Talaan ng mga Salita

TALAAN NG MGA SALITA
ᜆᜎᜀᜈ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜋᜅ ᜐᜎᜓᜆ

ADLAWANG GINTO di-pangkaraniwang metal na mapanganib sa mga Maginoo lalo na sa mga maligno at pinaniniwalaang gawa mula sa labi ng lumang anito ng araw

AGIMAT makapangyarihang bagay mula sa kaibuturan ng isang anito o maligno

ALALIA isa sa tatlong uri ng kaluluwa ayon sa paniniwala ng mga Ilokano na siyang humihiwalay sa katawan ng babagong patay at pagala-gala sa unang siyam na araw bago magsimulang maglakbay sa kabilang ibayo

AMALANHIG patay na muling nabuhay mula sa paniniwala ng Hiligaynon

ANGALO isa sa higanteng anito na pinaniniwalaang lumikha ng mga anyong-lupa at anyong-tubig

ANITO mga nilalang na nalikha upang gabayan ang mga tao sa kanilang pang-araw-araw na gawain at bantayan ang likas na yaman ng sankalibutan

ANIWAAS isa sa tatlong uri ng kaluluwa ayon sa paniniwala ng mga Ilokano na gumagala sa tuwing natutulog ang isang tao

APGAD anito ng asin, alat, at tubig-alat ng mga Ilokano

ARAN ang babaeng higante na asawa ni Angelo at isa sa matatandang anito ng mga Ilokano

ARIBAI mabababang anito ng kalikasan, diwata para sa mga Ilokano

BABAYLAN mga taong nabigyan ng kapangyarihang makipag-usap sa mga anito; Katalonan sa Tagalog

BAGLAN babaylan/katalonan ng mga Ilokano

BAGWIS kakayahang kumilos nang mabilis

BALETE malaking punong punó ng kahiwagaan at nagsisilbing lagusan papunta sa mundo ng mga anito at maligno

BANWÁR bayani sa salitang Ilokano

BATIBAT dambuhalang malignong bumibiktima sa pamamagitan ng pagdagan at pagbibigay ng bangungot sa biktimang natutulog

BATHALA ang Maykapal at pinakamataas na punong anito

BAYBAYIN sinaunang pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino

BERBEROKA higanteng halimaw ng sapa na may mahilig mang-akit ng biktima sa pamamagitan ng ilusyon

BERKAKAN higanteng isda na siyang kumakain sa bayaning si Lam-ang

BINHI bagay mula sa kaibuturan ng isang nilalang (hal. itim na itlog/sisiw mula sa aswang)

BUL-UL Maliit na estatwang pinaniniwalaan sa Hilagang Luzon na naglalaman ng espiritu ng mga anito at ginagamit ng mga babaylan bilang gabay sa kanilang ritwal

BULANANG TANSO di-pangkaraniwang metal na mapanganib sa mga Maginoo lalo na sa mga maligno at pinaniniwalaang gawa mula sa labi ng lumang anito ng buwan

DAMBANA pook na banal kung saan nakakasalamuha ng babaylan ang mga anito

DAKES engkantong likha mula sa kadiliman na may kulang-kulang o sobra-sobrang parte ng katawan

DANAG malignong hayok sa dugo ng mga tao mula sa paniniwala ng mga Isneg

GAWAY ritwal at orasyon ng mga babaylan sa pamamagitan ng kakaibang hugis o kaya'y mga sangkap para sa salamangka na may iba't ibang epekto

GUIDALA isa sa anitong mensahero ni Kaptan ng Kabisayaan

HARAYA paniwala, ideya, imahinasyon, persepsyon, ilusyon, bisyon; ang mundo ng mga panaginip at bangungot

HINLOG tawag sa mga inapo o salinlahi ng mga anito

INABEL tela sa salitang Ilokano

INES KANNOYAN ang dilag na napangasawa ni Lam-ang; tapis niya ang pinaniniwalaang isa sa elementong nakapagpabuhay muli sa katawang-lupa ng bayani

KABALAN kalahating tao at kalahating kabayo na madalas ay kababaihan; kamukha ng centaurs ng mga Griyego

KADIWA katambal ng isang Maharlika para sa misyon

KAILIANES mga Maginoong nagmula sa lahi ng Ilokanong tumulong sa pagsisid sa mga buto ni Lam-ang; kasalukuyang kadiwa ng mga hinlog ni Lam-ang at may tungkulin na sila'y gabayan at alisin sa kapahamakan

KARKARMA isa sa tatlong uri ng kaluluwa ayon sa paniniwala ng mga Ilokano na nasa loob ng isang taong nabubuhay; ang kaniyang diwa

KATATAOAN Mga higanteng maligno na kilala sa pagsundo ng mga bangkay gamit ang kanilang paragos

KLAB MAHARLIKA samahan ng mga Maginoong nagsasanay na maging Maharlika at may kapitulo sa iba't ibang lugar

KOKOK Lamang-lupa na may pahabang hugis ng ulo at may kapangyarihan sa panggamot

LAKI malignong nay katawan ng kambing pero sa matandang lalaki ang ulo

LAM-ANG ang magiting na bayani ng Nalbuan mula sa epiko ng mga Ilokano

LANA langis na kumukulo kapag malapit sa presensiya ng mga maligno

LITAO mga maliliit na nilalang ng katubigan at kadalasang nakatira sa tabi ng mga ilog at sapa

LOBO ang asong ibinigay ni Sipnget kay Angalo na katulong nito sa paglikha

MAGINOO mga taong may dugong-bughaw mula sa angkan ng mga anito

MAHARLIKA mga Maginoong sinanay upang makipaglaban at magsagawa sa tungkuling iniwan ni Bathala

MALIGNO mga nilalang na 'di maipaliwanag ng karaniwang tao

MAMENG mabalahibong higante na naninirahan sa kakahuyan

MANGA-ODON uri ng mga manggagamot sa Ilokos

MESMERAID ipinangalan ni Gwen sa kapangyarihan niyang manghimok gamit ang kaniyang boses na namana niya mula sa lahi ni Oryol

MUTYA butil na naglalaman ng budhi o diwa ng isang nilalang, hal. itim na itlog sa aswang, agimat sa mga makapangyarihang nilalang

NAGA malalaki at mahahabang nilalang na mala-dragon o serpyente ang hitsura

NALBUAN ang bayang pinagmulan ni Lam-ang

NETWORK tawag ng mga Maharlika sa lagusan sa pagitan ng mga puno ng balete na nakakalat sa bansa at ginagamit bilang mabilis na paraan para makapunta sa malalayong lugar

PANAMBALAN pook ng gamutan para sa mga Maginoo

ONOS anito ng bagyo, unos, at pagbaha mula sa Kabikulan

ORYOL kalahating-dilag at kalahating-serpyenteng maligno mula sa Kabikulan

PARAGOS/PASAGAD sasakyang gawa sa kahoy na ginagamit ng mga magsasaka at hila-hila ng mga kalabaw

PILONCITOS gintong salapi na gamit ng mga sinaunang Pilipino

PUGOT mga higanteng walang ulo at kumakain gamit ang malaking bibig sa kanilang leeg ayon sa paniniwala ng Hilagang Luzon

PUTONG telang isinusuot ng mga sinaunang katutubo upang ayusin o kaya'y takpan ang kanilang mahabang buhok

SALIPAPAW eroplano o sasakyang panghimpapawid sa Filipino (neologism)

SARIMAW nakakatakot na halimaw mula sa Kabikulan

SUMARANG higanteng karibal ni Lam-ang kay Ines Kannoyan

TIBURON pating na may pakpak at lumilipad mula sa Kabikulan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top