6. Magical Academy Rejects

ANIM
ᜀᜄᜒᜋ᜔
MAGICAL ACADEMY REJECTS

KUNG nakita niyo na ang sikat na tenement sa may Bicutan, ganoong ganoon ang itsura ng building na nilabasan namin. Sa first floor ng kanang bahagi ang pinanggalingan naming empi... empeme... emper... 'yung clinic ni Tandang Felicia. Namangha ako sa taas ng building. 'Di ko mabilang ang floors. Siguro'y daan ang dami ng rooms dito. Malinis naman tignan maliban sa ilang mga damit na naka-sampay. Siguro ay dito ang dormitory ng mga miyembro ng Klab. Naka-U shape ang buong building at sa harap ay makikita ang malaking tarangkahan na gawa sa batong tisa, kamukha ng Fort Santiago sa Intramuros. Nasaang lugar ba kami ngayon?

Sa gitnang field ng tenement ay nakatayo ang pinakamalaking punong nakita ko buong buhay ko. Ang mayabong nitong dahon ay maaabot lamang sa pinakamataas na floor na siyang lumilimlim sa buong tenement. Nakalugay naman ang mahahaba at malalaki nitong baging hanggang sa pinakababa. Nakita ko pa ang ilang batang walang takot na lumalambitin dito. May mga climbing walls din na ginawa sa gilid ng building for training. Ang ilan pang estudyante ay nasa pinakababa at abala sa kani-kanilang mga pagsasanay- arnis, pana, espada at iba pa.

Nagkalat ang banner ng school na 'to, kung school man itong maituturing. Kulay indigo ang mga watawat na may yellow highlights. Sa gitna ay naroon ang logo ng Klab Maharlika, katulad ng nasa pin ni Lily.

Pinahiram ako ni Lily ng uniform niya. Kahit medyo maliit ay mas lalo namang humulma ang balingkinitan kong katawan. Nakapaglinis naman ako kahit paano. Buti na lang ay gumagana ang napkin dispenser nila. Umutang muna ako ng barya. Sinamahan niya pa ako sa may Comfort Room nilang isang buong multi-purpose hall 'ata ang haba. Sabay-sabay siguro silang naliligo roon.

Habang binabaybay namin ang hallway ay panay ang titig ng ilan sa akin pero hindi katulad ng titig ng mga schoolmate ko na puno ng paghanga at pagkabilib. 'Yung mga tinatawag nilang Maharlika na ito ay puno ng kuryusidad, pangamba at disgusto. Para bang nagtatanungan sila kung paano nakarating sa kampo nila ang isang malignong tulad ko. First time kong makaramdam ng hindi pagiging komportable sa sarili kong katawan.

Sigurado akong mas malawak pa ang lugar na 'to dahil nasisilip ko ang ilang oval field makalagpas ng tenement bago makarating sa tarangkahan nito. May track and field, shooting range, may mga kakaibang towers, may trak pa 'ata akong nakita. Parang nakapaloob kami sa Intramuros pero may modernong building sa gitna na yumayakap sa isang higanteng puno. Imposible namang ito nga ang Intramuros dahil ilang beses na akong nakapunta roon ay hindi ko naman nakita ang lugar na ito.

"'Yan ang Matandang Puno ng Balete, isa sa pinakamatandang puno sa Pilipinas," paliwanag sa akin ni Lily nang mapansing panay ang titig ko rito. "Ms. Gwen, kailangan na nating bilisan sa paglalakad," seryosong bilin niya.

Nilakihan ko ang hakbang para makapantay siya sa paglalakad. "Gwen na lang, 'wag na Miss. I'm really glad to know you, Lily" sabi ko sa kaniya. "I mean, napakatahimik mo kasi sa klase."

"Ah, pasensiya na. Ganoon talaga ako. Wave na lang ang itawag mo sa akin kapag narito tayo sa Klab."

"Bakit naman?" pagtataka ko.

"We're using codenames here, lalo na kapag nasa misyon." Ah, me ganun? Parang na-curious tuloy ako sa mga misyon nila. "Nakasanayan na rin kasi ni Tandang Felicia na tawagin ako sa tunay kong pangalan dahil isa ako sa mga apprentice niya sa Pangkat ng mga Mangagamot."

"Pangkat?"

