1. Ang Boyfriend Kong Engkanto

ISA
ᜁᜐ
ANG BOYFRIEND KONG ENGKANTO

IT WAS the first day of my period, the first sign of apocalypse.

After flag ceremony, nagsimula nang magumpukan ang mga estudyante sa may quadrangle. At umabot na rin sa bawat hallway ng school. We're celebrating the 150th anniversary ng pagkakatatag ng General Escudero National Institute, one of the most popular school sa aming bayan (dahil hindi naman gano'n karami ang schools dito). Mula Kinder hanggang College, at kahit pa Graduate Studies ay ina-accomodate ng aming hindi naman kalakihan na eskwelahan. Kaya kapag ganitong may event, siksikan ang mga estudyante sa bawat sulok, abala sa mga bagay na nagagawa lamang nila tuwing bakanteng oras.

I should have been staying at home with my Lola. 'Pag ganitong unang araw ng period ko, hindi talaga maganda ang aking pakiramdam. But I can't. May importanteng bagay akong dapat na gawin ngayong araw na ito.

"Ayaw mo ba sa Gamer's Club?" tanong sa akin ni Eya, ang bestfriend ko since... last week? 'Di ko na maalala kung kailan ko siya naging ka-close. Basta, nangyari na lang. Dahil siguro ito sa kakaibang abilidad ko na ako mismo ay 'di maintindihan.
Sa tuwing may kinakausap ako, para silang nahi-hypnotize sa boses ko. 'Yung tipong wala silang pakialam sa paligid at taimtim lamang na nakikinig sa akin kahit pa halatang hindi naman sila nakikinig sa sinasabi ko. Para akong may superpowers na magpasunod sa kung ano mang hilingin ko. Tinawag ko itong mesmeraid, pinaghalong mesmer at mermaid. Alam ko, masiyadong mahaba pero ako lang naman ang gagamit ng word na 'yun dahil wala namang ibang nakakaalam kahit maging ang aking lola. Hindi siya madaling gamitin. Tamang tono at pitch ang kailangan kaya matagal din bago ko nahasa.

Like, nung isang buwan, nautusan ko ang Vice President ng Supreme Student Council na 'wag nang lumaban muli next school year. Balak ko kasi sumali at magiging mahigpit ko siyang kalaban. Dahil doon, hindi na siya nag-file for candidacy. Nang dahil lang sa nakausap ko siya isang beses at titig na titig sa bawat salitang inilalabas ng labi ko. I felt guilty after that pero panandalian lang. Pwede naman niyang ituloy pero nagpauto lang siya sa akin. Ganun talaga siguro kapag mababa ang intelligence quotient, mabilis maloko.

"O kaya sa Miss Universe Club? 'Di ba ikaw naman ang Muse ng section natin simula pa noong Elementary?" kulit sa akin ni Eya. Lumalabas ang sungki niyang ngipin kapag ngumingiti. Matagal ko na siyang sinabihang mag-brace. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maayos ang pagkakaipit niya sa kulot at malago niyang buhok. Naalibadbaran rin ako sa malaking ribbon niya sa itaas ng uniform. Simpleng white blouse at navy blue na palda lang naman ang suot namin. Hindi ko alam kung para saan at nagdadagdag pa siya ng mga palamuti.

"Yah. I mean, bagay talaga 'ko ro'n kaso . . ."

"Kaso ano?"

Hindi ko masabi sa kaniya ang tunay na dahilan. Kaninang umaga, muntikan na akong 'di papasukin ng guard sa gate kasi naiwan ko 'yung School ID ko sa bahay kakamadali. Hindi kasi maganda ang gising ko dahil nga sa period ko. Pero nang subukan kong kumbinsihin si lady guard gamit ang aking mesmeraid, ang sagot niya lang ay "Iha, bakit ka ganiyan magsalita. Para kang tandang na kinakapon sa tono ng huni mo." Hindi ko naman alam na ganoon pala ang dating sa kanila ng enchanting voice ko. Sa kauna-unahang beses ay 'di gumana ang powers ko. Mabuti na lang at pinatawag ang aming class adviser for Grade 10 Ibalóng, si Ma'am del Valle, at pinayagan akong papasukin. Nakakahiya pero hinayaan ko na lang. Kaysa naman mag-stay ako sa gate kasama ang ilang mabahong estudyanteng nakalimot din ng IDs nila at hintayin ang sundo ng mga magulang. Ayoko ng abalahin pa si Lola na hindi naman madalas lumabas ng aming bahay.

