Sabog# 3 (Edited)
Maaga akong nagising ngayong araw, bakit? KAsi ngayong araw aay makikilala ng aking kapatid ang kanyang mapapangasawa. Yeah. naka-arrange marriage ang kapatid ko. Hindi kasi ako pumayag sa gustong iyon ng aming magulang kaya si Angelica ang gagawa para sa pamilya namin.
I'm wearing a red dress at sinamahan ko pa ito ng mapula kong lipstick, as much as possible ay gusto kong maging mukhang fierce sa harap ng ibang tao. Si Angelica naman ay nakasuot ng puting dress at nakabagsak ang kanyang buhok.
"Ate, tutulungan mo ako 'diba?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Hindi rin naman siya payag sa ganitong setap. Kahit kontrabida ako, hindi ko naman papabayaan na ang kapatid ko ang sasagot sa senaryo na dapat ay para sa akin.
"Paulit-ulit? Oo nmn, tuturuan din kita kung paano maging isang kontrabida."
"Ateee!"
"Biro lang! Kung makapag-inarte ka naman, ang sarap mong ihampas sa apat na sulok ng bahay." Mataray kong sagot sa kanya kaya napangiti na siya
"Ate, basta sabi mo ay tutulungan mo ako ha?" Humawak sa kamay ko s i Angelica na para bang nagtitiwala siya sa akin.
"Oo nga, Baka imbes na tulungan kita ay tulugan na lang kita. 'Wag kang paulit-ulit okay? Nakakabobo, mukha kang mababa ang IQ," Sumakay na kaming dalawa ng kotse, doon kami pumwesto sa backseat. Napatingin ako kay Angelica, halatang natatakot siya "Ayusin mo 'yang hitsura mo, mukha kang natatae."
"Kinakabahan talaga ako ate." Nakahawak sa dibdib niyang sabi. Hindi naman ako sweet na kapatid pero pinipilit kong pagaanin ang kanyang loob o kaya naman ay kahit papaano ay maibsan ang kaba na nararamdaman niya.
"Huwag kang kabahan dahil may kapatid kang malditang kontrabida. Hindi tayo ang susuko, hayaan nating sila ang sumuko sa atin." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ate, akan ko ang mga ganyang ngiti mo,"
"Alam mo naman pala! When I wear this kind of smile, it means that I have a plan. Lahat ng plano ko, laging successful. Huwag kang magdrama diyan Angelica, sige lang at magpakabait ka at ako naman ang magpapakademonyita mamaya." Nakangisi kong sabi habang pinagmamasdan ang mga building na nalalagpasan ng kotse. Kontrabida mode ON.
Pagdating namin sa restaurang ay naglakad kami ng taas noo, siyempre diyosa kami! Ang mga magaganda ay taas noo dapat na naglalakad. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin... Oo sa akin lang! Story ko 'to eh, malamang point of view ko ang ginagamit.
"Reserve table for Maxwell family." Sabi ko doon sa babaeng nag-assist sa amin.
"Kayo po ba iyon?" Inosente niyang tanong.
"Hindi! Katulong kami ng mga Maxwell! May katulong bang nakasuot ng dress? Matutong gumamit ng utak, promise hindi naman nakakamatay." Sarkastiko kong sagot kaya napayuko na lang siya na parang nahihiya. Itinuro na niya lang ang table na naka-reserved sa amin.
Naglakad ako at sumunod ang aking kapatid, "Ang hard mo naman sa kanya ate, kawawa nam--"
"Ano ba Angelica, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na bawas-bawasan mo ang pagiging mabait mo. Okay lang yung mabait pero kapag sobrang bait... uto-uto na ang tawag doon." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Nakita agad namin sina mom at dad na nakaupo at masayang nagkukwentuhan. Mukhang wala pa yung family nung imi-meet namin. "Hi dad, Hi mom." Pagbati ko sa kanila, akmang bebeso ako sa kanila ngunit tumayo sila para sumalubong kay Angelica at mahigpit na yumakap dito.