"Factions. Tignan mo ang paligid. Karamihan sa kanila ay mga bagong anib, recruits ang tawag namin." Napansin ko ngang kaedad ko lamnag sila at ang iba pa nga'y mas bata pa sa amin. "'Di maglaon, makahahanap rin sila ng pangkat na sasalihan. May mga Mandirigma, Panday at Mananandata, Bantay na Tanggulan na nagpapatrolya, mga Pantas, Katalonan at mga Manggagamot na tulad ko... saka iba pang boring na factions."

'Di ko maiwasang mamangha. Ang sarap siguro sa pakiramdam na mapabilang sa ganitong samahan, mga batang may kakaibang kakayahan at pinagmulan. Nasaksihan ko pa ang ibang miyembrong nagsasanay ng kani-kanilang mga kapangyarihan. May mga mabilis kumilos, may mga lumilipad, at may mga nagpapagalaw ng mga bagay. Nakikita ko lamang ito as mga palabas na pantasya.

"Noted... Wave." Nginitian ko siya bilang pagsang-ayon at ngumit rin naman siya. Lumabas ang sungki niyang ngipin pero nagpadagdag lang ito sa ka-cute-an niya, bumabagay sa suot niyang hairclip na ngayo'y sunflower naman ang disenyo. "Pwede ka naman palang ngumiti. Bakit ang seryoso mo kanina?"

"Nasa harapan kasi tayo ni Tandang Felicia."

"Paano mo nagagawang maging seryoso sa harap niya? I mean, hindi ba weird?"

"Kung 'yung pagtawa ang tinutukoy mo, likas sa kanilang mga kokok 'yon."

"Pfft." Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. "Hahaha."

Nagulat si Lily at tinignan ako. Akala ko magagalit siya pero sinamahan rin ako sa paghalakhak.

"Bakit naman kasi ganun tawag sa kanila?"

Pinahid pa ni Lily ang luha bago magsalita. "Mami-miss ko si Tanda." Agad ring naglaho ang ngiti ko sa tinuran niya. Mukhang sigurado na ang kapalaran ng mga maligno sa kampong 'to. "Pero seriously, nahihiya rin ako sa iyo," pag-iiba niya ng topic.

"At bakit naman?"

Kumunot ang noo niyang parang nagsasabing 'dapat pa bang i-memorize 'yan'. "Siyempre, isa ka sa pinakapopular na mag-aaral sa school."

Hindi naman ako makasang-ayon sa kaniya. Ngayon pang nasa ibang lugar ako, lugar na hindi ako pamilyar na nagpalimot sa akin sa sarili kong kasikatan.

"Pasensiya na pala kung hindi ka pinasali ni Andrea," malungkot ang kaniyang tinig. "Hindi ko rin naman talaga gusto sa club na 'yon kaso pinilit niya ako dahil kailangan niya raw ng assistant. Saka para maka-earn siya ng points."

"You mean, gawa-gawa niya lang 'yung club para maka-comply sa requirement?"

Tumango siya bilang tugon. Sinasabi ko na nga ba. Ang lakas ng loob niyang kumalaban. Eh, siya lang din pala ang gumawa ng club na 'yun para may masalihan. Impokritang Andrea.

Imbis na magpadala sa inis ay pinagpatuloy ko ang pagtatanong kay Lily habang naglalakad kami. "Change topic. Paano ka nakarating sa lugar na 'to? Alam mo ba ever since na anak ka ng diyos? Tapos 'yung pinakita mong powers kanina, ang galing!"

"Hindi diyos, anito," pagtatama niya. "Hindi rin direktang anak. Basta ang alam ko, isa sa mga great great great grandparents ko ang nanggaling sa lahi ni Onos kaya namana ko ang ilan sa kapangyarihan niya."

"Wow! So, totoo nga talaga ang mga alamat. Isa kang demigod!" tuwang-tuwa kong bulalas. "Kapantay mo na sina Perseus, Theseus, Heracles, Helen of Troy at... sino pa nga ba 'yon? Basta madami sila."

Napabuntunghininga lamang ang kausap ko. Tila dismaya pa nang mabanggit kong demigod siya. "B-Bakit? Anong problema?"

"Miss Gwen, hindi rin kasi ganoon kadali ang mamuhay bilang Maharlika."

"Sabi ko, Gwen na lang."

