18. Lihim na Sumpa ng Isang Sarimaw

LABINGWALO
ᜎᜊᜒᜅᜏᜎᜓ
LIHIM NA SUMPA NG
ISANG SARIMAW

NARANASAN mo na bang abutin ng bagyo sa labas ng bahay? Like sobrang bigat ng suot mong damit dahil basa at dumudikit pa sa balat mo. Pagkatapos ay ang hirap huminga dahil sa malakas na hangin at ulan? Then suddenly, dadaan ang mata ng bagyo. Biglang titila at tatahimik ang paligid. That's what I felt at this moment. Wari'y naghihintay lamang na dumating ang kalahating bahagi ng bagyo, ng panibagong unos, na hindi pa pala tapos ang gulong ito.

I kept my stares at him sa kabuuan ng paghakbang ko. Hindi ko inalis 'yun hanggang sa maglapit kami ng at least isang dipa.

Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Pagala-gala ang mga mata niya sa paligid na parang batang napagalitan ng teacher. Nakasuksok sa bulsa ng kaniyang pantalon ang mga kamay niya. Nakapagpalit na siya ng simpleng T-shirt kaya mas nakita ko ng maayos ang mga tattoo niya sa balat. Nag-iisa lang kasi ang paborito niyang itim na jacket na nasaksihan kong mawasak kahapon.

"Who are you waiting for?" basag ko sa katahimikan. Mataas ang tirik ng araw. Ni hindi umiihip ang hangin. Parang nakatigil ang oras ng sandaling iyon. "Simm," tawag ko sa kaniya. Pinahalata ko ang inip ko.

Sa wakas, napunta rin ang titig niya sa akin. Magta ang mga mata niyang salo ng malalaking eyebags. Parang 'di siya natulog ng limang araw. Magulo rin ang buhok niya at nagsisimula na ring lumago ang bigote at balbas niya.

Maging ang katabi niyang si Elmo ay bagsak ang mukhang 'di ko maipinta. Sinubukan niyang sumalo sa Master niya. "A-Ate—"

"'Di ikaw ang tinatanong ko."

Napalunok siya ng laway at napayuko. Alam ko. Medyo harsh pero kailangan kong gawin.

"We're waiting for you," sabi ni Simm sa napakababang tono.

"What for?" mataray kong tugon.

"A-Are you okay now? Wala na bang masakit sa katawan mo?"

"Why do you care?"

Tumahimik siya ng ilang segundo. Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago niya sinimulan ang pagpapaliwanag. "We belong to the same club, remember?"

"Stupid!" Nagulat silang dalawa sa pagsigaw ko. "Hanggang ngayon, iyan pa rin ang iniisip mo? Simm! Ilang beses na akong muntikang mamatay. And I owe my life from you for saving me more than once. Pero—" May bumara sa lalamunan ko. Hindi ko na lang namalayang tumutulo na ang luha ko.

Lalapit sana si Elmo para aluin ako pero iniharap ko ang palad sa kaniya para pigilan siya. I don't want to be consoled anymore. Walang lambing na makapipigil sa akin para sabihin ang gusto kong sabihin. Napasinghot pa ako dahil bigla akong sinipon bago ipinagpatuloy ang sasabihin.

"I'm not mad for not telling me why you kept on saving me . . . or the fact that you tried to be a friend because of your selfish reasons. Simm, hindi ako galit doon. Kung sinabi mo lang sa akin, willing ako. You know what really hurts more? To know the truth from someone else while you keep on lying in front of my face."

"Gwen," tawag niya. Mga mata niya'y tulad ng titig niya sa akin nung matapos ang labanan at makabalik siya sa normal niyang anyo. Para siyang kriminal na nahuli sa sariling kasalanan.

"No! Don't look at me like that. I don't need your awa. Alam ko na mahina ako pero sa ginagawa mong 'yan, mas lalo mo lang ipinapakita sa'kin na wala akong kayang gawin."

"I'm really sorry. I'm waiting for the right time to tell you."

"Right time? That's what my lola said to me before we get attacked by the enemies. Keeping secrets doesn't keep anyone safe. It does the opposite. Kung nalaman ko lang agad, mas madali kong matatanggap."

