Pangwakas
PANGWAKAS
ᜉᜅ᜔ᜏᜃᜐ᜔
ILING: 'Yun na 'yon? Tapos na?
KADUNUNG: Oo, apo.
ILING: Si Lolo naman. Nakakabitin.
KADUNUNG: Aba'y ano pa ga ang gusto mong malaman? Nasabi ko na ang lahat.
ILING: 'Lo, sobrang dami pa. Tulad ng kung paano nagkakilala 'yung sarimaw at santelmo? Kung paano mamumuhay ang mga maligno sa kakahuyan? Tatanggapin ba ulit sila? Ano na ang nangyari sa samahan ng mga Maharlika? Sino ba 'yung tinutukoy nilang Tagapayo? May bagong kaganapan ba sa alitan ng mga danag at aswang? Patay na ba talaga si Rabot? Saka ang kalayo, kailan muling magniningas? Ano na'ng mangyayari sa huling hinlog ni Oryol at Handyong?
KADUNUNG: Apo, 'di ko pa ba nasabi sa 'yo?
ILING: Ang alin po?
KADUNUNG: Na tsismoso ka at napaka-demanding.
ILING: Sensya na, 'Lo. Ang sarap kasi makinig sa mga kuwento mo, eh.
KADUNUNG: Sa ngayon, iyan muna ang maibabahagi ko. Tuluyan nang naglaho ang sumpa at ngayon ay mas naiintindihan mo na ang Hiwaga ng Ibalóng.
ILING: Si Lolo naman, may pa-cliffhanger pa.
KADUNUNG: Hay, ang apo kong ire. Matitiis ba naman kita. Umayos ka ng upo at may ikukuwento pa ako sa iyo.
ILING: Naiiyak ako, 'Lo.
KADUNUNG: Ang arte mo. Ito na, apo. Akin nang isasalaysay ang sagupaan ng sarimaw at ng halimaw na may tatlong ulo.
ILING: Eksayted mats. UwU
************************************
Maraming salamat sa lahat ng readers ko, lalong-lalo na kina aliastwelve at Winx_29 na palaging laman ng comment section. Mahal ko kayo!
Nabitin ba kayo sa adventure ng Klab Maharlika? Don't worry, ilalabas na po ang published book next month. Limited copies only.
'Di hamak na mas mahaba at mas malinis ang version na ito.
AT sa printed copy lamang mababasa ang special short story na nilagay ko sa dulo ng book:
KLAB MAHARLIKA AT ANG TATLONG-ULONG YAWA
✨5k+ words
✨A separate adventure of the gang
✨Simm's POV
Maraming-maraming salamat sa inyong suporta. 🤧
Patuloy lang po nating tangkilikin ang sarili nating mitolohiya.
*While waiting for your order and the next story in the line-up, time niyo na basahin ang BALETE CHRONICLES: UNANG AKLAT. Iyon po ang first book ng main series. To be published na rin soon.
UPDATE: Sa ngayon po ay ubos na ang lahat ng kopya ng KLAB MAHARLIKA AT ANG HIWAGA NG IBALONG. Kapag po nagkaroon na ulit ng libreng oras ay saka ko muling susubukan ang publishing journey. For now, enjoy-in ko muna ang pagiging manunulat. Salamat palagi sa suporta!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top