"Ah. Gwen nga pala."

"Sige tuloy mo."

"Kasi... simula nang malaman ko, puro panganib na lang nararanasan ko. Buti na nga lang ay napadpad ako sa Klab Maharlika para sa kinakailangang pagsasanay. Pero, pangalawang taon ko pa lang rito. At sa linya ng panggagamot ako napunta."

"Panganib? Tulad ng?"

"Halimbawa ay sa mga maligno." Napatingin siya sa akin. "I'm so sorry. I didn't mean it."

"Naku, ayos lang. Kahit naman ako'y 'di ko matanggap na may lahi kaming... ahas. I mean, of all animals pa talaga, ah." Nginitian ko siya.

Sumagot naman siya ng alanganin ring ngiti.

"Pero 'di ba, sabi ni Tanda, si Onos ang anito ng bagyo at pagbaha. Bakit ka napunta sa panggagamot?"

"Hindi rin naman kasi ako sanay sa pakikipaglaban. Isa pa, mas gusto kong ituon ang kapangyarihang mayroon ako para makatulong sa iba imbis na makaperwisyo pa."

Mas maintindihan ko na siya ngayon sa paliwanag niya. Too much rain causes floods. Pero, water can heal kayo doon siya naka-pokus. Ako kaya? Saan kaya ako mapapabilang kung sakaling naging Maharlika rin ako?

"Lahat ba kayo ay may puting tattoos na ganoon? Tulad nung kanina? Kasi, nakita ko rin si Simm na nagliwanag ang tattoo niya."

"Hindi naman. Karamihan dito wala. Depende sa lokasyon ng anito. Wala sa paniniwala ng Katagalugan ang paglalagay ng tattoo. Pero sa mga Bisaya, oo. Si Onos kasi ay kilalang may puting tattoos sa balat. Iba naman 'yung kay Kuya Simm dahil kabilang siya dati sa grupo ng Pintados."

"K-kuya? Kapatid mo siya?"

"Ay, naku. Hindi po." Bumulong-bulong siyang parang pinagsisisihan ang sinabi niya.

"Lil- ah, Wave, 'wag kang mahihiya sa akin, okay. Pasalamat nga sa'yo at bumuti na ang pakiramdam ko."

"Walang anuman."

"So?"

Nahalata ko ang pag-blush niya bago magpatuloy. "Binawalan na kasi ako ni Simm na tawagin siyang Kuya. Buddy kami dati."

"Buddy? Like sa Girl's Scout?"

"Parang ganoon na nga. Kadiwa ang proper term. Buddy system rin ang mga Maharlika. Siya ang nag-handle sa akin sa mga missions namin."

"Pero hindi na ngayon?"

Hindi siya sumagot. Ibinaling na niya ang tingin sa daan. "Dito na tayo." Lumiko siya sa kanan. Ngayon ko lang napansin na nasa dulo na pala kami ng first floor. Agad kong sinundan ang pagpasok niya sa malaking pinto. Bumungad ang isang tahimik na lobby. Walang katao-tao rito. Ilang upuan ang walang lamang nakatambay roon. Tumutunog ang bawat hakbang namin sa sahig na tiles na nage-echo sa buong room.

Gumiya si Lily sa isa pang pinto papasok. Nang makalapit ay rinig ko na ang malakas na boses ng dalawang lalaki. Tila galit ang isa at ang isa naman ay may maangas na boses ngunit kalmado pa rin. Nag-aaway ba sila?

"Shhh," pigil sa akin ni Lily. Hindi siya agad pumasok ng room. Dahil siguro may nag-uusap pa sa loob. Mataman kaming nakinig muna.

"Kailangan niya ng proteksyon ng lugar na 'to," mariing sabi ng isa.

"I already told you, Simm. This world has its rules. Different beings need different placements. Kapag nagsama-sama sila, it will only results to chaos. And we don't want it here," paliwanag ng may matatas na pananalita. "Klab Maharlika had seen the roughest days. Everyone of us seeks the same thing- order."

"You have no right to impose your own beliefs on us. Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong ng isa't isa, hindi ba? Hindi porke't maligno ay may masama ng hangarin."

"I do believe that, Simm. You're a smart man. We commend you for your great service. Let's keep it that way."

