11. Boys Without Shower
LABING-ISA
ᜎᜊᜒᜅ-ᜁᜐ
BOYS WITHOUT SHOWER
"OKAY, can you tell us the details?" request ko kay Jhona. Joy? Rose? Ang haba naman ng pangalan nito.
Maging sina Simm at Elmo ay nag-aabang ng kaniyang sagot. Lalo na at isa palang Maharlika ang aming unang kliyente. Kung tama ang hinuha ni Simm, nasa paligid lamang si Rabot at unti-unti na siyang nagpaparamdam. Ilang Klab members na rin daw ang nabiktima nito kaya medyo kinabahan ako sa sinabi ni Joy. Joy na lang.
"Well . . ." Nagpagala-gala muna ang mga mata ng kausap namin bago sumagot. Inayos niya ang naka-ponytail na buhok. Tagaktak ang pawis sa leeg niya na 'di ko mawari kung dahil ba sa pagtakbo niya, sa training niya o sa kabado siyang nagpapaliwanag ngayon. "Hindi naman literal na papatayin. My boyfriend is very possessive and toxic. Nasasakal na ako. Gusto niya lagi kaming dalawa lang ang magkasama. Lagi siyang galit kapag may ka-sparring ako sa training. 'Yung mga kasamahan ko sa Taekwondo, palagi niyang napagdidiskitahan. Tapos—"
"W-w-w-wait," pigil ko sa kaniya. "Are you telling me, love life problems ang ipinunta mo rito?"
"Medyo."
"Anak ng tikbalang!" dismaya ko at napasubsob pa ang mukha ko sa aking mga palad.
"Miss, this is an official club business. Don't make this a joke," mariing sabi ni Simm, halata ang panggigigil.
"Please hear me out muna," hinaing ni Joy. "My boyfriend, he's . . . he's not just any ordinary student," sabi niya na may pagiling-iling pa. Pero ramdam ko ang takot sa mga mata niya. "He's Damian from Grade 12-Banahaw."
"Sino naman siya?" tanong ni Elmo. Kahit pa isa ako sa mga popular student sa school, hindi naman ako pamilyar sa lahat ng students dito.
"Hindi niyo siya kilala? Si Damian? Also known as DM, lider ng F4?"
"F4?" tanong ni Simm. Muntik na 'kong matawa sa blanko niyang reaksiyon na para bang pinaglalaruan lang kami ng kliyente namin.
"'Yun ang tawag niya sa grupo nila. He's from a gangster family. Malakas ang impluwensiya niya sa school na 'to kaya hindi madali sa akin na makatakas sa kaniya."
"And?" dugtong ko.
"Isa siyang Danag, isang uri ng mga bampira."
Interesting. Napataas ako ng kilay at napa-pout. So, were dealing with supernatural love problems here.
"Bakit hindi mo siya kayang komprontahin mismo? Girlfriend ka niya. Saka isa pa, isa kang Maharlika. Hindi ba magigiting kayong sundalo ng mga anito?" pagtataka ko.
"She's not," singit ni Simm na nakahalukipkip na ang mga braso at medyo kalmado na rin. "Ang mga hinlog na nagmula sa lahi ng mga anito ay tinatawag na Maginoo dahil sa dugong bughaw na nananalaytay sa dugo namin. Matatawag lang na Maharlika kapag inilaan na namin ang aming kakayahan bilang agent ng mga anito laban sa mga mapang-abusong maligno at iba pang Maginoong kumikilos ng hindi naaayon sa layunin ni Bathalang Maykapal."
"Oh." Patango-tango lang ako sa explanation niya. May difference pa pala 'yon. "Pero nagmula ka kay Apolaki, god of war. Sure naman akong may hidden abilities ka na pwede mong magamit."
"I wish," pakling sagot ni Joy. "Akala ko nga ay incredible strength at strategic war planning ang makukuha ko kaya sumali ako sa Taekwondo class pero hindi." Itinaas niya ang isang kamay, ibinuka ang mga palad at naglabas ito ng nakasisilaw na liwanag.
Napapikit kami bago niya isarado muli ang kamay at ibaba. "Sunlight powers. That's all I got for now. Pero nagsasanay ako para maging mahusay na mandirigma."