"Gwen, andami na nating nadaanan, wala ka pa ring pinipiling club. Ang ganda at talino mo, ang pihikan mo naman," komento ni Eya. "Kaya kita idol, eh, kasi pinag-iisipan mo talaga ang bawat desisyon mo, besh."

"Ahhh. Ganun na nga, heh." Siyempre, plastic ang pagkakangiti ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay gumagana pa rin naman kay Eya ang hypnosis ko samantalang dun sa guard at kahit pa kay Ma'am del Valle ay hindi. Ayoko ng maulit ang nangyari kanina kaya nahirapan tuloy ako pumili ng social club na sasalihan. Baka mapahiya na naman ako kapag kinausap ko sila na pasalihin ako tapos biglang hindi tatalab ang powers ko. Ta-try ko muna sa ibang grupo, 'yung may mababa ring IQ. Wish me luck.

"Anti-Social Club," basa ni Eya sa halos mapunit ng Manila paper sa isang pader malapit sa girls' rest room. Nakaabot na pala kami sa gawing ito kahahanap. "Ito, bestfriend, baka pwede na 'to," turo niya.

Hinanap ng tingin ko ang sinumang miyembro ng club na pwede kong kausapin. Nakita kong nakasandal ang isang babae sa may gilid. Hati ang buhok niyang nakatirintas sa dalawa. May hawak siyang flyers, tahimik at minamanman lamang ng mga maamo nitong mata ang bawat estudyanteng naglalakad. Walang lakas ng loob para ialok ang flyers nila. Kaya ako na ang lumapit.

"Hi," bati ko at ipinamungay ang maputing ngipin. Tinitigan lang ako ng babae saka niya lamang na-realize kung sinong kaharap niya, ang isa sa pinaka-popular na estudyante sa school. Dahan-dahang namilog ang kaniyang mga mata at napahawak pa ang kamay sa bibig. "I like your . . . hairclip," puri ko sa hugis bulaklak niyang clip.

"Lily? 'Di ba ikaw si Lily?" tanong ni Eya rito. Tumango lamang ang babae't tila naipit 'ata ang boses. "Gwen, kaklase natin siya. Sa may fourth row," bulong ni Eya sa akin.

"Ow, nice to meet you. I mean, hello." Bakit hindi ko siya napapansin? "Open pa ba ang club niyo for members?" tanong ko. Sinigurado kong tama ang bawat salitang binigkas ko at 'di ko inalis ang tingin sa kaniya para siguradong narinig niya ako. Gumana ka, bulong ko sa sarili ko. Pero hindi ko nakita ang puting aninong kumikislap sa mga mata ng mga taong ginagamitan ko ng mesmeraid.

Magsasalita na sana si Lily nang biglang may sumingit na matangkad na babae sa pagitan namin. Sing-itim ng panlinis sa sapatos ang buhok nito at naka eye shadow pa ang mga pilikmata na simputla ng labi niya. Agad ko siyang nakilala—si Andrea Taylor, ang running for Top 2 at matindi ko ring karibal. "Well. Well. Well. Look who's here? Gwendolyn Bellinda. Excuse me but our club was closed just a while ago to people like you," masungit niyang sabi sa akin. Napaurong ako sa biglaang talsik ng mga laway niya.

Nakapapanting sa tainga ang pagsasalita niyang punong-puno ng self-confidence kahit mali mali naman ang grammar. Ang balita ko'y dahil anak-mayaman kaya madali siyang nakaangat sa top list. Ngayong taon ko lang siya naging kaklase pero mabilis kong nasaksihan kung paano siya magmanipula ng grado at manuhol ng mga kapwa estudyante para lang makalamang. Baka nga pati mga school administrators ay na-impluwensiyahan ng pamilya nila.

