Sabog # 19

POV Angel

It's been a week na ang nakakalipas mula nung sabihin sakin nung Henry puta yung panliligaw niya. It' really annoying! Imbes na kiligin ako naiimbyerna ko.

"Teh chocolate na naman, kami na naman ba ni Cathy ang kakain nito?" Tanong sakin ni baklang Louie.

"ano pa bang magagawa ko eh mga timawa kayo" I hissed and rolled my eyes kay Bakla. Nag-agawan naman ang dalaa sa chocolate, well mga patay gutom ano pa bang magagawa ko?

Everyday chocolate, like duh. nalove at first sight daw siya sakin eh kung tuhugin ko kaya yung mata nung Henry na yun. Malandi lang talaga siya

"Hindi mo na naman tinanggap ang regalo Angel, pogi naman si Henry, mayaman!" Sabi ni Cathy. at nangalumbaba na lang ako sa desk ko

"Gurang na siya whatever"

"Hello three years lang ang tanda sayo ni Henry. Siya ang may-ari ng isa sa pinakasikat na fast food restaurant sa buong bansa. Take note, Ang daming branches nito nationwide!" pagpapatuloy niya pa.

"Eh ikaw may gusto bakit hindi ikaw ang pumatol." I said then rolled my eyes on her.

"Kung ako lang ang niligawan first day palang kami na."

"Ade landiin mo tutal dun ka naman magaling" Sabi ko then rolled my eyes on her for the second time. Kaloka dahil ipunupush nila ko kay Henry. Si bakla naman ay timawang timawa sa chocolate, siya lang mag-isa kumakain ng lahat ng natatanggap ko kay Henry.

Akala ko masarap sa feeling kapag nanliligaw, tang ina nakakatakot!

Kung si Cloud nakakakilig manligaw, si Henry ang creepy. Daig pa ang stalker and it really pissed me off. Kung inaakala niya nagugustuhan ko yung pinapadala niya, gago siya! Si Louie at Cathy kaya ang nakikinabang dun dun like duh? Never na kong babalik sa restaurant niya.

"Guys uwi na ba tayo?" sabi ni Louie

"Kami uuwi na, ewan ko lang sayo" Sabi ko at lumabas ng classroom. Well sinundan naman nilang dalawa ang ganda ko, wala silang choice. Ang mga panget dapat nasa likuran ng magaganda.

Paglabas namin ng school building namin ay nakita kong taong ayokong makita. Yung totoo, Bakit pinapayagan ang mga outsiders sa loob ng campus?

"Hey Ms. Tagos, nagustuhan mo ba ang bigay ko sayo?" Tanong niya sakin habang nakangiti.

"Tang ina, naumay na ko sa mga tsokolate mong binibigay, papatayin mo yata ako sa diabetes" Sabi ko then rolled my eyes on him

"That's how I show my love for you"

"I don't care. Whatever" sabi ko sa kanya then rolled my eyes

"Hindi ka ba natutuwa sa ginagawa kong effort?"

"Hindi at never akong matutuwa! Gosh, hindi na ko bata para sa chocolates at hindi pa ko patay para araw araw dalhan ng bulaklak. Hindi ako madaling makuwa dahil ang diyosang kagaya ko ang pinaglalawayan ng mga kalalakihan" Mahaba kong litana sa kanya. Oh, aangal ka na diyosa ko? Baka gusto mong jombagin kita.

"Wow ah puring puri ang sarili" sarkastikong sabi ni Cathy

"Malamang story ko to eh. Alangan namang puriin kita gaga ka ba" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako susuko, mamahalin mi din ako" Sabi muli ni Henry

"K.bye sabi mo eh" Sabi ko at naglakad na paalis at nilagpasan na lang siya

"Hoy Louie bakla, anong oras na?" Tanong ko kay bakla

"Oras na para mahalin mo si Henry" Kinikilig niyang sabi.

"Mahalin si Henry o oras na para sakalin kita?" Sarikastiko kong sabi. "Yung totoo, baklang bukbok anong oras na!?!"

"Ngayon?"

"Hindi, kanina! malamang ngayon kaloka."

"5:30 na girl" Sabi ni Louie sakin

"5:30 NA?!?"

"Ay grabe Angel kung makapagreact ah" Sarkastikong sabi sakin ni Cathy then rolled my eyes on me.

"Hoy mga alipin kailangan ko ng umuwi" Sabi ko at nagmadaling umalis palayo sa kanila, shit paniguradong inip na inip na si Damon-yo. Kung bakit ba kasi kailangan ko pang sumama dun sa chuvacheness ng business ni Tito eh.

Tumakbo ako ng tumakbo papunta sa back gate at viola! Andun nga ang pinakademonyong tao na nakilala ko.

"Bakit ba ang tagal mo?" Iritado niyang sabi habang hinagis niya sain ang susi ng car niya

"Anong gagawin ko dito?"

"Kainin mo, malamang ikaw ang magdrive dahil tinatamad ako. Tsaka para magkasilbe naman yang pagkalate mo" Natuwa naman ako sa aking narinig dahil first time kong magdadrive ng gantong kagadang kotse.

