14. Ang Nakaraan ay Siyang Kasalukuyan

LABING-APAT
ᜎᜊᜒᜅ᜔-ᜀᜉᜆ᜔
ANG NAKARAAN AY SIYANG KASALUKUYAN

WE didn't even check Elmo kung nakauwi na siya sa taxi. Mabilis na lumubog ang araw kaya nang makarating kami sa tapat ng Administrative Building ay madilim na. Tamang-tama lang ang oras para isagawa ang plano namin.

Siniguro naming wala ng guard na malapit sa dakong iyon. Dahil sa mga CCTV camera, ako na ang nagpasiyang pumasok sa Principal's Office ng mag-isa.

"You know what to do," sabi ni Simm.

"Oo, alam ko. 'Wag mo ng ipagdiinan." Dahil balat ko lang ang kaya kong i-camouflage, kinailangan ko pang maghubad ng damit, as in lahat ng suot ko kahit underwear. "'Lumayo ka, doon sa kabilang building 'yung makasisipat ka pa rin. Pero tumalikod ka muna. Maghuhudyat ako kapag pwede na at kapag nakapasok na 'ko," bilin ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot agad, nakatingin lang sa akin. Ano na namang inisip nito? "Hoy! Narinig mo ba sinabi ko?"

"Malinaw."

"Okay, go!"

Nang masigurado kong malayo na siya sa pwesto ko, sinimulan ko ng i-blend ang balat ko sa paligid. Mas nadalian ako ngayon dahil madilim ang kapaligiran. Malaki ang naitulong ng mga aninong sumasabay sa saliw ng preskong hangin.

Pagkatapos ay nagsimula na 'kong maghubad. Ipinatong ko ang suot kong damit sa may likod ng bust statue ni General Escudero na nakatambak lang malapit sa building.

Susi lamang ang dala ko. Ipinasok ko ito sa doorknob. Click! Napangiti ako sa tunog na 'yon. Sa wakas ay nakapasok rin. Dahan-dahan kong isinarang muli ang pinto at maingat na humakbang.

Inalala kong muli ang dapat ko lang gawin, bawiin ang K'filan ni Simm at kunin ang pulang sapatos na iyon. Kung totoo nga ang sinasabi ni DM, baka mapa-track namin kay Rome ang may-ari nito, kung si Principal Enrile nga ba talaga at kung paano namin makikita ang pagkilos nito.

Nilagpasan ko ang waiting area at pumasok sa room ni Principal. Madilim. Kinapa ko ang switch sa may gilid ng pinto.

Napausal ako ng pasasalamat nang makitang naroon pa rin ang espada ni Simm, nakasandal sa rack. Agad ko itong kinuha. Binuksan ko muna para makatiyak kung may laman itong patalim. Maingat ko itong kinipkip sa kili-kili ko.

Muli akong naghanap sa mga nakasalansang gamit. May nakita akong mga panyapak doon pero wala na ang pulang sapatos. Nasaan na 'yon?

Inisa-isa kong muli ang mga bagay na nasa tatlong baitang na rack pero wala talaga. Nagsimula na akong pagpawisan. At medyo kinabahan na rin hanggang sa narinig ko ang unti-unting pagbukas ng pinto.

Dali-dali akong pumunta sa likod ng pintuan para magtago. Saka ko naalalang invisible naman ang buo kong katawan. Sino 'yung pumasok?

"Gwen," bulong nito.

"Simm?" tawag ko sa kaniya. Luminga-linga lang siya dahil hindi niya ako nakikita. "Anong ginagawa mo rito? Sinabi ko ng magbantay ka sa labas."

Dahil sa inis, naipukol ko ang dulo ng espada sa ulo niya. "Aray!"

"'Wag kang sumigaw."

"Eh, pinalo mo ako, eh."

"Ano, iiyak ka na? Sa'yo na nga 'to." Hinagis ko sa kaniya ang espada na agad naman niyang nasalo. 'Di niya maitago ang saya sa muling pagbabalik ng sandata niya. Kinalikot niya ito at sinubukang kontrolin ang haba ng patalim.