Inayos kong muli ang composure ko, hinawi ang aking brownish wavy long hair para ipamukha sa kaniyang mas maganda ako kaysa sa bagsak at walang kabuhay-buhay niyang buhok. Pang-model rin naman ang height ko pero 'wag niya akong idaan sa patangkaran. "Excuse me rin pero hindi ikaw ang kinakausap ko. And also, mukhang mas kailangan ng club niyo ang isang tulad ko."

"Tama!" sapaw ni Eya habang nakapameywang pa.

"Hoy! How assuming are you? Eh, singit ka lang lagi sa pila sa canteen tuwing lunch break."

Kumawala 'ata ang kaluluwa ko sa sinabi niya. 'Di ako makapaniwalang naaalala niya 'yon. Samantalang lahat ng tao sa pila ay ginagamitan ko ng mesmeraid para paunahin akong makabili ng lunch. At kapag may umaangal ay kinakausap ko rin. Paano niyang natatandaan 'yon? Bakit hindi ko pa rin magamit ang powers ko sa kaniya?

"Baka naman nagkakamali ka lang, besh," pilit ko pa ring sabi sa kaniya. "Bakit ko naman gagawin 'yon, 'di ba? Masama 'yon."

"Mabuti pa, you go away here. Isama mo 'yang kutong-lupang bestfriend mo bago pa magsimula ang away rito."

"Anong sabi mo? Sinong kutong-lupa? Hinahamon mo ba kami?" sagot ni Eya at naghanda na ng kamao.

"As if namang sasali ako," desisyon ko. "Not to be mean but it's supposed to be Asocial Club, not Anti-Social. Research the difference."

"Ah, ganun—"

"What's happening here?" Napahinto kaming bigla sa narinig naming iyon. Alam namin ang boses na 'yon, kay Principal Enrile.

Dahan-dahan pa naming inilingon ang mga ulo sa matandang lalaking nasa likuran namin. Kung gaano kakapal ang salamin nito sa mata ay ganoon naman kanipis ang uban nito sa ulong 'di na 'ata aabutin ng mahal na araw bago makalbo. May kipkip siyang malaking folder sa kili-kili.

"Sir, they starts it," mabilis na singit ni Andrea.

"Nothing, sir. Good morning po," bati ko at inayos muli ang composure. Sumunod sa pagtango sina Eya at Lily.

"Good morning, girls," maikiling bati ni Principal Enrile. "Ms. Bellinda," tukoy niya sa akin, "I see that you're already looking for your club. Just to remind you, you need an extra credit in order to top this year's honor list for Grade 10."

"Y-Yes, sir."

"Hello, sir," singit ng epal na si Andrea. "Sir, paalala ko lang po na running din ako for Top."

"Good morning, Ms. Angelica."

"Andrea, sir. Good morning po."

"Tama. You're still doing good. In fact, your'e on par with Ms. Bellinda."

"I know, sir. And I know rin na kung hindi makapag-join si Gwen ng social club, ako po ang mangunguna sa honor's list," ngiti niyang may pagkakahawig sa demonyo.

Biglang napa-check si Principal sa dala niyang folder. "Ahh. Yes. Tama ka roon. Girls, you still have a few weeks before deadline. Malapit na ang Moving Up Ceremony. Mauna na 'ko. I still have things to do. Excuse me." 'Yun lamang at mabilis na naglakad si Principal palayo. Kusang humahawi ang mga nakapaligid na estudyante kapag dumadaan siya.

"So, Gwen? You know. I'll be there in the stage when you accepted your defeat."

"Sarap mong ngasabin. Hmm," sagot ni Eya na may pag-amoy at pagdila pang tila natatakam. May ka-weirduhan din 'tong kaibigan ko.

"Eya, stop. Both of you stop. I'm not competing with anyone."

"Sure. Tuloy lang natin ang pagpapanggap, hampaslupa" irap ni Andrea. Parang kutsilyong tumusok ang huling salita niyang iyon. Oo, tanggap ko na ang buong pag-aaral ko ay nakaasa lang sa scholarships na natatanggap ko, sa mga nagpapa-sponsor na local businesses na kinukuha akong model at sa pensyon ni Lola. Kaya palagi kong ginagalingan every year na makakuha ng mataas na grado upang makasigurong makakapasok pa rin ako sa sumunod na taon. Lalo na ngayon na magsi-Senior High na ako. Mas malaking kaperahan ang kakailanganin namin ni Lola para ipagpatuloy ang aking pag-aaral. At ang nakikita ko lamang na paraan ay manguna sa honor's list ngayong taon.

