BTS
A/N:First of all sorry for the ones that cannot understand tagalog cuz this chapter will be tagalog since I'm a filipino.
So for the PH ARMYs I've been always imagining this when I commute. So...here it is...
♡♡♡♡
Kakatapos mo lang sa school at beast mode na beast mode ka kasi yung mga kagrupo mo ayaw maki cooperate sa presentation niyo para bukas.
Binabalak mo nalang magsolo kasi ikaw lang naman gumagawa mag isa. Pag hindi pa nila pinasa yung research mamayang gabi tatanggaling mo na siya sa groupo.
"Jeogiyo..." sabi nung katabi mo sa jeep pero nagulat ka sa nakita mo.
Kinusot mo yung mata mo...
Andun parin..
Sinampal mo yung sarili mo...
Andun parin..
"Uhmm...miss is something wrong?" Tanong ng lalaki sa kabilang gilid na upuan.
"Are you really BTS?" Tanong mo sa kanila. "Yes we are." Sabi ni RM.
"Uhm...we're lose.." Sabi ni Taehyung na nakiki english. "Yes. We're lost." Pagcocorrect ni RM.
"So...where is your hotel?" Tanong mo sakanila. "Something like....Nobu?" Sabi ni RM.
"Mahal kita!" Pagtatagalog ni Jungkook na fluent jusko mamatay matay ka sa kilig. Titnignan mo si Jungkook at nginitian ka lang. Na mas lalong nagpabilis ng pagtibok ng puso mo. Feeling mo mahihimatay ka na.
Nakalimutan mo lahat ng problema mo sa buhay para kang nagka amnesia.
"I think I know where your hotel is. I'll take you guys there." Sabi mo. Nag thank you naman sila. "Maraming salamat." Sabi ni Jin.
Pero tinignan mo muna yung wallet mo kung kasya ba yung pamasahe. Pero...20 nalang...
Napatingin ka sa kanila...
"Why? What happen?" Tanong ni J-hope. "I think I don't have enough money for the fare." Sabi mo kay RM na medyo nahihiya.
"Oh...our manager gave us money." Sabi ni RM. "Can you give it to me?" Sabi mo at ayun. Sakto na sa inyo yung pamasahe at binayad mo na.
"Walo po isang estudyante." Sabi mo sa driver.
Ngayon dumadaan kayo sa palengke. Medyo nahiya hiya ka sakanila kase nga madumi. Baka kung ano isipin nila sa mga Pilipino.
Tas nakita mo si Suga nandon sa gilid natutulog. Tas nagulat ka kasi biglang bumukas yung mata at nagsalita ng hindi mo alam kung ano pinagsasabi nila. Pero feeling mo pinag uusapan nila kung gano kainit sa pinas kase nagpapaypay sila gamit kamay nila.
Kaya kinuha mo yung pamaypay mo sa bag at pinaypayan sila.
"You don't have to do that." Sabi ni RM at kinuha sayo yung pamaypay at pinaypayan ang ibang members at kasama ka.
"Ang init!" Sabi ni Jimin. "Parang ikaw..." sabi mo at napangiti. "Mworago?" Tanong niya. "Wala....sabi ko ang hot mo." Sabi mo kasi alam mong hindi nila naiintindihan. "Aish." Ang tanging nasabi niya.
At naalala mo yung sinusulat mo sa diary mo na kung anong gusto mo mangyare kapag naka attend ka ng fansign nila. Gagawin mo nalang ngayon. Chance mo na toh.
"Oh...can I have a suggestion?" Tanong mo sakanya. "What?" Tanong ni J-hope.
"Can you guys sing for me?" Tanong mo na nahihiya pa. Actually nanginginig ka. Hindi mo alam kung naeexcite ka ba o kinakabahan o naiiyak. Feeling mo mababaliw ka na.
"What song?" Tanong nila. "Spring day. Pumnal" sabi mo.
"Ok.." sabi nila.
At ayun na nga...nagrap na si RM tapos yung iba kinanta yung mga parts nila.
Tapos sa rap part ni suga, lahat kami napatingin sakanya. Ayun pala busy matulog.
Tapos ginising mo siya. Nakalimutan mo nakakatakot pala siya pa ginising kaya medyo kinabahan ka nang ginising mo siya. Pero tinignan ka lang niya.
