8 Sa Ilog ng Kalawakan
IKAWALONG HARAYA
ᜁᜃᜏᜎᜓᜅ᜔ ᜑᜇᜌ
Sa Ilog ng Kalawakan
GUSTO ko lang namang dalawin si Ninong, ipagluksa ang pagkamatay niya at baka sakaling magsimulang maghilom ang sakit na nararamdaman ko nang mawala ang kaisa-isang taong kumupkop at nagmahal sa akin. Aminado ako, nagbaka-sakali rin akong makahanap pa ng kaunting pag-asa, na baka buhay pa talaga siya at panaginip lang ang lahat. O kahit man lang baka may naiwan siyang mensahe sa akin na sana ay makapagpagaan ng loob ko.
Hindi ko lang talaga matanggap na ang dahilan ng pagkamatay niya ay dahil nagmula ako sa lahi ng bayani at napiling tagapagbantay ng agimat na 'to.
Akala ko, ang katotohanang ibinunyag sa akin ng aking sariling kapatid ay sapat na para mas lalo akong makonsensiya ngunit hindi pa pala.
At ngayon, natupad nga ang hiling kong madalaw si Ninong sa huling beses pero katabi ko ngayon ang kabaong niya sa ilang daang talampakang mas mataas pa siguro sa mga gusali dito sa Kamaynilaan o ng kahit pa bundok na bihira akong makakita sa tunay na buhay.
Nagsimula nang sumikat ang araw sa Silangan. Hindi pa ako nakakasakay sa eroplano pero sa tingin ko ay hindi ko na susubukin pa sa tanawing napagmamasdan ko.
Halos madala ang katawan namin ng manipis na hanging may kasamang ulap ng umaga. Natatakpan ng hamog ang ibaba naming halos magtakip na sa mga kabahayan at gusaling nagmistulang mga diorama sa kaliitan. Napakagandang tanawin bago kami dalhin sa kamatayan.
"Kumapit ka nang mabuti," paalala ni Ysa kahit pa siya mismo ay chill lang na nakaupo sa ibabaw ng kabaong ni Ninong. Nakabalot sa buo niyang katawan ang kapang gawa sa pawid para hindi siya lamigin. Buti na lang ay may nahablot akong jacket kanina sa lamay.
"'Wag mo na munang tangkain," pigil niya sa akin nang mahalatang lumalapit ako sa puwesto ni Rome. "Isa siyang babaylan. He's self-healing right now."
Napansin ko ngang parang may banayad na awrang lumiliwanag sa natutulog na si Rome. Nakatali ang katawan niya sa paragos tulad ng sa kabaong kaya't sa tingin ko ay hindi naman siya malalaglag. Mahigpit rin ang kapit ng salamin niya sa mata.
Nilingon kong muli si Ysa. "M-mukhang hindi lang ikaw ang nagmana ng tigas ng ulo. Pinili mo pa rin kaming samahan," komento ko sa garalgal na boses.
"Nagsisimula pa lang ang paglalakbay ng agimat ni Lam-ang?"
"Paano? Sa kabilang buhay na ang punta natin."
"Ngayon pa lang, sumusuko ka na. Puwede ka naman nang mauna." May inis sa tono niya. Hinubad niya ang suot na sumbrero at hinayaan lang na sumabit sa kaniyang likuran. Bumaba siya at tumabi sa akin sa pagkakaupo sa may dulo ng paragos habang ako'y parang batang takot na mahigpit na nakakapit sa nakita kong hawakan doon.
Sa puntong ito, parang siya na ang mas matandang nakakapatid sa aming dalawa. Medyo nahihiya pa rin akong kumilos sa kaniya. Pero ang imahe ng batang babaeng umiiyak na huli kong nakita sa may ilog noon ay napakalayo na sa dalagitang kaharap ko ngayon.
Nakatingin siya sa baba na parang sanay nang hindi malula. "Delikado pa pero makakababa rin tayo maya-maya."
"Ibig sabihin, mabubuhay pa tayo?" Kahit ako'y nabobohan sa tanong ko.
"Oo naman. Sino ba maysabi na mamamatay na tao?"