"Wow!" mangha ko. "That's amazing. I mean, kahit paano may ganiyang powers ka."
"Wala 'tong kwenta. Hindi ko naman pwedeng kalabanin si Damian sa ganitong paraan. Saka hindi pa pwede dahil hindi pa ako Maharlika. We're prohibited from dealing with malignos hangga't hindi pa sumasailalim sa pagsasanay."
"Is that true?" tanong ko kay Simm na tahimik na tumango.
"Pero paano bang naging kayo? And anong gusto mong mangyari?" diretso kong tanong kay Joy.
"I-I don't know. Lately lang naman siya naging possessive. Parang may nangyari na lang na nagpabago sa kaniya."
"Do you love him?"
"I-I guess so." Nakita ko ang suot niyang bracelet sa kaliwang braso na may makukulay na bato. Agad niya iyong itinago nang mapansin niyang nakatingin ako roon. Siguro, regalo ng boyfriend niya. "But that doesn't matter. I wanna know kung kaya niyo siyang kausapin. Since, mas malawak ang experience niyo pagdating sa pakikisalamuha sa mga maligno. I need space pero natatakot akong sabihin sa kaniya." Halos makagat na ni Jhona ang ibabang labi niya para pigilan ang nangingilid na luha. "Look. I have some spares here." May hinigit siya sa kaniyang bulsa at inilapag sa mesa ang nasa sampung piraso ng gintong butil na hugis apa.
"Wow, daming piloncitos!" bulalas ni Elmo na 'di makapaniwala sa nakita. "Master?" tiningala niya si Simm.
"No. That's your problem. Kahit pa bayaran mo kami, hindi kami taga-solve ng love problems."
Inilipat ni Joy ang tingin sa akin. Naawa naman ako sa kalagayan niya. Mahirap makulong sa toxic na relationship. Pero tama rin naman si Simm. Bukod sa piloncitos, wala naman kaming ibang makukuha sa kasong ito. May kalaban kaming hinahabol at anytime ay pwedeng-pwede na siyang kumilos.
"Hindi ba anak ka nung security guard?" singit ni Elmo.
"Yup. Why?"
Nagkatinginan kami ni Simm. Mukhang parehas ang nasa sa isip namin.
Ako na ang nagtanong kay Joy. "May susi ang guard ng lahat ng buildings dito, hindi ba?"
"Meron. Si Mommy ang nagra-round sa school kada uwian." So Mommy niya pala 'yung humarang sa akin nung isang araw dahil wala akong ID. "Bakit?"
"Okay. Here's the deal," panimula ko. "We'll try to talk with your boyfriend, convince him to leave you from harm's way sa kung anumang kaparaanan. In one condition."
"Ano 'yun?"
"We need one key. Sa Principal's Office."
"Bakit? Bawal 'yon?"
"Hihiramin lang naman. 'Wag ka na magtanong kung para saan. Isasauli rin namin agad. Unless, okay lang talaga sa'yo ang ginagawa ng BF mo."
"N-n-no. I don't. Sige. Madali lang naman kupitin sa guardhouse 'yon. Madalas ako roon kapag naghihintay kay Mommy."
"So, is it a deal?" Inialok ko sa kaniya ang aking kamay. Tinignan ko si Simm pero wala naman siyang angal.
"Deal," sagot ni Joy. Ramdam ko ang paggaan ng pakiramdam niya. Sana nga ay matupad namin ang usapan. "Every lunch, nasa may parking area ang F4. Doon sila natambay madalas."
"Okay then, kausapin namin siya tomorrow. You need to have the key here tomorrow also, 3 PM sharp, okay?"
"Okay . . . pwede ko na bang bawiin 'yung piloncitos ko?"
Pero kanina pa pala naibulsa ni Elmo. Nginitian niya lang kaming walang kasing-cute.
"Sorry, downpayment 'yon."
"Sige. Aasahan ko ang serbisyo niyo. Kitakits bukas," paalam ni Joy. Palinga-linga pa siya sa paligid bago bumaba ng hagdan. Kawawang GF, mukhang na-trauma na sa possessive na boyfriend.