"Maligayang pagbabalik, kaibigan," bati niya sa espada niya. Weirdo. "Teka, bakit ba kasi ang tagal mo. Sabi mo maghuhudyat ka?" tanong niya.

"'Di ko makita 'yung sapatos."

"Ako nga hahanap." Hinalughog niya rin ang mga gamit sa rack pero wala siyang nakita. "Baka naman nilipat lang ng pwesto." Ginala niya ang sulok ng opisina.

Nagsimula na rin akong maghanap muli. Hindi naman ganoon kalakihan ang office ni Principal Enrile. Ilang steel cabinets, mahaba niyang mesa, at mga nasa limang monobloc chairs lang ang naroon.

Dinako ko ang kabilang parte ng office niya na natatakpan ng estanteng puno ng mga trophies at naka-display na certificate. Tinungo ko ang direksyon papunta sa may banyo. May maliit pang espasyo roon para sa lababo at maliit na mesang kainan.

Tanda ko 'yon kasi nakapunta na ako roon isang beses nung may pinakuha si Ma'am del Valle na tocinong in-order niya at pinalagay sa miniref ni Principal Enrile.

Madilim. Kinapa kong muli ang switch sa may gilid ng banyo saka lumiwanag ang sulok na iyon.

"Aaahhh!" malakas kong sigaw. Nadangil ko pa ang mahabang mop na nakasandal sa pader nang maghanap ako ng mahahawakan sa pagkagulat.

"Ano 'yon, Gwen?" Mabilis na tumakbo si Simm sa kinapupuwestuhan ko. Napatigil rin siya sa nakita. Sa may kabilang side lang ng lamesa, katabi ng miniref, nakatayo si Principal Enrile. Kulay tanso ang buo niyang katawan, maging ang kaniyang kasuotan. Isa na siyang estatwang walang buhay. Mulat ang kaniyang mga mata at nakanganga, marka ng matinding sindak na naitugon niya sa sinumang gumawa n'on sa kaniya.

At sa pader na may kulay rosas sa likod niya ay may nakasulat na mga letrang gawa siguro sa sariwang dugo—ang mensahe ni Rabot para sa akin: HINIHINTAY KITA KAPATID.

GETTING ourselves back from being shocked wasn't that easy. Hindi na namin pinansin ni Simm kung ano ang magrerehistro sa CCTV footage nung lumabas kami ng office. Sinuot ko na uli ang mga damit kong nakatago sa likod ng estatwa, estatwang kamuka na rin ni Principal Enrile.

Hindi na kami naglakad pang muli. Walang inarteng pumasan ako kay Simm at lumipad kami diretso sa likod ng school building, sa naka-park na taxi sa pusod ng maliit na gubat na aking naging tulugan these last few nights.

Walang kabuwan-buwan nung gabing 'yon. Natatakpan ng ulap ang mga bituin sa langit. At ang tanging liwanag lang na nagbigay sa akin ng sigla ay si Elmo. Nakaabang na agad siya sa amin bago pa ako makababa. Mas lalong nag-alab ang berdeng apoy niya nang makita kaming dahan-dahang lumalapag.

"Ate!" sigaw niya sabay yakap sa akin. "Bakit antagal niyo?"

Hinaplos ko ang magulo niyang buhok na gawa sa apoy. "Kumusta ang tambayan? Nabantayan mo ba nang maigi?"

"Oo naman. Nakabit ko na lahat ng posters na pinalalagay mo. Iningatan ko rin ang bolo mo pabalik rito."

Nakalimutan ko na nga pala ang stroller bag ko. Hindi ko dapat basta-basta iniiwan sa kaniya. Napakadelikado. Baka siya ang sunod na puntiryahin ng kalaban kahit pa alam kong malakas ang apoy ni Elmo.

"Bumili na rin ako ng tinapay, hapunan niyo ni Master. Dumaan 'yung kliyente natin kanina. May kasama siyang lalaki. Nagmamadali sila, eh. Nag-iwan lang ng tatlong pirasong piloncitos." Iniabot niya sa akin ang plastic.

