang suot kong bistida. Kitang-kita ang ganda ng damit dahil sa maiksi kong buhok.

Nakatingin lang sa akin si kuya ng walang emosyon.

"James!" Napalingon ako sa tumawag kay kuya. Ganoon din si kuya. Kumaway pa sa kaniya ang lalake at tumakbo papunta kay kuya. Ako naman ay nakangiti lang. Gwapo itong kaibigan ni kuya kaso nga lang snob ito, kaya ayun, hindi na rin ako nag-abala pa na kausapin ito ng maigi.

"Kuya!" Tawag ko kay kuya pero 'di man lang ako nilingon bagkus nakipagkuwentuhan lang siya sa kaibigan niya. Kurt ang pangalan nito at tatlong taon ang tanda nila sa akin.

Nagsimula na silang maglakad kaya naglakad na rin ako at hinayaan si kuya na hindi ako pansinin. Ganyan naman talaga si kuya napaka-snob sa akin.  Pero dati 'di naman kami ganito.  Ewan ko ba.  Siguro dahil narin sa nagkaroon siya ng girlfriend.

"James," tawag ulit sa kaniya ni kuya Kurt.

"Oh? " Naglalakad pa rin ang dalawa habang ako nasa likod at parang wala lang ako sa kanilang dalawa.

"Bakit lagi kang pabalik balik sa village na to?" Tanong ng kaibigan niya. Dahilan para magsalita na ako sa likod.

"Kuya oh–"Magsasalita na sana ako nang humarap saakin si kuya

"Hindi ba obvious?  Nandito kapatid ko. " May ngiti sa labi nito. At dahil doon napangiti rin ako. Lumingon ulit sa akin si Kuya.

"Brad ito lang ha? " Sabi ng kaibigan niya sa kaniya.

"Ano yun?"

"Hindi ka ba naawa sa kapatid mo? " napakunot noo ako sa sinabi ng kasama niya. "Mia was still suffering–"

"Oh! Shut up! "Biglang sigaw ng kuya ko.

"K-Kuya ano iyon–"

"Tumigil ka kung ayaw mong mamatay sa 'di oras" nauna ng naglakad si kuya at iniwan ang kasama niya.

Ako naman ay dali-daling sumunod kay kuya at sumakay sa backseat ng kotse niya.

Habang nag-da-drive si kuya ay panay ang galaw ng kaniyang panga. Senyales na galit na galit ito.

"Kuy–"

"No. No. No .This can't be happened!

"kuya...–"

"Shut up!" nabigla ako sa pagpalo nito sa manibela ng sasakyan.

"Shut up! shut up! shut up!" tumigil ang sasakyan at pauli-ulit na pinagpapalo ni kuya ang manibela." This can't be happened! She–She's just an ass's kiss who hampered in my life! So..." Napahinto siya sa pagsalita at gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang labi. "So.... I killed her.!" Tumawa ito ng tumawa na para bang nanalo sa loto.

"K–kuya...." And my tears started to fallen.

"Yes! I killed her! I killed my own sister!"

At doon ko lang napagtanto na isa lamang akong ligaw na kaluluwa at patuloy na hinahanap ang hustisya.

•••

Hi! Thanks for reading this super one shot short story of mine. 🥰 Pls. Follow me in Wattpad and support my other stories.

Thanks. Have a nice day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top