"I want to clear something, Princess," agaw ni Simm sa atensyon ko. "I still think na mas effective kung sirain ko na ang pinto ng Principal's Office. But there's a lot of CCTV there. Ayoko ng magsimula ng gulo. Malapit na mag-end ang school year."
"So? What are you trying to say?" tuya ko sa kaniya na may pilyong ngiti pa kahit alam ko naman ang gusto na niyang iparating.
"I'll help you with this case if 'yon ang paraan para mabawi ko ang sword ko. But it doesn't mean I'm agreeing with your plans. If something wrong happens, I'll do it my own way. Isa akong maligno-slayer, tandaan mo 'yan."
"Oohhh. I'm scared," tukso ko sa kaniya. Dahil sa bago niyang shave na mukha, nawala na ang seryoso niyang presensiya which I think is best for both of us.
"Pwede na ba nating ipagpalit ang piloncitos na ito at bumili ng ice cream?" singit ni Elmo.
Hinaplos ko ang berde niyang buhok. Ramdam ko ang init ng apoy pero hindi naman ako napapaso. "Hapunan ang bibilhin natin. Bukas na ang snacks, okay?"
"P-p-pero."
"Sige na nga. Dahil tumulong ka sa case natin today, bibili tayo ng favorite mong ube ice cream."
"Yey!"
PAGDATING ng ala-singko ng hapon, didiretso na sana ako sa may headquarters, sa taxi sa may kakahuyan sa likod ng school. Pero hindi agad ako nakalabas ng gate nang maabutan ko si Lily sa may tabi ng building. Palinga-linga siya sa may Science Garden at parang may inii-stalk na ewan. Ang weird din ng babaeng 'to.
"Lily!"
"Halahalahala," taranta niyang gulat sa pagtawag ko. Tinalukbong niya agad ang mga kamay sa mukha at 'di malaman kung saang direksyon pupunta. Para namang may naitulong 'yon para 'di ko siya mapansin.
"Hoy, Lily. Ako lang 'to, si Gwen."
Napalingon agad siya ng marinig ang pangalan ko. "Gwen?"
"Anong ginagawa mo rito? Uwian na."
Napalunok muna siya ng laway. Ramdam ko ang mabilis na vibrations ng kabado niyang pulso. Hinila niya ang braso ko at iginiya patago sa may hagdan.
"Hoy, ano 'yon? May ginawa ka bang krimen? Sinong pinagtataguan mo?" Bigla rin tuloy akong kinabahan sa kilos niya.
"Eh kasi . . . "
"Ano?"
"Nakita mo 'yon?" Nguso niya sa may puno ng mangga sa 'di kalayuan. May sementadong bench ang nakapaikot dito. Isa 'to sa madalas na tambayan ng mga estudyante dahil sa preskong hangin. Nakita kong nakaupo roon ang isang matangkad na babae. Nakilala ko agad ang itim at bagsak niyang buhok kahit nakatalikod sa amin.
"Si Andrea?"
"Shhh. 'Wag kang maingay."
"Ay, bakit ba?"
"Kanina pa kasi siya diyan, naghihintay."
"Kanin—oh!" sabi ko ng maalala ang eksena kanina sa club.
"Hindi ba may date daw sila ni Ian ngayon?" pagtataka ko.
"Ganun na nga. Eh, medyo naipit si Sir Ian. Bigla siyang pinatawag ng Council sa Klab Maharlika. Inutusan niya 'kong sabihin kay Andrea na 'di muna matutuloy ang date nila ngayon."
"Oh. Madali lang naman, ah. Alam mo, may mga plano talagang naka-cancel ng biglaan. You know, priorities. Saka marami pa namang araw para sa mga date-date na 'yan."
"Pero sa puntod kasi dapat ang punta nila. Death Anniversary ng Mama ni Andrea."
"Oh . . . I'm so sorry," nasabi ko na lang. Ang engot mo talaga, Gwen. Ambilis mag-judge ng tao. Kaya pala wala siyang gana sa klase kanina.
"Hindi ako makalapit. Nahihiya akong ibalita sa kaniya na 'di makakasipot si Sir Ian."
"Eh, bakit hindi na lang niya tinext or tinawagan?"