"Salamat." Pinilit kong ngumiti.

"May nangyari ba?" pagtataka niya.

Nagdalawang-isip ako bago magsalita. "Wala naman. Pagod lang. Alam mo ba, mission accomplished tayo sa first case natin. Thanks to you." Inalok ko ang palad ko at tinugon naman niya ng isang masiglang apir.

"Wow! Paano? Sabik na 'kong magkwento kayo."

"Ahm, Elmo," singit ni Simm habang chine-check nang mabuti ang bagong balik niyang sandata. "Mabuti pa ay matulog ka na ng maaga. May pasok pa bukas."

"Pero—"

"Elmo!"

"Simm!" sigaw ko pabalik sa kaniya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi mo siya kailangang sigawan, okay?" Binalikan ko ang batang santelmo. "Matulog ka na. Salamat dito sa pan de coco. Pagkakain, susunod na rin ako. Tara."

Inaya ko na siya papunta sa taxi. Wala naman na siyang angal na pumasok sa backseat at umayos ng pagkakahiga roon. "Bilisan mo lang, ate, hah."

"Mm," tanging naitugon ko bago isinara ang pinto. Pumasok na rin si Simm sa may driver's seat.

Pinili kong manatili sa labas muna. Naglakad ako padulo bitbit ang plastic ng pagkain. Umupo ako sa tabi ng maliit na pond ni Belle.

"Anlaki mo na, Belle," bati ko rito habang sinisimulang kainin ang tinapay. Initsahan ko siya ng isa at nagulat akong hindi man lang 'yon umabot sa tubig. Lumundag siya at sinalo ang tinapay ng malaki niyang bibig habang lumilipad sa taas na kalahating metro. Mga ilang segundo bago siya bumalik sa pond.

"Impressive," rinig kong bulong ng isang lalaking nakatayo sa tabi ko, si Simm.

Bahagya lang akong nagulat. Ni hindi ko siya nilingon at tumuloy lang sa pagkain.

Tahimik siyang lumapit at nag-Indian seat sa tabi ko, kandong ang pinakamamahal niyang espada. "This day was very hard for you, for us, you know," panimula niya. "Thanks to you, we did close one case."

"'Yun lang ba ang sasabihin mo?" tuya ko sa kaniya.

"Ahm. I was amazed by the courage you showed there."

"'Yun lang."

"And your transformation? I mean, wow! Hindi pa ako nakakakita ng irago sa totoong buhay bukod sa lola mo."

"'Yun lang?" Sumubo ako ng isa pang pirasong pan de coco.

"All right. All right. Thanks for saving me out there. Akala ko, tuluyan na akong lalamunin ng sumpa at hindi na makababalik sa dati kong anyo. I didn't expect that kiss but it's kinda effective."

"Anong kinda? Supereffective nga sa marupok na tulad mo. Hayst. Kung 'di lang ako naawa sa'yo, eh."

"Oo na. Oo na. Saka ang alam ko, sa 'ting dalawa 'yang tinapay."

Burrp. 'Di ko sinadyang mapadighay. Naubos ko na pala ang binigay sa amin ni Elmo.

"Don't worry. Hindi naman ako nagugutom," sabi ni Simm. "But seriously though, kumusta ka?"

"I—" Hindi ko alam ang mga salitang sasambitin. "I don't know. . . . Akala ko once na maayos natin ang kaso ay malalaman ko na ang mga kasagutan sa tanong ko. Buong akala ko si Principal Enrile na ang hinahanap natin. Mas okay pa sana kung gano'n. At least, kilala natin kung sino ang kalaban pero sa ngayon, kahit sinong tao sa school ay maaring pagtaguan ni Rabot."

"That's right. And we really have to be careful from now on. Medyo bawasan mo na ang pagiging mapagtiwala mo."

"Excuse me. If not because of me, we're still clueless right now."
"I'm kidding, okay. But . . ." Ramdam ko ang pagpigil niya ng hininga. May gusto siyang  itanong pero nag-aalangan siya.