Narinig kong dumura muna si Simm bago sumagot. "Kung hindi lang ako hinlog ni Guidala ay hindi niyo na ako magagamit sa mga misyong kayo mismo ay 'di kayang isagawa." Guidala? Anito rin ba iyon? So, half-half pala siya. Kaya siguro hindi ko agad nahalatang may lahing maligno rin siya. "You're a coward."

"I am aware of you're special ablities. But please, we do have our own skills. Sabi mo nga, the only thing keeping you here is your Maginoo blood. 'Wag mo nang ubusin ang pasensiya ko."

"I know. But this time, hindi mo ba pwedeng kupkupin ang mahihina? Akala ko ba ay santuaryong maituturing ang lugar na ito kung 'di nito tinatanggap ang mas nangangailangan. She's a Maginoo too-"

"N-n-no. I don't believe that. Enough with your delusions, Simm. Asuang is an anito but his monstrous descendants aren't and will never be. Kahit baligtarin mo pa ang mundo, isang halimaw si Oryol at kahit kailan ay hindi siya matatanggap ng lahing Maharlika, maging ang kaniyang angkan."

Biglang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Ako ba ang tinutukoy nila? Ako ba ang pinaguusapan nila? Bakit sabi ni Lola ay bayani ang turing kay Oryol? So, kay Asuang nagmula ang lahi namin? At bakit kailangan nilang magtalo?

"Do you really belive that?" paghahamon ni Simm. "Kung hindi lamang iniangat ka ng posisyon ng Tagapayo-"

"Enough." May panginginig sa sagot ng lalaki. Parang nahuli ni Simm ang kinatatakutan nito. "She's a very dangerous girl. Madaming kaaway ang nilikha ng angkan niya at 'di na namin kasalanan 'yon. We won't compromise the safety of this place just for the sake of one girl."

Ako? Sa ganda kong 'to? Kailan pa ko naging mapanganib?

"The last time that we keep someone like her, you know what happened." Rinig ko ang malalim na paghinga ni Simm. "She'll just stir misunderstandings dito sa Klab Maharlika."

Naiyakap ko ang mga braso sa aking katawan. May virus ba akong dala? Nakakahawa ba 'ko?

"Bakit mo ba pinagpipilitan, Simm? Why are you defending her? Hmm. Do you like her?" diretsong tanong ng lalaki.

Napataas ako ng kilay. What the heck? Kahit si Lily ay nabigla sa tanong na iyon at pinagmalakihan ako ng mata. "What?" bulong ko sa kaniya.

"Namumula ka."

"As if." Namumula na ako sa galit, sa inis nang dahil sa mga naririnig ko. Unti-unting numinipis ang pisi ko. Bakit ba kailangan sila ang mag-decide para sa akin?

"As if," sagot ni Simm. "She's selfish and arrogant. Kahit pa gaano siya katalino at kasikat, hinding-hindi siya magugustuhan ninuman."

Kumunot ang walang wrinkles kong noo. Nagsisimula ng lumabas ang usok sa maganda kong ilong. Bumabaon ang kuko ko sa aking malambot na palad dahil sa mahigpit na pagkakamao. That's it. I don't like this anymore.

"Ms. Gwen, ano pong gagawin niyo-"

Sa sobrang inis ko, nabunggo ko na si Lily para mapunta siya sa gilid at hindi na 'ko pigilan pa sa aking gagawin. Hinawakan ko ang doorknob at inikot para buksan ang pinto. "I'm not anyone's business. I'll do what I want!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok. Sinadya kong lakasan ang boses para marinig ng dalawang lalaki sa harapan ko.

Gulat na gulat si Simm na biglang napatayo. Nakanganga siyang humarap sa akin.

"Good morning, Gwen," bati ng kausap niyang lalaki na maayos pa ring nakaupo sa kaniyang swivel chair sa likod ng magara niyang desk. Manipis ang ngiti niya at ang kaaya-ayang mga matang nakasuot ng salamin ay nakatitig sa akin. Pamilyar ang kaniyang boses at ngayon ay ako pa ang nagulat.

"Ian?" blankong tanong ko.

"I apologize if we're talking behind you. Anyway, tulad ng sinabi mo, hindi nga tamang magdesisyon kami nang hindi ka nakakausap. Have a seat."

Nanigas ang mga paa ko, napako sa pwestong iyon. Anong gagawin ko?