"Munchkin, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," tawag ng isang lalaking may malamig na boses. Napalingon kaming lahat dito. Parang ice cream na natunaw ang pakiramdam ko nang masilayan si Ian Lazaro, isa sa tinaguriang hearthrob ng school mula sa Grade 11. Pero 'di tulad ng karamihan, misteryoso siya at minsan ko lang makitang nagpapagala-gala. Bihira lang siyang makipag-participate sa mga event at hindi rin sumasali sa mga organization.

"Hello, Lily," bati nito na nagpa-freeze pa sa inosenteng si Lily. "Hello, girls. Kung meron mang sinabing hindi maganda ang girlfriend ko, ako na ang humihingi ng pasensiya." Sumisilip ang mainit niyang tingin mula sa makapal na salamin niya sa mata. Malawak ang ngiti niyang pang-politician. Amoy na amoy ko ang pabango niyang mala-hamog sa ilalim ng waterfalls sa kapreskohan. Nakasuot siya ng kulay asul na jersey jacket at ayos na ayos ang naka-wax na gray na buhok. Sa lahat ng lalaking nagpakulay ng buhok, siya lang ang nakita kong bumagay talaga.

Bigla akong kinurot ni Eya sa tagiliran. Nahuli 'ata akong nakatitig.

"Hahaha. Wala naman po 'yon. Nagchichikahan lang kami, ito naman," biro ni Eya. "Paano? Mauna na kami. Babush." Iginiya niya 'ko palayo sa pwesto ng Anti-Social Club. Tinanguan ko na lang at nginitian si Lily tanda ng paghingi ng pasensiya sa kaguluhan.

"Hoy, Gwen. Baka nakakalimutan mo, may boyfriend ka," bulong sa'kin ni Eya nang makalayo na kami.

"Alam ko naman 'yon." Ang hindi ko maintindihan ay kung paano naakit ng isang Andrea ang katulad ni Ian. Sa sama ng ugali ng babaeng 'yon, baka may lahing mangkukulam.

"Tara na nga." Sinimulan na muli namin ang paglalakad. Mangilan-ngilang desk pa ang aming nadaanan sa hallway, ilang org. din 'yon pero sa bawat lingon ko, ay nakasunod sa akin ang matamang tingin nila. Sa bawat club, may at least isang miyembro na may atraso ako dati. Hay. Masiyado ko kasi ginalingan. They're either one of the victims ng mesmeraid ko o kaya ay sadyang inggitera lang sa status ko ngayon.

Kung anu-ano ang ikinukwento ni Eya pero wala akong naiintindihan sa kadaldalan niya. Naagaw ang atensyon ko ng isang estranghero sa may dulo ng hallway.

Mukha itong tambay lang sa pagkakaupo. Nakataas pa ang mga paa sa desk kung saan naroon ang registration sheet. Nakasuot ito ng black hooded jacket, malago ang buhok na hindi 'ata nadadampian ng shampoo. Lumalago na rin ang bigote nito at balbas sa mukha. Sa layong tatlong dipa, nahuli ko ang tingin niyang parang nauumay lang sa itsura ko. How dare him? May pagnguya pa ng bubble gum. Medyo uminit bigla ang ulo ko.

"Excuse me, Miss." Napatigil kami ni Eya sa paglalakad at nilingon ang isang batang lalaki. Hanggang baywang lamang ang taas nito at nakasuot ng pang-Elementary na uniform. Natatakluban ng pulang sumbrero ang kulay berde nitong buhok. Ano kayang trip ng magulang nito? Nagawa pang i-bleach ang buhok ng anak nila.

"Naliligaw ka ba, bata? Anong Grade mo?" bati ko at yumuko para kausapin siya. Napakaputi ng balat niya. Matambok ang mga pisngi at may dimples pa kapag ngumingiti. Napaka-cute.

