Jimin [BTS]
§Angst§
Warning: contains bad words
Language:Tagalog♡
Sana magustuhan niyo. Sorry di ako magaling magsulat ng sad stories. Forgive me for my writing skills. Hahaha
♡◎♡◎♡
Biglang bumilis ang tibok ng puso mo sa iyong nakita.
Nag positive ka sa pregnancy test na iyong ginamit.
Hindi mo pa alam kung pano no sasabihin kay Jimin na may anak na kayo.
Hindi kana makapag hintay pa.
Pinagluto mo siya ng pagkain at hinintay siyang umuwi para sabay kayong kakain.
Maya maya'y ayan na siya.
Nilapitan no siya at hinalikan sa pisnge. "Namiss mo naman yata ako masyado." Sabi niyang nakangiti, nginitan mo rin siya.
Umupo na kayo sa hapag kainan at nagsimulang kumain.
Heto na..sasabihin mo na..
"Jimin...." pagsisimula mo.
"Bakit?" Tugon niya at sumubo ng kanin.
"May sasabihin ako..." sabi mo.
Tinignan ka niya.
"I'm pregnant." Sabi mong nakangiti.
Hindi siya sumagot at tinitigan ka lang niya.
"Yah! Jimin? Hello?" Sabi mo sakanya at nagtataka kung bakit ganun ang expression niya. Siguro baka nagulat sa tuwa? Ganun ba yun?
"Hindi ako ang ama niyan."
Sa mga sinabi niyang yun parang may kung ano ang kumirot sa puso mo.
Ang luha ay umagos sa iyong mata.
"A-ano?" Ang tanging nasabi mo at hindi ka makapaniwala sa iyong narinig.
"Ayoko ng ana-" Hindi mo na napigilan ang sarili mo at sinampal mo siya. Galit at lungkot ang nararamdaman mi ngayon.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan. Napaka walang kwenta mong ama! Hindi kita bibigyan ng karapatan sa anak natin tandaan mo yan hayop ka." Sabi mo na puno ng galit.
"Ano bang pinagsasabi mo ha? Edi kung ayaw mong maghirap na alagaan yang pesteng batang yan edi ipalaglag-" hindi nanaman siya nakapagtapos ng sasabihin ng sinampal mo ulit siya.
Hindi kana nakapagpigil at ginawa ang unang nasa isip mo ngayon..
Ang lumayas.
"Sige! Lumayas ka! Iwan mo ako! Wala na akong pakealam sayo! Sayo at diyan sa anak mo!" Sabi niya at pinagtutulakan ka palabas kasama ng inimpake mong maleta.
Nang makalabas kana ay binalibag ang pinto.
Naglakad ka sa madidilim na kalye. Patuloy lang ang iyong paglalakad at ang iyong pag iyak.
Hindi ka parin makapaniwala sa mga nangyare.
"Yung totoo....Jimin minahal mo ba talaga ako?" Sabi mo ng mahina.
Hindi mo namalayan sa lalim ng iniisip mo umuulan na pala.
"Tsk. Buti pa yung ulan nandiyan kapag umiiyak ako." Sabi mo.
Basang basa kana ng ulan at patuloy ka parin sa paglalakad.
Nang bigla ka nalang natumba sa gitna ng kalsada.
Hindi mo na alam ang gagawin mo hindi mo alam kung saan ka pupunta. Isinara mo nalang ang iyong mga mata.
"Sana panaginip lang lahat ng ito." Sabi mo bago ka mawalan ng malay.
Nagising ka nalang dahil sa sinag ng araw.
Tinignan mo ang paligid at hindi mo. alam kung nasaan ka.
Umupo ka at pinagmasdan parin ang lugar kung nasaan ka.
Nang biglang bumukas ang pinto.
"T-Taehyung?" Ang tanging nasabi mo nang makita mo ang bestfriend mo.
"N-nasaan ako?" Tinanong mo siya. "Ah.. bahay ko nga pala. Lumipat na ako eh. Hehe. Nakita kase kita kagabi nasa kalsada ka. Inuwi kita dito tas may lagnat ka pa. Pero si ate yung nagpalit ng damit mo. Hehe dumalaw kase diya dito eh." Pagkukwento niya.
"Salamat..." sabi mo ng mahina.
