Kabanata 8

"THANK YOU FOR today, Aldrid." Bumaba ako sa kanyang sasakyan na may ngiti sa aking labi.

"Anything for you, my lady."

"All this time, you still remember our passcode, a."

"It's worth remembering, you know. Iyon lang siguro ang nag-iisang bagay upang maramdaman kong may koneksyon tayong dalawa."

"1993," bulong ko.

"I was born on 1992 and you were born on 1994, cringe as it sounds, 1993 'yong passcode natin sa isa't isa. Always remember that 1993 is in between our birth year wherein it connects us both."

"Akala ko nalimutan mo na ang tungkol sa ating passcode. Nawala ka na lang kasi bigla noon, e."

"I'm sorry for leaving you. Well, all of you behind knowing that everyone were down and depressed."

"Naintindihan naman kita," sabi ko na may ngiti sa labi. "Ingat ka pauwi, okay? Goodnight!"

"Goodnight, my lady!"

Tuluyan akong pumasok sa loob ng bahay. Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso na nagwawala sa hindi ko alam na dahilan.

Hindi pwede 'to.

I switched my phone to silent mode nang makatanggap ako ng tawag galing kay Evonne. Kahit ano'ng gawin niya, wala na akong pakialam. Sa nagdaang tatlong taon ay ang kaligayahan niya ang inisip ko, ngayon, oras na upang ang kaligayahn ko naman ang hanapin ko.

Pumasok ako ng kwarto at nagbihis. Mahaba-haba ang araw ko ngayon, pero masaya naman. Kahit paano ay nakalimutan ko ang tungkol kay Evonne.

"Hindi pwede 'to," bulong ko sa aking sarili.

Matutulog na sana ako nang lumitaw ang pangalan ni Aldrid sa screen ng aking cellphone. Kumunot ang noo ko sa sobrang pagtataka.

"Bago lang tayong nagkita, miss mo na ako kaagad?" Biro ko sa kanya. Malawak ang ngiti sa aking labi habang 'di mawala sa aking isipan ang nangyari kanina sa restaurant.

"Pwede bang bumaba ka ulit? May sasabihin lang sana ako, e."

Mas lalo akong nagtaka sa pananalita ni Aldrid. "Anong biro na naman ito, Aldrid? Kinakabahan na ako, a."

"Please?"

"Pababa na ako," binaba ko ang tawag.

Dali-dali akong bumaba ng hagdanan at tumakbo palabas ng bahay. Nakita ko siyang nakasandal sa kanyang sasakyan at panay ang tingin sa kanyang cellphone. Halata na hindi mapakali si Aldrid sa sobrang likot ng kanyang mga paa.

Ano'ng problema ng lalaking 'to?

"O, anong sasabihin mo? Mukhang seryeoso ang pag-uusapan nating dalawa." Nagawa ko pang magbiro kahit ang seryeoso ng kanyang mukha.

"Na aksidenti si Evonne, Sarang."

Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan at unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi. Tatawa ba ako sa biro ni Aldrid? O suntukin ko siya sa 'di magandang biro na kanyang sinabi.

Ilang minuto kaming tahimik. Lumalalim na ang gabi, kaya nakaramdam na rin ako lamig, lalo na at manipis ang isinuot kong damit pantulog.

"Nagbibiro ka ba? Isa na naman ba ito sa mga prank mo? Alam mong hindi mo na ako maloloko kagaya ng dati, Aldrid."

Umiling siya, "Ngayon ko lang din nalaman kay Tita. Tinawagan niya ako gamit ang numero ni Evo at sinabi niyang bumangga raw ang sasakyan ni Evo. Hindi naman daw siya lasing,"

"Pero..." kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"Papunta akong hospital. Sasama ka ba sa akin?"

"So, si Tita pala ang kanina pa tumatawag sa akin." Sabi ko sa aking sarili. "Sasama ako sa 'yo."

Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ni Aldrid. Sa buong byahe papuntang hospital ay hindi mapalagay ang dadamdamin ko. Kinakabahan ako para sa kalagayan ni Evonne.

Kung kinausap ko lang siya kanina, edi sana hindi mauwi sa aksidenti ang lahat. Sana pala ay nakinig na lamang ako sa kung anumang sasabihin niya, kaysa iwanan siyang mag-isa. Wala pa naman sa tamang kalagayan ang lalaking iyon. Buwesit, bakit kasi nagda-drive. Alam niyang puyat at wala siya sa kanyang tamang katinuan.

