Sabog # 46
[[[ POV Angel ]]]
"Angel, nakikinig ka ba sakin? Kanina pa kita kinakausap pero parang wala ka sa huwisyo" Sabi ni Cloud at doon lamang ako natauhan. Nakaupo ako sa tabi niya.
"W-wala may naisip lang ako" Sabi ko at mapait na ngumiti. Ang sakit, sabi ko nga dati masyado na kong nakadepende kay Damon pero ngayong malungkot ako, sinong sasandalan ko eh wala nga siya.
Hindi man lang niya ko hinayaan mag-explain kung bakit kailangan kong mag-stay rito ng isang linggo. Siguro nga ay ako talaga ang may kasalanan, ako nga siguro marahil ang nagtulak sa kanya palayo.
"Siguro masakit na bagay 'yang naisip mo noh? Hindi naman papatak iyang luha mo kung wala lang" Sabi niya at nagulat ako ng pahirin niya ang aking pisngi. Ipinakita niya sakin na basa ito. Umiiyak ba ko?
"Wala wala! Medyo inantok lang siguro ako" Pagdadahilan ko at kunwaring naghikab.
"Ah sige, mukhang inaantok ka na nga dahil kanina mo pa ako binabantayan" Sabi ni Cloud, alam kong hindi tanga si Cloud na ginawa ko lang reason yung inaantok kiyeme.
Wala rin pala akong ipinagkaiba kay Angelie eh. Tama nga siya, kahit gaano ka pa kalungkot or kung gaano ka pa nasasaktan... Kailangan pa rin na nakangiti ka kapag kaharap si Cloud. Ayokong i-messed ang buong sitwasyon ngayong nagkakaroon na siya ng hope dahil sa operasyon.
Ipinikit ko na lang ang aking mata at sinandal ang ulo ko sa pader. Sa pagpikit ko, lalong tumaas ang eagerness ko na makita si Damon. I'm pretty sure na pinapalamig niya pa ang ulo niya at baka kapag nag-usap kami ay mas lumaki lang ang gulo.
Siguro dahil sa emotional pain na nararamdaman ko kaya ako nakatulog. Sana sa muling pagdilat ko eh maayos na ang lahat, sana'y bumalik na sa normal dahil sa totoo lang... Hindi ko na kaya.
Pagmulat ko ng aking mata ay gabi na pala. Lumingon ako kay Cloud na tahimik na natutulog, mukhang sobrang napapagod talaga siya kahit na nakahiga lamang siya sa may Hospital bed.
Madalas ay naitatanong ko sa aking sarili. Ano nga kaya ang pakiramdam ng may cancer? Gaano kasakit ito? Baka magkaroon lang ako ng emotional breakdown kapag sakin nangyari ang bagay na yun. Saludo ako kay Cloud dahil nagagawa niyang lumaban, ganun na rin sa iba pang lumalaban sa sakit na 'to... Lahat sila'y masasabi kong magagaling na mandirigma hindi sa pakikipaglaban in physical ways kun'di pakikipaglaban sa isang sakit na sa para sakin ay isang halimaw.
Tumayo ako at saglit na inunat ang aking katawan upang mawala ang pagkamanhid. Nagring ang Phone ko na agad ko naman sinagot dahil baka magising si Cloud.
"Angel what happen? Gusto mo banh ikwento sakin ang nangyari?" boses pa lang kilala ko na. Si Winston, bestfriend nga pala soya ni Damon kaya paniguradong makakarating sa kanya ang balita.
"Okay lang ako h'wag kang mag-alala"
"Sinong niloko mo? Let's meet nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita" Sabi niya sakin. Wala naman akong magagawa dahil makulit si Winston at ipipilit niya pa rin ang gusto niya.
"Let's meet nalang around Makati, itetext ko na lang sayo yung lugar" Sabi ko and in-end call ko na. Alam kong magtatanong 'yan ng marami kaya in-end ko na, mas okay na rin na tumawag si Winston I guess. May mapaglalabasan na ako ngayon ng saloobin ko.
***
"What happens on you boss?" Salubong sakin ni Winston ng magkita kami sa 7/11. Para rin naman kasi akong tanga na tuloy-tuloy dumadaloy ang mga luha.