"Stop hesitating. Ayoko ng binibitin ako." Nilingon ko siya para tignan sa mata at ipakitang seryoso ako sa sinabi ko.

"What if . . . what if hindi na natin maibalik sa dati ang lola mo? What if hindi natin makayanang kalabanin ang halimaw?"

Kung tinanong niya 'to sa akin days ago, baka putaktakan ko lang siya at sabihing hindi ko papayagang mangyari 'yon. Pero kung recent events ang pagbabasehan, parang hindi ko na rin alam kung ano pang dapat gawin para makuha ko ang tanging bagay na ginugusto ko. We're practically at lost now.

"I don't know what will happen if mawala si Lola sa akin. She's been there since I was born. Siya lang ang tanging taong nagmahal at nag-aruga sa akin. I love her with all my heart. Sadly, kinulang siya sa oras para balaan ako sa parating na panganib. We're both caught off guard. Katangahan ko na rin," pag-aamin ko sa kaniya. "But you promised me, remember? You promised na gagawin mo ang lahat to get my Lola back. I'll do the same. Haharapin natin si Rabot hindi para sa kahit na sino, lalo na sa Klab Maharlika. Hindi para sayo o sa akin. Kung hindi para sa lahat ng nabiktima niya. Para kay Principal Enrile. At para kay Lola."

Mariin siyang tumango habang nakikinig sa akin. "That's the fighting spirit." Ngumiti siya. "I haven't met a maligno like you before. And I'll do this for the bravest girl I know, Princess."

Nginitian ko rin siya pabalik. Naagaw ang atensyon namin nang maambunan kami ng tubig sa pool dahil sa pagtatampisaw ni Belle. Nagpa-practice na siyang lumipad ng mas matagal at bumabalik lang sa paglangoy para makahinga.

"Tara na. Matulog na tayo," aya ko kay Simm. Sabay kaming tumayo at bumalik sa taxi.

Tumabi ako sa tulog-mantikang si Elmo. Hinintay ko si Simm na makaupo sa front seat bago pumikit. "Good night."

"Sweet dreams," huli kong rinig na sagot niya. Pero kabaligtaran naman ang nangyari sa akin nang managinip ako nung gabing 'yon.

Nakaupo raw ako sa isang mataas na entabladong gawa sa kahoy. Nasa katawan pa rin ako ni Oryol ngunit sa anyo na niyang magandang dilag. Naliliwanagan ang kadiliman ng ilang sulo ng apoy na nakapaikot sa dambana. Nakapaligid roon ang ilang mga tao, mga bata at matanda, tila nanonood ng isang mahalagang seremonya.

Sa harap ko ay nakaluhod ang isang binata. Naka-bahag lamang siya at puting bandana sa kaniyang ulo. Nakalahad ang kaniyang mga braso. Hawak niya ang isang pamilyar na gintong bolo na tila ipiprisinta niya sa harap ko. Saka ko lamang napansin ang isang malaking ulo ng halimaw sa tabi niya. Mas malaki pa 'ata sa ulo ng isang elepante. Hindi ko mawari ang itsura nito, parang pinaghalong-halong mukha ng mga hayop. Kulay puti ang mga mata nitong wari'y may buhay pa. Pero malinis ang pagkakapugot nito sa leeg. Basang-basa ng dugo nito ang lupang pinaglagyan.

"Maraming salamat, Bantong, sa iyong 'di matatawarang katapangan at katapatan," bigkas ng katabi kong isang matipunong lalaking may malalim na boses—si Handyong, ang bayaning nagpakita rin sa nauna kong panaginip.

"Walang anuman, pinuno," masayang sambit ni Bantong. Inabot niya ang bolo na kinuha naman ni Handyong. "Para sa Ibalóng." Masigla ang kaniyang mga ngiti, naaalala ko ang presensya rito ni Elmo, inosente pero may nakasilay na kalakasan. Ito pala si Bantong, ang bayaning nakatalo kay Rabot at pinanggalingan ng pangalan ng mahiwagang bolo. 'Di ko akalaing ang bata niyang tignan. Siguro ay kaedad o mas bata pa siya sa akin, sa tunay na ako.

