Sabog # 39

POV Angel

"Girl ang bongga ng ginawa mo kay Venice ah, pak na pak! Pahiyang- pahiya ang lola niyo" Sabi ni bakla. nagkekwentuhan muna kami hanggang wala pang next teacher namin

"She deserves it anyway. Trying hard siyang labanan ako pero puro salita lang naman ang alam" Sabi ko sa kanya.

"Pero nakakatampo Angel ah! Hindi mo man lang sinabi na asawa mo na si Damon" Sabi naman ni Cathy at gusto ko na lang mapa-face palm sa mga pinagsasabi niya. Bwisit kasing Damon 'yun eh! Maisipan sabihin na mag-asawa kami naha-hotseat tuloy ang lola niyo.

"Asawa ka d'yan! We're just living under the same roof. That's it!" Sabi ko sa kanila kaso parang nasa 'The Buzz' ang peg ko ngayon, isang bakla at Tsismosa ang nasa harap ko ngayon.

"That's it? Liars go to hell? Eh I-explain mo nga 'to" Sabi ni Cathy at naglabas ng mga pictures, lahat 'yon ay puro kaming dalawa ni Damon.

"Oh my Gosh! Paparazzi ka ba!" Sigaw ko kasi nga diba this past few days lagi kaming lumalabas ni Damon so maraming kuwa na magka-holding hands kami and sabay kumakain.

"Sabi ko naman sayo OTP ko kayo eh! Nagpa-fangirl ako sa love team niyo at sinundan ko kayo and I dscovered all of it!" Sabi niya sakin at nagbitaw na lang ako ng isang malalim na buntong hininga.

"He's my boyfriend happy?" Sabi k sa kanila at nagsisigaw silang dalawa ni bakla. Sakto naman sa pagsigaw nila ang pagpasok ng professor namin.

"Cathy! Louie! Out!" Malakas na sigaw nung teacher at lumabas ang dalawang gaga. Sige sa kalandian lang talaga kayo magaling.

Pagkalabas nila ay rinig ko pa ang tili ng dalawa dahil daw kinikilig ang mga gaga. Ayon pina-squat pa ang mga gaga. Masaya sila eh.

Nagklase lang kami and nagdiscuss about everything and anything. Naisip ko tuloy bigla si Damon, hindi ko naman siyang nakikitang nag-aaral o nagbabasa ng mga subject books pero running for Cum Laude pala ang kupal.

After class ay dinampot ko na ang mga gamit ko at do some retouch. Paglabas ko ay nakita ko pa ang dalawang gaga na nakaupo sa sahig, mukhang ngayon lang natapos ang parusa sa kanila dahil latang-lata ang mga lola niyo.

"Girl upo muna tayo sa bench na 'yon, kaloka ang sakit ng paa ko" Sabi ni bakla at naglakad nga kami sa kanyang itinuro. Napansin kong marami pa ring mga mata ang nakamasid sakin dahil siguro fresh pa rin sa mga Tsismosa ang nangyari.

"Anong tinitingin-tingin niyong lahat?! Ngayon lang kayong nakakita ng mga diyosang nagkumpulan!?" Sigaw ni bakla at inalis na nila ang kanilang mga tingin sa amin. eskandalosang bakla 'to.

"Bakit ba ang big deal sa kanila ang love life ni Damon?" Sabi ko at napairap ng wala sa oras.

"Alam mo girl, wala pa kayo Prince na si Damon sa campus. Siguro'y hindi nila ineexpect na magiging kayo dahil nga ang alam nila ay magpinsan kayo" Sabi ni Louie bakla samin.

"They should get life. Ang tsitsismosa nilang lahat" Sabi ko at talagang naiirita na ako sa mga matang nakatingin samin.

"Alam mo girl ang status niyo ni Damon ay parang profile picture ko... Walang likes, Immune-in mo na lang tutal gagraduate na kayo ni Damon" Sabi naman ni Cathy. Gusto ko siyang sabunutan dahil ikinumpara niya pa kami sa D.P. niyang puro cleavage.

Kasalanan talaga ito ni Venice eh, desperadang impokrita. She should know her lesson, paniguradong pinag-uusapan din siya ngayon. Panigurado rin akong walang maihaharap ang cheap girl na 'yon.

Siguro kung Point of View ni Venice ang inyong nababasa ay magmumukha talaga akong kontrabida at mukha talaga siyang kawawa. Anong magagawa ko? Ako ang inaagawan, alangan namang wala akong gawin.

"Girl ayan na ang papabels mo papalapit dito" Sabi ni bakla at sinisiko pa ako, agad nanan hinanap ng mata ko si Damon at nakita kong naglalakad nga siya patungo samin.

"Anong trip mo ngayon?" Tanong ko sa kanya at inirapan siya.

Center of attention... Awkward!

"Tapos na ba ang quiz niyo? Can we continue our date now?" Tanong niya sakin at bakas ang pagkairita sa kanyang boses.

Si Cathy ayon parang uod na binudburan ng asin sa sobrang kilig. Siya ba ang inaya? Feelingerang froglet.

"Later pa kasi yung Quiz namin last subject kaya naman---"

"Ay hindi Damon kanina pang first period yung Quiz namin. Libreng libre na si Angel kunin mo na please" Sabi ni Cathy at pinagtulakan ako. Gagang babaita 'to inilaglag ako.

Nagtagisan lang kami ni Damon ng tingin dahil wala talaga akong balak sumama sa kanya ngayon.