Nginitian mo ng awkward smile.
Tas ngumiti rin siya.
Nagulat ka nalang nang biglang nag
"A to the G to the U to the STD!" Sabi niya at nagrap ng napakabilis. Yung ibang laway tumatalsik na sa kamay mo.
Sabi mo sa utak mo. "Di na ako maghuhugas ng kamay natalsikan toh ng laway ni Yoongi" sabi mo na parang baliw.
Pagtapos niya mag rap pinakanta mo ulet yung iba.
Ang ganda talaga ng boses nila Jin, Taehyung, Jimin at Jungkook.
Napahinto sila sa pagkanta ng biglang tumigil ang jeep. What? Nasiraan? Bat ngayon pa?
Binalik sa inyo yung mga binayad niyo at bumaba kayo.
Nilakad niyo nalang papunta sa hotel kase medyo malapit lapit nalang naman na.
Binigyan mo sila ng payong.
"Oh ayan. Magsiksikan kayo diyan." Sabi mo. "Yah...don't tagalog!" Sabi ni Jhope. "Ayan. Para malaman niyo yung feeling ng walang subtitle." Sabi mo.
Nagchuckle naman si Namjoon. "Why you laughing? You understand me?" Tanong mo sakanya.
"Haha not really, maybe a little cuz you said the word feeling and Subtitle and i thought that we're like you when there's no subtitles when you speak tagalog." Sabi niya. Napanganga ka. "RM pahingi ng IQ! Need ko yan." Sabi mo sa isip mo.
At ngayon nandito na kayo sa harap ng hotel.
"Kaja!" Sabi ni Jhope na excited.
"Bye!" Sabi mo sakanila. Napatingin sila sayo.
"Aren't you coming with us?" Tanong ni RM.
"Come with us.." sabi ni Jimin. "Please....." sabi ni Taehyung na nag aegyo pa. At dahil sa aegyo niya muntik ka nang mahimatay jusko mag aegyo ba naman sayo si Taehyung sa harap mo mismo in personal jusko mamatay matay ka na nun.
Kaya ayun. Pumayag kana.
Nakikain ka lang naman. Nagpasalamat na rin yung manager at staffs sayo.
Pagtapos nun. Sabi mo kailangan mo nang umuwi kasi hinahanap ka na ng parents mo.
"You going to concert tomorrow?" Tanong ni Jin. "Sadly no." Sabi mo at yumuko. Wala ka kasing pera di mo afford yung tickets. "But it's okI already met you and spent time with you." Sabi mong nakangiti.
Mangiyak ngiyak ka. "Thank you." Sabi mo at tumulo na ang luha mong kinikimkim kanina pa.
"I never imagined...I mean yes I always imagined meeting you guys but I just can't believe it came true." Sabi mong naiiyak.
"Its ok..." sabi ni Jimin at niyakap ka. Ayan pa! Isa pa yan! Kaya ka naiiyak eh! Bes niyayakap ka ni Park Jimin like omaygawd.
At nakiyakap na din yung iba.
Pagtapos nun. May binigay na card si Namjoon sayo.
"It's a backstage pass. Meet us tomorrow." Sabi niya. "Jinjja?" Sabi mo at nag nod siya.
"Kamsahabnida" sabi mo at nag bow.
Nakangiti ka lang yakap yakap yung card na binigay sayo ni namjoon habang nakangiti na parang baliw.
Pag uwi mo sa bahay dun mo naalala yung mga gawain mo. Nakita mo na din na nagpasa na ng research yung mga kagrupo mo.
At sumigaw ng..
"BEST DAY EVER!!!!!!!"
Agad mong sinulat lahat ng nangyare sa diary mo. "Papasignan ko toh bukas sakanila hihi." Sabi mong kinikilig kilig.
"Ikaw! Bat moko niyakap kanina ha? Chansing ka lang eh. HAHAHAHA" Pagkakausap mo sa poster ni Jimin.
"Sige! Kita tayo bukas!!" Sabi mo sa poster ng BTS.
♡♡♡
So ayun nga. Thank you sa pag babasa.
Ok lang ba? Yung jeep part lang talaga actually yung naiimagine ko pero pinahaba ko nalang para sa inyo. Hahaha
Comment kayo ng opinion niyo at vote naman kayo kung nagustuhan niyo oki?
Thank youuu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top