Sabog# 8 (Edited)
Diretso na ako sa bahay matapos ang pag-uusap naming dalawa ni Cloud. Mukhang mapapasubo ako nito, ang gaga ko kasi... inipit ko yung sarili ko sa sitwasyon nila. "Ate bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ng santa kong kapatid pagkapasok ko pa lang ng bahay.
"Ikaw ba ang nanay ko at kailangan kong mag-explain sa'yo?" Maarte kong sabi at nilagpasan na siya. Grabe ang pagod ko ngayong araw! Na-lowbat yung pagiging maldita ko! Nagamit ko lahat doon sa babaeng walang dede.
Pumasok ako sa kwarto upang magbihis. Naalala ko naman yung mukha ni Cloud kanina kung paano siya magmakaawa sa akin. Yung totoo? Problema nilang dalawa iyon pero sa akin ipapaayos? Instant trabaho naman 'to ah.
Matapos kong magbihis ay pumuna ako sa balcony ng kwarto ko at hinayaan na dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Ang ganda din kasing magpahangin dito, sa sobrang ganda nga ay gusto kong ihulog ang mga katulong ko para mabawasan ang population ng mga shunga.
"Mukhang may problema ka, ate?" Hindi ko napansin na nakapasok na pala si Angelica sa kwarto ko. Bakit ba ang bait-bait ng kapatid ko? Hindi niya ba kayang magalit kahit isang beses man lang? Kahit matutunan niya lang ipagtanggol ang sarili niya. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nandito ako para tulunga siya. She should learn to fight for herself.
"Kinausap ako kanina ni Cloud," Maldita man ako pero parati naman akong nag-o-open sa kapatid ko ng mga seryosong bagay. Kung may magandang katangian si Angelica, she always lend her ears para pakinggan ako.
"Anong sabi niya?" She asked at tumabi sa akin.
"Excited ka? Magkukwento na nga 'diba?" Pagtataray ko sa kanya.
"Spill it ate, pakiramdam ko kasi ay damay ako sa problema mo."
Bumuntong hininga ako, "He asked me kung pwede umatras ka na raw sa kasal."
"Iyon naman yung sinabi mo 'diba? Tsaka ayokong magpakasal talaga, ang bata ko pa." Pagtatanggol niya sa kanyang sarili.
"Alam mo, ang sarap mong sampalin. Lahat ng sasabihin ko dapat may side comment ka? Nagkukwento ako tapos eepal ka? Bastusan, ganern?"
"Sorry na ate, game na ulit." Natatawa niya sabi at umayos ng pagkakasandal sa may harang dito sa balcony.
"Alam mo, hindi naman pala kayo nagkakalayo ng sitwasyon ni Cloud eh. Parehas lang kayong naiipit, ginagawang business ng magulang." Pagpapaliwanag ko. Kabog ang lola niyo, nagseryoso.
Napaisip ako ng mga oras na 'to, kung hindi ba ako nag-back out, masaya kaya ang lahat? Kung hindi naman kasi ako nag-back out sa kasal na 'yan ay hindi makakatanggap ng ganitong kalaking responsibilidad ang kapatid ko.
Kung ako siguro, kaya ko pang pagtiisan si Cloud eh pero... hindi pa rin ako handang itali ang sarili ko sa iisang lalaki. I'm on my teen age year na kung saan nagsasaya lang. Kahit graduating na kami ng college, hindi naman dapat kami pinu-push sa ganitong responsibility. Kasal is not a joke... or even a business.
"Ate, mukhang wala namang way para makaalis kami sa ganitong sitwasyon... kilala mo si dad." Malungkot na sabi niya. She always act as a calm person pero deep inside, alam kong natatakot siya. Kahit maldita ako, may pake ako sa kapatid ko.
Sino naman ang gagang kapatid ang gustong api-apihin ang sariling kapatid nila? Wala 'diba? Gano'n lang din ako kay Angelica. Kahit nakakairita ang pagiging mabait niyan, bali-baliktarin man ang mundo... ATE pa rin ako and it's my lifetime duty na protektahan ang nakababata kong kapatid.
"Kayo walang magagawa. Pero ako, mayroon. Kilala mo ako Angelica, you and I was created to protect each other. Kahit ang anghel at ang demonyita ay mayroon din similarities." Pagpapaliwanag ko sa kanya at inakbay ko ang kamay ko sa kanya balikat at mahigpit na niyakap. Gosh! Bakit ang bait ko ngayon? Anong kalandian kaya ang sumapi sa akin? Oh well, minsan lang naman 'ti dahil bukas pagugulungin ko si Bobita sa hagdan, may sakit pa rin ang gaga hanggang ngayon.
Umiling si Angelica. "Ate tama na, ayokong gumawa ka ng masama for my sake. Ayoko rin may mangyari sa iyong masama."
"Gaga! Para sa sarili ko itong gagawin ko, it's for my own happiness. Pissing other people is my happiness." Sinabunutan ko ang kanyang buhok. Ayoko lang na nag-aalala siya sa akin.
"Pero seriously ate, malay mo naman ay matutunan kong mahalin si Cloud, ganoon naman yun 'diba?" Lalo kong nilakasan ang sabunot ko sa kanya. Daming alam na drama sa buhay, sarap itulak dito sa balcony eh.
"'Wag kang shunga Angelica. Ang pag-ibig, hindi napag-aaralan 'yan, edi sana may subject na ganyan. Kakanuod mo lang 'yan ng koreanobela. Ang pag-ibig, kusang nararamdaman 'yan! Kapag kumabog na 'yang heartbeat mo ng bonggay! Iyon na 'yon. Wala ng keme-keme, Inlove ka na no'n. Hindi natututunan ang pagmamahal, always remember that. Nararamdaman 'yon." Mahaba kong litana sa kanya.
