Chapter 7
Dumating sila Kino mga bandang lunch na. Hinintay pa kasi raw niya si Atlas magising. Tapos ang bagal pa maligo, kaya mas lalo silang natagalan. Nahiya naman daw siya kung siya lang ang pupunta, e dalawa silang pinapupunta ni mama.
Aba, dapat mahiya siya-wala na kami, 'no. Saan niya huhugutin 'yong kapal ng pagmumukha niya para solong pupunta sa bahay?
"Ano ba, Reese? Kanina ka pa aral nang aral diyan, hindi mo man lang pinapansin tong boyfriend mo," pinagalitan ako ni mama.
Naubo ako dahil don. Ganoon din sina Khein, Victoria, Aillyn saka Atlas sa harapan ko. Binato ko sila ng matalim na tingin.
"May mga ubo ba kayo? 'Di pa naman tag lamig ngayon, a," sabi ni mama sa kanila.
Natawa mga kaibigan ko dahil sa awkwardness. Kumamot naman ako ng ulo.
"Wala po, Tita. May nag-iisip lang po yata samin kaya gano'n," sabi ni Atlas sabay tingin sa tatlong itlog. "Bigay kayo number bilis."
"17," nagbigay nga.
"Letter R!" sagot ni Aillyn.
Sabay-sabay silang tumingin sakin. "Ano? 'Pag R, ako agad?"
Lumipad naman tingin nila kay mama. Halos humagalpak ako ng tawa. Mukha kasi siyang puzzled.
"Teka, teka, diba 'pag ganyan-dapat 'pag nakagat mo lang dila mo?"
Humagikgik ako. Nahuli kasi sa kalokohan 'yong apat. "Um, nabago na po yata, Tita. Alam mo naman mga laro ngayon, pabago-bago ng rules," sabi ni Khein.
"Gano'n ba?"
"Gano'n nga, Tita," sagot ni Victoria.
Umiling ako. Napag-usapan na namin ng tatlong itlog ang balak nga, na kapag nandyan si mama-magpapanggap kami ni Kino na ayos ang lahat samin. Bago pa siya nakatapak dito sa Underworld, nasabi na ng tatlong itlog sa kanya ang plano. At syempre, pabor din sa kanya.
Kaso kahit anong gawin ko, hindi ko talaga kaya. Magiging unfair rin kay Kino kapag umasa siya sakin pero wala na akong mabibigay sa kanya.
"Pero 'wag niyo kong aliwin." Tumingin sakin si mama. "Ano na, Therese? Nag-away ba kayo nitong si Kino? Parang nung nakaraan lang, halos dito mo na patirahin 'yan. Ngayon, ayaw mo nang pansinin?"
Sinipa ko sa ilalim ng lamesa 'yong paa ng mga sinusubok ang pasensya ko. Nandito kasi kami sa may bakuran nag-aaral. Sabi ni mama, para raw malanghap namin ang simoy ng hangin. Wala silang alam na tanging simoy ng sama ng loob ang nalalanghap ko.
"Ma, malaki na 'yan si Kino. Kaya na niya sarili niya."
"'Di po 'yon totoo, Tita. Kailangan ko pa rin po anak ninyo. 'Di ko kaya . . . mamatay ako," pagdadrama ng ugok.
Kumuha ako ng kinumos na papel na ginamit ko for reviewer tas binato ko 'yon sa kanya. "Ulol. Ba't hanggang ngayon, humihinga ka pa?"
"Baka pigilan mo."
Humalakhak 'yong apat sa harapan ko. Sinamaan ko sila ng tingin. Sige lang, tawa lang kayo ngayon. 'Pag umalis si mama, tatamaan kayo sakin.
"Himala, Therese. Hindi ka na kinikilig kay Kino? Parang dati lang-"
"Mama nga! Past is past, okay? Tagal na no'n. 'Di na siya gano'n ka appealing sakin ngayon," nauurat kong sinabi habang sumasagot ng reviewer. Wala na nga akong maintindihan dahil sa mga to, e.
Ito mahirap kapag best friend mo rin nanay mo, alam niya lahat tungkol sayo. Alam niya tuloy mga kabaliwan ko sa lalaking 'to dati.
"Maka-past is past ka naman, anak. Parang kahapon lang ah? Magjowa pa naman kayo, e."
Hindi ako sumagot.
Kung alam mo lang, Ma.
"O siya, masyado na akong nawiwili sa inyo. May lakad pa pala ako ngayon," aniya sabay tayo. Long wooden table kasi tong kung saan kami nag-aaral ngayon.
"Kita mo, Ma, may lakad ka pa pala. Panggulo ka lang dito, e," asar ko sa kanya.
"Sus, para namang nag-aaral ka talaga." Umikot na siya sa pwesto ko at bineso ako. "Ikaw wag kang magmaldita dito, ha. Lalo na sa boyfriend mo. Magpakabait ka."
"Bye, Tita, pasalubong po!"
"Ingat, Tita!"
"Kayo nang bahala sa dalawang 'yan, ha? Pagbatiin niyo," bilin sa kanila ni mama tapos umalis na.
