Sabog # 36
Guys comments for motivation ;)
***
[[[POV Angel]]]
Nandito kami ngayon ni Damon sa Bus patungong Akihabara. Isa rin 'to sa favorite part ko rito sa trip na 'to dahil ang dami kong nakikitang magagandang lugar na nadadaanan namin.
Si Damon naman ayon tulog, napagod daw siya sa jogging and kulang daw sa tulog, seriously? Nage-enjoy ba 'to?
Nung nakarating kaming Akihabara ay sobrang amazing dahil nagkalat ang mga anime posters and idol posters. Nagkalat din ang mga cosplayer na nag-a-advertise ng particular shop. If you are a fan of an Anime siguro ay matatawag mo na ang lugar na 'to as heaven.
"Akala ko ba naman malayo 'tong Akihabara eh part lang din pala 'to ng Tokyo" Pag-iinarte nung katabi ko samantalang wakompakels sa kanya, picture lang ako ng picture. K.J naman kasi si Damon pagdating sa selfie kaya ako na lang mag-isa... Wala naman akong choice eh!
May nag-abot sakin na cute na babae na flyers at galing yata siya sa maid cafe na malapit lang sa pwesto namin. Cosplayer ba lahat ng nakatira dito? Putspa parang nasa anime lang talaga ako.
"Hey Angel"
"Ano bang trip mo?" Tanong ko sa kanya at patuloy pa rin ako sa pagkuha ng mga pictures. Kinalabit niya ang likod ko kaya naman napalingon na ako sa kanya.
"Uhm... Where is Pororo?" He ask me habang kinakamot ang ulo niya na para bang nahihiya. Napatigil naman ako sa pag-click dahil hindi ko naman alam kung saan ako maghahanap ng Pororo stuffs, sinabi ko lang naman 'yon para pumayag siyang pumunta rito eh.
"Ah, tara ro'n sa Tokyo Anime Center, nagtitinda sila ro'n ng mga anime stuffs. Tignan natin kung andoon si Pororo" Sabi ko at hinitak na siya.
"You've mean that hindi ka pa sure na may Pororo stuffs dito!?" Patay na! Kumunot na ang noo ng koya niyo.
"Eh basta!" I said then hinatak ko na siya.
Pagpasok palang namin ay puro anime stuffs na agad ang nakita namin, ang dami rin tao so talagang nakaka-amaze.
"Tang ina puro Hentai 'tong napasukan natin. Lumabas na nga tayo!" Sigaw ni Damon at siya naman ang humatak sakin. Karamihan kasi ng mga stuffs and shirts na nandito ay mga anime girls wearing sexy dresses.
"This is a great place na rin pala mamili ng mga souvenirs para sa mga kaibigan natin, specially Christmas eve pag-uwi natin--- Alam ko na! Bigyan mo kaya si Tito ng gift!" Sabi ko sa kanya.
"Deh ikaw, idea mo eh" Sabi niya then nagsuksok ng earplug sa tenga niya at nag-soundtrip na lang ang gago.
Hinatak ko ang earplug niya dahil sa inis ko.
"Aish! What's your problem?"
"Alam mo kung ako ang nasa sitwasyon mo ngayon ay reregaluhan ko si Tito, alam mo bang iyan ang bagay na hindi ko nagawa sa Daddy ko? Si Tito Daniel, nakikita ko talaga yung hardworks niya para mabuild up ulit yung relationship niyong dalawa" Sabi ko sa kanya but he just hissed.
Ibabalik niya sana ang earplug niya kaso hinitak ko ulit.
"Ano na naman bang problema mo?"
"Gawin mo na lang na Token gift kay tito dahil sa pag-aalaga niya sayo ang Christmas day, buy him some stuff huh?" I said then smiled on him, kahit naman saksakan ako ng maldita ay alam ko naman kung paano pahalagahan ang pamilya.
"It's your idea, why don't you?"
"Bahala ka, ewan ko sayo. Kayong mga lalaki ang hirap ninyong basahin.Masyadong masikreto" I said then tumingin-tingin ako sa mga anime na damit.
Masaya naman ang naging tour namin, Bumili ako ng bag para kay Cathy Makati, kay baklang Louie naman ay shirts na may printed ng mukha ni Chiba Yudai dahil crush niya raw 'yon, at binili ko na lang si Winston ng cap kasi madalas ko siyang makita na kumukuwa ng litrato kahit kasagsagan ng init.
Dahil nga naging busy ako sa pagshoshopping ay nagkahiwalay na kami ni Damon, I'm pretty sure naghahanap lang ng Pororo stuff ang lalaki na 'yon. Sana wala siyang makita.
After kong mamili ay tinext ko na lang siya na nasa AKBcafe ako, doon ako naghihintay.
