Sabog # 13
POV Angel
Gosh. Agad akong nagtungo sa banyo dahil sa ginawa sakin ng Damon-yo na yun. Umagang umaga diretso ligo tuloy ang gagawin ko. Buti na lang matibay pa ang takong ng stiletto ko kaya hindi nasira kahit matigas ang ulo ng gago.
Nagbihis na ko sa kwarto ko after kong maligo. Ang bait- bait ko at ang ganda- ganda ng pakikisama ko sa kanila tapos bigla na lang siya magbubuhos sakin ng timba na puno ng ice cube at may tubig pa! Ano to? Ice bucket challenge ang peg ko?
Tutal naman na He declare a war between me and him, tignan lang natin. Kontrabida pa ang hinamon mo ah! You want war? then ibibigay ko sayo to!
Im just wearing a large shirt then a boxer short. Tutal nasa bahay lang naman ako, Pinusod ko na lang ang sarili ko. Kahit ano naman yatang suotin ko bagay sakin eh!
Lumabas ako ng room ko at bumaba na ako. Nakita ko naman si Tito Daniel sa dining table at nagbabasa siya ng Diyaryo while drinking his coffee
Samantala si Damon-yo naman ayun nakaupo sa couch ng sala at may hawak na ice pouch na nakalagay sa kanyang ulo. Matalim ang mga tingin na binigay niya sakin pero I just rolled my eyes on him
Umupo ako sa tabi ni Tito Daniel at naglagay ng Cheez Whiz sa tinapay para makapagbreakfast... nakakaloka, hindi ako nainform na self service pala dito.
"Tito wala po ba kayong work ngayon?" pag oopen ko ng topic kay Tito Daniel at umupo ako sa tabi niya
"Ahh mamayang lunch aalis ako kasi may imemeet akong business partner" Sabi sakin ni Tito Daniel. Pameeting meeting lang ang peg nito
Nakarinig ako ng yabag ng mga paa na naglalakad
"Plastik" Sabi ni Damon pagkadaan niya sakin pero hawak niya padin ang Ice Pouch sa kanyang ulo. Nilingon ko siya at tinitigan ng masama pero ang expression niya? Ayun poker face, nababadtrip ako sa mukha ng gago!
"Ah tito by the way, nakapagdecide na po yung mommy ko na dito ko na lang sa Baguio tatapusin ang study ko. Same school daw po ni Damon ang papasukan ko" Sabi ko at kumagat ako ng tinapay, ang gaan ng feeling ko kay Tito Daniel kasi natural yung pagiging mabait niya, alam niyo yun? walang halong kaplastikan
"ohh I see, So meaning dito ka din mag iistay sa Baguio?"
"Yes po"
"Alam mo bang matagal ko ng gustong magkaron ng anak na babae, Only child kasi yang si Damon tapos snob pa papeymus. Sa pagdating mo para na din akong magkakaron ng daughter for a short period of time" Nangiti naman ako kasi feeling ko tatay na tatay ang dating niya
"Agree po ako sa inyo, Papeymus ang anak niyo" Sabi ko and nauwi ang kwentuhan namin sa malakad na tawanan, nagiging komportable na din ako at nakakapag adjust na ko
Nakatanggap ako ng text galing sa kapatid ko
Angelie: Ate we're on the way na
Pagkabasa ko nun ay ipinaalam ko agad kay Tito baka kasi magalit sakin
"Sorry Angel kung hindi ko ma aacmmodate ang mga visitors mo, alam mo na business matters." Sabi ni tito at tumingin siya sa relo niya
"I have to prepare na, nice having a chit chat with you" sabi ni Tito Daniel at pumasok sa kwarto niya para magbihis
Nawala naman ang ngiti ko ng nakita kong nakatingin sakin si Damon ng nakapoker face
"Tinitingin tingin mo? Nagagandahan ka ba sa view? Mataray kong tanong sa kanya sabay higop sa kape ko
"Nagtataka lang ako kung san mo tinatago ang buntot at sungay mo" Sabi niya sakin
"Bakit ba kita kinakausap? wala ka namang kwenta. Bumalik ka na nga lang sa impyerno----este sa kwarto mo" Sabi ko sa kanya. Kapag naaalala ko talaga yung ginawa niya sakin kanina hindi ko maiwasang mairita at para gusto kong isampal sa kanya yung timba eh
"Whatever" Sabi niya at naglakad palabas.
