Sabog# 2 (Edited)

Isa na namang nagmamalditang umaga rito sa pamamahay ko. Kailangan kong gumising ng umaga dahil may pasok na naman, siyempre, nag-a-aral din naman ang isang diyosang kagaya ko. Hindi lang halata na nag-a-aral ako dahil mas nangingibabaw ang kagandahan ko.

"Good morning ma'am!" Salubong sa aking ni Bobita.

"Wala ng good sa morning ko, nakita kita." Maarte kong sabi at nilagpasan na si Bobita. Yung katulong kong sobrang galing mag-english, akala ko ba naman ay sobrang sosyal ng name, jusko! Inday lang pala ang pangalan.

"Inday, ipaghanda mo na ako ng pagkain!" Sigaw ko at umupo na ako sa dining table.

"Good morning ate." Pagbati sa akin ng kapatid kong kakagising lang, sinimangutan ko lang siya. Dumating naman si Inday na dala yung mga pagkain namin. Kasabay kong kumakain ang mga katulong pati ang driver, well, hindi kasi ako sanay kumain mag-isa at gusto ko na may kasabay. Medyo nakakawalang gana nga lang dahil panay ang lingkis nitong si Bobita kay manong Ted pero keri lang naman. Wala naman akong choice kun'di pagtiyagaan ang kalandiyan niyang taglay.

Pagdating namin sa school, lahat ng estudyante ay bumabati sa kapatid ko. Siyempre, siya ang anghel... bida-bida, wala tayong magagawa doon.

Kapag ako naman ang dumadaan ay nahahawi ang mga taong nakaharang sa dinadaanan ko. Siyempre ako ang kontrabida, ako yung mataray na queen bee kahit ang cliche pakinggan. Ako ang Maldita, Bitchesa, taga-api sa mga mahihinang bida na babae.

Dire-diretso lang akong pumasok sa room kahit na late na ako, wala ng bati-bati na naganap. Batsa maganda ka, grand entrance ang dapat mong gawin.

"Miss Maxwell, you're late again." Pagsisita sa akin ng professor kong panot. 

"Well congratulation to myself, It's my fourth consecutive times na late ako... so, where's the prize?" Mapang-asar kong sabi sa kanya. Mas mataas ang estado ng buhay ko ke'sa sa kanya kaya wala siyang karapatan.

"Napakamaldita mo talaga! Kontrabida ka talaga sa buhay ko!" Sigaw niya.

"Thanks for reminding me." Nakangiti kong sabi sa kanya, alam kong bwisit na bwisit na sa akin 'tong panot na 'to. Mas nakaka-flatter pa nga para sa akin kapag nabibwisit ko ang mga professor namin.

Nagturo lang siya ng kung ano-ano. Wala naman masyadong ganap sa room namin. Bukod sa puro pangit ang nakikita ko sa room namin, paulit-ulit na lang din ang nangyayari. Mabuti na lamang at tapos na! Kasisimula pa lang ng school year pero nagsasawa na ako! Gosh!

Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakasalubong ako na mahaba ang baba, tadtad din ng make-up ang kanyang mukha na animo'y sinusubsob sa espasol at mukhang bitch. Nasabi ko rin na mukha siyang bitch dahil sa suot niyang halos kita na ang kadumihan ng pusod niya.

"Ganda ng katawan," Nakangiti kong pagpuri sa kanya.

"Thanks."

Sana yung katawan mo na lang ang naging mukha mo." Maarte kong sabi sa kanya.

"Anong sabi mo!?" Napawi ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ng inis. Good. 

Akmang susugod siya sa akin. "'Wag kang lalapit, hindi mo naman ako in-inform na may dala ka palang deadly weapon. Baka matusok ako ng baba mo at maging sanhi pa ng pagkamatay ko." 

"How dare you!" Sigaw niya at akmang sasampalin niya ako. Pasensyahan kaming dalawa dahil mas matulin lumipad ang kamay ko papunta sa mukha niya.

"Kawawa naman 'tong kamay ko, tumama sa mukha mo na kasing tigas ng isang poste... ang dami pang humps, puro bako." Mapang-asar na ngiti ang binato ko sa kanya. Naglakad na ako paalis at iniwan siya doon na parang nabato sa kinatatayuan.

"Thanks bitch, binuo mo ang araw ko."

Grabe! Ang sarap sa pakiramdam na makakita ng taong nahihirapan dahil sa ginawa mo. This is the life! Ang sarap maging isang kontrabida.

Naglalakad ako sa makipot na pasilyo sa aming paaralan at nabigla ako nung biglang may mataba na humarang sa dinadaanan ko. Jusko! Sakop niya lahat ng space.

"Kailan pa nagkaroon ng malaking pader dito?" Pinisil-pisil ko pa ang kanyang bilbil at nakuha ko ang atensyon niya.

"Anong sabi mo!?" Inis niyang sigaw.

"Ay bilbil pala 'to, biglang nag-bounce. Akala ko pader." Mapang-asar kong sabi sa kanya at parang nandidiri kong inalis ang kamay ko.

"Anong sina--"

"Tatabi ka ba o  ipapabangga ko sa bulldozer 'yang malapader mong bilbil!?" Malakas kong sigaw. Mabuti naman at umalis siya, takot niya na lang sa ain. Isang kontrabida ang kinalaban niya. Gusto niya bang masira ang buhay niya kasama ang three layer na bilbil niya?

Sumakay ako sa Toyota Avanza kong sasakyan. Wala akong kasama na driver ngayon dahil nga nilalandi ni Bobita.

Uuwi na naman ako ngayong araw na may ngiti sa aking labi dahil marami na naman akong napakitaan ng pagiging kontrabida ko. Pero paniguradong matutulong akong kunot ang noo dahil sigurado akong kung ano-anong kabobohan ang gagawin ni bobita pag-uwi ko at isama mo pa ang pag-e-enlish ni Inday na nakakadugo ng ilong.

Si Angelica na lang yata ang matino sa bahay namin. Napansin kong mauubos na ang gas nitong kotse kaya naman huminto muna ako sa malapit na gasolinahan.

"Magpapa-gas po kayo?" 

"Hindi mag-go-grocery ako, anong tinda ninyong gulay ngayon?" Minsan pantanga rin ang tanong ng ibang tao eh. "Gasoline station 'to 'diba? Edi gas lang ang mayroon kayo! May iba pa ba kayong i-o-offer?" 

Hindi na siya kumibo at inabutan ng isang libo. "Keep the change." Nginitian ko siya at ini-start ko ulit ang engine ng kotse.

"Ma'am sampung piso lang po ang sukli nito."

"Bakit? Aangal ka pa? Atleast sa'yo na ang sukli." Sabi ko at pinaharurot ko na ang kotse.

Diretso bahay na agad ako dahil tinamad na akong mag-mall. Dapat pinagbabawalan ang mga jejemon sa mall, nagmumukhang lungga ng mga bisugo. Nakakasar lang.

"Nandito na pala kayo ma'am!" Salubong ni bobita. Gosh! Sa daming sasalubong sa akin, bakit si bobita pa?

"Baka anino ko lang 'to bobita."

"Huy anino! Nasaan na ang amo ko! Naku ilabas mo siya!" See? Hindi ko alam kung takas sa mental 'tong babae na 'to o kulang ng pitong buwan nung pinanganak.

Imbes na makipag-usap sa kanya ay nilagpasan ko na siya. Lintik na bobita 'yan, nakakasira ng mood kapag nakikita ko!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top