"Hindi ako naliligaw. Ikaw ang naliligaw. Hindi ba naghahanap ka ng masasalihang club?" tanong nito. Napahawak ako sa dibdib sa talas ng pagsasalita niya. Hindi 'ata naturuan mag-po at opo.

"Teka, bata. Anong Grade mo na ba?"

"Grade 5. Tara, sama ka sa'kin."
Aba't medyo bastos nga. Bigla ba naman kaming tinalikuran at dali-daling tumakbo palayo. Saka ko lamang napagtanto na inaaya niya kaming pumunta sa may dulo ng hallway, sa pinakahuling booth. Sa kinapupwestuhan nung mukhang hoodlum na estranghero.

Sa school namin, uso ang cross-membership ng clubs from different grade levels. Pero nakakapagtaka naman na ang isang charming na bata na iyon ay ka-grupo ng lalaking ito.

Huminga ako ng malalim. Mukhang wala na talaga akong magagawa. Isa pa, sa lahat-lahat ng club na nadaanan namin, ito lang yung wala akong kakilala. Nagsimula akong humakbang.

"Sigurado ka ba, Gwen?" pigil sa akin ni Eya. Mahigpit ang kapit niya sa mga braso ko at bakas ang takot sa mukha. Parang nakakita ng multo. May pagiling-iling pa ito.

"Bakit? Anong nagyari sa'yo. Ba't ka namumutla? Mabilis lang to. Maglilista lang ako sa registration. Tara na." Wala nang nagawa pa si Eya dahil lakas-loob na nilapitan ko ang desk na 'yon.

Sa bawat hakbang ko ay nakatitig lamang ang gusgusing lalaki. Nakakatulog pa ba siya sa lalim ng eyebags niya?

Huminto ako sa harap. "Excuse me. I would like to join? What's the name of your club?" Ipinakita ko ang pinakamayumi kong ngiti.

Sasagot na sana ang batang lalaki, "Klab—"

"We're not accepting anymore applicants," sapaw ng estranghero. Garalgal ang boses nito. Nag-ipon pa ng laway sa bibig sabay dura sa sahig. Eww! Hindi pala bubblegu 'yung nginunguya niya kanina kundi siling labuyo.

Hindi ko na lamang ito pinansin at magpakilala. "I'm Gwen . . . from Grade 10 Ibalóng. Don't spit on the ground, please. Kadiri." Nakakapit lamang si Eya sa akin at nagtatago sa likuran ko. Sa tagal ko ng nag-aaral sa General Escudero, ngayon ko lang nakita ang lalaking 'to. Kaya ano bang ikinatatakot ni Eya?

"Ahm. Miss Gwen. Dito ang listahan. Ako pala si Elmo." Iniabot sa akin ng bata ang registration.

"Thank you, Elmo. Mabuti pa 'tong Elementary, maayos kausap," ismid ko at akmang aabutin ang papel nang bigla 'tong kinuha ng lalaki, ikinuyom sabay shoot sa pinakamalapit na basurahan.

"Hindi kami tumatanggap. Hanap ka sa iba," sabi niya sabay talikod. Maging si Elmo ay nagulat sa inasta ng kasamahan niya.

"Master," tawag ng bata rito. Master? Anong klaseng club 'to? Gangster o Yakuza? "Hindi ba kailangan pa natin ng isa pang miyembro?"

Sumagot ang lalaki ng pabulong na 'kala mo'y hindi ko naririnig. "We do. Anyone but her. Besides, she's a girl."

Ah, gano'n? May pagka-anti-feminist pala 'tong hoodlum na 'to, eh. Eh, ano kung babae ako? Matapos niya akong talikuran at kuhanin ang papel na susulatan ko na sana, ngayon hindi siya tumatanggap ng dahil sa gender ko?

Nagpanting na talaga ang tainga ko. Kumulo na ang toyo ko, samahan pa ng sakit ng puson ko. "Hoy, bastos!," sigaw ko sa lalaki. Wala akong pakialam kung napalingon na ang ibang estudyante sa amin. "Ganiyan ka ba magtrato sa mga magiging miyembro mo? Estudyante ka ba talaga, ha?"

Kinulbit-kulbit ako ni Eya bilang paalala na 'wag ng gumawa pa ng eksena. Kakakita lamang sa amin ni Principal kanina eh.

