13. A Vampire's Curse: Taming the Beast

LABINTATLO
ᜎᜊᜒᜈ᜔ᜆᜆ᜔ᜎᜓ
A VAMPIRE'S CURSE:
TAMING THE BEAST

THE first place that came to my mind ay sa parking area. Baka maabutan ko pa sila doon kung sakali nga. Halos matisod ako ng mga idaemonon na bigla na lang naglalabasan sa lupa. Muntikan pa nga ako habulin ng guard nang makitang ambilis kong tumakbo papunta sa kabilang dulo ng school lalo na't ala-singko na ng hapon at dapat ay nakauwi na ang mga estudyante.

Naabutan ko ang parking area na tahimik, walang katao-tao. Saan naman kaya sila nagpunta? Kung kilala ko lang 'yung isang kasamahan nilang zombie ay natanong ko na siya. Para kahit paano ay may silbi naman siya sa grupo.

Inikot-ikot ko ang buong area. Sinilip ko pa ang loob ng bawat sasakyan doon. Maging sa backgate pero wala talaga. Hayst. Kung nagsabi lang sana agad si Joy ng totoo, baka mas maayos namin ang kaso na 'to. Or baka hindi rin. Hindi naman ako magaling sa ganito. Bakit nga ba ako napunta rito? Ang kailangan ko lang naman ay makasali sa isang club para makaabot sa honor's list. Bakit ba namomroblema ako ng problema ng ibang tao . . . at ibang maligno? Kung tutuusin mas maayos naman ang buhay ko rati. Hay, na-miss ko bigla si Lola.

Habang palakad-lakad sa dakong iyon, pumukaw ng atensyon ko ang isang itim na stick sa may sahig, sa bukana ng Science building. Akala ko pa nga ay isa na namang idaemonon iyon. Nang aking uusisain, isa pa lang itim na balahibo ng ibon. Wait. Saan 'to galing?

Nilingon ko ang paligid pero wala namang ibang pwedeng panggalingan ng balahibong iyon. Hangang sa mapalinga ang ulo ko sa itaas, sa tuktok ng building mismo.

Kraash! Luminaw sa pandinig ko ang mga ingay na 'yon. Parang may mga tao sa rooftop. Oras ba ng maintenance? Hanggang sa sumilip ang dulo ng pakpak ni Simm. Andon sila!

Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na inakyat ang hagdan. Bigla akong napagod sa limang floors na inakyat ko hangang sa makaaabot sa pinakamataas na pinto papuntang rooftop.

Nakasara ito at nakakadena pa ang lock. Sinubukan kong sumilip sa maliit na butas. Sakto. Kitang-kita ko si Simm, nakabuka ang malalaki niyang pakpak. Dalawang metro mula sa kaniya ay nakatayo si DM. Mas maputla pa siya ngayon kaysa sa normal na itsura niya. Kita ko na halos lahat ng ugat niya sa katawan. May mga sugat na siyang natamo. Dumura pa siya saglit ng dugo at pinunasan ang madungis na bibig.

Bakit sila nag-aaway? At paano sila nakarating dito kung sarado naman ang pinto? Hindi kaya dinagit pa siya ni Simm papunta sa lugar na malaya silang makakakilos?

Masama na ang lagay ni DM. 'Di hamak na mas lamang ang mahahabang kuko ni Simm. Nakalilipad pa siya. Kaysa sa bampirang si DM na ang panlaban lang ay mga pangil niyang hindi naman eepekto sa malayuang labanan.

Nagsimula na uli silang sumugod sa isa't isa. Jusko, ano ba naman 'tong mga lalaking 'to?

Sinubukan kong kalasin ang kadena pero ano namang magagawa ko sa bakal. Kahit sipa-sipain ko pa ang pinto, hindi ako ganoon kalakas para mabuksan ito. Isip, Gwen, isip.