Bumalik na ako sa ginagawa ko nang sumabog sa kakatawa 'yong apat.
"Pagbatiin daw," tawa pa rin nang tawa si Khein.
"Anong pagbabatiin namin diyan, Tita, e hiwalay na!" segunda naman ni Victoria.
"Kahit sa santong paspasan, 'di na uubra 'yan!" si Atlas naman.
Pinagbabato ko sila ng papel na kumos. "Kasalanan niyo to, e. Sabi sa inyong mas magandang sabihin na lang kay mama."
"Eh ba't hindi ikaw nagsabi kung gusto mo talagang malaman ni tita," sabi ni Khein.
"Baka naman gusto mo pa rin si Kino," wika ni Victoria.
Bumuga ako ng hangin. Idea nila to. Kasalanan ko na ngayon na hindi ko sinabi, e sa kanilang idea to?
"Alam niyo, pangit ng ugali niyo. Kayo nag-isip na gawin to tapos parang kasalanan ko pang super awkward ng conversation kay mama?" naiinis na ako. "Akala kasi nakakatuwa all the time eh. Seriously, naiinis ako sa inyo."
Tumayo ako tapos niligpit ko 'yong mga gamit ko. Sa kwarto na lang ako mag-aaral. Iniwan ko sila doon. Hindi ko pinansin 'yong mga tawag nila.
Padabog akong umakyat sa taas ng bahay. Nagkulong sa kwarto tapos doon ako nag-aral. Nakakawalang gana kasi mga kaibigan ko. Sila tong umisip-isip ng idea dahil nga "masaya" kuno si mama sa idea na pupunta dito si Kino tapos ngayong sinungitan ko, magagalit sila?
Naiintindihan ko naman 'yong sentiment nila na gusto nila kami ni Kino para sa isa't isa. Pero yung nararamdaman ko, bakit hindi nila maintindihan 'yon?
Ang lagay kasi, parang tulad lang sila ng ibang tao na humuhusga sakin. Hindi man indirect pero pahapyaw.
At kung hindi man maka-move on si Kino, kasalanan ko pa rin ba 'yon?
"Reese . . ."
May kumatok.
Hindi ko pinansin.
"Reese, usap tayo," hindi siya utos. Statement siya.
"Ayokong makipag-usap."
"Reese, please? Please. Ito lang, itong ito na lang. Pagtapos nito, hindi mo na ako makikita sa landas mo."
Gusto kong matawa. Paano ko siya hindi makikita e blockmates nga kami? Which means hanggang fourth year, magkaklase pa rin kami.
Pinagloloko niya ba 'ko?
Tumayo ako tapos pumwesto sa may pinto.
"Ilang beses mo nang sinabi 'yan pero nandito ka pa rin. Ginugulo mo pa rin ako. Ayaw mo pa ring tumigil."
Hindi siya sumagot.
Natahimik sa labas.
Umalis na ba siya? Oo, siguro, yata, ewan-buti naman.
Tapos may bumuntonghininga.
Mabigat.
May emosyon.
Hirap na hirap.
"Hindi ko kasi alam eh . . ." umpisa niya. "Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang lumayo sayo. Kahit anong pilit ko-hinahatak lang ako palapit sayo. Hindi ko alam . . . paano ba? Turuan mo naman ako para hindi na ako nahihirapan ng ganito. Mahal na mahal kita, e. Hirap mong kalimutan," pumiyok ang boses niya.
Naramdaman ko 'yong pagtulo ng luha sa pisngi ko. Sabi na, hindi magandang idea tong pumunta siya rito. Sabi na, hindi magandang idea 'yong iniisip ng mga kaibigan ko.
"Kung alam ko lang, Kino, sana sinabi ko na sayo para tigilan mo na to."
"Reese . . . Reese . . ." may pumapadyak sa labas. Umaatungal na siya. "Tangina, Reese. Ang sakit . . . mahal na mahal kita kaya ang sakit sakit sabihin kung gaano ko kaayaw na iwanan ka. Na lubayan ka. Kasi baka maayos pa-"
"Pero hindi na," humina boses ko. "Ayoko na . . ."
"Bakit? Bakit hindi na? Bakit ayaw mo na?"
"Kasi hindi na nga kita mahal!" sigaw ko.
"Bakit . . .?"
"Hindi ko alam. Hindi ko alam, Kino. Pero ayoko na. Tama na."
"Ito ba talaga gusto mo?" humina na rin ang boses niya.
Tumingala ako para bumalik sa mata ko 'yong luha pero ayaw.
"Oo . . ."
Suminghap siya.
Lumakas tibok ng puso ko.
Narinig ko 'yong bitaw sa doorknob.
Suminghap ako.
"Sige, kahit mahirap . . . kahit hindi ko alam kung paano gagawin-hahakbang ako . . ."
". . . palayo sayo."
Humakbang din ako,
Palayo sa kanya.
Sa oras na to, permanente na.
Nang marinig ko yabag niya palayo, napaupo ako sa sahig at tuluyang bumuhos mga luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top