"Humarap ka, duwag!" tawag ko. Galit na galit na talaga ako. Lalo na ngayong hindi kagandahan ang pakiramdam ko, eh.

"Sorry, Miss," hingi ni Elmo ng pasensiya. "Balik na ka na lang mamaya. Wala sa mood si Master."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nanggagalaiti na talaga ako.
"Ang lakas mo rin, noh. 'Kaw pa wala sa mood, gan'on? Teka nga." Hindi pa rin natinag ang lalaki. Nakatalikod pa rin sa amin.

"Gwen, tama na 'yan. Tara na," bulong ni Eya.

"Ano? Bakit kanina, ikaw naghahamon. Ngayon, bahag na ang buntot mo."

"Tara na."

"Gwen?" Napa-freeeze ako sa boses na 'yon. Mabilis akong lumingon sa class adviser namin, si Ma'am del Valle. "Gwendolyn, may problema ba?" Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi siya galit. Palagi namang ganoon si Ma'am. Maaliwalas ang mukha niya na parang hindi tumatanda kahit pa nasa late 40s na 'ata siya. May lahi nga 'atang 'kano si Ma'am sa tangos ng ilong at sa kutis niyang malaporselana. Walang asawa at walang anak kaya nagagawa pa ni Ma'am na mag-makeup at magsuot ng maiksing palda.

"Gwendolyn," rinig kong bulong nung hoodlum at may pagtawa-tawa pa.

Narinig siya ni Ma'am del Valle. "Mr. Simmón Oragon, mabuti naman at sinisimulan mo ng mag-recruit ng lower years. Mabuti 'yan."

Simmón Oragon? Pft. Ambantot. Natahimik agad siya nang mahalatang tumatawa rin ako.

"Y-Yes, ma'am," pautal na sagot niya.

"Mas okay ang tandem ng Senior High at Junior High. Good luck sa inyo. Mauna na ako at may kailangang papeles si Principal." May pagtaas pa ng kilay ang huling tingin ni Ma'am sa akin bago tumuloy sa paglalakad. Parang laging sinasabi niya na magpakabait ako. Gano'n na ba ako ka-warfreak?

Binalikan ko ang club. "So . . . Sim-Mown Urr-Ra-Gown," bigkas ko sa pangalan niya. 'Di ko mapigilang matawa. Natahimik lang ako nang makitang salubong na ang makapal niyang kilay.

"I'm warning you, don't call me by that name."

"Oh, I'm scared. Huhu," sagot kong lalong nagpagalit sa kaniya.

Ipinatong niya ang mga kamay sa desk, inilapit ang mukha sa akin at nagwika, "Gwendolyn."

Ngunit hindi ako nainis. Mas lumapit pa nga ako at itinapat ang beautiful face ko sa mukha niya. Anlalim ng itim niyang balintataw. Gagamitin ko sana ang mesmeraid sa kaniya nang parang nahalata niyang may gagawin akong kakaiba. Lumayo siya bigla.
Kahit ako ay nagtaka. Paano niya nalamang gagamitin ko ang powers ko? Alam niya nga ba o nagkataon lang na bigla siyang umiwas at biglang nawala ang galit at panunuya sa itsura niya.

Natuon ang tingin ko sa leeg niya at sa bandang dibdib niya. May napansin akong itim na markang sumisilip mula sa suot niyang jacket. Sigurado akong tattoo iyon. Hugis ibon na may . . . sungay?

Napansin niya ring nakatingin ako roon at 'di makapaniwala. Mabilis siyang tumalikod. Nginitian na lang ako ng batang lalaking kasama niya. Estudyante ba talaga 'tong lalaking ito? Bakit siya may tattoo, eh, bawal sa school 'yon.

"Alis na tayo rito" aya sa akin ni Eya at iginiya ako paliko ng hallway.

"Gwen!" rinig naming tawag sa 'di kalayuan. Mabilis na tumigil ang maalinsangang hangin at naglaho ang mga agam-agam ko nang makita ko ang boyfriend kong si James. Si James Sandford. Magi-isang buwan pa lang kaming mag-on pero parang matagal ko na siyang kilala.

