Sabog# 5 (Edited)

"Hoy kuyang mekaniko, maaayos mo ba 'yan?" Iritado kong tanong sa negrong lalaki na gumagawa ng kotse ko na nasira KO. How nice, naaasar pa rin talaga ako kapag naaalala ko ang tungkol sa bagay na iyon.

"Miss, wala ka pa ngang tatlong minutong nandito tapos gusto mo gawa na agad?" Pagsagot niya.

Kung paano napunta rito ang kotse ko? Well, pinagtulak ko lang naman si Inday, Bobita, at kuya Ted papunta rito. Grabe nga sila makaangal dahil napakalayo daw nito sa village namin. Wala naman silang choice kun'di magtulak, alangan namang ako pa ang magtulak ng kotse KO. Nahiya naman ako sa mga katulong ko.

"It's so exhausting!" Maaarteng sabi ni Inday habang maarteng hinahawakan ang baso... tubig lang naman ang laman, hindi pa malamig.

"Ang arte mo Inday, baka gusto mong ipalunok ko 'yang baso na 'yan para lang tumigil ka sa kaartehan mong pagsasalita." Mataray kong sabi sa kanya. Hindi muna ako pumasok sa school dahil mas mahalaga ang brand new baby car ko ngayon.

"Hindi ko rin kayo ma-gets ma'am eh, bakit ninyo po ba kasi binutas yung gulong nung kotse tapos ngayon ipapaayos mo?" Pag-e-epal ni Bobita.

"Wala kang pakialam Bobita, Wala akong mapaggastusan kaya dito na lang ako gagastos."

Habang pinagmamasdan kong magawa ang kotse ko ay biglang tumunog ang aking ringtone.

ako'y dyo-o-o-o-o-o-sa

Biglang tumingin ang lahat ng nandito sa akin.

"Oh bakit nakatingin kayong lahat!? Hindi ba kayo naniniwala sa ring tone ko?" Mataray kong tanong at inalis nila ang kanilang mga tingin at bumalik sa sila sa kanya-kanya nilang gawain.

"Ba't ang tagal mong sagutin?" Tanong agad sa akin ng bestfriend kong si Cathy.

"Ganoon talaga dahil tinatapos ko pa ang ringtone ko. Alam ko rin naman kasing walang kwenta yung caller." Sagot ko sa kanya, lumabas muna ako rito sa talyer upang makasagap ng mas malakas na signal.

"Salamat friend ah! Ang tagal kitang hindi nakita tapos ganyan lang ang masasabi mo?" Medyo sarkaastiko niyang sabi sa akin kaya napatawa naman ako.

"'Wag ka ngang mag-drama na para kang isang santa diyan. Demonyita ka rin gaya ko." Natatawa kong tugon kaya napatawa na rin siya.

Ang bestfriend ko ay si Cathy Raine Hilton. Masasabi kong isa siyang malaking PEKE, bait-baitan outside pero ang totoo... mas demonyita siya sa akin.

"Nasaang parte ka ba ng impyerno? Ano, pasunog ka na ba?" Maarte niyang sabi. Sabi ko sa inyo, mas demonyita 'to sa akin.

"Ako pasunog pa lang, ikaw sunog na." Ganti ko. Saglit kong binaba ang phone nung lumapit sa akin si kuyang mekaniko.

"Ma'am Mukhang matatagalan pa po yung paggawa ng kotse ninyo, kung gusto ninyo po ay balikan niyo na lang mamaya."

"Edi sana kanina mo pa sinabi! Pinagmumukha mo akong mahirap sa lugar na ito!" I shouted.

"Sorry po ma'am."

"Anong magagawa ng sorry mo?" Maarte kong sabi. Binalik ko ang phone ko sa aking tenga. "Hey, freakin' bitch! Nandiyan ka pa ba?"

"Yes, I'm still here Freakin' ugly duckling." 

"Papasok ka ba?" Tanong ko. "Pick me up, Nasa talyer ako malapit sa village namin." Dugtong ko pa.

"Are you a total bitch? Ano ako, driver mo?" She sarcastically said.

"Pick me up. May tsismis akong sasabihin sa iyo." Eto ang kahinaan ng kaibigan ko, isa siyang malaking tsismosa. Mauuto mo siya sa pagiging usisera niya.

"Just give me 15 minutes and I'll be there." Like what I'd said, tsismosa. Kalakip ng pagiging tsismosa ang pagiging madaldal.