"I know. And it's all my fault. Isa akong duwag, Gwen. Isa akong malaking duwag. At kung hindi mo ako mapapatawad, tanggap ko 'yun. It's true that . . . I want to be healed from this curse. Kahit ano pang dahilan na sabihan ko sa 'yo, hindi iyon sapat. Hindi ako nagmamakaawa. In fact, nawala na sa isip ko ang hangaring iyon. When you came . . . only one thing took my mind. And it is to prepare you for your destiny."

"At ano na namang kalokohan ang sinasabi mo?"

"We all have our purposes. May dahilan kung bakit tayo pinagtagpo sa maliit na eskwelahan na ito. We both have the same goal, to kill Rabot. Anytime ay pwede na siyang umatake once na makumpleto ang anyo mo. I'm offering my service to help you defeat him." 'Di ko inasahan ang pagluhod at pagyuko niya. Napaaray pa siya ng kaunti at napahawak sa kaniyang tagiliran.

Umakay si Elmo. "Master, dahan-dahan. Hindi ka pa lubusang gumagaling."

Nakaramdam ako bigla ng awa sa kaniya. Oo nga pala, nasa true form niya siya kahapon noong labanan. Malaki ang natamo niyang sugat mula sa mga kalaban. Kahit pa may kapangyarihan siyang makapapaghilom sa mas mabilis na oras kaysa normal, hindi iyon sapat sa laki ng natamo niya.

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Nag-antay siya ng sagot. "I don't need your help anymore."

Sabay pa silang napaangat ng tingin sa akin.

Napansin ko ang bolo na nakasabit sa beywang niya, ang sandata mula kay lola. Sa kabilang beywang niya ay ang kaluban ng K'filan niya. Hindi niya talaga ito maiwan kahit pa putol na.

"Give me back my weapon," utos ko.

"Pero Ate, hindi mo kaya—"

"Don't tell what I couldn't do, Elmo. Isa ka pa sa nagkunsinti sa kaniya."

"Don't blame him, Gwen." Tumayo na si Simm at nagseryoso ang tono. "He didn't know anything about my plans. The only thing he knew is that I'm a sarimaw and I forced him to not tell you because I'll be the one to do so."

Napangisi ako. "Fine. Just give my sword back."

Ngunit hindi siya gumalaw. Tinitigan niya ako ng malalim, hinukukay ang kalooban ko ng maitim niyang balintataw. He's holding back his emotions.

"Master," tawag ni Elmo. "Ibigay mo na. Siya ang nararapat na gumamit n'an."

"He's right," gatong ko. "It's from my lola. I'll be the one who will kill Rabot, ang halimaw na nag-transform sa kaniya sa pagiging estatwa."

"We promised to each other, Gwen!" mariing sagot ni Simm. Mahigpit ang hawak niya sa bolo ko. "We'll both kill him. Hindi mo kakayaning mag-isa. I know that you don't need anyone else but—but I just wanna make sure that you'll be successful, that you'll be safe."

"Bakit ba obssessed ka sa safety ko? Hindi naman tayo magkaano-ano. We're basically strangers days ago."

Napayuko siya para itago ang matinding lungkot na nadarama niya. "I already know you even before I came here at school."

Kahit si Elmo ay napanganga sa sinabi niya.

"What did you say?"

"Your lola came to me. She asked for my service to kill Rabot. She already knew that time would come, he'll come after her . . . then after you."

Ang buong akala ko, sapat na ang mga lihim na nabunyag sa araw na iyon pero mukhang mababaliw na ako.

"And since I also have a grudge for him, I accepted the offer not knowing that—that we'll know each other more. She knew na nalalabi na ang oras niya. Na kailangang may gumabay sa maiiwan niyang apo."

"Anong pinagsasabi mong maiiwan? Kapag napatay ko si Rabot, babalik na siya sa dati, right? Pinangako mo sa akin na babalik siya sa dati. Simm, 'di ba? Sinabi mo, 'di ba? Sabi mo—"

"You know what I mean. I'm really really sorry, Gwen." Ang mga salitang iyon ang nagpahina sa kalooban ko.

