075 | Daeyeon

Nakaupo lang ako dito sa harap ng bahay namin.

Nakasuot ako ng blue glown, yung buhok ko nakabagsak. Huwag daw kasi ko masyadong magpaganda. Maganda na daw kasi ako sabi niya. O diba bonga? hahaha kilig.

Simula ng ng magtapat si Himuro sakin, dun ko napatunayan ang tunay na meaning ng 'The more you hate, the more you love'.

Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong minsan niya na kong pinakain ng papel sa canteen namin? Galit ata na ang daldal ko masyado ng mga panahon na yun. Syempre comeback yun ng exo, hindi ko idadaldal yung feels ko?! Edi namatay naman ako nun!

Naranasan ko na rin masubsub sa hallway ng dahil kay Himuro. Naalala ko ang saya saya ko habang sinasayaw ko ang Happiness ng Red Velvet sa tapat ng Room namin. Nasa gilid naman ako na sa pagkakatanda ko, pero pagdaan niya tinulak niya ko! Punyeta nagkasugat ako nun sa tuhod!

Syempre sa mga ginawa niya gumaganti ako. Hindi ako nagpapatalo no! Pinaka the best ko atang nagawa sa kanya ay yung nahulog ko siya sa fountain ng school! Oha Detention abo't naming dalawa palagi.

Hindi ko alam kung paano siya nahulog sakin, hala nahulog-log-log ay joke lang.

Nagulat nalang ako sa mga pinagsasabi niya sa chat, like what the freak! kadiri ah! Sino bang mag-aakala na sa Kaaway mo pa manggagaling ang mga salitang yun?

Pati nga ako di ko akalaing magugustuhan ko siya. Kahit kasi sobrang sungit niyan sakin tapos napakastrikto pa sa kpop, grabe rin siya magpakilig. Daeff yung mga banat niya dre! makalaglag panty huahua.

May sarili siyang paraan eh, ayan pati ako shet. Boom in Love!

"Siguraduhin mong ako iniisip mo ah? Masyado kasing malalim"

Napatingin ako sa nagsalita at halos malaglag ang panga ko. Shet. Bakit ng gwapo?!

Inalalayan niya ko sa pagtayo.

"Hindi ikaw iniisip ko, si Sungjae" nginitian ko siya. Ang gwapo talaga.

Blue coat, black pants at red bow tie. At sinabayan pa ng brush up hair. Ang sarap naman halikan ng isang to! Makahirit nga mamaya hahaha.

"Papatumbahin ko na ba ang lalaking yun?"

"Huwag kawawa namin yung asawa niyang si Joy. Samahan mo nalang ako sa JS, bakamalate na tayo eh"

Maglalakad na sana ko ng hawakan niya ang kamay ko.

May inilagay siya sa wrist kong bulaklak. Ahh corsage.

Tapos omfg, hinalikan niya yung likod ng kamay ko.

"Ang ganda mo ngayon. Bagay ka na sakin." Kinurot ko siya sa tagiliran. Bwisit eh.





Nakarating kami sa venue ng JS ng school namin. At tatlong naggagwapuhang nilalang ang bumungad samin dalawa.

"Yun oh! Lakas maka relationship goals! Talagang Pair in Blue ah!" Sabi ni Xad.

Dun ko lang napansin na para nga kaming couple dalawa.

"Hi Daeyeon ang ganda mo ngayon" napangiti naman ako sa puri ni Kiel. Ang ganda ko daw oh!

"Back off." Malalim na salita ni Himuro. Okay Selos ang lolo niyo.

"Pasok na tayo sa loob" sabi naman ni Fix. Okay. Ang gwapo ng kapitbahay ko ngayon.

Kumapit ako sa braso ni Himuro at naglakad na kami papasok.

Bonga, red carpet.









(Fast forward)



Ako lang ba o umasa ako na ngayon ako tatanungin ni Himuro na maging girlfriend niya?

You know, kagaya ng mga sweet scenes sa books.

Ako lang sinayaw niya at humirit ng isang beses si Jhay kanina. Sweet siya buong JS hours.

Pero eto ako nakaupo ngayon sa shotgun seat, siya yung driver. Ewan ko ba umasa ako masyado na ngayon na siya magtatanong. Yan tuloy na bad vibes ako.