"Sabi mo kasi—"
"Naglalakbay ang mga katataoan sa buong bansa para sunduin ang mga Maginoong may dugong Ilokano. Hindi ko rin alam kung bakit namimili lang sila. Siguro may kaniya-kaniya kasi tayong konsepto ng kamatayan kada rehiyon," paliwanag niya.
"A-ano ba sila?"
"Ang sabi ng matatanda, mula rin daw sila sa lahi ng dalawang higanteng manlilikha, sina Angalo at Aran, mga ninuno rin natin."
Ibig sabihin, kamag-anak ko sila. May relatives talaga tayo na malayo sa atin ang hitsura.
"They're here to pick-up Ninong Pedro's body as well as others."
"Marami pa?"
"Oo. Tumingin ka lang sa paligid."
Napalunok ako ng laway sa sinabi niya. Pinaglinaw ko nga ang tingin at bahagyang naalis mula sa pagkakayakap ng makakapal na mga ulap ang ilan pang paragos sa tabi namin, mga kapwa nakasabit din mula sa itaas. May at least tatlong dipa ang layo nila sa isa't isa. At siguro ay hindi bababa sa limampu ang nabilang ko ayon sa abot ng aking makikita. May iba't-ibang klase ng kabaong rin ang nakapatong sa mga iyon mula sa iba't ibang antas ang pamumuhay.
Bakit ngayon ko lang napansin? Mas lalo lang akong kinilabutan nang malámang marami pang patay na tao kaming katabi ngayon.
Tumingala ako. Halos hindi ko maibalik ang bibig ko sa pagkakanganga nang makita nang maayos ang sasakyang himpapawid na nagdadala sa amin sa kung saan.
Hindi iyon malaking eroplano o helicopter kundi isang higanteng bangka na kamukha ng mga balangay na sinasakyan ng mga sinaunang Pilipino. Ni hindi ko makita ang magkabilang dulo. Sa tabi ay dahan-dahang hunahawi ng ulap ang ilan pang higanteng sagwan na sa tingin ko'y hawak ng mga katataoang binabanggit ni Ysa.
"Huwag kang masiyadong mag-panic," paalala niya sa akin. "Nilalakbay natin ngayon ang Rimmuok dagiti Bitbituen, ilog ng kalawakan. Sa ngayon nga lang, mag-u-umaga na kaya hindi na kita ng mga normal nating mata ang milyong bituin sa paligid. Kaya huwag kang magpa-panic dahil baka magising mo ang nakatagong naga, ang dragon sa likod ng mga tala sa langit."
Natuyuan na 'ata ang bibig ko't wala na akong mailunok na laway.
Marahan siyang napatawa nang makita ang reaksiyon ko. Sumingkit ang mga mata niyang may pinta ng kahel sa gilid na sa hinuha ko'y para mas maitago ang katauhan niya. "Those were the rumors, okay? Sa tingin mo, where did they get the idea of the manunggul jar? The soul's journey as ferry's passenger is a universal concept."
Gumuhit sa isip ko ang relic na makikita sa likod ng isang libong piso, isang banga na gawa sa bato at sa ibabaw noon ay may disenyong bangka. Naikuwento iyon minsan ni Ninong. Inihahatid ng nagsasagwan ang kaluluwa patungo sa dapat nitong puntahan. Akala ko'y literal na ilog ang daanan papunta sa kabilang buhay kung pagbabasehan ang lumang paniniwala.
"Focus. Kung hindi ako nagkakamali, pabalik na sila sa bayan ng Ilocos. Makakababa tayo sa sunod na lugar na kanilang susunduin."
"Ha?" tanging naisagot ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita.
"Ilang taon ka na nga?"
Napasinghap ako sa biglang tanong niya. "S-seventeen." Gusto ko sanang tanungin kung bakit hindi niya tanda ang edad ko pero baka wala rin naman talagang nagkuwento sa kaniya tungkol sa akin.
"Sa loob ng ilang taon nilang pagtago sa 'yo, ni wala man lang ginawa si Ninong para ihanda ka sa mga kahaharapin mo?"
Ni hindi ko maipinta ang rekasyon niya kung dismayado ba o nang-uuyam dahil sa mga tingin niyang nakikibagay sa mga katabi naming bangkay, wala ring kabuhay-buhay. Kaya siguro ganoon na lamang siya kung kumitil ng aswang.