Hindi ko na kinaya ang emosyong nararamdaman ko at napaupo na lamang. Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha at humagulgol. Nage-echo ang iyak ko sa buong school ground. Naramdaman ko na lamang ang init ng katawan ni Elmo habang niyayakap niya ako.

". . . Even if he dies, his victims won't ever come back." Parang patalim ang bawat salitang iyon na tumusok sa puso ko. Iyon lang ang tanging bagay na pinanghahawakan ko para ipagpatuloy ang laban, na sa bawat gising ko ay isa pang araw upang mapalapit sa hinahangad ko. Nakailang usal ako ng dalangin, sa mga tala, sa mga anito at sa Maykapal ngunit bakit ganito? She's my only family. She's everything to me. Why? Why do they have to do this?

Unti-unting bumabaw ang mga luha ko nang maaalala ang walang lamang titig ni Lola sa estatwa niyang anyo. Naisip kong habangbuhay siyang magiging ganoon. Pero hindi ako papayag na hindi magbabayad ang gumawa sa kaniya n'on.

Napabitaw si Elmo nang tumayo ako. Nilapitan ko si Simm at inagaw ang bolo ko. "Give me that."

Sinubukan niya pa iyong bawiin ngunit napa-aray siyang muli sa mga sugat niya sa katawan.

Nang makuha ko ang bolo ay agad ko ring isinakbit sa bewang ko.

"Gwen, please. Whatever you want to do, don't do it."

Hindi ako sumagot. Ano pa bang ikatakot ko kung hindi ko na rin naman makikita si Lola kahit kailan. Oo, mahina ako pero ang galit at poot na nararamdaman ko ngayon ay sapat na para magbigay sa'kin ng lakas na kaharapin ang kalaban.

"Elmo," tawag ko sa batang santelmo. Alam niya ang ibig kong sabihin kaya mabilis siyang lumapit sa akin. "Kung sakaling makumpleto ang anyo ko at dumating ang kalaban, I want that to happen in front of my Lola."

Tumango si Elmo bilang tugon. Pinaningas niya ang buong katawan sa nag-aalab na berdeng apoy at dahan-dahang umangat sa lupa. Hinawakan ko ang kamay na inalok niya.

"N-n-no! Please, Elmo!" sigaw ni Simm. Lalapit sana siya ngunit may pumigil sa paghakbang niya.

Pag-angat niya ng paa ay dumungaw ang isang maliit na daliri sa lupang sahig. Hindi na ito gumagalaw dahil sa pagkakatapak niya. Dahil doon, lumabas ang ilan pang mga daliri mula sa lupa at humawak sa kaniyang dalawang binti. "Let go off me!" sigaw niya ngunit patuloy ang pagdami ng mga Idaemonon.

Nagsimula na kaming lumipad ni Elmo. Nakatingin lamang ako sa nagmamakaawang tingin ni Simm. Ang mga daliri ay nagka-kamay at umabot pa sa beywang niya. Nahirapan siyang ilabas ang dalawang pakpak niya. Malala ang pagkakabali ng mga ito ngunit sinubukan niya pa ring pumagaspas.

Kahit ano pang gawin niya, hindi n'ya kami maabutan ni Elmo dahil mas mabilis ang paglipad ng isang santelmo. Tuluyan na naming iniwan si Simm sa school ground at nagtungo sa direksyon ng aking bahay.

Lola, magkikita tayong muli. Pangako 'yan.

***

MAS masarap sana umiyak kung umuulan. Kaso hindi nakikisama si panahon. Ang init na nga ng tirik na araw, ang init din ng kamay ni Elmo. Natuyuan na ako ng luha at laway.

Mabilis kaming nakarating sa Villa. Nadaanan pa namin 'yung mga mukhang taong-paniki na nakatambay sa may kable ng kuryente sa kanto. Iniwasan iyon ni Elmo habang lumilipad kami. "Mga abat," tawag niya sa mga ito. "'Wag mo silang pansinin masiyado. Hindi naman sila nangangambala."

