KaiSoo One Shot: Forever
Warning: prepare boxes of tissues
----------------------------------
Sa tuwing Maalala ko ang iyong ngiti, di ko mapigilang umiyak simula nung makilala kita, wala na akong magawa kundi ang mangarap sayo magpakailanman.
---------------------------------
"Kai Ano ba, tignan mo oh may nanliligaw na kay Kyungsoo" sabi sakin ni Sehun sabay duro sayo kausap mo kasi yung admirer mo daw, kaya kailangan kong makagawa ng paraan para mapunta ka sa akin.
Pagkatapos niyong mag-usap, dumiretso ako sayo pero sa tuwing lalapit ako, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at ngayon kaharap kita at kitang-kita ko ang mukha mo lalo na ang hugis-puso mong mga labi at ang mga mata mo.
"Bakit namumula ka?" tanong mo sa akin at ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko, natawa ka naman sa mga inaasta ko at yun yung nagbigay sa akin ng saya.
-------------------------------
Valentines Day nun nung handa na akong umamin sayo pero napadaan ang manliligaw mo kaya naudlot ang Plano ko at iniwan ang Rosas na dapat sayo sa lamesa mo.
Napa-upo na lang ako sa damuhan at hinugot hugot ang mga iyon.
Napayuko na lang at hinayaang tumulo ang mga luha patungo sa pisngi ko, para akong babae kung umiyak.
Pero bigla kang nagpakita at inabutan mo ako ng panyo.
"Bakit ka umiiyak?" tanong mo sa akin at bakas sayo ang pag-aalala.
"Wala lang to" nagawa ko pa sayong magsinungaling para lang takpan ang nararamdaman ko sayo.
"Alam kong nagkakagusto ka sa akin, Kai alam ko yan sa bawat galaw mo..." sabi mo at napangiti ka, na siya rin napangiti ako.
May hawak-hawak ka sa kamay mo at Nilabas ito sa likod mo at nagulat ako na yun yung binigay ko sayo "Thank you sa rosas ah" sabi mo sa akin at nakita ko ulit ang eyesmile mong nakakabaliw tignan.
"A-ah K-Kyungsoo Pwede ba kitang ligawan?" Naiilang kong sabi sayo pero sa halip na makatanggap ako ng hindi, Mali pala ang Inakala ko.
"Oo naman Kai at sa simula pa lang gusto na kita" sabi mo sa akin at sinunggaban kita ng halik, laking gulat nating dalawa nang ginawa ko yun.
"Kai, mahal kita" sabi mo sa akin at niyakap kita.
"Kyungsoo, mahal din kita" at naging tayo na pagkatapos nun kahit di na tayo nagligawan pa.
-----------------------------------
Naging perpekto ang relasyon natin kahit na dumaan tayo sa maraming away at di pagkakaintindihan, pero naging matatag tayo kahit Anong pagsubok ang nangyari sa atin.
"Kai" sabi mo habang kayakap mo ako.
"Bakit?" tanong ko sayo.
"Paano kaya kung magpakasal na tayo" sabi mo at napalaki ang mga mata ko sa sinabi mo.
"Nasa kolehiyo pa lang tayo pero Pwede na rin" sabi ko at hinalikan kita, pero ibang halik yun.
Nilapag kita sa kama at naghalikan tayo hanggang sa magkatabi na tayo sa kama na walang saplot at magkayakap.
"Mahal na mahal kita Kai, Sana ikaw ang FOREVER ko" sabi mo sa akin bago ka matulog.
"Mahal na mahal din kita Kyungsoo, wag mong kakalimutan yan" sabi ko sayo at Nakatulog na tayo.
-------------------------------------
"Kai, pwedeng magkita tayo sa restaurant?" Sabi mo sa akin sa tawag mo at napangiti ako.
"Okay, magkita tayo, mahal kita" sabi ko sayo.
Naghanda ako para lang sayo, dahil alam kong ikaw na ang may-ari ng restaurant ng pamilya mo.
Nang makarating ako sa lugar niyo, nakita na kita sa kabilang parte ng kalsada, lalapit sana ako pero bigla kang lumapit sa akin at tinulak mo ako at nakita ko ang huli mong ngiti habang hinihintay mong dumaan ang sasakyan. at yun yung nagpanibago sa buhay ko.
Lumapit ako sayo at hinalikan mo ako "Mahal na mahal kita Kai, Sana patawarin mo ako" ayan ang mga huli mong salita at napabitaw na lang ang hawak ko sa mga kamay mo.
-----------------------------------------
Here lies Do Kyungsoo...
A good son, A good friend and A good lover, may you rest in peace...
Ngayon tinitignan ko ang puntod mo at ngayon binibigyan kita ngayon ng rosas, ang rosas na binigay ko sayo nung magkakilala tayo...
"Kyungsoo, miss na kita, halos isang taon na nung mangyari iyon sana gabayan mo ako at ng pamilya mo, mahal kita" sabi ko habang tinititigan ko ang puntod mo.
Umalis na ako at bumalik sa motorsiklo ko, isang taon na rin nung mangyari iyon pero andun parin sa parte ng puso ko ang sakit na nararamdaman ko.
Pero habang nagmamaneho ako, bigla na lang dumilim ang paningin ko at may mga nakitang tao na nakapaligid sa akin.
Pagmulat ko nakita ko na lang ang mukha mo at nakangiti ka sa harap ko, niyakap kita habang pinapalibutan tayo ng mga nakangiting tao.
"Kai, namiss kita sobra, wag na wag mo na akong iiwan" sabi mo sa akin at napaiyak ka sa harap ko.
Hinimas-himas ko ang mga pisngi mo at hinalikan kita.
"Wag kang mag-alala, magkasama na tayo, hindi kita iiwan kahit kailan" sabi ko sayo at niyakap kita.
"Mahal kita Kai"
"Mahal kita Kyungsoo"
MAGPAKAILANMAN
End.
-----------------------------------
A/N: I spend 5 hours na gawin to, kasi naiiyak ako sa tuwing sinusulat ko ito, Sana nagustuhan niyo :) /cries again/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top