"Sige na. Kain kana para may lakas ka. Ako bahala kay Jimin." Sabi niya na ikinagulat mo. "Pano mo n-nalaman ang tungkol samin." Nauutal mong tanong. "Hehe ang dami mong sinasabi kagabi eh. Umiiyak ka pa nga sa kotse at panay na sabi ng Jimin at minumura mo." Sabi niya at nagchuckle.
Huminga ka ng malalim.
"Bakit? Ano bang nangyare?" Tanong niya sayo ng mahinahon.
"Ayoko munang pag usapan." Sabi mo at namumuo nanaman ang luha sa mga mata mo.
Ngumiti siya ng pilit. "Sige, kumain ka muna. Kailangan mong kumain." Sabi niya.
"Wala akong gana." Sabi mo. "Pero (Y/N) kailangan mong kumain. Kagabi pa ang huling kain mo." Sabi niyang nag aalala.
Tinignan mo siya.
"Kahit para sakin lang, kumain ka. Kung nasasaktan ka, nasasaktan rin ako kase kaibigan kita." Sabi niya. Luha ang tumulo sa mata mo at nasundan pa ng isa.
Pinunasan niya iyon at hinalikan ka sa noo.
Naalala mo si Jimin. Namimiss mo na siya. Kahit ganun ang ginawa niya. Mahal mo siya. Pero masyadong masakit para sayo ng ginawa niya. Parang sinabi niya na rin na hindi ka niya minahal.
Matapos yon ay umalis na siya ng kuwarto.
Ikaw naman ay kinain nalang ang pagkain na inihanda niya.
Pancakes na ang syrup ay naka happy face. Tsaka may heart.
Parang naalala mo nanaman yung unang beses na pinagluto ka ni Jimin ng umagahan. Medyo may sunog sunog pa pero ok lang.
Hindi mo napigilan ang umiyak nanaman.
Hindi mo alam kung pano mo pagdadaanan ang hinaharap sa ganitong kalagayan.
Hinawakan mo ang tiyan mo.
Ang dinadala mo ngayon ay anak niyo ni Jimin. Para sa bata ay magpapakatatag ka. Hindi mo kayang pati ang bata ay mawala sayo.
Matapos mong kumain ay nagpunta ka sa kusina at hinugasan ang pinggan mo
Nakita mo sa salas si Taehyung na naglalaro ng VR.
"Taehyung...Anong ginagawa mo?" Tanong mo sakanya. Tinanggal naman niya yung gadget sa mukha niya.
"Ah ito? VR, gusto mong itry? Kakabili ko lang kase kahapon." Sabi niya at iniabot sayo.
"Pano ba toh?" Tanong mo sakanya. "Basta. Suotin mo toh....tas hawakan mo tong dalawang toh." Sabi niya at binigay sayo ang kaninang nasa kamay niya ay nasayo na.
"Ang galing naman nito." Sabi mo at umikot ikot para tignan ang paligid. Para talaga siyang totoo.
"Gusto mo ng nakakatakot?" Tanong niya. "Wag naman!" Sabi mo. "Ah sige wait lang." Sabi niya.
Maya maya ay nasa parang city ka at mga building at may parang elevator sa harap mo.
"Pumasok ka sa elevator." Sabi niya at sinunod mo naman yun. Umakyat sa elevator at bumulaga sayo ang pagka taas taas na building.
"T-Taehyung...." Sabi mong nauutal. "Sige daan ka lang diyan.." sabi niya. "H-Hindi ko kaya pano kung mahulog ako?" Sabi mong natataranta. "Hindi yann!!" Sabi niyang naeexcite.
Sinunod mo siya.
Pero dahil sa takot mo, nanlalambot ang mga paa mo at nahulog ka. Napasigaw ka.
Tinanggal mo ang gadget at tinignan ang paligid. Balik na sa normal ang lahat.
Except sa isa.
"T-Taehyung...." nauutal mong sabi nang makita mo ang mukha niya sa harap mo.
Nahulog kayong dalawa dahil sasaluhin ka niya sana pero nadulas siya dahil sa medyas na kanyang suot.
Napatingin kayo sa gilid ng makarinig kayo ng mga hakbang.
Mga mata niya'y punong puno ng galit.
"J-Jimin..." nauutal mo nanamang sabi.
♡◎♡◎♡
Will have a part 2 😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top