"Pero hindi ba sila napapansin ng mga tao rito? Tanghaling-tapat, oh."

"Mga bata siguro, pwede pa. Pero hindi na ganoon kalakas ang paniniwala ng mga matatanda sa kababalaghan kaya otomatikong 'di na sila pinapansin at aakalain pang malalaking ibon lang."

May tawag doon, eh. Selective Attention ba 'yon? Cognitive Bias? 'Yung shina-shutdown na ng isip natin ang mga weirdong bagay at pinagmumukhang normal lamang. I wonder if gano'n ang nangyayari sa kanila everytime na may mga kakaibang nangyayari sa bayan namin?

Kaya siguro wala ring pulis o barangay na nagimibistiga sa bahay namin nung gabi ng atake. Sabagay, wala namang nakakakilala sa aming mga kapitbahay.

Bumaba kami ni Elmo sa tapat ng malaking pintuan. Bakas pa rin ang pagkawasak rito. Ni hindi ko na kinailangang gamitin ang susi dahil kusa na itong bumukas.

Magulo pa rin ang sala mula sa atake ng mga tauhan ni Rabot. Kung sakaling magkaroon muli ng isa pang labanan, baka tuluyan ng bumigay ang bahay.

Nagmadali na akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Hindi ko talaga mapigilang umiyak nang makita ko na naman ang nakatigil na ekspresyon ni Lola. Nawala na ang dating pag-asa na nararamdaman ko dahil alam kong hindi na siya babalik kahit kailan.

Hinayaan lang ako ni Elmo na yapusin muli sa estatwa at haplos-haplosin ang mga pisngi ni Lola. Naninikip na naman ang dibdib ko sa paghikbi. Dinamayan ako ni Elmo sa pagyakap.

Nang makatahan ay niyaya ko na siyang umupo sa may kama. Sinigurado kong naka-lock ang pinto at nakakapit ang aking mga kamay sa hawakan ng bolo. Kung sakaling makumpleto ang anyo ko, dapat ay handa kami sa mangyayaring labanan.

Grabe, ang gulo pala ng kwarto ko. Ngayon ko lang napansin. Pero hindi ko kayang kumilos para maglinis. Baka mawala na naman ang alerto ko at may biglang lumusob.

Komportableng umupo si Elmo sa tabi ko. Pinatay na niya ang nag-aalab niyang mga apoy. "Sigurado ka na ba, Ate, sa balak mo?"

"Ang totoo n'an . . . hindi," pag-aamin ko sa kaniya  "Hindi ko alam gagawin ko. Ayoko lang talagang makita muna si Simm sa harap ko."

"Galit ka pa ba sa akin?"

Hinawakan ko ang malalambot niyang pisngi at iginiya ang tingin sa akin. "Pasensiya na talaga kung matoyo ako lately. Hindi ko dapat ikaw dinamay sa paninisi. Alam ko namang wala kang kasalanan. Dala lang siguro ng emosyon . . . saka 'tong period ko."

"Period?"

"Ah, wala. Basta, hindi ako galit sayo. Never. Hehe." Tumawa ako ng bahagya para mawala ang tensyon sa katawan ko.

"Ano kayang mangyayari kay Master? Pero kasalanan din naman niya kasi. Hindi ko rin alam na may ganoong misyon pala siya."

"Paano ba kayo nagkita?"

"Hindi ko na halos matandaan, eh. Ang sabi niya, nagkita raw kami sa isa sa mga misyon niya pero hindi pa ganoon kabuo ang kamalayan ko kaya hindi ko maalala. Simula no'n, sa kaniya na ako sumasama. Saka tumutulong rin sa ilang misyon niya." Tumango-tango lang ako sa paliwanag niya. "Kaya pala bigla na lamang kaming nag-enroll sa school para mag-aral. Akala ko, gusto lang talaga niya na magkaroon ng saglit na matitigilan."

Tinignan kong muli ang naging batong katawan ni Lola. Siguro nga'y ganoon niya talaga ako kamahal para ipagkatiwala sa isang maligno-slayer samantalang kami ay mga maligno rin. Pero bakit naman kasi hindi niya agad sinabi sa akin. Matatanggap ko naman. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos.