Napatingin ako kay Aldrid nang hawakan niya ang aking malamig na kamay. Nakita ko siyang ngumiti habang nasa daanan ang kanyang atensyon.

Kahit paano ay kumalma ang kalagayan ko.

"Huwag kang mag-alala, malakas 'yong kaibigan natin. Alam kong magiging maayos siya, Sarang."

Itinuon ko ang aking pansin sa labas. "Kasalanan ko 'to, e."

"Hindi gusto ni Evonne na sisihin mo ang iyong sarili, Sarang. At alam mong hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya."

Umiling ako sabay pikit ng aking mga mata. "Hindi naman mahirap na makinig sa kanyang sasabihin kanina. Kung nanatili ako at nag-usap kami, hindi sana mangyari ang lahat ng 'to."

"Sarang..."

"Matagal kong tanggap na kahit kailan, hindi ako kayang mahalin ni Evonne, katulad ng pagmamahal niya sa kapatid mo. Alam ko kung ano itong pinasok ko, pero nasasaktan pa rin ako. Ako mismo ang gumawa nito sa aking sarili," Iminulat ko ang maluha-luhang mga mata sabay lingon sa gawi ni Aldrid. "Pero nakayanan kong isisi ang aking katangahan sa ibang tao."

"Sarang, alam ko kung ano ang naramdaman mo. Masasabi kong tama ang naging desisyon mo, because you deserve to be love."

"Pero bakit ang sakit-sakit pa rin noong hiniwalayan ko siya?"

"Kasi totoo ang pagmamahal mo para sa kanya, kahit ilang beses kang magpakatanga." Bumaling sa aking gawi si Aldrid at ngumiti bago itinuon muli sa daanan ang kanyang atensyon.

"Ikaw rin naman, nagpakatanga noon, a."

Nakita kong mas lumawak ang kanyang ngiti. "Iba ang situasyon nating dalawa at alam mo 'yon. Ikaw, may pag-asa kay Evonne, samantalang ako ay matagal nang walang pag-asa—kahit ano'ng gawin ko."

Inirapan ko siya. I really hate him sa tuwing tama ang lumalabas sa kanyang bibig.

"Sana ikaw na lang ang minahal ko, 'no?"

"But fate won't let us be," pagpatuloy niya sa sasabihin ko. "Kung kayo talaga ni Evonne para sa isa't isa, hahanap ng paraan ang tadhana. Baka hindi ngayon ang tamang panahon, 'di ba? Right person in a wrong time."

"Bahala na si batman," bulong ko.

"Nandito na tayo. Mauna ka sa loob, ipa-park ko muna itong sasakyan."

Tumango ako bago lumabas ng sasakyan. Dali-dali akong pumasok ng hospital at nagtanong kung nasaan si Evonne. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman ang kalagayan ni Evo sa mga oras na 'to.

Nakatayo ako sa labas ng private room ni Evo. Nagda-dalawang isip kung papasok ba ako sa loob, o hindi.

Paano kung ayaw pala akong makita ni Tita?

Paano kung galit sina Tita dahil ako ang dahilan kung bakit na-aksidenti ang kanilang anak?

"Bakit nandito ka pa sa labas?"

Nilingon ko si Aldrid na naglalakad palapit sa akin. "Paano kung galit—"

"Huwag kang mag-isip ng ganyang mga bagay, okay? Si Evonne ang ipinunta mo rito, hindi sina Tita."

"Pero—"

"No buts," pagputol ulit ni Aldrid sa sasabihin ko. "Nandito naman ako sa tabi mo, e. Hindi kita iiwanan, okay ba iyon?"

Tumango ako sa kanya. Huminga ako ng malalim bago pinihit ni Aldrid ang doorknob. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng private room ni Evonne.

Ang una kong nakita ay si Evonne na mahimbing na natutulog sa higaan. May sugat siya sa kanyang noo habang nakabenda ang kaliwa niyang kamay. Sumilay ang isang ngiti sa aking labi nang masilayan ko muli ang kanyang mala-anghel na mukha.

"Aldrid?"

Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses. Mas lalo akong ngumiti nang makita ko siya, ngunit itong kasama ko ay biglang naestatuwa sa kanyang kinatatayuan.

"Mikhaela..."

"Checkmate, am I right?"

At ito ang dahilan kung bakit hindi kami pwede ni Aldrid.

Three years ago ay ikinasal siya sa anak ng kaibigan ng pamilyang Villadin upang mas palakasin ang kanilang negosyo. Yes, they're not bound by love, but a mere piece of paper. Alao, three years ago, I chased the man of my dreams, which is Evonne.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top