011
3:45 pm
Himuro: Bakit umuwi ka agad? Diba sabi ko tatapusin ko lang yung nililinis ko? Gusto mo ba talagang sunugin ko yung mga poster mo?
Himuro: Wala ka pa ba sa bahay niyo? Pagkadismiss umuwi ka agad ah
Himuro: Tinatakasan mo ba ko?
Himuro: Hoy koreanang hilaw.
Himuro: Snob putek.
Himuro: Ge.
4:05 pm
Himuro: Tanginis. Magbabasketball muna ako. Nagonline ka naman di ka man lang nagreply.
Himuro: Oyyy
Himuro: Ge.
8:04 pm
Himuro: Talagang walang reply ah.
Himuro: di ka ba kinakabahan para sa mga poster at singsing mo dito? Itatapon ko to.
Himuro: Takte. Nakokonsenya ako.
Himuro: May nagawa ba ko?
Himuro: Daeyeon.
Himuro: Sorry. Kung ano man yun.
✔ Seen 8:07 pm
Daeyeon: Akala ko ba malinaw na hindi mo pakikialam mga merch ko?
Daeyeon: Ganon ka na ba kagalit saming mga kpop fan? Lalo na sakin?
Daeyeon: Bakit kailangan mo pang babuyin yung mukha ng mga poster ko at idikit sa bulletin board pagkatapos? Ano bang ginawa ko sayo para ganyanin mo ko?
Daeyeon: Hindi ako yayamanin na may pambili niyan ng paulit ulit. Inipon ko yan sa baon ko. Tapos bababuyin mo lang? Sabihin mo lang kung may problema ka sakin. Dahil tangina wag kang mag-alala hindi na ko magpapakita sayo dahil sabi mo nga me and my kpop is shit. Shit lang kami.
Daeyeon: Bukas ibabalik ko na yung keychain at notebook mo. Kung maari yung sing sing ko kung hindi mo pa tinatapon o binababoy ibalik mo rin.
✔ Seen 8:11 pm
Himuro: Ano? Hindi ako ang nagbaboy nun! Naglinis ako buong araw dahil sa kasalan ko. Swear hindi ako ang gumawa non!
Daeyeon: Kung hindi ikaw. Sige picturan mo lahat ng poster ko. Ngayon na.
8:15 pm
Daeyeon: Oh nasaan na?
Himuro: Shit.
Daeyeon: See? Lahat ng poster ko may pirma ko. Alam kong lahat yun akin. Ang sama sama sama mo.
Himuro: Fuck hindi ako may gawa nun! Siguro may kumuha sa bag ko pero shit hindi ko kagagawan yon!
Himuro: Daeyeon hindi aki ang gumawa nyon!
Himuro: Shit ako yun!
Daeyeon: O see edi inamin mo rin na ikaw may gawa.
Himuro: What I mean is Typo. *ako dapat yung hindi aki.
Himuro: Papatunayan ko sayong hindi ako ang gumawa non!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top