"Ang tahimik mo ah. Okay ka lang?" Tanong ni Himuro.

"Yeah pagod lang" at masama ang loob kasi pinaasa mo ko- okay alam ko wala naman siyang sinabing ngayon niya itatanong. Pero kasi, hayst.

"Di naman nakakapagod yun. Wala ka na atang energy. Paano na yung plano ko?"

Napalingon naman ako bigla sa kanya. Ngumiti lang siya at biglang hininto ang sasakyan.

Paglingon ko sa labas, nasa park kami ng subdivision namin nila Fix.

May mga kandila na nakaform na heart. May mga petals din ng bulaklak sa lapag.

"Manghihinayang ka ba pagsinabi kong masmaganda yung una naming set-up dito? May lamesa at mga pagkain. Kaso pinagpalit mo sa Live stream tch."

Hindi ko naman maiwasang manghinayang. Okay anong itsura nung dati?

Nagulat ako ng biglang may nagstrum ng gitara, paglingon ko si Fix ang may hawak nun. Si Xad nakaupo rin at may hawak na gitara rin. Si kiel, biglang kumanta.

Bakit pakiramdam ko mas perfect pala to kesa sa una at mga naiisip ko?

Hinawakan ni Himuro ang kamay ko at inalalayan ako maglakad papuntang ginta nung nakaform na puso.

"HIndi ako romantic kaya ngayon palang sorry na sa mga lalabas sa bibig ko" Sabi niya tsaka bumuga ng hangin.

Yung puso ko gusto ng lumabas ng ribcage. Bakit ganito? Kinikilig ako ng sobra.

"Alam ko ang pangit lagi ng pakikitungo natin sa isa't isa, pero kasalanan mo naman yun. Masyado mo kong pinagseselos palagi sa mga kpopshit na yan. And sorry sa mga yun Daeyeon. Ewan ko ba anong nagustuhan ko sayo, di ka maganda pero cute. Napaka-ingay mo pa, ideal type ko pa naman yung mga tahimik at mahinhin. Alam mo bang napakalayo mo dun? Pero wala eh. Sayo ko nahulog. Sayo ako na-in Love. Ikaw na yung Ideal Type ko Daeyeon, akalain mo yun? Siguro kung hindi ko pa nilait lait yung kpop hindi mo ko papansinin. Pero at least sapang-aaway ko, napansin mo ko. Di ako nagsisisi na inaway kita at tinawag kong bakla si Chanyeol, Dun mo kasi ako napansin.

Sa paggraduate pala natin aalis ako at pupuntang Japan. Dun ako magsisenior high."

Nagulat ako sa sinabi niya. So para saan pa to kung aalis siya?!

"Ano to-"

"Shh." tutol niya sa pagsasalita ko "Two years lang naman ako dun. Lagi pa rin kitang ichachat at araw araw pa rin tayong dalawa mag-aaway. Pero bago ako umalis gusto ko akin ka na" Lumuhod siya sa harap ko. "Daeyeon, mahal kita, sobra. Pwede bang maging tayo na?"

Pinunasan ko ang tumulong luha sa gilid ng mata ko. Gaga umiyak. Sorry na tears of Joy lang.

"Sasagutin kita pero iiwan mo naman ako" sabi ko.

"Please daeyeon, 2 years lang yun. Mahal na mahal kita ayaw kong mapunta ka sa iba." Nakita kong parang nalungkot ang mata niya. Scared of Rejection?

"Ako lang?" tanong ko.

"Ikaw lang naman mahal ko" sagot niya agad.

"Paano yan madami ako. Nasa Korea nga lang lahat" pagbibiro ko.

"Di ka naman papansini ng mga yun. Uy nakakangawit lumuhod, paos na rin si Kiel at masakit a mga daliri ni Fix at Xad. Di mo pa ba ako sasagutin?"

Napatawa naman ako sa reklamo niya.

"oo na tayo na! kaya tumayo ka na dyan." Yun lang ang sinabi ko.

"Okay edi tayo na. Wala ng bawian Kpopper ko" Sabi ni Himuro.

"Tayo na. Wala ng bawian Otaku ko"









_________

Okay bye. hahaha

see you sa last 3!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top