Naramdaman kong nangasim ang panlasa ko. Tipong naghahanap bigla ng hilaw na kamyas. Pinunasan ko ang tumulo kong laway at biglang nabutas ang sleeve ng jacket ko. Asido? Eww! Bakit naman sa lahat ng powers, acidic saliva pa. Pero pwede na 'to.

Sinubukan kong mag-ipon ng maraming laway sa bibig. Nag-isip ng mga nangangasim na prutas tulad ng hilaw na mangga at iba pa. Pati mga paborito kong pagkain. Lahat na. Nang sa tingin ko ay sapat na ang dami ng laway ay dinura ko 'yon sa malaking lock ng pintuan. Siniguro kong tumulo ito sa bakal na arko. Malapot ang venom. Mainit sa pakiramdam at medyo may kaanghangan.

Makalipas ang mahigit dalawang minuto ay tuluyang natunaw ang lock na parang dinarang sa nagbabagang apoy. Kinalas ko ang kadena at binuksan ang pinto. Sinalubong ako ng isa pang pintong may bakal na railings. Shems. Naubos ko na 'ata laway ko.

"Simm! DM!" pilit kong sigaw sa kanila. Nasa may bandang dulo sila ng rooftop kaya hindi ko alam kung rinig nila ang tawag ko.

Napalingon si DM sa gawi ko pero kinuha lang ni Simm ang sandaling iyon para makasuntok ng isa. Natumba siya. Andaya naman nito, 'di nalaban ng patas.

Sinubukan kong mag-ipon ulit ng laway, pero wala na talaga. Kaya napilitan akong gawin ang sikretong teknik, ang isiksik ang balingkinitan kong katawan sa butas ng railings. I expected it to be much harder, but no. Parang naging sinlambot ng gelatin ang katawan ko at malinis na nakalusot. Matutuwa na sana ako kaso naramdaman ko ang kusang pag-dislocate ng ilang kalamnan ko para magkasiya. Gross!

Tumakbo ako sa kanila kahit walang kaplano-plano. Ano namang gagawin ko sa mga malignong ito?

"Stop!" Hindi ako makalapit sa kanila. Patuloy ang pagsugod ni Simm. Sinasamantala niya ang abilidad niyang makalipad at makalipat ng pwesto nang mabilisan. Parang naging buháy na punching bag si DM.

"Simm, please!" Hindi niya ako marinig. Ang itim na itim niyang mga mata ay nakatitig lang kay DM. Nagliliwanag sa pula ang mga tattoo niya at prominenteng nakalabas ang kaniyang pangil at mga kuko sa daliri.

"Miss Barbie," pilit na tawag ni DM sa akin. Basa na ng dugo ang suot niyang uniform. Pagewang-gewang na rin siya, unti-unting nawawalan ng balanse. Pero nakaangat pa rin ang mga kamao niya. "Umalis ka na rito. Away lalaki 'to. In the name of lo-" Inundayan siya ng suntok. Nanatili siyang nakatayo.

"Baliw ka ba?" bwelta ko. "Wala kang mapapatunayan sa ginagawa mo. At wala ka rin namang dapat patunayan. She doesn't love you. She loves someone else. Anong magagawa ng basag-ulo niyo?"

"I already found out. H-hindi ko lang matanggap na sarili ko pang tropa." Kakaawa naman 'tong bampira na 'to. "I'll do everything for her. Even in my last breathe."

"Breathe. Breathe mo mukha mo. Kung tunay mo siyang mahal, 'di kayo aabot sa ganito. Si Conan ang duwag. Ni hindi ka niya kayang kalabanin mag-isa. At lalo na si Joy. Hindi siya karapat-dapat sa sinasabi mong pagmamahal . . . kung anumang klase 'yon."

"Don't say what I have to do. Hin-hindi mo alam ang pinagdadaanan ko." Isang uppercut na may kasamang kalmot mula kay Simm ang tuluyang nagpatumba kay DM.