"I'm sorry, sir. If you may," sabi ni Lily na nasa may pintuan pa rin at nakayuko. Tinanguan siya ni Ian bago lumabas ng silid na 'yon at isinarang maigi ang pinto.

Aba, kababagong friendship pa lang namin, iniwan ako agad. Kaming tatlo na lamang ang natira sa maliit na kwarto.

"Hindi ba may sasabihin ka?" tanong sa akin ni Simm na medyo naka-recover na sa pagkagulat. Suot niya pa rin ang paborito niyang itim na jacket. Mas lalo pa siyang nagmukhang sanggano sa makapal niyang bigote at balbas. Lalo na kung ikukumpara ko sa literal na maginoong si Ian. Bumalik muli si Simm sa kaniyang kinauupuan at nanahimik, umiiwas ng tingin sa akin.

Napilitan akong umupo sa isa pang bakanteng silya na mas malapit sa mesa ni Ian.

"We're listening, Ms. Gwen," sabi niya. Siya nga ba ang tinutukoy ni Tandang Felicia na Punong Maharlika? Parang ibang-iba sa presensiya niya kapag nasa school pero kung iisipin ay bagay na bagay rin sa kaniya.

"Ahmm. Ah." Napipi 'ata ang dila ko. Hindi ko alam ang mga salitang sasabihin. Huminga ako ng malalim. "S-sir Ian."

"Call me Paragon. That's my codename." Tinuro niya ang naka-display na name plate sa ibabaw ng desk niya. Paragon. Punong Maharlika.

"A-as I was saying, I'm a full-grown independent woman. I can live on my own."

"Independent woman. Tss," ismid ni Simm.

"Hoy, narinig ko 'yon."

"Ilang beses kang inatake at ilang beses rin kitang iniligtas. Sarili mo, 'di mo kayang ma-protektahan."

"Anong- Excuse me. Inutusan ba kitang gawin 'yon, ha, stalker? If I know, baka katropa mo pa sila at sinadya mong mangyari ang mga 'yon."

"What? Are you accusing me?" Napaigtad siya at napahawak nang mahigpit sa kaniyang upuan. "I'm one of the Patrols. I'm just doing my duty. That's all. Ikaw 'tong makasigaw ng todo para humingi ng tulong."

"At, bakit? Hindi naman tulong mo ang hiningi ko, barbaro."

"Ah, gano'n-"

"Enough, guys," saway ni Ian. Napatahimik kaming bigla. "See? Chaos. Hindi tayo magkakaigi ng ganito."

"Hindi ko rin naman gustong manatili dito sa kampo niyo."

"At saan ka mamamalagi, ha?" tanong ni Simm. "'Wag mong sabihing sa bahay niyo dahil wasak-wasak na 'yun ngayon at malamang ay nakaabang pa ang kalaban doon."

Oo nga, noh. Ngayon ko lang napagtanto. Pinilit kong makasagot. "K-kahit saan. Kaya kong mabuhay ng mag-isa."

"The fact na narito ka is just a proof na ligtas ka sa lugar na 'to. Kapag bumalik ka pa sa kabila, baka hindi ka na abutan ng bell ng school. Nakikiramay ako," biro ni Simm kahit hindi naman nakakatawa.

Naalala ko bigla ang ipinunta ko roon. "By the way, where's my sword?"

"Elmo's keeping it."

"Ano? Binigay mo sa bata ang isang mapanganib na sandata?" panggagalaiti ko.

"I've told you already, hindi siya simpleng bata. Mas kaya pa nga niyang ingatan 'yon kaysa sa'yo."

"And who are you to say that?" Ayan na naman siya sa panunuya niya sa kakayahan ko.

"You barely kept yourself alive during the attack."

Napatigil ako. He's right though. It's my fault kung bakit ganoon ang nangyari kay Lola. Nagpadala ako sa takot. Pero ipinangako kong hindi na 'yon mauulit. "Bakit? Sino bang kalaban na 'yan? Lumapit sila at haharapin ko. I have hidden talents, you know. Walang magagawa 'yang Rabot na 'yan sa akin."

Namilog ang mga mata ng dalawang lalaki. Parang tumigil ang kanilang paghinga sa kung anumang nabanggit ko. "Bakit? I told you, I have hidden talents. Pakita ko sa inyo... h-hindi pa lang kasi bumabalik."