By the way nagpalit ako ng number before kami pumunta dito sa Japan kaya ang number lang na naka-save sakin is yung kay Mommy, Winston, Damon, Cathy, Tito, at Louie bakla.
Ilang minuto lang ay nandito na si Damon and may bitbit siyang plastic na may laman na kung ano-anong stuffs. Gusto ko nga sanang tignan kaso masyadong malihim ang koya niyo. Sure naman ako na karamihan doon ay puro Pororo stuffs, nasanay na rin akong puro Pororo ang nakikita ko dahil kay Damon... Masakit sa mata pero keri naman.
Naging masaya naman ang araw na 'to dahil marami akong nabili para sa sarili ko and reregaluhan ko ang mga kaibigan ko, kunwari sweet ako.
"Bakit hindi mo pa iuwi ang buong Japan?" Damon said to me at tinignan ang mga pinamili ko, gagong 'to ang lakas manlait.
"Ba't di ka pa lumipad papuntang North Pole dahil puro Penguin iyang dala mo" Sabi and raise my eyebrows. Nganga siya eh, walang napambara.
"You don't care"
"I don't care talaga ano ka chix?" I said to him, hanggang sa makarating kqmi sa hoyel ay nagtatalo lang kami sa pinamili namin.
Nangingelam kasi masyado hindi naman siya ang bumili.
Maaga kaming uuwi bukas para raw makahabol kami sa huling simbang gabi and namimiss ko na rin asarin si Martha. Kamusta na kaya ang Yayang mukhang uripon na 'yon? Sarap siguro ng buhay niya kas wala ako. Pagbalik ko talaga ibibilad ko siya sa bubungan.
Lumingon ako sa bintana ng hotel at nakita kong nagsisimula ng bumagsak muli ang niyebe.
"White christmas talaga rito, samantalang sa Pilipinas December na jusko pang-summer pa rin ang klima sa sobrang init" Pagrereklamo ko mag-isa pero nag-eenjoy akong panuorin ang mga bata na nag-i-snow ball fight sa baba. Batukalin ko kaya sila ng bato? Tignan natin kung masaya pa sila kapag ganun.
"Hey bitch ayusin mo na yung mga gamit mo" Sabi ni Damon sakin but I just hold his wrist at inaya siyang lumabas.
"Last day na natin 'to dahil bukas ay uuwi na tayo, why don't we enjoy it for a while?" I said at hinila siya patungo sa Yoyogi park.
dahil nga may snow ay nag-snow ball fight kaming dalawa, noong una ay ayaw niya pero nung ilang beses ko na siyang nabato ay bumato na rin. Pikon talaga.
We've enjoying this moment so much.
Damon and I we're both fourt year college na our last year of being college. Pwedeng after graduation ay umalis na sila ng resthouse at bumalik na sila ni Tito sa States. Maraming pwedeng mangyari pero ang mahalaga naman ay yung present, kalimutan ang past, at h'wag munang masyadong intindihin ang future.
"Malapit na rin pala tayong maghiwalay noh?" Tanong ko sa kanya at humiga ako sa snow. Ramdam ko ang lamig nito sa aking likod.
"Why? Mamimiss mo ko? Sabi niya at tumabi sakin.
"Sinungaling ako kapag sinabi kong hindi kita mamimiss, we've done many great things na tayong dalawa. Nakalimutan ko ang bigat ng problema ko dahil nandiyan ka. Pati nga immature side ko nakita mo na sa kabila ng sobrang kamalditahan ko" Sabi ko and spread my arms.
"Ang drama mo bitch, Do you think that I would never miss you? Pinaramdam mo ulit sakin kung paano mabuhay ang isang teen na kagaya ko, Pinaalala mo sakin kung paano mag-enjoy sa buhay" He said on me.
"Ang hirap naman! Na-attached ako sayo ng sobra-sobra ngayon ay natatakot na kong mahiwalay sayo. Masyado na kong dependent sayo" Sabi ko sa kanya, minsan lang naman kami nagkakaroon ng serious talk kaya sinusulit ko na ng bahagya.
"Silly! Sinong nagsabi na iiwan kita?" He said and he intertwined his fingers on mine. Ramdam ko ang init ng kanyang palad sa kabila ng malamig na panahon.
"There's no bitch and an asshole without you and me" Dugtong niya pa.
Sinasabi ng marami na ang Japan daw ang 'Land of the rising sun' pero hindi ako na-inform na this is the land where my feeling to Damon starts to bloom.
~~~
Comment guys.
Bakit ang bagal kong mag-update?
~> College freshy po ako sa may mga inaasikaso pa, ienjoy na lang natin ang bawat update sa kabila ng nakakapagod na schedule. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top