"Pero tama si Master." Napalingon akong muli kay Elmo. May kompiyansa sa boses niya. "Naniniwala ako na may dahilan kung bakit tayo nagkakilala, Ate. May mga tungkulin tayong gagampanan. 'Di ko pa lang alam 'yung sa akin." Ngumiti siyang kay tamis. "Nung tinanong mo 'ko kung anong ginagawa ko sa school, hindi agad ako nakasagot kasi hindi ko rin talaga alam. Pero naisip-isip ko na darating din ang panahon na malalaman ko rin ang silbi ko sa mundo kung bakit ba ang isang nilalang ng apoy na tulad ko ay nabigyan ng buhay." Kay sarap pagmasdan ng isang batang nangangarap at iniisip ang magiging purpose niya sa buhay.

"Hindi ka na nga talaga bata." 'Yun lang ang nasabi ko sa kaniya.

Nakonsensya tuloy ako nung sinigawan ko siya sa may backstage. Para namang ako mismo ay may purpose sa buhay. Samantalang umaasa lang ako kay Lola at sa scholarships para makatapos ng pag-aaral. Ni hindi ko pa nga alam kung anong career ang kukuhanin ko. Shems, paano nga pala ako makaka-enroll next school year?

"Anong gumugulo sa'yo, Ate?" Napansin niya 'atang kanina pa ako tahimik at nakatulala.

"Ah . . . wala naman. Paano ko ba malalaman kung nasa kabuuang anyo na ako ng isang irago?"

"Baka magkakaroon ka rin ng buntot tulad ng sa lola mo." Baka nga. Si Oryol ay may malaking buntot rin noon. Pero sana naman, maganda ang kalabasan. Baka magmukha akong palaka o ewan.

Dala siguro ng pagod ay unti-unti kaming nakaidlip ni Elmo. Nagising na lang ako sa malakas na ingay mula sa ground floor ng bahay namin na rinig ko kahit pa sarado ang pinto ng kwarto ko.

Nagpunas pa ako ng muta at sumilay sa bintana. Palubog na ang araw, kulay kahel ang langit. "Elmo, gising na." Inalog-alog ko siya. Sabay na nagningas ang katawan niya nang magising. Nataranta pa kami nang muntikan nang masunog ang kama ko. Naalis naman niya agad ang alab niya at napatay namin ang biglang nagliyab na apoy.

Dahil doon ay nagising na talaga kami.

"Hala, Ate. Gaano katagal tayo nakatulog?"

"Sa tantiya ko, mga dalawang oras lang naman siguro."

"Gwen!" tawag ng isang lalaki sa baba.

"May tao." Agad kaming tumayo ni Elmo. Lumapit siya para buksan sana ang pinto. "Wag!" pigil ko. "Baka kalaban 'yan."

Kinabahan rin naman siya at umurong papunta sa akin para magtago sa likod ko. Narinig siguro ng tao sa labas ang sigaw ko. Ramdam ko ang vibrations ng mga hakbang niya habang umaakyat sa hagdan.

"Gwen!" tawag niya sa labas ng pinto at nakailang katok pa. "Alam ko nandiyan ka."

"S-Sino ka?"

"Si Rome 'to."

"Hindi ako naniniwala." Mahirap na. Baka nagpapanggap lamang siya na si Rome.

"Hala ka, girl. Ako pa ang pinagdudahan mo. Si Rome nga 'to."

"Ate, si Kuya Rome nga 'ata 'yan," sabi sa akin ni Elmo."

Sa dami ng nanloko sa akin, ayoko nang magtiwala. "Patunayan mo!" sigaw ko.

Hindi agad sumagot ang lalaki sa labas. Nag-iisip siguro.

"Ahm . . . Ano ba sasabihin ko dapat?"

"Aba, malay ko. Magpakilala ka, gan'on. Magsabi ka ng bagay na ako lang ang nakakaalam."