"Interesting," turan ni Ian.

"That's not what we meant, Gwendolyn" paglilinaw ni Simm. "Are you saying na si Rabot ang kalaban ng lola mo? Siya ba talaga ang gumawa no'n?"

"Ang alin? Bakit? 'Yun ang huli kong narinig sa mga bibig ni Lola bago siya... bago siya gawing bato ng lalaking 'yon, or halimaw. Hindi ko masyadong nakita."

"Shoot! Siya nga," 'di makapaniwalang bulalas ni Simm. Tumayo siya at hinarap si Ian. "You know this is serious, right?"

Hindi agad umimik si Ian. Inayos niya ang salamin sa mata, nag-iisip.

"What? Bakit ayaw niyo na naman ako isama sa pinaguusapan niyo? Sino ba 'yung Rabot na 'yon?"

"He's the fiercest child of Asuang. Ang huling halimaw na nagapi sa bayan ng Ibalóng. Somehow, nagbalik siya at muling naghihiganti sa mga nakasaling sa kaniya noon. He's been linked with the killings of some of our comrades, ilang Maharlika na nagmula sa mga anito ng Kabikulan, dahil sa unique power set niya. But that's impossible! Matagal na siyang napaslang."

"Then, you're wrong," usal ni Simm. "Hanggang ngayon ba naman, Ian, alamat pa rin ang turing niyo sa mga kalaban. That's irresponsible leadership."

"Simmón!" Nagulat ako sa reaksiyon niya. Ngayon ko lang nakitang magalit ang napakainosente niyang mukha. "You're just a guest here, remember? Don't you dare question my authority."

I can't belive I'm witnessing two schoolmates arguing over some mythical being. Nag-igting ang panga nilang dalawa ngunit nakita kong nauna nang kumalma si Simm. Napagtanto niya sigurong walang patutunguhan ang away nila.

Ibinalik ni Ian ang tingin sa akin. "If what you are saying is true, I think... I think, he just found the one na may pinakamalaking kasalanan sa kaniya," paliwanag niya sa kalmado nang boses.

"Sino?"

"Si Oryol, his sister." Muli na naman akong kinabahan. Tumaas ang lahat ng balahibo sa balat ko. Lumamig 'ata sa silid na 'yon at bigla akong kinilabutan. "And if the accounts are true, you're her last pure descendant, Ms. Gwen."

"A-akala ko ba, ang habol niya ay 'yung gintong bolo?" tanong ko. Medyo naguguluhan na ako sa explanation nila.

"Well, yes. That's the only weapon na nakatalo sa kaniya. Maybe, he's trying to disarmed you bago umatake."

"Another thing," singit ni Simm. "We know one of his limitations."

"Ano 'yun?"

"He can only turned someone into a stone if the victim is on its true form." 'Yun ba 'yung tinutukoy ni Tandang Felicia na tunay na anyo? Kaya ba nagawa niyang gawing bato si Lola ay dahil pinili niyang iligtas ako sa mga kalaban sa anyong-ahas na matagal na niyang itinatago. Napapaluha na naman ako kapag naaalala ang nangyari.

"Ian," tawag ni Simm. Napalitan ang kaniyang galit at panunuya ng kaseryosohan. "He's one of the most wanted Maharlika-killer. We've been tracking him for years."

"What are you proposing?" tanong ni Ian na may ngiti sa labi.

Mukhang nahulaan ko na ang mga naglalaro sa kanilang isipan. Ayoko nang ma-OP lagi. Hindi ako pinalaki ni Lola para maging itsapwera. Tumayo ako para sa isang desisyong sana'y hindi ko pagsisisihan. "Here's my proposal. Since, ako ang hanap ng halimaw na 'yon, I'll help you kill that monster. In exchange, you have to change your policies and start to keep malignos and people with maligno-blood here in your Klab... Paragon."

Nakatingin lamang ang dalawang lalaki sa akin. Alam kong hindi na gumagana ang kapangyarihan ko dahil kung oo ay kanina pa sila nag-agree sa sinabi ko.

"Hindi madali ang sinasabi mo, Miss Gwen. In fact, the Chapter Advisor insisted those policies."