Medyo napahiya ako doon. Paborito ng mga magulang ko siAngelica dahil siya ang mabait samantalang ako yung maldita.
"Mom, kasama ko rin si ate." Nung sinabi ni Angelica ang pangalan ko ay doon lang napansin ng mga magulang ko ang prisensya ko.
"Angel." Binigyan nila ako ng matamis na ngiti at tumango. Si Angelica ay niyakap samantalang ako ay tinanguan lang? Unfair talaga.
Okay Angel, breath in, breath out. Hold your tears, lagi mong tandaan na isa kang kontrabida at ang isang kontrabida ay hindi umuuwi ng luhaan. Angel kontrabida ka, huwag mong kalimutan ang bagay na iyon.
"Pagpasensyahan mo na si Mom and Dad, baka nagtatampo pa rin sila dahil hindi ka pumayag sa arrange marriage na ito." Bulong sa akin ni Angelica, umupo kaming dalawa katabi ang aming mga magulang.
"Sanay na ako, hindi na ako tinatablan ng mga ganyan. Sanayan na lang 'yan, Angelica." Pilit na ngiti ang ipinukol ko sa aking kapatid upang hindi ito mag-alala ng lubos.
May isang matanda na lumapit sa amin, he's wearing a gray tuxedo, may ilang puti na rin ang kanyang buhok at sa hula ko ay nasa mid-50's na ito. Medyo kulubot na ang balat nito ngunit masasabi kong gwapo ito nung kabataan niya. "Sorry we are late mister and misis Maxwell,"
"It's okay, kakarating lang namin." Sagot ni mom. Plastic. Kanina pa kaya kami nandito, ganito talaga sa business world, pagalingan sa pakikipag-plastikan. Pati kaligayahan ng anak ay handang ibenta para sa pera.
Kung dati ay tao ang pinahahalagahan at pera ang ginagamit, iba na ngayon... Pera na ang pinapahalagahan at tao na ang ginagamit.
"By the way, let me introduce my son," Doon nabaling ang atensyon ko sa lalaking kasunod niya. He's also wearing tux at naka-brush up ang kanyang buhok. Masungit lang ako pero alam ko naman kung sino ang gwapo at hindi. And this guy, he's handsome. "Prince Cloud Peterson." Pagpapakilala niya.
"Hi." Nakangiti niyang sabi sa amin at nakipagkamay. Ang lambot ng kamay niya. Kapag malambot ang kamay ng isang lalaki, ibig sabihin nito ay isa siyang tamad dahil hindi nagbabanat ng buto. Nakaka-turn off sana ang ganoon pero nakadagdag points pa yata ito sa kanya.
"Sino sa inyong dalawa si Angelica? I can't distinguish it 'coz you're both beautiful." Sabi ni Mister Peterson at napatingin ako sa aking kapatid.
Kilala ko ang kapatid ko, hindi pa siya handa para sa mga ganito. Kahit pa hainan mo 'yan ng isang dosenang gwapong lalaki ay walang papatulan 'yan. Maria Clara ang peg niyan. Ang pinaka-goal namin sa araw na ito ay hindi maituloy ang planong kasal ng aking kapatid.
"Waiter," Tawag ko at agad naman ako nitong pinagsilbihan. Mabilis naman kaming pumili ng kakainin at um-order.
"Sa tingin ko ay bagay na bagay ang mga anak natin kumpadre." Sabi ni Mister Peterson, gaya nga ng sabi ko kanina... pagalingan lang sa pakikipag-plastikan 'yan.
Dumating ang waiter dala-dala ang mga in-order namin. Patago ko itong tinisod kaya natapon yung ice tea na hawak niya. Saktong-sakto ito kay Cloud, okay, oras na para isakatuparan ang plano namin.
"Shit!" Bulalas niya. Sana ma-turn off na sila para i-cancel na ito.