Whatever pala ah! Tumakbo ako papuntang kitchen at dumampot nf isang piraso ng tomato
Sinundan oo siya palabas at nakita ko siyang andun sa may isang bench sa labas.
Sabi ko nga diba? Nagsimula siya ng war, well sanay ako sa war
Pumosisyon ako na babatuhin ko siya at bigla siyang lumingon sakin
"Shit! Subukan mo!" Sigaw niya sakin. Subukan pala ah! Good girl na kaya ako
Hinagis ko ito sa kanya kaso badtrip dahil hindi sa mukha niya uto tumama kundi sa damit niya na may design na Pororo
Nakita ko ngayon na nag-iba ang expression niya. From poker face to todo simalmal
"You!!! This is one of my favorite shirt, you will pay for this" Nagulat ako ng mag start na siya tumakbo papunta sakin.
Tumakbo ako papasok sa rest house.at umakyat ako sa second floor, tuwang tuwa ako kapag lilingon ako sa kanya dahil naging kulay pula ang plain white shirt niya.
"Kapag naabutan kita palalayasin kita dito!" Sigaw niya sakin pero nakaakyat na ko sa second floor. Isang pinto ng isang kwarto ang nakauwang kaya naman dun ako pumasok... Sa pangalawang kwarto sa second floor
Pagkasara at pagkalock ko ay nakarinig ako ng kalampag galing sa labas. Hindi ko na lamang ito pinansin and I just rolled my eyes
Napatingin ako sa kwarto nito At gusto kong matawaa mga nakikita ko ngayon, Akalain mo yun kay sunget sunget tapos ganto pala itsura ng kwarto niya
Posters na nasa dingding
Punda ng unan at kama
Floor mat
stuff toys
Lahat sila puro Pororo! shocks! It's so gay!
"Hahaha Pororo pala ah" Natatawa kong saad at linaririnig ko talaga sa kanya dahil alam kong nasa tapat lang siya ng pinto
"Mapapatay kitang babae ka!" Malakas niyang sigaw at nagulat ako dahil bigla ng bumukas ang pinto.
"Pano ka nakapasok?" Malakas kong sigaw sa kanya
"Boba ka ba? Kwarto ko to kaya meron akong duplicate key" Sabi niya sakin this time may hawak siya na marker. A permanent marker.
"Oy wala namang ganyanan, Let's have a deal Damon. Palalabasin mo ko ng room na to at kakalimutan ko lahat ng nakita ko Promise!" Sabi ko sa kanya, Kagaya niya kasi ay paboritong shirt ko din to kasi limited edition lang to
"Sa tingin mo naman maniniwala ako?" Sabi niya habang patuloy na lumalapit sakin, He's now on a poker face mode
Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo palapit sakin at sinulata ang damit ko ng isang malaking guhit
"You are a real asshole!" Malakas kong sigaw sa kanya at pinaghahampas ko ang dibdib niya... infairness ramdam ko yung muscle sa katawan niya
"Then your a real bitch!" Sabi niya sakin at hinawakan niya ang dalawa kong kamay gamit ang kaliwa niyang kamay. itinaas niya ito at inipit sa may pader
He's just staring at. Ang lapit sakin ng gagong to ah!
"Sige, sisigaw ako dito ng Rape"Pagbabantanko sa kanya
"Kahit tulungan pa kita" Sabi niya at sinulatan niya ng marker ang mukha ko
"Kyaaah! Tama na!" Sabi ko sa kanya at nagpupumiglas ako, shit! Bakit ba ang lakas ng lalaking to pakers naman!
Nakalimutan ko nga pala may paa at tuhod pa nga pala ko
Habang siya ay enjoy na enjoy gawing coloring book ang mukha ko eh ako naman ay inipon ko ang buong lakas ko sa tuhod ko at malakas na tinuhod ang di dapat tamaan.
Napabitaw siya sakin at nagpagulong gulong sa sakit
"Gago ka ah, hindi ka marunong pumili ng kakalabanin ah" Sabi ko sa kanya then pinulot ko yung marker na nasa lapag.
Tinitigan ko muna ang gago and show to him my evil smile, ngiting tagumpay!
"Anong gagawin mo?" Sabi niya pero umiikot pa din siya sa sakit ng kanyang ano.... Matagal pa yan makakarecover hahaha
Sinulatan ko ng malaking "X" ang punda ng kama niya na Pororo at mukha siyang nashock
Gago ka ah! Sabi ko sayo ako padin ang mananalo sa laro natin
Lumabas ako ng kwarto niya while wearing my victory smile
***
Tongue in a lungs! Kung gaano kadali magsulat gamit ang permanent marker ganun naman to kahirap tanggalin.