Mukha siyang bagong ligo sa madulas at nakalugay niyang buhok na medyo may kahabaan. Matamis ang kaniyang ngiti. Saka ko lamang napansin ang dala niyang box of chocolates. Slow-mo ang dating niya sa akin habang naglalakad palapit.

"Happy first monthsary, babe!" Para akong nawala sa trance. Monthsary pala namin? Ganun na ba katagal 'yun? Pagod na 'ko para magbilang pa ng araw.

"Happy monthsary!" sagot ko. Iniabot niya sa akin ang kahon ng tsokolate.

"Wow! Besh, mukhang masarap 'yan, ah. 'Di ba nagbabawas ka ng calories? Baka naman," sabi ni Eya. Walang alinlangang iniabot ko sa kaniya ang tsokolate. Ewan ko ba rito kay James. Alam namang naghihinay-hinay ako sa matatamis, eh.

"Ah, babe. May ibibigay pa ako sa'yo." Inilabas niya ang isang boquet ng rosas mula sa kaniyang likuran. Inaasahan ko na 'yon pero siyempre nagpanggap pa akong gulat na gulat.

"Ahhhhh. Ang sweet naman!" tukso ni Eya sabay subo ng chocolate. "Congrats, besh!"

"James naman. Sabi ng ayoko ng surprise, eh." 'Di ko maitago ang kilig at napahampas pa sa matipunong bisig ni James.

Napaatras ako bigla at kinabahan nang lumiyad siya at akmang hahalikan ako. Nagulat rin siya't napakamot na lang sa ulo.

"Babe naman. Daming tao, oh. Kakahiya. Ih," ngiwi ko. Dalawang sikat na estudyante ba naman ang gumawa ng eksena, kung hindi kami pagtinginan ng mga inggiterang froglets.

"Sensya na. Halika, samahan mo 'ko. May pupuntahan tayo."

"Saan naman?"

"Basta. Tara."
Hindi ko na siya napigilan nang hablutin niya ang mga braso ko.

"Go na, besh. Keri ko na 'to." Bigla ko na lang hinagis ang mga bulaklak kay Eya. Malaya akong sumama kay James patungo sa kung saan man.

Lumingon ako saglit sa dulo ng hallway. Himalang wala na ang estranghero at ang batang lalaki. Kapag nakita kong muli ang mokong na 'yon, makikita niya talaga.

Dinala ako ni James sa mismong classroom namin, ng Grade 10 Ibalóng, sa may dulo ng third floor ng JHS Building. Agad niyang isinara ang pinto pagkapasok namin. Walang mga tao roon dahil lahat ay nasa baba, abala sa event. Ang nandito lamang ay mga gamit naming magkakaklase.
Hindi ko alam kung anong balak ni James. Baka mapagkamalan pa kaming klepto kapag may mga nawalang gamit dito.

Inaya niya kong umupo sa ibabaw ng table ni Ma'am del Valle. Dahan-dahan pa ako dahil baka mabasag ang salamin ng mesa.

"Ano bang gagawin natin dito, James?" tanong ko na may halong kaba na rin.

Tinitigan niya lang ako at ngumiti sabay hawi ng bangs ko papunta sa likod ng aking tainga.

"Anong pinaplano mo? Ikaw, hah." 'Di ko maitago ang kilig.

"May tatanong sana ako sa'yo?" Medyo nagseryoso ang tono niya. "'Di ba dapat wala ng sikreto sa pagitan natin?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Tapos?"

"Kailan mo ba 'ko papakilala sa pamilya mo?"

Napalunok ako ng laway. Sa totoo n'an, walang nakakaalam na ang lola ko lang ang kasama ko buong buhay ko maliban sa class adviser namin. Maaga raw namatay sa aksidente ang mga magulang ko nung bata pa ako at siya na ang nagpalaki sa akin.

"B-Bakit? 'Di pa ba sapat 'to?"

"I mean, yah, masaya naman ako at sinagot mo ako pero gusto sana kitang ligawan. 'Yung seryoso. 'Yung dadalaw pa ako sa inyo na may dalang bulaklak. Gusto kitang ihatid-sundo araw-araw."