"Simm!" saway ko sa taong-ibon na 'to. Iba na ang aura niya. Parang 'di niya ko kilala. Puno ng galit at poot ang itsura niya na tipong nakatuon lang ang atensyon niya sa isang bagay-ang pigilan ang bampira na mahabol sina Joy, kahit pa buhay ang kapalit.

Dali-dali kong pinuntahan ang nakahigang si DM. Conscious pa siya, iniinda ang malalalim niyang sugat. "Kung hindi ka ba naman timang na pumatol sa isang Maharlika."

Sinubukan niyang magsalita. Aangal pa 'ata pero nauubusan na siya ng hininga. I can't take this anymore.

Tumayo ako at lumapit sa lumulutang pa ring si Simm. Naglalabas ng katamtamang lakas ng hangin ang hampas ng kaniyang maiitim na pakpak. "Hoy! Utak-sisiw. 'Wag mong sabihing 'di mo ko nare-recognize. Ganiyan ka na ba kaganid at papaslang ka ng kapwa mo maligno para lang saan? Sa ilang pirasong ginto? Ang low level mo naman."
Nakahalukipkip pa ang mga braso kong sinesermonan siya.

"Kraaahhh!" Inangilan niya lang ako sabay sugod. Napalundag ang puso ko sa gulat at sa takot. Ano namang laban ko sa taong-ibon na 'to?

Anuman ang mangyari, naghanda ako sa pagsugod niya. Nag-isip pa ako ng ipu-pwesto pero gan'on din naman. Umunday siya ng isa. Naiwasan ko ito pero may kahabol pala 'yung hampas ng pakpak niya. 'Di ko inasahan at tumilapon ako sa sahig. Tumama pa 'ata ang baba ko sa semento. Nalasahan ko ang maalat na dugo sa bibig. Shems, ma face.

Agad akong tumayo. Nilakasan ko ang loob ko. Alam kong makikilala niya rin ako at ititigil na niya ang kaguluhang ito. "Simm!" tawag ko sa kalmadong boses. Napatigil siya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngiti. Ano na namang iniisip ng lalaking ito?

Sumugod ako at sumipa. Nahawakan ng parehas niyang kamay ang binti ko. Habang abala, nakabwelo ako para suntukin ang pagmumukha niya. Pak!

Nanggigigil na talaga ako. Napahawak siya sa pisngi na wari'y hindi makapaniwalang nasaktan siya ng isang babaeng katulad ko.

Muli siyang sumugod. Ngayon naman, inalala ko ang natuklasan kong abilidad kanina. Binlend ko ang kulay ko sa paligid hanggang sa maging invinsible. Madali lang pala. Pero pagtingin ko sa damit ko, hindi naman 'to kasali sa camouflage kaya kitang-kita pa rin ang bawat kilos ko. Hindi ko naiwasan ang sipa niya.

Dug! Tila isang tumatakbong motorsiklo ang bumunggo sa akin pero nahawakan ko ang binti niya at isinama siya sa pagtumba. Tumama ang katawan namin sa matigas na sahig. Parang nabali 'ata lahat ng ribs ko.

Sinamantala ko na ang pagkakataon. Umibabaw ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niyang nagpupumiglas. Sinubukan pa niya akong kagat-gatin ng mga pangil niya. Wala na talaga sa wisyo ang lalaking 'to.

At dahil hindi ako papayag na siya lang ang mabangis, inangilan ko rin siya at 'di ko inaasahang lumabas ang sarili kong pares ng mga pangil. "Kkkrrr." Ang pangit ng ungol. Naramdaman kong may sapat na akong laway para dumura. Pero ako mismo ang nandiri sa sarili.

Kaya inangil-angilan ko lang siya at pinanlakihan ng mga mata. Nakita ko sa purong itim na mga mata niya ang repleksyon ng sarili kong mga mata, kulay ginto. Parang sa ahas. Girl, tunay na talaga kong serpent lady.