"Emergency kasi. Alam mo na, Council 'yon. Naabutan niya lang ako sa library kanina at ako na ang pinagbilinan niya."
"I understand," sabi ko at medyo kinompose ang sarili. "Look, isipin mo na lang ang bagay na ito ay gagawin mo bilang kaibigan. Kaibigan ni Ian at kaibigan ni Andrea."
Tumango-tango siya.
"Ikaw ang sinabihan ni Ian dahil malamang ay may tiwala siya sa'yo at may tiwala rin si Andrea sa'yo bilang club member niya."
"Siguro nga. Actually, okay naman na club President si Andrea. Paminsan-minsan lang may toyo."
"Minsan lang ba? Joke lang. You know what I mean. It's your time to be a friend. Walang ibang tao rito sa school ang magugustuhan niyang marinig ang katotohanan. Lalo na sa akin. She want someone to be with on this moment and ikaw 'yun. I'm pretty and sure, she'll be okay."
Nginitian ko si Lily na sinuklian naman niya agad. Kumalma na ang pakiramdam niya at napalingon muli sa naghihintay na si Andrea.
"Salamat talaga, Gwen."
"Always."
Naglakad na siya patungo sa bench. Dahan-dahan at nag-aalangan pa ang mga hakbang nung una. Pero nung napansin na siya ni Andrea ay napaupo na siya agad sa tabi nito. Hindi ko rinig ang usapan nila pero nakita kong imbis na magalit ay halos mapaluha lang ang reaksyon ni Andrea. Hindi rin iyon nagtagal at parang naintindihan niya. Niyakap siya ni Lily. How sweet. Pwede naman palang ganito siya ka-understanding na tao.
Siyempre ayoko maging kontrabida kaya napausal na lang ako ng dalangin na sana ay maging masaya sila at maayos ang anumang kaguluhan sa relasyon nila. Hayst, parang ayoko pang mag-boyfriend ulit.
SINUNDO ko si Elmo sa building nila at dumiretso na kami agad sa taxi cab. Kahit labag sa loob ko, pinilit ni Simm na siya na ang bibili ng pagkain since siya lang din naman nakakaalam kung saan ang exchange ng piloncitos.
Sa backseat ako nakaupo para magpahinga samantalang nasa driver's seat si Elmo, nagsasagot ng assignment niya. Nakabukas naman ang lahat ng bintana at sariwa ang hangin sa dakong iyon dahil sa mga puno at halaman sa paligid. Paminsan-minsan ay sumisilip ang ilang mga maligno. Sana mga kasamahan lang sila ni Hiyas.
Nakahiram ako ng ilang books sa library tungkol sa Philippine Mythology, lalo na sa epiko ng Ibalóng. Abala ako sa pagbabasa nang sumagi na naman sa isip ko ang tanong. "Magkano nga ang palitan ng piloncitos?"
Dumungaw si Elmo mula sa upuan niya. "Depende sa transaksyon. Kung doon sa kapreng palaging kausap ni Master, nasa 100 siguro ang isa."
"Ano? 100 pesos?" Napabalikwas ako. Sampung piraso 'yon. Hindi na rin maliit ang isang libo. Lintik na Simm na 'yan, 'di man lang ako hinatian.
"Ate," tawag ni Elmo.
"Bakit?"
"Ilang sentimetro ang isang pulgada?"
"2.54 centimetres. Bakit?"
Nagmamakaawa na naman ang mga mata niya habang ngatngat ang dulo ng lapis. "Dito ka nga, turuan kita sa assignment mo."
Masigla siyang bumangon at lumipat sa backseat. Nawawala sa isip ko minsan na kahit pa isang matandang santelmo si Elmo at ilang taon ng nabubuhay, mukha pa rin siyang 10 years old na bata sa isip at sa gawa.
Inisa-isa namin ang homeworks niya at kada nakukuha niya ang tamang sagot ay biglang maglilibyab ang balat niya sa berdeng apoy na siya ring nagbibigay liwanag sa amin dahil lumubog na ang araw sa labas at madilim na rin ang paligid.
