Sabog# 11 (Edited)
Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko pagkauwi ko. Papasok na ako nung bahay nung makasalubong ko si Bobita. "Bobita." Pagtawag ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin. Mukhang kinakabahan dahil nanginginig ang kanyang mga kamay.
"Ma'am, mamaya ninyo na lang po ako utusan ulit, nabinat po ako tapos puro sun burn din po ang katawan ko dahil sa pagpo-floor wax ng bubong nung nakaraang araw." Maluha-luhang paliwanag sa akin ni Bobita. Hindi halatang na-sun burned siya dahil mukha siyang natustang isda.
"Ang OA mo, I just want to say, Good evening," Sabi ko sa kanya, buti na lang at good mood ako at hinawakan ko ang kanyang likod.
"Araw ko ma'am! Yung likod ko masakit pa!" Napatalon-talon siya dahil sa hapdi.
"Sorry." Maarte kong sabi at dumiretso na ako sa living room. Bago ako pumunta sa living room ay hinawakan ko ulit ang likod niya kung kaya't lalo siyang napasigaw.
Hindi ko inaasahan ang taong makikita ko sa pamamahay ko ngayon, he's wearing a black suit attire na para bang galing sa meeting. He's just staring at me with a blank expression.
"Evening, dad," Labag man sa loob ko ay humalik pa rin ako sa kanyang pisngi.
"Ganyan mo ba tratuhin ang mga kasamahan mo sa bahay? Kasambahay mo sila, ibig sabihin nito ay kasama sa bahay. Hindi mo sila alila," Bungad na sermon agad sa akin ni dad at hindi ko naman maiwasan na mapayuko dahil sa kanyang sinabi. Nakita ko na nagtago sa isang sulok si Bobita at Inday, I am pretty sure na natutuwa ngayon ang dalawang iyan dahil napapagalitan ako.
"Sorry dad." Sabi ko habang nakayuko. Mabait ang tatay ko, but he wants everything to be perfect, malayo ako sa perfect daughter na kanyang hinahanap.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Sa kanila ka mag-sorry," Itinuro ni dad sina Bobita gamit ang kanyang mata.
"Ah, sir, sorry po kung makikialam ako. Hindi naman po kami tinatrato na parang alila ni ma'am," Nabigla ako sa sinabi ni bobita, seriously? Hindi pa ba pang aalila yung mga pinaggagawa ko sa kanya? Kulang pa ba? Gusto yata ni Gaga na ilevel up ko ang mga utos ko sa kanya
"Ma'am treat us as her friend. Sometimes she became angry on us, that's because of our clumsiness and lack of respect to her." Sabi naman ni Inday. Nakakatuwa lang na pinagtanggol nila ko. Sa kabila ng kagaspangan ng ugali ko, they really care on me.
"Oh I see," Sabi ni Dad at binaling muli ang tingin sakin "I'm sorry sa mga nasabi ko, alam niyo naman na ang pinaka ayokong ginagawa niyong magkapatid is maliitin ang ibang tao."
Napatango ako. Akala ko ay ngingiti si dad pero mali ako, blangko pa rin ang kanyang ekspresyon. God! Sana pala psychology na lang ang kinuha kong course para naman maintindihan ko yung ibig sabihin ng mga ganyang looks
That look, ayan ang pinaka ayokong binibigay na tingin sakin ng tao, walang halong emosyon.
"Then i-explain mo yung kanina? Kaya ba gusto mong ikaw na lang ang ikasal ke'sa sa kapatid mo because you're flirting Cloud?" Nagulat ako sa tono ng pagsasalita ng dad ko, hindi naman to ang first time niya kong sigawan but it's his first time na sabihan niya ko ng malandi at para sa'ming mga babae, that's the worst thing na masasabi niyo samin. Nakakababa ng moral, parang nawala lahat ng pinag-aralan ko.
Agad akong nakabawi and smiled at him, I don't want to look weak in front of him. Pinaghirapan ko kung ano ngayon ang katauhan ko.
"Flirt? Nagpalandi ka lang din ba kay mom—"
The next thing I knew is tumama na ang palad niya sa mukha ko at napaupo ako sa nagmamaldita kong carpet.