Inakay niya muna akong umulo at bumili siya ng cup noodles upang aming makain.
"Game kwento na Angel. Buti na lang nasa Quezon ako para sa isang business meeting at napuntahan" Sabi niya sakin at todo tingin sa aking hitsura.
"Bakit ba binitawan niya ko ngayon kung kailan kailangan ko ng masasandalan?" Sabi ko at napaluha na namang muli. Pagod na kong umiyak, bakit ba pagdating kay Damon nagiging mahina ako?
Kinwento ko kay Winston ang lahat ng nangyari. Ang kalagayan ni Cloud at sa nalalapit nitong operasyon.
"Angel, hindi ka naman iniwan ni Damon eh. Feeling ko nagtampo lang siya sayo kasi nasanay siya na parang siya lang ang lalaki sa buhay mo"
"Eh kasi alam niya naman ang kalagayan ni Cloud eh. Maaring mawala na siya bukas o next week. Walang nakakaalam kung kailan siya kukunin eh" Explained ko sa kanya.
"Paano kung taon Angel? Taon din ba ang hihintayin ng bestfriend ko para ma-realize mo na may naghihintay ng pagmamahal mo? Hindi ako nagiging bias ah! Pero sa kwento niyo parehas ay na kay Cloud lang ang atensyon mo habang parang one sided love naman ang nangyayari kay Damon" Sabi niya na parang may katotohanang sumampal sakin. Nawalan na nga ba akong pake sa mga taong nagmamahal sakin?
"Hindi naman nakipag-break sayo si Damon eh, hinihintay niya lang na ma-realize mo ang mga efforts niyang ginagawa sa araw-araw na mapansin mo" Sabi niya at hinawakan ang balikat ko upang mapakalma.
"Si-siguro ay galit pa rin siya sakin. Hihintayin ko muna na humupa ang galit niya"
"Ang kulit mo naman boss! Akala ko ba matapang ka? Akala ko ba malakas ka? Bakit pagdating sa nararamdaman mo sobrang takot ka? Kung maghihintayan kayong dalawa sa kung sino ang unang mag-a-approach, hindi magkakaron ng epilogue ang story na 'to" Sabi niya sakin at doon na ko naluha, hindi dahil sawa na ko sa story ko pero ang malaman ang katotohanan na takot nga akong harapin ang tunay kong nararamdaman iyon ang tumutusok sa puso ko.
"Pe-pwede bang ayusin ko na lang lahat ng gusot na nagawa ko after ng operasyon ni Cloud?" Tanong ko at napapayuko na lang ako. Bakit ba pasaway 'tong mga luha ko? Ang apam ko maldita ang role ko dito at hindi puro pasakit.
"Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo boss. Gawan natin ng example ang sitwasyon mo para mas maliwanagan ka. Sabihin na natin na si Cloud ang past mo at si Damon ang present mo. Kung maii-stuck ka sa nakaraan sa tingin mo magiging masaya ka kung hindi mo pinagtutuunan ng pansin ang kasalukuyan?"
"Gago ka, hindi ba 'yan bias eh halatang-halata na si Damon ang kinakampihan mo" Natatawa kong sabi at pinahid ang aking mga luha.
"Halata ba? Haha! Shipper niyo ko eh, kayo ang OTP ko eh" Sabi niya sakin na ikinatawa ko.
Sobrang nagpapasalamat ako kay Winston dahil dinamayan niya ko at tinulungan niya akong maliwanagan sa sitwasyon ko. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng problema ko kasi nai-voice out sakin ni Winston ang mga bagay na dapat kong gawin pero gaya nga ng sabi niya, nasa akin parin ang desisyon.
Nagpaalam na ako kay Winston at muling bumalik ng Ospital, grabe para namang ginawa kong Hotel ang ospital na 'to kasi libre akong nakakalabas pasok.
"Oh bumalik ka na pala saan ka galing?" Tanong sakin ni Cloud pagkabukas ko palang ng pinto, hinintay niya kaya ako nung nalaman niyang lumabas ako?
"Wala nagpahangin lang ako sa labas. Alam mo na, nag-unwind lang ako ng stress baka masira ang diyosa kong mukha" Sabi ko sa kanya at bahagya naman siyang natawa.
"Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo kahit kailan noh?"
"Kung mamaliitin ko ang sarili ko, paano ako mapapansin ng ibang tao bilang isang malakas na babae 'diba? Tsaka aminin mo na, diyosa talaga ako" Mayabang kong sabi sa kanya. Ayoko namna kasing isipin niya na pinakikisamahan ko lang siya dahil naaawa ako or what. Nandito ako para sa kanya bilang isang kaibigan.
"Angel saan mo nakuha 'yang kwintas mo? Ang ganda ah" Sabi niya sakin at itinuro ang kwintas na aking suot ngayon. Ito yung kwintas na ibinigay sa akin ni Damon na may design na "D" at "A"
Saglit kong naiawang ang aking bibig dahil sa pagkabigla ngunit mabilis ko itong pinalitan ng isang ngiti. I damn miss him!
"Bigay lang ito ng isang kaibigan. 'Demonyitang Angel' meaning niyan, ang hard noh?" Sabi ko sa kanya.
"Kung hard, bakit mo isinusuot?" Saglit akong napatahimik at napatitig sa kanya. "Pakiramdam ko kasi ay napaka importante ng kwintas na 'yan para sayo, lagi mo itong pinapanatiling malinis. Yung kwintas na iyan ay pakiramdam ko ay punong-puno ng pagmamahal"
Napayuko ako at mapait na ngumiti, "Kulang ang salitang 'sentimental value' upang ipahayag kung gaano ito kahalaga para sa'kin"
"Napansin ko nga, Sige magpapahinga na ko" Sabi niya sakin at ngumiti.
"Oo magpahinga ka na ulit, hinintay mo pa kasi ako eh"
Ngumiti siya sakin at ipinikit ang kanyang mga mata.
Ikinagulat ko ng biglang may matinis na tunog akong narinig na nanggagaling sa Heartbeat monitoring system. Nagiging isang diretsong guhit na lamang ang hitsura niya.
Pinindot ko ang button na nasa gilid ng kanyang higaan upang malaman nilang may emergency.
"Tulong! Tulungan niyo ko" Sigaw ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang nakakapag-panic. Naniniwala akong maire-revive nila si Cloud at gagaling pa siya.
Mabilis naman dumating ang mga nurses at Doctor. "Dok, tulungan niyo yung kaibigan ko please, please" Sabi ko sa pagitan ng aking mga hikbi.
Sakto naman dumating ang kapatid ko at nakita ang sitwasyon.
"Dok anong nangyari?! Dok!" Sigaw niya habang ang doktor ay kampante at kalmadong kinuha ang defibrillator upang subukang i-CPR si Cloud.
"Clear!" Sabi ng doctor at kitang-kita ng dalawa naming mata kung paano sinusubukan iligtas si Cloud.
Hindi lang isang beses itong ginawa ng doctor. Maraming beses. Pinapanuod namin siya.
Itinigil ng doctor ang pagsi-CPR at napailing na lamang siya.
"Dok ano ganun na lang yun? Wala na po ba kayong magagawa?" Tanong ng kapatid ko at patuloy ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mata. Siya ang pinakanasasaktan dito dahil siya ang nag-alaga kay Cloud and yet... Bigo parin.
"Tme of death of the patient, 11:32 P.M" Doon na kami napaiyak ng tuluyan.
"Akala ko ba doktor ka?! Buhayin niyo si Cloud please buhayin niyo!" Sigaw ko sa loob ng kwarto. Wala na akong pakielam kung magmukha akong tanga rito, ang mahalaga ay mabuhay ang kaibigan ko.
"Hija doktor lang kami hindi kami diyos uoang buhayin ang mga namatay. Sinubukan namin siyang buhayin ngunit siya na mismo ang sumuko. Siguro oras na talaga upang putulin ang hirap na nararamdaman niya" Sabi ng doktor.
"#hugot dok" Huli kong sinabi bago siya lumabas
Bakit ba kailangan akong iwanan ng mga taong nagmamahal sakin? Talaga bang wala ng happy ending para sa isang katulad ko?
***
(AN)~~~> Last chapter then epilogue :)
Comment guys ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top