"Ian. Ian. Ian," patawang sabi ni Simm. "Sunod-sunuran ka na naman. She has a point. Not that I wanted to come back here but these policies severed our old ties with malignos. They're not the enemy." May pag-iling pa siya ng ulo. "And I think kaya mong i-explain sa Tagapayo ang proposal na 'to. Hindi ba't doon ka naman magaling?"

Ilang segundo nag-isip si Ian. Mas lalo pang lumalim ang grado ng salamin niya sa mata. "Fine. Pero kahit ako ang Punong Maharlika, hindi lamang ako magdedesisyon. Just like what Bantong did, bring that monster's head on my desk and I'll let the Advisor and the Council decide about your concern."

"That's unfair!" maktol ko. "Bakit paguusapan pa? It's either yes or no. Deal or no deal."

"I'm sorry to disappoint you, Gwen. It's not that easy. But take my word. Kung matutupad niyo ang usapan, ako mismo ang unang boboto sa kagustuhan niyo. I have the biggest vote for any decisions the Council has to say."

"Okay, fine. She'll stay here," kompiyansang sabi ni Simm.

"I'm afraid no. I can't. Right now. Nasa mission lang ang Advisor kasama ang ilang recruits. Anytime, babalik sila. We're also busy para sa parating na cluster meet."

"Daming dahilan." Napakamot si Simm sa malago niyang buhok. "So where does she supposed to go?"

"Well, it's not my problem."

"That's okay. Kaya ko 'to," sabi ko.

"No, you're not okay."

"Then guard her, Simm. Hindi ba't matagal mo na ring gustong mapaslang ang halimaw na iyon kung totoo ngang bumangon siyang muli? Live up to your name, 'maligno-slayer'. After this has been settled, maybe the time has come to come home."

"I'm not agreeing with any of this."

"Deal," mariin kong sabi. Malakas na buntong-hininga ang narinig ko kay Simm at smirk naman kay Ian. Sapat na 'yon sa akin para malamang sang-ayon sila sa kasunduan or at least wala silang magagawa. "So, paano? May sanduguan ba tayong dapat gawin to seal this?"

"No need for that, Ms. Gwen. Just mark my word. In the presence of Idiyanale, my ancestor and my deity, this is my oath."

Boom! Kumulog ba sa labas?

"Anyway, it's already 5 to 7. Makakahabol pa tayo sa flag ceremony. Pwede mo ng ihatid si Ms. Gwen palabas ng Klab Maharlika, Simmón."

Agresibong bumangon si Simm. Nabwisit na siguro sa katatawag sa kaniya sa pangalang iyon. "Sure, munchkin," sarkastiko niyang tugon bago tumalikod. Itinaas niyang muli ang hood ng jacket niya at ipinasok ang mga kamay sa bulsa bago lumabas ng silid.

Awkward pa akong nagpaalam kay Ian. Hindi talaga ako makapaniwalang siya ang Puno ng ganitong klase ng akademya para sa mga Maharlika. Kaya pala hindi siya ganoon ka-involve sa mga school activities dahil siya mismo ay may pinalalakad na eskwelahan, sort of. I wonder why he studied sa General Escudero High, eh, marami namang school sa Manila na mas babagay siya. Isa pa, kung totoo nga ang sinabi ni Simm, maraming malignong nagkalat sa school. Bakit parang hindi naman siya nababahala?

Lakad-takbong hinabol ko si Simm sa hallway. Ambilis niya. Nasa open field na agad siya, palapit sa higanteng puno ng Balete. "Wait for me!" Saan ba kami pupunta? Paano kami makakapasok sa school? Si Lily ba, nakaalis na? Parang mas gusto ko pa sa kaniyang sumama kaysa sa mokong na ito. At bakit nga ba pinagpipilitan niyang dito ako mag-stay sa Klab Maharlika?

'Di ko pa rin maiwasang mamangha sa aking mga madaraanan. Kung may time pa sana akong maglibot. 'Di pa rin maalis ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng ibang estudyanteng naroroon. Dahil sa malalim na pag-iisip ay nabangga pa ako sa likod ni Simm. "Aray ko. 'Bat tumigil ka kaagad?" Nasa tapat na pala kami ng puno. Grabe, kasing-lapad ng stage namin sa school ang buong katawan ng Balete.

"Miss-", tawag niyang walang kagana-gana. Kulang pa 'ata sa tulog.

