065 | Himuro
Naabutan ko si Daeyeon sa Garden.
Kahit umiiyak, mukhang may hinahanap nanaman.
"Punyeta nahulog pa. Walang kwentang Himuro! Malaking pabebe. Sampalin ko siya ng dos-por-dos kapag nakasalubong ko siya *sniffs*"
May nakita akong kumislap sa mga damo. Pagkapulot ko yung sing sing niya ulit.
Natawa ako kaya napatingin siya sakin.
Bigla siyang sumimangot
"Oh diba nagwalk out ka na? Ba't ka nandito" salita niya.
Binato ko sa paanan niya banda yung sapatos niya
"Tanga yung sapatos mo iniwan mo" Ngumiti rin ako ng mapang-asar
"Bwisit ka! Umalis ka na nga! Dun ka na sa Hinata, Momoi, Sunako, Aries, Sakura, Maka, at kung sinong mga taong drawing mo!"
"Talaga pinapaalis mo na ko? Sige. Akin na to ah? remembrance"
Nanlaki ang mata niya ng makita niyang hawak ko ang sing sing, nanaman.
"Akin na yan ibalik mo!" Tumakbo siya papalapit sakin kaya tinaas ko agad yung sing sing, buti nalang mas matangkad ako. "Ano ba Himuro akin na yan!" Talon siya ng talon pero hindi naman niya maabot. Hopeless.
Niyakap ko siya.
"Matangkad ka nga, pero masmatangkad pa rin ako"
"Himuro bitaw! Diba ayaw mo na sakin? Ba't ka pa nandito?" Naramdaman kong umiiyak nanaman siya "Pinapaasa mo ako"
"Sinong may sabing ayaw ko na sayo"
"Ikaw kanina. Nagwalk-out ka nga lang after ko magconfess" Sagot niya
"Okay lang yung nagconfess ka Dae, pero yung ikaw magtatanong ng pwedeng maging tayo na?, pangit yun. Trabaho ko yun" Hinarap ko siya sakin "Antayin mo na ako na yung luluhod sa harap mo para tanungin ka ng ganon" Pinunasan ko yung luha niya. My cry baby.
"Pero pinahiya mo ko"
"Pangbawi lang para sa pang-iinjan mo sakin nung isang linggo" Nagulat ako ng bigla niya kong sapakin sa tyan "Aray! Para saan yun?!"
"Para sa pagsusungit mo sakin ng isang linggo"
"Bati na tayo ah?" Tanong ko
"Bakit mahal mo na kpop?" Tanong niya
"Yan nanaman ba tayo sa issue na yan? Malamang hindi! Asang mahalin"
"Edi di pa rin tayo bati"
Siguro nga di na kami magkakabati tungkol sa Anime at Kpop na yan.
Pero at least mahal niya daw ako oh! Panalo.
________________
Mga tanong:
1. Unnie tapos na ba? Wahh bitin!
-Hindi pa. May epilogue na ba? May The End na ba? Wala pa. So hindi pa.
2. Unnie sila na?
-Hindi pa din.
3. Ilang chapters nalang po?
-Hindi aabot ng 80.
4. Kailan po next Update?
-Bukas. Everyday naman akong nag-a-update dito. Di pa ba sapat? :(
5. May Book two po?
-Meron. ROUND TWO title sa works ko.
Okayy may tanong pa bang iba? Try kong sagutin :) Salamat po mwahhh
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top