"Parang nakaiilang pakinggan ang tawaging pinuno, Bantong," komento ni Handyong na napatawa pa. "Ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan at hindi 'yon magbabago."

Tumango lamang ang batang bayani bilang tugon, 'di pa rin nawawala ang respeto sa kaibigan niyang namumuno na ngayon sa kanilang lugar.

"Para sa Ibalóng!" sigaw ni Handyong at itinaas pa ang patalim.

"Para sa Ibalóng!" sagot ng mga kababayan niyang nakapalibot roon. Pero mabilis nawala ang sigla nila nang may mga lumapit na ilang tao. Kusang humawi ang umpukan upang bigyan daan ang mga bagong dating. Bakas ang takot sa karamihan sa kanila.

"Pinuno," tawag ng isa sa mga lalaki. Mga limang grupo sila na may kasamang tatlong halimaw na nakagapos ang mga kamay. Nakakatakot ang itsura ng mga ito, mapupula ang mga mata, itim ang buong katawan at matatalas ang nga ngipin at kuko. Nasa dalawang katao siguro ang tangkad nila pero himalang naigapos sila ng mga kalalakihan at naidala sa harapan ni Handyong. "Ito na po ang ilan sa Sarimaw na nahuli namin. Gusto raw po niya kayong makausap."

Humakbang ang isa sa mga halimaw. Narinig ko ang takót na palahaw ng mga tao roon.

Nagsimulang magsalita ang Sarimaw sa garalgal na boses. "Hamak na nagapi mo ang lahat ng maligno sa bayang ito, wala ng saysay pa ang makipagtalo. Kahit pa kayo mismo ang umagaw sa sarili naming tirahan, kami na mismo ang uurong sa labanan."

"Inaasahan ko na 'yan," sagot ni Handyong. "Pakawalan sila!" Agad na tumalima ang mga kalalakihan kahit pa lalong nadagdagan ang takot na nadarama ng bawat isang mamamayan doon. "Kayo'y aking palilikasin sa Bundok Mariit. Inyo lamang tuparin ang ating kasunduan na huwag mangangambala ng buhay ng kahit na sinong naririto sa Ibalóng. At kami'y tutupad rin sa usapan."

Nang makawala na sa pagkakagapos ang tatlong Sarimaw ay yumuko sila sa harapan namin. "Maraming salamat, Handyong. Ganoon rin sa iyo, Kagandahang Oryol. Magandang gabi," bati nila sa akin. Hindi naman ako makaimik dahil hindi ako ang may kontrol sa katawang ito. Para ko lamang pinapanood ang buong pangyayari.

"Walang anuman," tugon ko.

"Handyong," muling tawag ni Bantong. "Mayroon pang isang gustong kumausap sa iyo."

"Sino 'yon, kaibigan?"

Biglang kumulog ang madilim na langit. Nagulantang kami sa pagtama ng isang hibla ng kidlat mula sa ulap pababa, ilang metro mula sa harapan namin. Nagliwanag sandali ang buong kapaligiran. Nag-iwan ng itim na marka ang kidlat sa lupa. Mabuti na lamang ay walang nasaktan.

Umihip nang malakas ang hangin. Bigla akong nilamig. At sa gitna ng marka sa lupa ay nagkatawang-tao ang mahalumigmig na hangin na iyon.

Isang malaki at maskuladong lalaki ang lumabas mula sa kawalan. Naka-bahag siya na may iba't-ibang disenyo. At nagliliwanag ang mga marka niya sa katawan, mga tattoo.
Sabay-sabay na napasinghap ang madla dahil sa kamanghaan. Ang iba pa nga'y napaluhod at napadapa para magbigay-galang.

Humakbang ang nilalang na may tikas at otoridad. Maging si Handyong ay napatayo. Tinitigan niya ang mahiwagang lalaki bago lumuhod at yumuko. "Magandang gabi, Onos."