Natakot siya sa ginawa ko. 'Di niya inaasahan ang bigla kong pagbabago ng anyo. Kahit naman ako. Pero wala naman akong naramdamang kakaiba. Parang normal lang na pakiramdam.

Gagawin ko na ang sinabi ni Rome-isang bagay na makakapagpatahimik sa kaniya, isang bagay na sa tingin ko ay pwedeng magpabalik ng consciousness niya mula sa isang mabangis na maligno papunta sa matinong pagkatao. Hinalikan ko siya.

Ramdam ko ang init ng labi niya. Tumigil sa pagwawala ang ulo at mga braso niya at natuon ang atensyon sa halik ko. Lasang sili. Yuck!

Iniangat kong muli ang aking ulo at nakita ang gulat na gulat niyang reaksyon. Bumalik na sa dating kulay ang kanyang mga matang mulat na mulat. Nawala na rin ang kulay pulang liwanag ng mga tattoo niya. Maging ang kaniyang mga pakpak ay nagsimulang tumiklop at maglaho.

Tinitigan ko lang ang mukha niya. May itsura naman pala kahit pap'ano. Lalo na nitong nakapagupit at nakapag-ahit na siya ng bigote't balbas.

Lumunok siya ng laway, walang masabi.

"Tatahimik ka rin pala. Pinahirapan mo pa 'ko." Iniamba ko ang palad kong handa ng isampal sa pisngi niya nang mapigilan ito ng kamay niya. "Ano? Away pa more."

"Gwen," kalmado niyang tawag.

"Bakit?"

"Ambigat mo." Nakapatong pa nga pala ako sa kaniya. Tumayo ako agad at umurong palayo. Saka ako nakaramdam ng hiya. Ano bang ginawa ko? Anubayan.

Imbis na magmukmok ay inalok ko ang kamay sa kaniya. Inalalayan ko siyang makatayo ng maayos. "May naaalala ka ba?"

"Y-Yes. Aware ako sa nangyayari, sa ginawa ko. Pero 'di ko mapigilan ang silakbo ng dibdib ko. Para akong naging mapusok . . . isang mabangis na hayop.

"Isa sa gayuma ni Rome na hiningi Conan at nilagay n'ya malamang sa tinanggap mong piloncitos. Kung hindi ka naman kasi bobo. Tanggap ng tanggap ng misyon ng 'di nag-iisip. Hmm, nanggigigil ako." Napayuko siya. Makakapanampal na naman ako nito eh.

"Mmm. Mmm," rinig naming ungol sa 'di kalayuan. Si DM nga pala! Mabilis akong lumapit sa kaniya.

"Are you okay?" Nakayanan niyang makaupo. "Andami mong sugat."

"Maghihilom din 'yan." Nasaksihan nga ng mga mata ko ang unti-unting pag-ampat ng dugo sa mga nakabuka niyang sugat. "Pero itong nandito," turo niya sa kaliwang dibdib, "hinding-hindi na 'to maghihilom."

"Ang korni, ah. Wala bang bago?" Napahawak siya sa balikat at umaray. May bali siguro. "Biro lang. . . . Pwede kang humingi ng tulong sa tropa mong si Rome para mas mabilis na makapagpagaling. Isa siyang Ba-" Wait. Parang mali 'ata ang sasabihin ko.

"I know," gulat kong tugon niya. "'Wag na natin siyang abalahin. Nang dahil sa ginawa ni C sa amin, maging siya'y may mga sugat na dapat paghilumin. Isa pa, this is my fault. This is all my fault."

"Well, somehow, yes."

"This is your fault," singit ni Simm. Nakatayo siya sa harapan naming tila walang ginawang mali. "With that kind of attitude, no girl would love you genuinly."

