BB Concert
Kahit na noong July 31 pa ito, natatandaan ko parin yung pangarap ko ngunit naging bato din.
Ganito kasi yun, I was offered by my close friend na mas matanda sa akin na bilhin ko raw yung ticket ng BB Concert at extra niya lang yun at wala daw siyang kasama. So I was back on being a VIP after 5 years kong umalis dun sa fandom but still I support them, kasi yung panahon na yun I'm not yet interested na pumasok sa kpop world (jusq wag niyo ko ibash)
So ganun ang nangyari, tinanong na niya lahat ng kpop fan sa school although mga nasa 20 lang kami dun at hindi sila pinayagan at ako na lang daw pag-asa, sinabi ko na tanungin ko muna eomma ko kung sakaling pumayag eomma ko.
After classes, agad kong tinanong si mama, ganito ang scenario:
Ako: Ma, may sasabihin ako sayo, wag kang magagalit ah?
Mama: Oh ano yun?
Ako: Meron kasi akong kaibigan na nag-aalok sakin ng ticket ng Bigbang concert, eh wala daw siyang kasama kaya ako yung pinakiusap niya, papayagan mo ba ako?
Mama: Sige ba, at teka san ba yang concert na yan? Sa SM Tarlac?
Siyempre halong emosyon: Masaya, kasi for the first time makakapunta ako sa BB concert at natatawa dahil sa SM Tarlac daw eh sa MOA Arena yun
Ako: Ma naman /tumawa/ siyempre sa MOA yun
Mama: Basta pwede kang pumunta
Tuwang-tuwa ako nun siyempre pero napag-isipan ko, MAY PERA BA AKO? Jusq laki ng hinayang ko nun dahil PATATAS lang ako at wala akong pera, so ayun binenta na lang nung kaibigan ko yung ticket sa VIP na taga-Cavite. Ang sakit talaga nun
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top