Napaisod ako ng kaunti. Naglagay ng kaunting espasyo sa pagitan namin. Hindi ko matignan ang kulay asul niyang mga mata. Hindi ko alam ang isasagot.

Gusto ko. Gusto kong mangyari rin ang mga sinasabi niya pero mariin ang bilin sa akin ni lola na walang ibang dapat na makaalam ng kinaroroonan ng aming bahay. Pero malaki na ako. Araw-araw akong sumasakay ng tricycle para makapasok at makauwi. Masarap din sa feeling na may naghahatid at sundo sa'yo.

Pero hindi ko pa naman din masiyadong kilala si James. Transferee siya nitong second sem. lang. Ako kaagad ang napansin niya sa aming magkakaklase. Wala, eh. Ganun talaga.

Tinitigan kong muli ang artistahin niyang mukha. "Ahm. Siguro. Pwede naman," nahihiya kong tugon.
"Talaga? Yes!" sigaw ni James na napaakyat pa sa lamesa ni Ma'am del Valle at nagtatatalon.

Hinampas ko ang binti niya sabay halakhak. "Hoy! Mababasag mo mesa ni Ma'am."

Bumalik siya sa pagkakaupo. "Oh, sige. Mamaya, ah. Saan ba ang inyo? Pwede kitang ihatid gamit ang sasakyan ni Daddy?"

"May sasakyan kayo?" Never ko pa siyang nakitang bumaba ng kahit na anong magarang sasakyan noon. Madalas ay sa classroom na rin kami nagkikita. At ni minsan ay 'di niya naikukwento ang parents niya. Ganun talaga siguro kapag mayaman. Baka only son pa siya. Medyo pa-sikreto ang pamilya niya. OMG! Baka founder ng school ang angkan niya! "Oh, sige. Sa may bungad lang kami  ng Villa Mapagong. Ikalawang kanto. Papasok sa loob. Madali mahanap yun kasi nag-iisa lang 'yung mukhang abandonadong bahay ro'n. Ancestral house ng mga Bellinda."

Taimtim na nakinig si James. Parang sinasaulo niya bawat direksyon na sinabi ko. "Ang ganda mo talaga," wala sa wisyong komento niya.

"Hay. Ano ka ba? 'Wag ka ngang ganiyan." Napatakip pa ako sa bibig sa kakiligan. Hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi.

"Ang sarap mong kainin. Ano kayang lasa ng malignong tulad mo?"

"Ano 'ka mo? Naka-inom ka ba, James?" Iniwasan ko ang biglang haplos niya sa pisngi ko.

"Akala ko, mahihirapan ako sa'yo. Hindi ka pala ganoon katalino."

"What are you talking about? Tinatakot mo 'ko." Napatayo na ako at humakbang palayo sa mesa. Otomatikong bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakaupo pa rin siya roon at nakatitig sa akin, mga mata'y tila leong nakakita ng lalapain.

"Happy monthsary, Gwen. Masaya 'kong makilala ka. Sigurado akong tiba-tiba ako kay Boss kapag nakarating na sa kaniya ang impormasyon."

"Tumigil ka nga, James! Anong sinasabi mo?" Nahirapan ako bumigkas. Tila nawala ang dati kong kompiyansa sa tuwing gumagamit ng mesmeraid. Napatigil ang aking pag-urong nang mabangga ng pwetan ko ang upuan sa unahan ng row.

Hindi ako makapaniwala sa sunod kong nasaksihan. Si James ay unti-unting nabalatan ng buhay. Naging kulay itim at halos inaagnas ang kaniyang balat. Humaba ang matatalas niyang kuko. Dumanak ang malapot na laway sa bibig niya. Nakakatakot ang kaniyang matatalim na mata. Hindi ko na siya makilala.
"S-sino ka?"

"Ako pa rin 'to, si James, ang boyfriend mong engkanto. I love you, Gwen!'
Hindi ko na naituloy ang aking sigaw nang bigla niya akong sunggabin.

************************************
Woof! Ito na 'ata pinakamahabang chapter na naisulat ko. Feel free to critic po. I need some feedback.

Thank you siruhanooo, sa pagpapahiram ng name mo kahit anlayo nung traits ng character sa'yo. Hehe.

Salamat sa pagbabasa. 。◕‿◕。

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top