"Elmo, bakit hindi nakakapaso ang apoy mo?" Ilang beses ko na kasing nakitang nakakatupok siya ng mga bagay sa pamamagitan ng paglabas ng apoy niya pero ilang beses ko na rin siyang nahawakan ay hindi pa ako napapaso.
"Hindi ko rin alam. Si Simm lang dati ang hindi napapaso sa akin. Baka dahil may lahing ahas ka."
Aray! Medyo masakit pa rin 'yung term na ahas, hah. Nilakasan ko ang loob na magtapat sa kaniya. "May papakita ako pero 'wag kang matatakot, ah. Atin-atin lang."
Itinaas ko ang long sleeve ng suot kong jacket. Lumabas ang makikintab na kaliskis sa mga braso ko. Kulay ginto na sila ngayon.
"Ano 'yan? Galis? Eww!"
"Tangek, kaliskis 'to. Nung una lang makati. Feeling ko, namana ko kay Oryol. Magiging ahas na rin ba ako katulad ni Lola?"
"Hindi pa ba?"
"Elmo!"
"Biro lang. Siguro, kasama sa pagbabago ng katawan mo kaya ganiyan. Bumalik na ba 'yung kapangyarihan mo dati?"
"Hindi pa nga, eh. Hindi ko rin alam kung babalik pa." Saka ko na-realize na kaya ko naman palang mamuhay ng wala iyon. Feeling ko, mas naging normal ang pagkatao ko dahil hindi ko kailangang hikayatin ang ibang tao para lang sumunod sa gusto ko. Unti-unti, natatanggap ko na na hindi lahat ay makukuha ko ng ganoon kadali. Katulad ng pagbabalik ni Lola sa dati niyang anyo. Kumusta na kaya siya?
Thug! Muntik na akong mapatalon nang buksan ni Simm ang pinto sa unahan. 'Di namin napansin na nandiyan na pala siya. Mabilis kong ibinaba ang long sleeves ko. Nakita niya kaya?
"Master, binilhan mo ba 'ko ng ice cream?"
Umupo si Simm sa passenger seat at lumingon sa amin para iabot ang isang puting plastic. "Hapunan niyo." Mukhang pagod na ang mukha niya. O baka naman bagot lang.
Mabilis na kinuha ni Elmo ang plastic. Pagsilip ko ay limang pirasong kwek-kwek lang 'yon saka isang cup ng ube ice cream.
"Hapunan na 'to?" Napalakas ang tanong ko.
"Sa inyo lang. Kumain na ko."
"Kwek-kwek lang? Hindi naman ako nakain ng kwek-kwek." Grabe, gutom na gutom ako maghapon. Saka hindi man ako nagda-diet tapos pagkaing-kalye lang bibigay niya sa'min?
"Sa'kin, okay lang. Basta me ice cream. Hmm," sabi ni Elmo. Ni hindi man lang ako tinulungan. 'Di naman siya nagugutom at taong-apoy siya. Parang nagsisi na ako na tinulungan ko siya sa assignment.
Hindi na ako sinagot ni Simm. Sumalampak na lang siya sa upuan niya at nagsimula na 'atang matulog.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nakita ko ang repleksyon ng mukha niya sa rear window. Parang ang amo niya matulog, mahimbing. Siguro'y kailangan niya pa talaga ng pahinga dahil hindi biro ang natamo niya noong lumaban kami sa Tandayag.
Tatlong piraso lang ang nakain ko sa kwek-kwek. Masarap naman pala ang sauce saka nakakabusog. 'Yung dalawa, binigay ko kay Belle na naglalalangoy pa rin sa munting pool niya nung dinalaw ko kanina. Ang bilis niyang lumaki. Singhaba na 'ata siya ng braso ko. Nakatulong din ang ilang insekto at palaka sa paligid para may makain naman siya kapag wala kami.
Pagbalik ko sa taxi, naabutan ko si Elmo na natutulog na sa backseat, sa dapat na pwesto ko. Ibinalik ko ang mga gamit niya sa bag niya at humiga na rin sa tabi niya. Naghanap pa ang kamay niya ng mayayakap kaya niyapos ko na rin siya. Nakagiginhawa ang init ng apoy niya. Masarap naman ang naging tulog ko ng gabing iyon.