"Gwen ang pangalan ko."

"You might think that you're a really smart person pero sa mga sinabi mo kanina, pinapanalo mo lamang si Ian."

Ay, wow. Anlakas makapagsalita ng lokong 'to, ah. "I don't think so." Naghalukipkip pa ako ng mga braso.

"Look. Ian came from Idiyanale's line, deity of labor and good deeds. Likas sa kaniya ang pakikipag-usap. Never pa siyang natatalo sa pakikipagargumento. Kaya siya rin sa ngayon ang inatasan ng kasalukuyang Tagapayo sa pamamahala. His words are his weapon. So better not talk to him at all for your own safety."

Sa nasaksihan kong pagtatalo kanina, mukhang may katotohanan nga ang sinasabi niya. Pero kahit na ganoon, hindi ako papayag na palagi na lamang mananahimik. "And so?" pagpapanggap kong parang walang pakialam kahit sa totoo'y unti-unti kong naiintindihan kung gaano ako kahangal sa pagpayag sa proposal na 'yon. I really feel dumb kapag nakakarinig ng mga terms na hindi ako pamilyar. Bakit kasi walang nagturo sa amin sa school ng tungkol sa mga anito at maligno? Kamalayan ko ba kung sino 'yung tinutukoy niyang Idiyanale.

Tumawa lang si Simm. "I still can't believe you're a descendant of Oryol. Are you sure you know what you are dealing with, princess?"

To be honest, I don't know anymore. Hinayaan ko na lang ang sarili kong kainin ng kabwisitan imbis na isiping maigi ang sinasabi niya. "I said, my name is Gwen."

"Pfft. Whatever. I still don't agree with some of the terms you have made."

"And then?" May pag-irap-irap pa ako.

"I just wanna say..."

"Say what?"

"Brace yourself." Bigla niya kong hinablot at tinulak patungo sa katawan ng puno. Nawalan na ako ng balanse at naramdaman ang sariling nahuhulog.

Aahhhk! Tumama ang likod ko sa ilang bunton ng mga lumang libro. Nagkalat ang alikabok sa paligid. Aray! Napahawak ako sa tadyang ko habang bumabangon. Nagkapasa 'ata sa ginawa ng lokong iyon.

Nang maglinaw ang aking paningin ay saka ko lamang naintidihan na nasa loob pala ako ng library ng school, sa may restricted area kung saan nakatambak ang ilang librong matagal ng hindi nagagamit. Walang tao roon.

"Boo!"

"Ay, kabayo!" gulat ko sa biglang sulpot ni Simm sa may pader ng kwartong iyon na nadedesenyohan ng mapa ng Pilipinas. "Saan ka galing?"

"Ambilis mo namang makalimot."

Anong ibig niyang sabihin? Sa pader na ito ang lagusan papuntang Klab Maharlika? Lumapit ako para kapa-kapain ito pero mahunang kahoy lamang ang aking nadama.

"You need to be invited by a member bago makapasok. At hindi lang 'yan ang lagusan papunta roon. Madami pa."

Napatingin lang ako sa kaniya, sinusubukang i-absorb ang mga nangyari.

Rrringgg! Malakas ang tunog ng bell hudyat ng pagsisimula ng flag ceremony. Shemay, bawal ako ma-late. Sigurado, tutuksuhin na naman ako ni Andrea kapag nakitang nahuli ako sa pila. Baka mapuntusan pa ako ni Ma'am del Valle.

"Bilsan mo," aya ni Simm bago lumabas ng silid.

Dumaan kami sa likuran ng school ground para 'di masiyadong mapansin dahil maayos nang nakalinya ang lahat ng estudyante.

Agad na nagpunta si Simm sa may Garden 12. Ang dami ko pa naman sanang gustong itanong pa sa kaniya. Dahan-dahan akong lumapit sa pinakadulo ng pila ng Grade 10-Ibalóng. At 'di ko inaasahan ang makikita roon. Ang dalawang taong akala ko ay patay na ay nasa unahan ko mismo, sina James at Eya, buhay na buhay. Magka-holding hands pa.

************************************
End of First Act.

This is officially the longest chapter I have written so far. 4.7k+! ⊙﹏⊙

Anyway, thanks for reading!
。◕‿◕。

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top