"Ate!" Malakas na sigaw ng kapatid ko dahil mukhang kakauwi niya lang din galing sa school. Tumakbo siya papunta sa 'kin and helped me to stand up.
"Si Angelica ang gusto ng mga magulang ni Cloud at hindi ikaw, alisin mo na ang kakatihan mo sa katawan mo Angel! Be mature!"
"Ginagamit mo kami para pagkakitaan mo? Hindi ka ba nahihiya? Sarili mong anak ginagawa mong negosyo... Dad naman! All of my life I tried my best para maging proud ka. Kung hindi mo kami kayang respetuhin bilang anak mo, then respetuhin mo kami bilang babae." Nasabi ko na lamang sa kanya. Bastusan? Bring it on!
"Dad! Tama na." Sabi naman ni Angelica at may tumutulong luha sa kanyang mga mata, Aba! Artista na 'yan! ako nasampal nauna pa siyang umiyak kaloka!
"You, Angel... lumayas ka na sa bahay na 'to, baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo," Sabi sakin ni Dad, pero dahil mabait ako I just headed at my room.
"Where do you think you're going?"
"Kukuhanin ko lang ang gamit ko, don't worry dahil lalayas talaga ako." Sabi ko then headed to my room. Lalayas ba ko ng wala ang mga mamahalin kong alahas, bags, heels, dresses, shirts, make up kits, tsaka pera ko? Of course not! lalayas na lang din ako dadalhin ko na buong gamit.
Isinalpak ko silang lahat sa nagmamaldita kong dalawang pink na luggage. After kong isuksok ay dumiretso na ko palabas ng room ko, my Dad eyes was only fixed on me.
Maybe he's shocked kasi hindi niya ini-expect na gagawin ko talaga ang sinabi niya well wakompakels! good girl ata to masunurin sa parents.
"Ma'am," Nakita kong naluluha si Bobita habang pinapanuod niya kong lumabas, it's hurt na wala akong mauutusan pero carry lang.
"Once na lumabas ka... asahan mong wala kang makukuwang tulong mula sa 'kin." Huling narinig ko na sabi ni Dad. But I chose na lumabas ng bahay.
Pagkalabas ko ng bahay, my lips formed a devil smile.
"Sayo wala akong makukuhang tulong, kay mommy.... Meron!" Sabi ko while I dial my mom's number.
"Ano na namang kailangan mo?"
"Mom pwede bang dun muna ko sa rest house nila lola sa Baguio?" Pagmamakaawa ko sa kanya. Kailangan kong galingan ang pag-arte dahil para sa kinabukasan ko 'to.
"Why? matagal ng walang nakatira sa rest house na 'yon, care taker na lang ang andoon,"
Of course alam ko naman yun! Lagi akong ginagawang boba ng mom ko. I just rolled my eyes as if naman na makikita niya.
"Please mom? Thanks! Mom wag mo pala ipaalam kahit kanino na nandoon ako ah! I just need some space" Sabi ko kay mom and dropped the call. Sakto naman na may dumaan na taxi sa harapan ko kaya naman dali-dali ko itong kinawayan.
Bago umalis ay sinulyapan ko pa ang Mansion KO na pinaganda at inalagaan ko for many years. Nakakalungkot lang na kinailangan ko itong iwan.
"Miss sasakay ka ba?" epal nung driver.
"Hindi! lilipad ako! Bastos 'to, nakitang nagmo-monologue ako dito eepal ka naman. Uy extra ka lang dito wag kang humingi ng exposure."
Sumakay na ko at umandar na ang taxi.
Habang umaandar yung taxi ay nakita ko pa si Bobita na himahagulgol ng iyak sa bubong. Sarap sabunutan ang plastik! Kapag ako nakauwi ulit ang una kong gagawin ay itulak si Bobita sa bubong at baka sakaling tumino.
I gave the address sa driver at natulog muna ko, malayo layong biyahe kasi to so I need mag-beauty rest dahil sa dami ng drama na nangyari kanina na hindi ko kinaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top