KINABUKASAN nang lunch break, nagkita kami ni Simm sa tapat ng Tech. Lab. Ni hindi man lang siya umimik at pinangunahan ang paglalakad patungo sa parking area, sa may likuran ng school kung saan ang pasukan ng kotse ng ilang teachers. Walang bantay roon dahil palagi rin namang sarado ang gate. 'Yung iba kasing teacher, ginawa ng garahe ang school at 'di na inuuwi ang sasakyan nila. Saka na lamang may pumupuntang guard kapag may lalabas.
Sinundo ako dala ang stroller bag ko. Mas mabuting dala ko ang sandata. Mabilis naming nasulyapan ang apat na lalaking nakatambay sa bandang sulok, katabi ng kulay pulang Montero. Mukhang mga Senior High sila.
Nang makita kami, tumayo agad ang isa sa kanila. Ang angas ng aura ng isang 'to. Semikalbo ang gupit ng buhok, matangkad at may nginunguyang bubble gum. Nakaputing sando lang siya at ang hinubad niyang polo ay nakasabit lang sa balikat niya.
Malalim ang tingin ng mga mata niyang halos lumuwa na sa laki ng eyebags. Kita ko na nga ang ilang ugat niya sa napakaputla niyang balat.
"W-wait," bulong ko kay Simm na dire-diretso sa paglalakad hanggang sa isang pulgada na lang ang pagitan nila ng lalaking 'yon. 'Di hamak na mas matangkad naman ito kay Simm kaya nakatingalang nakipagtitigan siya rito. Nagsilapitan na rin ang tatlo pang lalaki sa pwesto namin.
"Anong kelangan niyo?" basag sa tensyon ng isa sa kanila. Iba naman ang isang 'to, malinis tignan. Makapal ang salamin sa mata. Mukhang naplantsa nung umaga ang uniform na naka-tuck-in pa at may nakaburdang rosas sa bulsa. Ang kintab rin ng black leather shoes niya. Bigla akong naiinggit at naawa sa sapatos kong matagal ko ng 'di nalilinis at nalalabhan. Hinawi niya ang naka-wax pa niyang bangs.
"We're not here to fight," sagot ko. "Ayaw namin ng gulo, okay?"
"Pero mukhang iba ang pinaparating ng syota mo."
"Sinong—Ay, hindi ko siya syota, okay. Pinadala kami ni Joy." Lakas-loob akong nagsalita. "Sino ba si Damian sa inyo?"
Nang marinig ang pangalan ni Joy, saka lamang kumalas sa pagtitig ang maputlang lalaki. "At ano namang sinabi sa inyo ng GF ko?" garalgal niyang tanong. "Rome," tawag niya sa naka-tuck in. Inabutan siya nito ng Gatorade saka uminom. Lumapit siya sa akin.
"I-ikaw ba si Damian?"
"It's DM. What do you need, Barbie girl?" Hinila ko patalikod ang dala kong stroller bag. Lumalabas ang pangil niya kapag nagsasalita. Ito na ba 'yung tinutukoy ni Joy na vampire gangster? Wala man lang ka-tattoo tattoo sa katawan. Parang puro angas lang.
"Ikaw ba ang leader ng F4?"
"Yep. This is Rome," tinuro niya ang lalaking nag-abot sa kaniya ng inumin kanina. "That's Conan," tukoy niya sa naka-brown jacket na mukhang taong-kweba at nakasandal sa Montero. "And that's . . ."
"Frank," salo ni Rome.
"Frank," turo niya sa isa pa nilang miyembrong sa sobrang lutang, daig pa ang katawang-saging ni James. Nakatayo lang siya sa isang tabi at nakatunganga. Ano kayang nasinghot n'on. "Shy-type. Bago lang siya sa grupo. Apat kasi ang kailangan namin."
"Bakit apat?" tanong ko. Hindi agad nakasagot si DM, nag-iisip.
"Bakit andaming tanong, girl?" singit ni Rome. "Ano bang pakay niyo?"
"Well, 'di na 'ko magpapaligoy-ligoy. I'm here for Joy's behalf. Damian—I mean, DM, I hate to say this but she's breaking up with you." Napasinghap ang F4, maliban kay Frank na nakatunganga pa rin.