"Sure ka na ipapagamit mo itong Maybach Exelero mo?"  Tanong ko sa kanya dahil kahit plain black lang ang kotse niya, mapapawow ka na lang talaga. Maybach Exelero was one of the most expensive car in the world. Sa performance nito ay hindi mapapantayan. 

Ano ba yan nagbigay pa ko ng trivia, Ade nasulit naman sa mga shungang readers ang chapter na to kasi may natutunan kayo sakin. 

"Ayaw mo ba, naawa kasi ako sayo eh. Alam kong mataga ka ng inggit sa kotse ko" Sabi niya sakin but I just rolled my eyes on him. Eto na! masasakyan ko na ang Maybach Exelero

"Marunong ka naman diba magdrive?" 

"Oo naman! Anong akala mo sakin? Bike lang ang kayang sakyan? hell no!" Sabi ko then inistart ang Engine. "San ba yung place na pupuntahan natin, tsaka sure kang ganto lang ang suot natin?"

"Iba talaga kapag tanga ang kausap. Of course we will go to the mall first to buy we're going to wear" Sabi niya sakin then binuksan niya ang radyo

Well nasanay na yata kaming dalawa sa ganto, ilang linggo na din kasi kaming magkasama at medyo nababawasan na ang pagtatalo namin. Mukhang natututo naman siyang maappreciate ang ugali ko and ganun din naman ako sa kanya. Well kawawa naman kung iisnob-in ko pa siya, wala na ngang masyadong friends eh.

"Wala akong dalang pera"

"Wala ka lang  talagang pera, don't worry, my treat. Baka kasi ikahirap mo pa" Sabi niya with his usual poker face expression. Ano pa bang bago?

"Dapat nga mahiya ka pa sakin dahil isinama niyo ko ng magaling mong tatay sa isang business party na wala naman akong kinalaman" Sabi ko habang focus ako sa pagdadrive.

Medyo binabagalan ko pa ang pagdadrive kasi ninanamnam ko pa ang pagdadrive ng maganda niyang kotse. Masakit man sabihin pero mas maganda ang kotse niya, walang panama si Lamboughini ko kaloka!

"Could you make it faster, kung gusto mong drive-in yung car sabihin mo sakin para ikaw na magdrive paba----"

"Oo Gusto ko leche ka! Ako magdadrive pabalik ah"

"Sinong mag-aakala na ang ultimate maldita ay babait para lang sa kotse."

"Wala akong pake sa nararamdaman mo, just shut up!"

***

Naglalakad ako sa mall together with Damon-yo ng taas noo, aba sa gandang ko ba na to. Bakit ko ikakahiya ang ganda ko, tsaka nakakaawa naman ang ibang tao kung hindi nila makikita ang diyosa kong mukha.

Si Damon naman ay nakahood pa and nag earphone, kung sa tingin niya pumanget siya ng lagay niya... Well wala akong pake style niya yun.

We both head sa department store dahil doon kami makakapamili ng mabilis dahil 8:00 lang ay dapat nasa party na kaming dalawa.

"Ano ba Angel bilisan mo naman mamili---"

"Shut up! Girls have the rule of shopping, umalis ka na lang at mamili ng rin ng sayo" Sabi ko habang tumitingin sa mga dress. Istorbo kasi to panira ng concentration sa pamimili.

Sa huli ay isang red dress ang nacacaught ng atensyon ko. Tinignan ko ang price and it worth a thousand. Kinuwa ko na ito dahil sabi naman ni Damon ay libre niya, aba sagarin na dahil minsan lang bumait an demonyo.

Pumunta na ko sa dressing room at sinukat ang dress and yet, bumagay ito sakin my fierce look was so perfectly fine with this red dress. Bagay na bagay!

Pagkalabas ko ay masama na kong tinignan ni Damon, he's wearing plain white sleeves na tinernohan pa ng red tie. Nakasabit lang sa balikat niya ang black coat niya. Hindi na namin hinubad yung binili namin para diretso sa party na kagad kaming dalawa

Naglalakad kami at papuntang counter at pinagtitinginan kami ng ibang tao, the taught na couple kami and super bagay daw kami sa isa't isa like yuck! Hindi lang nila alam na kaaway ko tong Damon-yo na to.

"Ser bagay po sa inyo yung damit niyo ser" Sabi ng cashier na parang kinikilig pa, type ata si Damon-yo.

"Cashier ka ba o tagalandi ng mga buyers"

"Mam hinde naman po sa ganon"

"Customers was always right, so meaning tagalandi ka lang talaga" I said then rolled my eyes.

"Angel stop, we're already late dahil sa bagal mong mamili kaya please stop this nonsense argument" He said then binayaran niya ang binili namin.

Pagkalabas namin ng Department store ay pumunta kami sa salon at nagpaayos, so in the end. 7:30 na kami nakalabas ng salon dahil sa napakatagal magpaayos. Kung kanina ay iilan lang ang tumitingin samin, this time literal na lahat na.

"Akin na yung susi nung car" Sabi ko sa kanya pero hindi niya inabot sakin... what the! 

"Not for now bitch. Party of a high clas people ang pupuntahan natin so we need a formalities" Sabi niya sakin at inirapan ko lang siya. Epal talaga

"You Asshole" Sabi ko sa kanya

Pumunta kaming party at nasa labas palang ako ng Venue ay nasesense ko na, na magiging boring ang pananatili ko dito

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top