Mukhang bad move yata ang ginawa ko dahil mas lalo lang siyang nagmukhang hot! Gosh! Kahit yata kagatin ng aso itong lalaki na ito ay cool pa rin. Imbis na siya ang ma-awkward-an ay kaming dalawa ni Angelica ang na-awkward-an sa kanya... ang hirap tumitig. Ang hot.
"If you will excuse me sir, pwede po bang pumunta ako sa rest room? I will just change my clothes." Magalang na sabi ni Cloud, nakuha niya naman ang pahintulot ng magulang ko at naglakad paalis.
"You will pay for this." Mahina niyang bulong sa akin. Nabigla ako, alam niya bang ako ang may gawa no'n? Wala akong pakialam! Ako lang ang dapat na nag-iisang kontrabida sa storyang ito.
"Ate, mukhang mas na-impress lang sila mom dahil ang galang ni Cloud eh." Bulong ni Angelica.
Kunwari akong kumain nung steak. "Com on, hintayin mo... siya ang susuko sa atin." Sagot ko sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Cloud, nakasuot siya ng itim na V-neck shirt. Sigurista, nag-itim na para incase na matapunan.
"Mom, magpapahangin lang ako sa labas." Pagpapaalam ko pero imbis na pansinin ako ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pakikipagkwentuhan. Oo nga pala, hindi naman mahalaga ang prisensya ko rito. Tumayo ako at padabog na kinalampag ang lamesa. Bastusan? Master ko na 'yan.
Lumabas ako ng restaurant at umupo sa isang bench sa labas. Kailangan ko munang magpahinga at mag-ipon ng kontrabida powers. Kailangan kong mag-isip ng mga bagong plano.
"Hey you!" Sumusugod sa direksyon ko si Cloud. "Ikaw yung tumisod sa waiter kanina!" He shouted ngunit hindi ko siya pinansin, feeling close?
"Silent treatment? Kapag hindi mo ako pinansin, hahalikan ki--"
"Gusto kasi namin ng kapatid ko na i-cancel ninyo 'yang pinaplano ninyong kasal! Hindi ka gusto ng kapatid ko! Back off!" Sigaw ko sa kanya, takot ko na lamang na makuha ng isang katulad niya ang first kiss ko.
"Don't worry, hindi ko rin naman gusto ang kapatid mo." Umupo siya sa tabi ko.
"Ayun naman pala! Umalis na lang kayo sa buhay namin para everybody happy! 'Diba?" Tumingin ako sa kanya pero bigla niyang inilapit ang mukha niya.
"Hindi ko gusto ang kapatid mo... ikaw ang gusto ko." He said in a flirt tone.
"Okay, alam kong maganda ako kaya maraming nahuhumaling sa akin pero ngayon pa lang ay sinasabi ko ng busted ka. Umalis ka na sa buhay namin, pwede?" Maarte kong sabi at itinulak ang kanyang mukha palayo gamit ang hintuturo ko.
Tumawa siya. Ang sexy ng tawa niya."Haha! Grabe kang babae ka, napaka-straight forward mo."
"Mas maganda iyon ke'sa umasa kang bobo ka." Sagot ko sa kanya.
"Ikaw pa lang ang babaeng gumawa sa akin niyan kaya naging interesado ako sayo." Ngumiti siya sa akin, okay, nakakasuka ang ngiti niya.
"K." Hindi niya ba nahahalata na ayoko sa kanya at gusto kong tantanan niya na ako? Bad trip naman oh! Napasama pa yata ang pagtulong ko sa kapatid ko. Dapat talaga naging forever kontrabida na lang ako ay hindi na lumambot ang puso ko sa kapatid ko eh.
"Magiging sa akin ka... By hook or by crook."
"I-hook mo ang sarili mo, magbigti ka na rin! Letse!" Sigaw ko at naglakad na lang ako pabalik sa loob ng restaurant. Instead na makapag-relax ako sa paglabas ko... mas sumama lang ang awra ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top