"Quotes ba 'yan, ate?"
"Hindi, bugtong 'yon! Shunga! Paano kasi magdadrama ka eh shunga ka. 'Di bagay sa'yo. Magbait-baitan ka na lang doon sa labas, lumabas ka na ng kwarto ko." Tumawa na lamang ang kapatid ko sa akin. Ganito naman ako, may time akong magmaldita at may time din na maging ate sa kapatid ko.
"Bye ate, good night." Naglakad na siya palabas ng kwarto.
Sa sobrang pagkukulitan namin ng kapatid ko, hindi ko napansin na alas-nueve na pala. Sumasakit ang ulo ko sa isang problema na hindi ko naman problema. Humiga ako sa nagmamaldita kong kama then suddenly i heard my cellphon vibrating. Anak ng... sino ba ang magte-text sa akin ng ganitong oras?
Kinuha ko ang phone ko at binasa ko ang text message galing kay Cathy.
Kh4MuzT4 kH4 N4 BfF?
Tongue in a lungs na Cathy 'to! Kaya ayokong ka-text ang gaga kasi jejemon. Babasahin mo pa ng ilang ulit yung message niya bago mo ito tuluyang maintindihan.
Who you? wala akong kaibigang jejemon! get lost! kinakamusta mo 'ko? we'll eto maganda pa din at patuloy na nagle-level up
Pagkatapos kong i-type ay ni-send ko agad ito sa kanya. Sigurado ako na matatawa 'yon. Hindi naman natatakot sa akin ang babaeng iyon kahit anong pagmamaldita ang gawin ko sa kanya.
Marami pa kaming napag-usapan ni Cathy tungkol sa mga katangahan niya sa buhay, kadramahan niya sa mga status niya na wala namang pinapatamaan, Pag-aawanila ng mga boyfriends niya. Dahil mabait akong kaibigan, pinagtiya-tiyagaan ko na siya kahit kulang-kulang sa pag-iisip. Ako lang ang nagmamahal sa babaeng iyan.
Ipinikit ko na ang aking mata at nagulat ako nung may marinig akong kalampag sa aking balcony. Bakit naging horror ang datingan ng story ko!?
"Sino 'yan!?" Malakas kong sigaw, napansin kong ang shunga ko sa tanong ko. Sinong tangang magnanakaw ang magpapakilala?
Tumayo ako ng kama at maliliit ang hakbang na aking ginawa patungo sa balcony, hawak-hawak ko ang limited edition na Hello Kitty na walis tambo ko. Oo! Kailangan kong ipagmayabang sa inyo na limited edition lang 'to.
Nung may anino na akong nakita ay agad ko siyang sinugod! Fight kung fight! Hindi ako pwedeng mamatay sa story na 'to! Ako lang ang nag-iisang kontrabida rito.
"Aw! Angel, stop it! Ako 'to, si Cloud!" Sigaw niya at doon lang ako natigil sa paghampas. Buti na lang at hindi ko siya na hampas ng malakas.
Pumamewang ako sa kanya. "Ang bobo mo naman kasi eh, may pintuan naman! Papapasukin naman kita, gusto mo yung nagmumukha kang magnanakaw diyan! Wala ka sa telenobela, hindi nakakakilig yung mga ganyan, ugok!" Ibinaba ko ang tambo. Buti na lang at hindi nawasak ang tambo ko sa tigas ng bungo ng lalaking ito.
"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko pa sa kanya.
"I just... fucking miss you." Pagkasabi niya noon ay saglit akong natigil at nabalik ulit sa katinuan.
"Miss your mom. Dami mong dramang alam, 'di ka mag-abroad." I rolled my eyes on him pero sa totoo lang, Naapektuhan ako.
Sinong hindi kikiligin kapag nasabihan ka ng ganoong bagay? Ganoon naman ang malalanding kabataan 'diba?
""Seriously? Tulog na ba yung kapatid mo? I just want to talk to her about sa situation naming dalawa." Sabi niya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mata.
"Taimtim ng nakanilay ang katawan ng aking kapatid kaya umuwi ka na," Aangal sana siya ngunit mabilis ko itong hinarangan. "'Wag ka ng umangal! Bibigyan ko na lang kayo ng oras bukas para makapag-usap. Umuwi ka ng letse ka! Nawawala ang pagiging kontrabida ko sa'yo eh."
"Kasi tinatablan ka na nung charm ko?" Kumindat pa siya sa akin.
"Baka kamo gayuma! Umali ka na! Kapag nakikita ko 'yang mukha mo eh lumalaki ang chance na bangungutin ako ngayon gabi." Pinagtulakan ko siya pabalik sa balcony pero patuloy lang siya sa pagtawa.
Ang gago, kaya pala nakaakyat dahil nagdala ng sariling hagdanan niya, hanep sa diskarte!
Gusto ko nga sana habang bumababa siya eh itulak ko yung hagdanan para bumagsak na siya agad! Ang kupad kasi, my gosh! kalalaking tao ang landi landi bumaba ng hagdanan.
Pagkaalis niya ay pumasok ulit ako sa kwarto, ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan ko. Ngayon ko lang napansin na para na pala akong tanga dahil kanina pa ako nakangiti.
Shit! Nawala ang antok ko! Bakit nagkakaroon ng impact sa akin ang lalaking iyon!?
Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nagdi-dinner kaya naisipan kong paglutuin si Bobita ng spaghetti kahit may sakit. Gusto ko siyang pahirapan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top