CHAPTER 2

ELENA

TIRIK na tirik na naman ang araw sa dagat nang magising si Elena mula sa pagkakahimbing niyang tulog. Napagpasyahan niya kasing magpahinga muna pagkatapos niyang gumawa ng mga dream catcher kagabi para sa bago niyang idi-display sa kanyang souvenir shop. Alam niyang papatok ito dahil halos lahat ng mga turista sa resort ay nahuhumaling dito.

Napangiti siya at winagayway ang kaniyang kamay nang masilayan ang sikat ng araw. Dinig na dinig din ang agos ng alon ng dagat at pati ang maalat-alat na simoy ng hangin. Dahan-dahang bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga at agad na tinanaw ang dagat.

"No wonder why people loves to stare at you," bulong niya habang pinagmamasdan ang nagraragasang pag-alon.

Ilang taon na rin simula nang lumipat siya ng pwesto mula sa Boracay. Bukod sa napakarami talagang turista doon at laging ubos ang kaniyang mga paninda ay hindi na niya nagugustuhan ang mga taong tila umaaligid sa kaniyang shop. Alam niya kung sino ang mga ito at ayaw niyang magpahuli. Gusto niya ng kalayaan at ayaw na niyang bumalik pa sa tahanan na kung saan ay ramdam niyang hindi siya nabibilang.

Mababait naman ang ito sa kanya ngunit ang kanyang step-mother lang talaga ang kanyang problema dahil hanggang ngayon ay iba pa rin ang turing nito sa kanya.

Malayong-malayo sa kanyang kapatid at hindi niya alam kung bakit. Labag man sa kanyang kalooban na iwan ang kanyang kapatid ay wala siyang magagawa dahil sa bandang huli ay siya rin naman ang masasaktan.

Lumaki siya sa malayong hacienda ng kanyang pamilya kasama ang kanyang kapatid ngunit nang sumapit ang kanilang ika labing-walong kaarawan ay agad silang ipinaghiwalay sa hindi malaman na kadihalanan. Dalawa silang magkapatid at mahal na mahal nila ang isa't isa kaya ganoon na lang ang kanyang pagdadalamhati nang isang araw ay ipinaghiwalay silang dalawa. At simula noon lumipas ang ilang mga taon ay wala siyang nasagap ni isang balita mula sa kanyang kapatid at alam niyang kagagawan iyon ng kanilang ina. Ilang taon din siyang nag-aral mangabayo sa hacienda kung saan siya ang manor ng mga kabayo at alam niyang isa ang haciendang iyon sa pinakamayaman sa Pilipinas.

Hanggang sa isang gabi na tulog na ang bawat tao sa hacienda ay napagpasyahan niyang lumayas at subukan ang kanyang kapalaran sa labas. Ayaw na niyang makulong sa hacienda habang-buhay at makailang beses na rin siyang sumubok na tumakas ay pumalya siya ngunit sinigurado niya noong gabing iyon ay hindi na siya mamimintis.

Hanggang sa napadpad siya sa isang resort sakay ng bapor. Pinaghandaan niya ang lahat-lahat at kahit papaano ay may kaunti siyang ipon kaya makakalayo siya agad ngunit hindi pa rin sapat ang kanyang ipon noon upang maitaguyod ang kanyang sarili kung kaya't namasukan siya sa isang souvenir shop kung saan laging dagsa ang mga tao lalong-lalo na ang mga turista. Laking swerte niya lang noon dahil nagkukumahog sa pagtitinda ang isang may edad na babae at hindi na niya alam ang kanyang ginagawa at kung sino ang kanyang uunahin kung kaya ay walang atubiling tinulungan niya ito sa pagtitinda at hindi naman siya pinaalis. Pagkatapos ng pagtitinda ay napagsalamat sa kanya ang babae na nagngangalang Minda at trenta anyos na gulang pa lang. Humingi siya ng pabor na kung maaari ay kupkupin siya nito at ang kapalit ay magtatrabaho siya bilang kabayaran at tila ngumiti naman sa kanya ang kalangitan at tinanggap naman siya ni Minda.

"Oh tulala ka na naman diyan sa karagatan. Hindi ka pa ba riyan babangon at kakain na tayo," wika ni Minda nang makita niyang nakatulala at malalim ang nasa isip ni Elena. Agad naman niyang naisip na marahil ay iniisip nito ang pamilyang tinakasan noon.

"Opo Ate Minda, ito naman alam mo namang nagse-senti lang ako," saad niya at agad naman siyang binatukan nang makalapit si Minda sa kanyang harapan.

Hindi makakailang napamahal na si Minda kay Elena dahil bukod sa mabait at masipag ito sa buhay ay napakagandang dilag nito habang lumilipas ang mga araw.

Mapagkakamalan nga itong isang modelo dahil sa tindig at pangangatawan nito at ang mukha naman ni Elena ay papasa bilang artista. Kaya napapaisip minsan si Minda kung anak ba sa labas ng isang artista si Elena at kung Elena nga ba ang totoong pangalan nito.

Ngunit alam niyang nagsasalita ng katotohanan sa kanya si Elena at malaki ang tiwala nito sa dalaga. Hindi na rin nakapag-asawa si Minda dahil sapat na para sa kanya na nariyan si Elena at itinuring niya na rin ito bilang kanyang anak kahit na ate ang tawag nito sa kanya. Hindi rin kasi halata ang kanyang edad sa kanyang hitsura. Mukha kasi siyang bata kaya minsan ay napagkakamalan pa silang magkapatid.

"Napuyat lang ako sa kakagawa noong dream catcher," sagot naman ni Elena at napahikab dahilan upang mahawa din sa paghikab si Minda at tinapunan ito ng kutsara na agad namang nasalo ni Elena.

"Huwag ka ngang humikab sa harapan ko at pati ako ay nadadamay kahit hindi naman ako puyat!" saad niya at natawa na lamang si Elena sa  inakto nito dahil saulong-saulo na niya ang pagtatapon nito ng kutsara sa kanyang mukha at ngayon ay nasasalo na niya ito na parang eksperto.

"Sana naman pumatok 'yang dream catcher mo dahil sa kapapanood mo 'yan ng kdrama. Lumandi-landi ka rin paminsan-minsan Elena ha ayokong tumanda kang dalaga ang ganda-ganda mong babae diyos ko! Mapagkakamalan ka pa ngang artista at kahit na mga turista ay akala nilang artista ka! Kaya minsan talaga napapaisip ako baka anak ka sa labas ng isang artista. Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Elena, anak ka ba ng isang reyna o isang artista?" wika ni Minda na siya namang ikinatawa ng pagkalakas-lakas ni Elena dahilan upang mapahawak pa siya sa kanyang tiyan.

"Ate Minda naman o! Nagpapatawa, kumain ka na nga riyan mukhang ikaw 'yong puyat sa ating dalawa," wika niya at kumain na lamang sila at nailihis agad ni Elena ang kanilang usapan.

Lihim na kinabahan si Elena sa agad na namang pagkompronta sa kanya ng kanyang Ate Minda. Alam naman niyang hindi iyon totoo ngunit ang lahat ng iyon ay malapit sa katotohanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top