Hindi ako makapayag na siya pa ang may lakas na manermon. "Nagsalita ang banal. Kung hindi naman sa kakapalan ng mukha mo, eh di sana, napigilan pa natin ang dalawang 'yon sa pagtanan. Hindi natin alam kung mas makabubuti ngang sumama siya sa aswang na 'yon."

"Ikaw ang hindi nakiki-cooperate. We're a team pero hindi mo agad sa akin sinabi ang mga nalalaman mo."

"Saang parte ako naging madamot?"

"Tama na!" pigil sa amin ni DM. "He's right. Hindi ako naging mabuting boyfriend. Inuuna ko lagi ang sarili kong kagustuhan kaysa kaniya. Naging selfish ako, possessive at toxic." Nakayuko siya habang sinasabi 'yon. Malalim ang tingin niya sa kawalan. Somehow, iniisip niya siguro kung nasaan si Joy ngayon. Ramdam ko ang pagsisisi niya sa nga nagawa niya.

"I do really hope na hindi magsisisi si Joy sa pinili niya," simpatiya ko sa kaniya.

"I-I do too. Sa three months naming pagsasama, madalang ko lang siyang nakitang tunay na masaya at aminado ako 'ron."

"Three months?" paglilinaw ko.

"Yes. Nagkatuksuhan kasi nung Christmas party sa section namin. Campus couple ang turing sa'min non. Nang malaman ng pamilya kong may nali-link sa aking Maginoo, siniguro nilang we'll know each other more."

"Why? Anong reason ng family mo?"

"I dunno. Hindi naman ako nakikisali sa business ng family ko. Their vampires, you know, like me. The old scripts say that we came from godly beings too, tulad ng boyfriend mo." Nagtapon siya ng tingin kay Simm na naalarma at biglang napahawak sa labi.

"I said, hindi ko siya boyfriend, okay?" diin ko.

"As I was saying," balik niya sa pagkukwento. "Bumaba lang ang estado namin due to a blood curse. Pero matagal ng itinigil ang lumang tradisyon sa amin. Instead of human blood, human connection ang iniinom nila. Kaya ganoon sila kalakas sa bayang 'to."

Mabuti naman. Muntik ko na siyang tanungin kung sila ba ang nag-aalay ng dugo ng mga bata sa foundation ng tulay. At napakabobo ko rin. Wala akong kaalam-alam na ang ilang kilalang tao sa bayan namin, ang angkan ng Santiago na may mga tauhan sa politics at industry ng General Escudero ay mga kapwa maligno. Ganoon na ba kalalim ang kasaysayan ng mga mahiwagang nilalang na tulad namin sa bayang ito?

"Do you really love her?" diretso kong tanong.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Simm na may tonong pag-uyam sa may tabi.

Nilingon ko siya. "Alam mo, kung naiinip ka pwede ka nang mauna." Natahimik siya at umupo na lamang sa dulong gilid ng rooftop. Hindi naman siya mahuhulog doon dahil mukhang ayos naman na ang nabali niyang pakpak noon sa laban.

Binalikan ko si DM at umupo sa tabi niya.

"I loved her . . . but not the same as I used to. My fam keeps tabs on us. Always. That's why, naging overprotective ako sa kaniya. I know what the rest of my family are capable to do. And I feel more afraid than being grateful with our relationship." Kalmado niyang sinabi ang mga iyon, bawat bigkas ay kasabay ng pag-angat at pagbaba ng kaniyang dibdib, dinadama ang bawat salita. Kaya alam kong totoo ang sinasabi niya. Sa wakas ay nakaamin na siya sa sarili niya.

"I believe you . . . and I believe in you. Let go kung hindi ka na masaya, kung hindi na siya masaya. You don't need her because you love her. You loved her because you need her." Naalala ko bigla ang sinabi niya kanina sa amin ni Lily. "But how about your dinner party mamaya? I'm sure, hindi madaling matatanggap ng family mo na iniwan ka ng girlfriend mo."