Kanina pa ko dito sa banyo at kanina pa ko kuskos ng kuskos sa mukha ko pero hanggang ngayon hindi ko pa din ito matanggal, Halos magkulay kamatis ang yung mukha ko wala pa ding natatanggal sa marker
"Gago talaga eh" Sabi ko habang punas pa din ako ng punas.
Hindi ko naman maiwasang mangiti dahil ang Mr. Snob at sunget ng bahay na to... PORORO LANG NAMAN PALA ANG KATAPAT!
Gosh! para yatang nagstay ako sa banyo ng isang oras at kalahati nago ko natanggal yung mga sulat. Sa pangalawang beses sa araw na to natanggal ko ay naligo ako. Nasisira ang katawan ko na mala-diyosa ng dahil sa kanya eh! badtrip
Nagvibrate ulit ang cellphone ko na nakapatong sa kama kaya kinuwa ko agad ito
Angelie: We're almost there ate, pakisalubong nalang kami
After kong mabasa yan ay lumabas ako ng bahaynat tinatanaw ang paoalapit na kulay pink na van.
Nagtataka ba kayo kung pano nalaman ni Angelie na nandito ako? Malamang kinwento ng magaling kong mommy, ayun pa! Kapag naawa yun kay Angelie.eh lahat ng gusto nun ibibigay
Huminto na ito at expected ko na si Angelie ang lalabas ngunit hindi pala, parang telenobela na tumatakbo papalapit sakin si Bobita.
Pahkalapit niya sakin ay sinampal ko nga ang gaga, ayun tumalsik
"Aray ko ma'am naman yung sunburn ko" Sabi niya sakin habang tumatayo sa pagkakasubsob
"Manahimik ka nga kung ayaw mong mag-apir kami ng likod mo" Sabi ko then I rolled my eyes on her
Si Inday naman ay maarteng naglalakad papunta sakin. Aba! ang gaga nakasleevless shirt, pekpek short, at nakashades
"Feeling turista ah...Ang lakas ng loob mong magganyang outfit eh ang dami mo namang piso sa katawan " Sabi ko sa kanya and she just rolled her eyes on me, Aba! nawala lang ako saglit lumalaban na tong si Inday! Siya kaya ang ipalit ko sa malaking leon na statwa dito!
"Ate I miss you a lot" Lumapit sakin si Angelie at yumakap sakin
"Alam mo ang O.A. mo, kahapon lang ako pinalayas tapos binisita mo ko ngayon, Asan ang miss dun? nasa pekpek short ni Inday?" Sabi ko sa kany and rolled my eyes
Hindi ko lang talaga pinapahalata per namiss ko din sila ng sobra, Ang dami naman naming napagkwentuhan at laging kawawa si Bobita dahil kapag tatawa ko ay malakas kong hinahampasng likod niya... Iyak tawa ang sunburn niya eh
Buti nga sa tanghaling iyon eh hindi na nagpakita si Damon eh.
4PM na nung naisipan nilang umalis na sila dahil daw mahaba pa ang biyahe pabalik ng Manila
"Ate baka sa America ko na ipagpatuloy ang pag aaral ko" Sabi ni Angelie sakin, Nag uusap kami ngayon bago siya umalis
"Huh bakit naman?"
"Merong magandang offer sakin ang isang school dun sayang ang opportunity" Sabi niya sakin, sosyal ah! Ako sa Baguio ko lang tatapusin ang pag-aaral ko siya naman sa America pa! Ikaw na teh!
"As long na para sa pag-aaral mo bakit hindi diba? Hindi kita pipigilan maabot ang mga pangarap mo" Sabi ko and I hugged her. This is the last time na pala na makikita ko ang kapatid ko dahil bukas na pala ang flight niya. Pero happy naman ako dahil hindi niya ito tinago mula sakin
Pagkaalis nila ay meron na naman akong text message na nareceive, this time galing naman ito kay Cloud.
Cloud: Uwian na namin, susunduin kita sa school niyo :).
Hindi ko naman maiwasan maguilty dahil hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo.
Magrereply sana ko sa kanya kaso biglang dumating na si Tito galing sa meeting, ayoko naman na magworry siya sakin so I hide my cellphone and give tito a warm welcome
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top