Lumuhod rin ang katawan ko. So, siya pala ang anito ng daluyong at sakuna, ang ninuno ni Lily. Katulad niya'y nagliliwanag rin ang mga tattoo nito kapag gumagamit ng kapangyarihan. 'Di ko lang akalaing magpapakita ang isang bathaluman sa amin.

Nagsimulang magsalita ang anito. "Ginawa ko ang aking makakaya upang linisin mula sa masasamang elemento ang bayang ito." Bawat salita niya'y tila kulog ng bagyo, may bigat iyong nagpahirap sa aming huminga. "Hindi ko kailanman isinaalang-alang ang kapahamakan ninuman. Ako'y nagpapasalamat sa ilang bayani ng Ibalóng. Sa wakas ay nagapi na rin ang angkan ni Asuang sa pamamagitan ng pagpapatahimik ng isa sa kaniyang supling." Ibinato niya ang matalim na tingin sa pugot na ulo ni Rabot. "Ngunit hindi ako makapapayag na ang isa sa mga mamumuno ng liping Kabikulan ay mula rin sa angkan ng mga halimaw na 'to."

Muling napasinghap ang madla. "Ang tinaguriang dayang ng mga maligno. Hindi ka nararapat sa tronong iyan, Oryol."  Lahat ay natuon ang tingin sa akin. Hindi ba nila alam na ako'y isang irago? Na ako'y may lahing maligno? Kung ganoon, sa pagkakataong iyon ay nagpapanggap pa rin ako?

Kung ano-anong masasamang banta ang isinisigaw ng mga nakapalibot na mamamayan patungkol sa akin. Nang tignan ko ang mukha ni Handyong ay bakas ang pangamba sa kaniya. Maging siya'y 'di kayang patahimikin ang kaniyang nasasakupan.

Bigla akong nahilo. Parang nanlambot ang pakiramdam ko sa nasasaksihan. Tila naging repleksyon ng lawa ang kapaligiran. Nakabibinging katahimikan ang dumapo sa dakong iyon. Anong nangyayari? Bakit sila lahat nakatigil at 'di kumikilos? Humihinga pa ba sila? Para silang naging mga estatwa.

Isang malaking anino ang dumaan sa harapan ko at dumapo sa pugot na ulo ni Rabot hanggang sa biglang magningas ang mga mata nito, unti-unting nagkabuhay muli. Umangat ito at tinubuan ng nakakatakot na katawan habang ang mga tingin ay nanatiling nakatitig sa akin.

Bumuka ang malaki nitong bibig. "Magandang gabi, aking kapatid," bati niyang may kalakip na malaking ngiti. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkakanulo mo sa akin at sa angkan natin."

Anong ibig niyang sabihin?

"Mas pinili mo pa ang mga timawang ito kaysa sa sarili mong kadugo."

Hindi ako makakilos, parang napako ang mga paa ko sa tanghalang tinutuntungan ko hanggang sa nag-transform ang aking mga binti sa buntot ng isang ahas. Nawalan ako ng balanse at natumba. Hindi ko na napigilan nang bigla akong sunggaban ni Rabot.

Hinawakan ang manipis kong katawan ng malaki niyang kamay at iniangat hanggang sa mag-abot ang aming mga tingin. Singliwanag ng buwan ang kaniyang balintataw. "Natalo mo ako ngayon pero darating ang panahon na magkikita tayong muli at sisiguraduhin kong makukuha ko ang nararapat na katarungan mula sa ginawa niyo sa akin. Sa batang pumugot ng aking ulo, sa mga Sarimaw na naging sunud-sunuran sa inyo, sa anitong nangialam sa kagustuhan ko, sa hangal na bayaning itinuturing niyo at sa iyo, Oryol. Uubusin ko ang buong angkan niyo. Sisiguraduhin kong ako ang maghahari sa bayan ng Ibalóng. Hihintayin kita, kapatid. Sa sunod na pagkakataon."