Napangiti siya, mukha napalitan ng kompiyansa. "Don't worry about that. Mas okay pa nga na kay C siya sumama. Matagal ng may hidwaan sa pagitan ng mga danag at mga aswang sa lugar na 'to. At sigurado akong mas pipiliin ng pamilya kong manahimik na lang at 'di na pumatol pa sa kanila."

Antaray, may family drama pa palang nangyayari dito. So complicated. Pang-teleserye eh.

"Unless, sasamahan mo 'ko."

"What? Jusko, wala silang mapapala sa akin."

"Just kidding." Napahagikhik siya. Nang makita ko siyang tumatawa, biglang nawala ang maangas niyang dating nung una ko siyang nakilala. "But seriously, you did very well kanina. Isa kang irago, right? Lahi ni Oryol?"

Tumango ako.

"Hindi ko akalaing isang babae pa ang makakatalo sa isang maligno-slayer."

Sabay kaming tumawa. Napalingon sa dako namin si Simm na walang kaalam-alam na siya ang pinag-uusapan namin.

"Thanks, Gwen," seryosong sabi ni DM. "If it wasn't because of you, hindi ko pa mare-realize ang mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin."

"Ayokong sumagot ng welcome since hindi naman ikaw ang client namin. In fact, ikaw pa nga ang inireklamo. However . . ."

"Ano 'yon?"

"Maybe you can help us on our case."

"Anything. You've done more than enough for me to repay."
Nag-isip akong mabuti bago magsalita. "Alam mo ang lahi ni Oryol. Alam mo rin ba na nasa paligid ang kapatid niya, si Rabot?"

Napakunot siya ng noo. "Alam ko 'yung sabi-sabi pero wala pa akong nababalitaan uli tungkol diyaan. Bakit?"

"Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa school, like unusual incidents?"

"Oras-oras may kakaibang nangyayari sa school. Pangalawang bahay na ng mga malignong tulad natin ang lugar na 'to. Care to be more specific?"

"Ahmm. Sige, ganito na lang. May nakita ka bang tao o maligno na may suot na pulang sapatos?"

"W-wala naman. Bakit?"

"'Yun kasi ang nakita kong suot ni Rabot nung sumugod siya sa bahay namin. Pero 'di ko nakita ang buong katauhan niya. I found that same shoes sa office ni Principal Enrile, sa rack sa may gilid ng pinto."

"I know that rack. Lost and found 'yun. Guidance ang may hawak n'on. Maybe Rome can help you."

"Why Rome?"

"Student assistant siya ni Ma'am Villanueva."

"Guidance Counselor natin?"

"Yep. Maybe he can help you find the owner of that red shoes. He also has some tracking powers. Nakita ko na 'yon one time sa kaniya nung may hinahanap kaming lider ng isang gang group na nakabangga namin noon."

"Wow!" Really. That's an aming set of skills. "Maybe he can help us. We already have a stronger lead. Thanks."

"Always welcome. If you need more help, 'wag kang mahihiyang magsabi."

"I will." Niyaya ko siyang tumayo. Nagpagpag pa ako ng pwetan ko sa tagal ng pagkakaupo.

Nang mapansin ni Simm na tumayo na kami, lumapit na siya sa amin. "Kumusta ang pep talk?"

"Parang sumasakit na naman ang sikmura ko," daing ni DM, hawak ang kaniyang tiyan. 'Di pa niya 'ata alam ang side effect ng potion.

"Mas malinis 'yung CR sa fourth floor," suhestiyon ni Simm. I'm glad to know na wala na ang tensyon between them. "Can we proceed now?" Sa akin ang tanong niya.

"Yep." Iniangat ko ang susing nakakabit sa ID ko at inalog-alog. "Time to get your sword back."

************************************
Parang gusto kong gumawa ng spin-off story about vampires (danag) and lycanthropes (aswang). Hahaha.

Thanks for reading.
。◕‿◕。

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top