Ako lang ang magmumukhang masama dahil sasabihin ng mga babaeng tanga na bad influence ako kay Damon. Ayoko rin naman masira ang pagiging Cum Laude ni Damon ng dahil sakin.

"If you're thinking about my study bitch, tapos na lahat ng klase ko today" Sabi niya at inakay ako.

Malapit na kaming makarating sa parking ng bigla akong huminto.

"Alam mo Damon hindi mo alam kung gaano na naman masisira ang reputasyon ko dahil sa gagawin natin, buong buhay ko ako ang kontra bida sa mata ng ibang tao. Ako yung bad nfluence, ako yung bitch, ako yung desperada" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Kailan ba ako nakagawa ng tama sa mata ng iba? Kailan ko ba sila napasaya?

"I don't freaking care! In my life, you are the protagonist. I choose you because I love you at wala ng further explanation. Kapag mahal kita... Mahal talaga kita and I fucking mean it. Damn! ngayon lang ako nabaliw sa isang babae" He said at naramdaman ko na lang na nakayakap na si Damon sakin.

"Para sakin, ikaw lang ang tamang babae para sakin. All of them, they can fan girls on me all they want... Eto lang ang masasabi ko, Hanggang titig lang sila at sayong-sayo lang ako" He said to me. His every single word is like a song that blown me away.

"Paano mo naman nasabi na ako lang babaeng para sayo?" Sabi ko at pinahid ang luhang nasa aking mata.

"An Asshole only deserves a bitch and a bitch only deserves an asshole" Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Natawa na lamang kami parehas dahil sa sinabi niya.

"Legal na tayo sa school na 'to and all thanks to Venice panis na nakatira ng shabu" Sabi ko sa kanya at sumakay kami sa Kotse niya.

"Don't worry you will be my legal wife soon" Sabi niya sakin and itinaas baba niya pa ang kilay niya.

"Ang creepy mo" Sabi ko sa kanya.

"Seriously, I want to talk to dad about our status and I want to introduce myself to your parents as your soon to be husband" Sabi niya at nagdrive lang ulit siya.

"Ilang mais ang nakain mo? Napaka corny mo sagad sa buto" Sabi ko sa kanya at tumawa. Hindi ko rin naman ineexpect na kaya niyang maging sweet sa kabila ng kademonyohan niya sa katawan

Huminto lang kami sa isang restaurant at kumain. Habang kumakain ay may tunawag sa aking pangalan.

"Hey Angel babes how are you?" Tanong sakin and guess what kung sino 'to? Si Henry lang naman

"'King ina buhay ka pa? Akala ko background character ka nalang sa story ko" Sabi ko sa kanya at bakas naman sa mukha ni Damon ang pagiging clueless.

"Oh your bastard suitor is here" Sabi ni Damon at tinignan si Henry from head to toe.

"Whoah calm down dude---"

"Calm down? Lalandiin mo ang syota ko calm down? Bumalik ka na lang doon sa cheap restaurant mo at magbalat ng patatas at magserve ng milk tea" Sabi ni Damon at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Seriously? I've already give up on Angel. I'm courting another girl this time" Sabi ni Henry. Easy to fall pala ang gago kaya walang pumapatol.

"Well Angel, plano ko sanang kamustahin ka kaso mukhang may guard ka ngayon. Let's hangout some other time and papakilala ko sayo yung babaeng sinasabi ko" Sabi ni Henry sakin.

"Sure, mas magiging nice nga kung magiging magkaibigan tayo para may uto-uto akong businessman na friend" I said and Henry laugh before he leave.

Nabaling ang tingin ko sa Demonyong katabi ko at ang sama ng tingin sakin.

"What?" I said at sumubo ng steak.

"Kinaibigan mo 'yon seriously?" He said and bakas sa boses nuya ang pagkairita.

"Wala namang masama dahil mabait naman si Henry--- H'wag mong sabihin nagseselos ka Mr. Parker?" Tanong ko sa kanya and a playful smile formed on my lips.

"Stop calling me on my surname. Hindi ako nagseselos, It's just funny na makikipagkaibigan ka sa mukhang unggoy at mahurap pa sa dagang lalaki na 'yon" Sabi niya. Hindi nga nagseselos ang koya niyo promise. Hindi talaga.

"Mr. Parker wala kang dapat ipagselos"

"Itigil mo 'yan kung hindi papalita ko ang Maxwell mong apelyido ng Parker... Magpapakasal tayo ngayon kung gusto mo" Sabi niya sakin at tinawanan ko na lang siya.

Lumabas na kami ng restaurant after namin kumain.

Pumasok na kami ng kotse at ipinaandar na ito ni Damon. Nakatingin lang ako sa dahil nga nabusog ako sa dami ng kinain ko.

Pero habang nakatingin ako sa mga pumapasok sa restaurant ay parang nahagip ng mata ko si Angelie.

"Angelie?" Natanong ko sa sarili pero ang walang- hiyang Damon ay hindi inihinto.

Si Angelie nasa Pilipinas? Imposible! Lumalandi kaya ang babae na 'yon sa U.S.

Maybe naparami lang ako ng kain kaya pati mga mukha ng mga taong kinaayawan ko ay biglang lumalabas.

Pagkauwi ko ay Dog food nga ang ipapakain ko kay Martha at Milktea ang ipapainom ko sa kanya. Pero malakas ang pakiramdam ko na mabubuhay pa rin ang gaga dahil sa tibay ng sikmura no'n.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top