Binuka niyang maigi ang kanyang bibig para ako'y lamunin ng buo. Nagising ako mula sa masamang panaginip nang sumisigaw.

Pagmulat ko'y nasa loob pa rin ako ng taxi, pawis na pawis at nanginginig sa takot.

Unti-unti kong binagalan ang paghinga upang kumalma ang dibdib kong humahabol sa paghinga.
Bumangon na ako at sinilip ang labas. Pasikát na ang araw.

"Ate, parang ang sama ng gising mo," bati sa akin ni Elmo na nasa front seat, nagbubutones ng uniform niya.

Hindi na ako sumagot. Bagkus ay nagpatulong ako sa kaniyang makalipad papunta sa kabilang side ng school. 'Di ko na naabutan si Simm. Siguro'y maaga ring nagising.

Dumiretso na si Elmo sa room niya. Samantalang ako ay tumungo sa restroom ng Faculty para maligo. Kailangan ko ng bilisan, malapit ng magbukas muli ang school para sa mga papasok na estudyante.

Binuksan ko ang shower at hinayaang anudin ng mainit na tubig ang masamang pakiramdam na nakuha ko mula sa bangungot na 'yon. Bakit palagi akong napupunta sa panahon na 'yon . . . at sa katawan pa ni Oryol? Anong ibig sabihin sa akin ng aking mga panaginip? Totoo nga bang nangyari ang mga iyon? Mapait na panlasa lamang ang iniwan sa akin ng panaginip na 'yon.

Hindi na ako nagulat pa nang makita ang balat ko sa katawan na kumikinang sa kulay gintong kaliskis, mula paa hanggang braso at halos umabot na sa leeg ko. Mukha ko na lang 'ata ang itsurang normal. Mukhang mahihirapan akong itago ang mga ito.

Nang makapagpalit sa suot na school uniform ay maingat akong lumabas ng restroom. Pinunas-punasan ko pa ng hinubad kong damit ang basa kong buhok.

"Gwen? What are you doing here?" Kilala ko ang matinis na boses na 'yon. Pagharap ko ay nagtatakang mga tingin ni Andrea ang sumalubong sa akin. Katabi niya ang gulat ring si Lily.

Patay. Buti na lang ay nasuot ko na agad ang jacket ko. Nagpanggap akong hindi nila nakita at dahan-dahang humakbang para lagpasan sila.

"How dare you, Gwen. 'Di ako bobo para magpanggap na 'di ka nakikita. Andyan ka sa harapan ko, oh."

Shems. Akala ko, 'di ako mapapansin ng makitid niyang utak. "G-good morning," alanganin kong bati.

"Anong ginagawa mo sa Faculty Hall? Nakita kitang lumabas ng restroom." Suminghot siya. "Amoy conditioner ka. Dito ka ba naligo?"

"Excuse me. Bakit naman ako diyaan maliligo? Ano 'ko, homeless at user? Saka ikaw, anong ginagawa niyo rito?"

"'Wag mo ngang ibahin ang usapan. We just submit the last requirement of A-So-Siyal Club kay Ma'am del Valle, no."

Kahit si Lily ay medyo natawa sa pagbigkas ni Andrea sa pangalan ng grupo nila.

"We're already working on ours kung 'yun ang concern mo," sagot ko.

"Well, better hurry. Today's the last day of submission. See you sa Grand Campus Presentation."

Napatigil ako sa sinabi niya. "G-grand Campus Presentation?"

"Oo, bobita!"

Nakita ko ang pag-aalala sa tingin ni Lily. Nilapitan niya ako. "Gwen, ngayon ang Grand Campus Day. Handa na ba kayo ni Simm sa Theatre Act niyo?"

"Ngayon ba 'yon?"

"Oo. 2 hours from now."

Anak ng Sarimaw! Bakit nakalimutan ko pa?

************************************
START OF ACT THREE

Sorry, nakalimutan kong i-end ang Act Two last chapter. Hehe.

Maraming salamat sa pagbabasa.
。◕‿◕。

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top