***

Ilang minuto ang lumipas at may pulang Vios na kotse ang huminto sa aming tapat. Bumukas ang driver's seat at iniluwa nito si Cathy. "Hey bitch! I miss you!" Bigla na niya lang ako sinampal ng malakas.

"Pulubeng feeling bitchesa, I miss you too!" Binigyan ko siya ng dalawang magkasunod na sampal. Akala niya ah!

"Aray! Sumasakit ka manampal! Namemersonal ka na!" Parang batang nagta-tantrums na sabi niya. Nakaka-imbyerna 'tong pagiging pabebe niya ah.

"Mananahimik ka o ipapasagasa kita sa lahat ng kotse na dadaan? Be thankful dahil isang diyosa na gaya ko ang sumampal sa'yo. Kapag hipon ang sumampal sa iyo ay doon mo gantihan." Maarte kong sabi sa kanya.

"What's the latest gossip ba?" Maarte niyang pagtatanong sa akin. Pero imbes na sagutin siya ay dire-diretso akong pumasok sa kanyang kotse. Feeler ba? Sorry kayo, ganyan talaga ako. Bagay naman sa akin eh.

"Kotse mo? Kotse mo?"

"Ano? Tatanga na lang? Tatanga na lang? Kaya nga ako nagpasundo 'diba? Ano pang hinihintay mo? Mag-drive ka na!" Sarkastiko kong ganti rin sa kanya. Ayon, nauto ko na naman si Cathy. Buti na lang maganda siya, kung utak ang ating pagbabasehan? Walang-wala si Cathy.

"Nakakaasar ka talaga." Parang bata niyang sabi pero sa daan lang siya nakatingin dahil siya ang nagmamaneho.

"Punta tayong mall?" Bigla kong sabi. Ayoko man aminin pero na-miss ko rin naman itong kaibigan ko. At isa pa, sulitin naman natin ang paglabas niya sa story ko, Last niya na 'to. Hindi ko na siya pa-e-epalin ulit dahil baka agawan niya lang ako ng role.

"I'm in! Sa wakas ay may nasabi ka ring maganda, akala ko talaga ay gagawin mo akong personal driver for this day BFF." Napangiwi ako sa kanyang sinabi, kung maka-BFF naman 'to eh parang close na close kaming dalawa, Nagpa-plastikan lang naman kami.

Pagdating namin sa mall ay naglibot-libot kami kung saan-saang clothing lines. Habang naglalakad ay may biglang bumunggo sa amin na isang matabang babae, negra pa! Alam ninyo yung hitsura niya? Mukha siyang pusit na maitim na kakaahon lang sa dagat.

"Hoy negrang pusit! Tignan mo yung dinadaanan mo ha? May nabubunggo ka ng mga diyosa hindi mo pa pansin. Sana sa susunod alam mo kung saan ka lulugar!" I shouted to her. Eto na naman tayo sa pagiging mataray. 

"Are you calling me 'negrang pusit'" Pumamewang ang gaga kaya alog ng bongga ang bilbil niya, "How dare you!"

Si Cathy naman sa pagkakataong ito ang nagsalita. "Kakaahon mo lang ba ng impyerno?"

"Gaga! Kakaahon lang sa dagat niyan. Tignan mo naman oh, mukhang pusit na ready to cook na." Tinitigan niya kaming dalawa ni Cathy ng masama.

"Bagong luto lang siya!" Sabi ni Cathy kaya natawa ako.

"Bagong luto? Bakit ganyan, sunog?" Tumawa naman kaming dalawa ni Cathy ng malakas. Grabe na-miss ko 'to! Nakaka-miss din magmaldita kasama itong matalik kong kaibigan... na ka-plastikan ko lang talaga.

"How dare you!" Akmang sasampalin niya kami ngunit mas mabilis na lumipad sa sunog na mukha niya ang aming mga kamay. Si Cathy sa kanan at ako naman ay sa kaliwa sumampal.

"Instant blush on, dear. Kaso wala rin epekto dahil maitim ka nga pala... hindi rin halata." Sabi ni Cathy at ngumisi siya.

"Tsaka uso magpapayat! Nagmumukha ka kasing balyenang naglalakad! Saang dagat ka ba galing ineng?" Nag-apir kaming dalawa ni Cathy.

"You will both pay for this!" 

"Be thankful dahil diyosa ang sumampal sa'yo. Bye bitch! Thank you for making our day." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top