KMAAHNL

KLAB MAHARLIKA
AT ANG HARAYA NI LAM-ANG
ni bernardcatam

ᜃ᜔ᜎᜊ᜔ ᜋᜑᜇ᜔ᜎᜒᜃ ᜀᜆ᜔
ᜀᜅ᜔ ᜑᜇᜌ ᜈᜒ ᜇᜋ᜔-ᜀᜅ᜔

Simula nang lumisan ang kaniyang ama noong bata pa lamang siya, kinatatakutan na ni Liam Angalo ang pagtulog dahil pakiramdam niya'y hindi na siya muling magigising pa.

Nakasanayan na niyang bumangon mula sa masamang panaginip, kadalasan ay sa tuwing kakainin na siya ng isang higanteng isda sa ilalim ng Ilog Pasig na madalas niyang paglanguyan. Ngunit kakaiba ang nasaksihan niya sa kaniyang huling panaginip—ang kaniyang ama na inakala niyang matagal nang patay ay humihingi ng tulong na hanapin ang nakababata niyang kapatid na babae na matagal na rin niyang hindi nakikita. Silang dalawa ang susi sa muling pagningas ng gintong tapis ni Ines Kannoyan, ang talukbong na muling bumuhay sa katawang-lupa ng bayaning si Lam-ang, ang makapangyarihang bagay na makapagbabalik muli sa kanilang ama mula sa pagkakagapos ng kailaliman.

Sa tulong ng agimat ng abuhing-aso na ipinamana ng kaniyang Ninong Pedro at ng mahiwagang samahan ng mga Maharlika (kabataang tulad niya'y nagmula sa lahi ng mga anito), ay tatahakin ni Liam ang sinaunang paglalakbay ng kaniyang ninuno at susubuking tuklasin ang haraya ni Lam-ang.

NOTE: You may read this without reading BALETE CHRONICLES and/or SUMPA NG IBALÓNG

Date started: 08/06/2021
Date ended: 08/17/2022

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top