On second thought, mukhang mali 'ata ang way ng pagkakabigkas ko.
"What did you say?" nanggigigil na tanong ni DM. "At sino ka para mag-decide para sa girlfriend ko?" Itinaas niya ang kamay at akma akong sasampalin.
Mabilis itong nahablot ni Simm. "Bakla ka ba? Ba't ka napatol sa babae?"
"Bitawan mo 'ko." Pinilit ni DM na alisin ang patpating niyang braso sa pagkakahawak ni Simm. Nakita ko ang bahagyang pagdilim ng aura ni Simm na agad rin namang nawala nang tuluyan niyang bitawan ang bampira.
"Correction," singit ni Rome. "Hindi naman talaga pumapatol ang bakla sa babae."
"I know who you are . . . Maligno-slayer," sabi ni DM sa mababang tono at nagpalaki pa ng butas ng ilong para magmukhang matapang.
"Tama na 'yan," awat ni Conan, ang naka-brown jacket. Lumapit siya sa amin para ayain ang lider nila na lumayo ng kaunti sa harap namin.
"Pati ba naman ikaw, C. Kakampihan mo 'tong mga mokong na 'to?"
"Dude, nasa school tayo. Bawal makipag-away rito."
"He has a point though," gatong ko.
"'Wag na 'wag mo 'kong pangungunahan," nanggigigil na idinuro ni DM ang daliri niya sa mukha ni Conan. Mukhang may anger issue ang bampirang ito. "I can do whatever I want with my girlfriend."
"She's not a toy!" Nagulat ako sa sigaw ni Conan. Ang kaninang maamo niyang mukha ay naging singbangis ng leon. "Hindi mo siya pag-aari."
"She's mine! She's only mine! Kapag nahuli ko kung sinong lalaking kumakalantari sa GF ko, ibabaon ko sa lupa ang katawan niyang wala ng lamang-loob."
Napalunok ako ng laway. Maging si Simm ay nakita kong umurong. Ano ba 'tong gulong napasukan namin?
"Are you sure na mayroon siyang iba kaya kayo nagkakaganyan?" bwelta ni Conan.
"Anong gusto mong palabasin? Ako ang may mali, hah?" Iniamba-amba ni Damian ang kamao niya. Hindi na rin nakapagpigil si C at hinawakan ang ibabaw ng sando ng kausap niya sabay labas ng matatalim niyang pangil.
"Aswang," bulong ni Simm.
My goodness, nangangamoy away-maligno 'to, ah. Napahawak nang mahigpit ang kamay ko sa aking stroller bag at ang isa naman ay nanatiling nasa bulsa para mabilis na makapaglabas ng pepper spray.
"Guys, guys! Awat na!" pumipiyok na saway ni Rome at pumagitan sa dalawa niyang kaibigan. Inayos niyang muli ang nagulong bangs. "Walang kwentang bagay, pinagtatalunan niyo."
Bumitaw na sila sa isa't isa at maangas na nagtalikuran. Muling inabot ni Rome ang Gatorade. "Boss, kalma lang."
Isang bagay ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. May kuminang na bagay sa braso ni Conan kanina na mabilis niya ring itinago sa long sleeve ng jacket niya. Alam ko ang ganoong kilos dahil maging ako'y palaging conscious sa braso ko kapag may kaharap na tao.
Inakbayan ko si Simm na biglang nanigas sa ginawa ko. Hindi ba siya sanay akbayan ng babae? Inaya ko siyang tumalikod saglit at inilapit ang bibig ko sa tainga niya.
"Nakita mo 'yon?"
"Ang alin?" Ramdam ko ang pagpigil niya ng hininga. Naiilang ba siya sa akin dahil ganito kami kalapit?
Inalis ko 'yun sa isip at nag-focus sa misyon. "'Yung bracelet ni C, same ng bracelet ni Joy."
Namilog ang mga mata niya tulad ng inaasahan ko. Hmmm. Nangangamoy love triangle.
************************************
So you meet the F4 na. Hehe.
Thank you, aliastwelve and iamromelozano!
Real-life Joy and Rome.
Salamat sa pagbabasa.
。◕‿◕。
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top