"Like what? Like ako si Rome? Mula sa lahi ng mga babaylan. Nagmahal. Nagkamali. At nagsisisi. Girl, nahihiya ako sa pinagsasasabi ko rine. Buksan mo na 'to."

"Hindi pa rin ako naniniwala," pagmamatigas ko.

"Aba, matinde. Kanina pa kita hinahanap sa school."

Mas lalo akong nagduda sa kaniya. "At bakit naman? Sabado ngayon. Walang pasok. Anong ginagawa mo sa school, ha? Isa kang malignong nagpapanggap na si Rome."

"Okay, fine. I saw something kaninang tanghali habang naglalaba sa may amin. May pangitain na naman ako. Remember last time, it's about wind and rain? Nabalitaan ko nangyari sa Klab Maharlika."

Maybe he's telling the truth. Pero hindi ko pa rin inalis ang mahigpit na hawak sa dulo ng bolo ko.

"This time, it's about fire and earth naman. Not exactly earth . . . parang stone siya. May parang malaking estatwang gawa sa bato ang umaaligid sa school kaya pumunta ako roon para mag-imbistiga."

"Detective ka na rin, girl?"

"Gwen naman. Malakas ang kutob kong may mangyayari na namang masama. And guess what?"

"Ano?"

"I saw Simm. May kasama siyang babae."

Nakaramdam ako ng kakaibang feeling. "Eh, ano naman. Pake ko kung sinong kasama ng mokong na 'yon."

"Ate, namumula ka." Napansin din pala ni Elmo.

"Girl, 'yung kasama niyang girl . . . ikaw! Kamukhang-kamukha mo."

"Anong ibig mong sabihin?" Napalunok pa ako ng laway sa narinig. Bumalik muli ang kaba ko at nagsisimula na namang manigas ang katawan ko.

"As in ikaw na ikaw talaga kaya sinundan ko sila . . . sa may Science Building. Nakita ng mga mata ko, nung maihatid niya si Simm papasok ng building, nag-iba siya ng anyo. Isang lalaki. Trans."

"Ano 'ka mo?"

"I mean, basta. Naging gwapong lalaki siya, eh. Blue ang eyes. Mestiso. Artistahin. Parang nakita ko na nga siya sa school, eh. Kung alam ko lang pangalan, baka na-stalk ko na."

Gwapo? Blue ang mga mata? Hindi kaya si James 'yon? Bumalik na ba siya sa school?

"Paanong—" Nag-isip akong mabuti. "Isang engkanto ba ang tinutukoy mo?"

"Ah, ewan. Basta nag-transform siya. Amoy maligno."

"Imposible," singit ni Elmo. "Madaling malalaman ni Master ang tunay na anyo ng isang simpleng maligno. Lalo na kung nakasalamuha na niya mismo. Kaya imposibleng sasama siya roon na parang walang alam."

"Malay ko," tugon ni Rome.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Tama naman si Elmo. At mukang nagsasabi rin ng totoo si Rome. Pero bakit naman siya sasama kay James . . . unless.

Hinila ko palabas ang patalim ng hawak kong bolo. Bakit hindi ko agad ito binuksan. Magaan. Sabay kaming nagulat ni Elmo sa tumambad sa amin. Hindi gintong bolo ang sandatang kanina ko pa dala. Isang putol na espada lamang, ang K'filan ni Simm!

Paano nangyari 'yon? Hindi kaya ipinagpalit niya kanina nung binawi ko ang bolo ko?

Nakaramdam ako ng hilakbot sa naiisip ko. Kung totoo nga ang premonisyon ni Rome, baka kusang sumama si Simm para kaharapin nang mag-isa si Rabot!

"Ano, girl. 'La pa rin? Hindi mo pa rin ako papapasukin?"

Hindi ko siya masisisi dahil ako naman ang unang tumaliwas sa pangako namin. Pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sa kaniyang masama nang dahil sa kapalarang ako dapat ang tumupad.

"We need to go back to school!"

************************************
Salamat po sa matiyagang paghihintay.
Awit, may readers pala ko. ಥ‿ಥ

'Pag ready na ang lahat, I'll share the good news with you.

Thanks for reading.
。◕‿◕。

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top