Sabog # 22

POV Angel

"Angel pwede bang bilisan mo?!?" Sigaw sakin ni Damon-yo. Aba ang puta minamadali ako

"Leche ka! Ang hirap-hirap magsuklay kapag bagong ligo tapos eepal-epal ka pa. Umalis ka nga!" Sabi ko kasi naman ang demonyo nasa kwarto ko at hinihintay ako.

Sabay kasi kaming papasok, Kinilig ka ba? Utis ni Tito Daniel yun dahil kapag hindi niya ko sinabay ay babawasan ang allowance niya. Wala siyang choice, binabagalan ko talaga kilos ko para mabwisit siya.

"Shit bitch, wala ka na bang itutulin. You know what, magmula ng napunta ka dito lagi na kong late" Sigaw niya sakin.

"Hoy! 7:30 tayo pumapasok samantalang 8:30 pa klase mo, asan ang late dun? Nasa gulong ng kotse mo?" I said then rolled my eyes on him habang sinusuklay ko pa din ang maganda kong buhok. Leche bakit ba parang sinasabunutan ako kapag sinusuklay ko to ng bagong paligo?

"Be punctual Angel" He said then sit sa may upuan ko

"Be punctual, be punctual mo mukha mo pakyu ka" I said at sa wakas naayos ko na din ang suklay ng buhok ko. Hinayaan ko munang bagsak ito dahil basa pa at ipupusod ko na lang ito kapag tuyo na. Tsaka nagmumukha akong mahadera kapag bagsak ang buhok ko

"Wag ka ngang maghinhin- hinhinan diyan! Wala na tayo sa panahon ni Maria Clara para magbagal ka ng kilos"

"Pero mas Maganda ako kay Maria Clara" I said then naglakad na palabas

Kanina pa umalis si Tito dahil may business meeting sa malayong lugar kaya maaga palang ay gumora na. Alam niyo naman ang mga business man, maisipan gumala kung san-san

Bumaba ako ng hagdan with poise, Ganda ko ba naman na to.

"Ang arteng bumaba ng hagdan. Will you move it faster or I will push you and let you fall on the ground" Sabi ng epal. Alam niyo naman daig pa ko ng lalaking menopause na to kaya inirapan ko lang siya

"Are you going to stop in your nonsense arguments or I will kick your balls? Shut up will you? Para kang badi---"

"Continue it or else I will push you LITERALLY" Ayaw na ayaw nasasabuhan ng bading. Nagzip mouth na lang ako para hindi na lumaki ang walang kwentang pagtatalo namin.

Nung nakarating kami sa baba ay nakita ko si Martha na nagwawalis sa labas. Bago ko umalis ay tinapon ko muna ang laman ng trashcan para may walisin siya.

"Mahadera ka talagang bata ka" Sabi ni Aling Martha habang nanggigil na hawak ang tingting

"Panget ka talagang matanda ka" I said then rolled my eyes.

"Bitch will always be a bitch" Epal naman ng katabi ko habang papunta kami sa mamahaling car niya

"Epal. Akin na nga yung susi ng car mo para makaalis na tayo" Sabi ko at inilahad ang kamay ko. Lagi na kasi ako ang nagdadrive pagpapasok kaming dalawa.

"No bitch. after your pissed me lately at pambibwisit kay Aling Martha. 'don ka sa shotgun seat and I will drive" Sabi niya. Like WTF! Hindi ko mamaneho ang hot dead gorgeous na kotse niya!?!

Inis kong binuksan ang pinto ng shotgun seat at umupo dito. Sobrang nakakaasar.

Inistart niya ang Engine at nagdrive na papunta sa school.

"Pissed off?"

"Stop talking to me asshole"

"Oh I see. Now we're even. Alam mo na ngayon ang pakiramdam na asarin ng sobra-sobra? Bawasan mo na kasi yang evil spirits sa katawan mo" Sabi niya wuth his usual expression

"Wow ah! Nagsalita ang sinaniban ni Satanas. Bait mo grabe." Sabi ko then rolled my eyes on him, kung hindi lang to nagdadrive baka sinampal ko na to ng matindi eh.

***

Pagkapark na naman ng car niya as usual ang daming nag-aabang kay Damon-yo.

Ang mga malalandi todo abang sa kanya. Landi ng landi! Kamusta naman kaya ang mga grades ng mga iyan?

"The perks of being handsome" He whisper on my ears and ngumiti sakin ng nakakaasar. Siya na ang madaming nabiktima. Panget ng ugali mo pwe!

I just rolled my eyes on him at sakto naman may lalaking naglalakad toward on me. He's holding a flower and box of chocolate

"Miss Angel pinabibigay po ni Sir Henry" Sabi ng lalaki at tinanggap ko naman ang ibinigay ni Henry. Sawang- sawa na ko sa tsokolate. Kung Prada bag pa ang ibigay niya ede sana nagtatalon na ko sa tuwa. Kaso pupurgahin ata ako sa Chocolate ng Henry na yun eh.

Ako naman ang ngumiti ng nakakaloko sa kanya and tumingkayad ako para mabulong ko sa kanya ang aking sasabihin. "The perks of being Diyosa".

Nauna na kong maglakad sa kanya dahil nagbulungan na naman ang mga bubuyog niyang tagasunod. Hirap maging magandang diyosa. Lahat nalang nililink sakin.

"Taray teh. Ikaw lang ang nakapagpangiti kay Damon my loves ng ganun" Biglang epal ni Bakla habang sinasabayan akong pumasok. Kunwari pang magkekwento pero dinampot niya lang yung box of chocolate. Timawang hampaslupa.

"That's how we pissed each other." I said then enter on our room.

"Bakit ngayon lang kayo?" Bagot na sabi samin ni Cathy. Ang aga-aga kasing pumapasok ng gaga eh alam niya namang medyo late ako pumapasok.

"Ay Cathy! Movie marathon tayo sa inyo, may mga bagong bili akong DVD's na horror" Sabi ni Louie Bakla

"Pirated o original?"

"Pirated syempre! Kapag pirated 50 pesos lang 12 movies na!" Proud na sabi ng dukhang bakla.

"Wag samin teh, strict ang grandparents ko"

"Strict grandparents pero nakakapagpost sa FB ng kita cleavage" I said then rolled my eyes on her.

"Ay ganern? Sa inyo na lang kaya Angel?"

Naku! Huwag samin dahil malalaman nila na magkasama kami sa iisang bubong ng kampon ng demonyo.

"Subukan niyo lang at ipapahabol ko kayo sa labrador naming aso kayong dalawa" I said to them.

"Okay it's final! Kanila Angel tayo. sleepover na din kami sa inyo." Sabi ni bakla. Like WTF!

"Oo nga bessy hindi pa ko nakakapunta sa resthouse niyo here in Baguio" Sabi ni Cathy. I just simply rolled my eyes on her again.

Ang bright talagang mag-isip ng baklang to! Sarap itulak mula sa rooftop ng mabawasan ang epal sa mundo.

***

Vacant hours na namin so we've decided na sa Cafeteria muna tumambay. Kinuwa ko ang wallet ko sa bag ko and lumabas ng room.

Pagkalabas ko ng room ay sobrang nabigla ako dahil may isang babae na biglang sumampal sakin

"Hoy babaeng malandi na lumalandi kay Damon!" Sigaw niya sakin at dinuro duro ako. Aba! Warfreak ata to!

Sinampal ko siya ng tatlong beses. "Hindi kita kilalang impokrita ka kaya mamili ka ng binabangga mo. Aral muna bago lande!"

"Hindi mo ko kilala?!? I'm Venice Santia---"

Hindi ko siya pinatapos ng pagsasalita at sinampal ko muli siya.

"Wala akong pakielam sa introduction mo kaya pwede ba lumayas layas ka sa dadaanan ko dahil isa kang malaking... Panget na harang" I said then rolled my eys on her. Iniwan ko siya doon na nakahawak sa kanyang pisngi na i'm pretty sure na namamaga.

Naglakad ako papunfang cafeteria at nakita ko ang dalawa

"Teh ang bagal mo--- Ano ba yan Angel! Nagblush on ka ba?"

"Gusto mo din ng sampal bakla! Leche ang sakit manampal nung Venice mahadera na yun!" Sabi ko habang hawak hawak ang aking pisngi

"Oh my god! Sinampal ka ni Venice Santiago? Nilabanan mo?" Nagpapanic na sugaw ni bakla. Anyare?

"Syempre lumaban ako! Alangan namang magpaapi ako eh story ko to. Isip- isip din pag may time bakla" Sabi ko then rolled my eyes kay bakla.

"Venice was the queenbee here in our campus! Ngayong binangga mo siya, She will make your College life like hell?"

"Hell ba? Eh hometown ni Angel yun. keri niya yan!" Epal ni Cathy makati.

Queenbee hah? Mukha siyang butiki pwe!

~~~

(AN)~~~> Angel meets the queenbee. War na naman ba itu?

Salamat ulit sa 5k reads guys!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top