Hinawakan ko ang pendant ng suot na kwintas na kanina pa nililipad ng hangin papunta sa aking batok at saka itinago sa loob ng suot kong damit. "Kung tungkol ito sa agimat—"
"Sinabi ko na sa'yo, wala akong balak kunin iyan, siguro dati kung nalaman ko kaagad."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I thought the Klab was training me to be a better protector of our heirloom, this powerful item," paliwanag niya sabay turo sa puwesto ng pendant niyang nakatago sa suot niyang kamiseta at makapal na kapang pawid. "Few months back, I discovered that they're actually hunting us, the true heirs. They did a mistake. They revealed to me that I have a long lost brother who's also possesing the other one. They thought I will be the one who'll lead them to you but no. This belongs to us and we are the one who must use them for their true purpose."
Napaisip ako bigla sa kung ano bang tinutukoy niyang true purpose. Hindi ko sadyang maisip na baka parehas kami ng kagustuhan, ang maibalik ang mga taong nagmamahal sa amin, si Mama, si Tatay na ngayo'y nakakulong sa kadiliman, at si Ninong. Kaya ba naming gamitin ang tunay na kapangyarihan ng mga agimat na ito? Wala ba iyong magiging masamang epekto sa natural na batas?
Sa tono niya, parang hindi rin naman niya nagugustuhan ang nangyayari at tila napipilitan lang. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Inuusig ako ng aking konseniya, na baka may masama ring mangyari sa kaniya nang dahil sa mga kalabang naghahanap sa akin at sa agimat. Napakagat ako sa labi.
"That's when I meet the kailianes," pagpapatuloy niya. "Matanda na si Ninong pero magaling siyang mandirigma at tunay na tapat na samahan." Kusang tumiklop ang kapa niya at naipon lamang sa kaniyang likuran. May mantsa ng mga putik ang kaniyang kulay lumot na kasuotan maging ang ilalim ng makapal niyang sapatos ay balot ng makapal na putik. Sadyang malayo siguro ang kaniyang tinahak para makaraing dito. "Mula sila sa lahi ng mga magsasaka at mangingisid noong panahon bago dumating ang mga Kastila sa Samtoy, lumang ngalan ng Ilocos. Pinaniniwalaang ang mangingisdang sumisid ng mga buto ni Lam-ang, ang unang kailianes. Simula noon, naging magkapanalig ang mga inapo ng bayani at ng mangingisid. Hanggang ngayon, hindi puwedeng walang kasamang kailianes ang mga hinlog ni Lam-ang. Kaya madalas ay sila ang nagiging magkapares bilang kadiwa sa Klab Maharlika."
Naalala ko ang turingan nila Gwen at Simm at maging ni Rome at mga kasamahan niya, na walang Maharlika ang mag-isang sumusuong ng misyon. Kailangan ay may kasamang kadiwa sa lahat ng oras.
Hinahawi ng hangin ang makapal niyang buhok at sumisilip ang gintong kwintas sa kaniyang batok. Naglakas-loob akong magtanong.
"'Yung puting liwanag, sa agimat ba iyon nagmumula o ikaw mismo ang gumagawa non?"
Isinuklay niya ang buhok papunta sa likod ng kaniyang tainga. "Something like that. According to the myth, ang puting tandang ni Lam-ang ang nagtataglay ng kapangyarihan ng pagkawask. Sounds crazy, right? But ever since I've awaken it's true powers, that's the beginning of my misfortune. All it can give me are what I call hard lights. Para siyang sinag ng araw pero walang alab. It took me a short time before I could try to manipulate it, weave it into sharp weapons."
Naalala ko 'yung ginawa niyang pag-atake kanina sa balbal. Paanong ang liwanag na walang mass o volume ay kayang maging matalas na patalim? Bakit nga ba tinatanong ko pa rin sa dami nang kababalaghang nasaksihan ko sa nakalipas na araw? Kaya ko rin kayang gawin iyon gamit ang suot kong agimat? Ano naman kayang kakayahan ang inilalabas ng isang lumang pangil?
Nagtanong ulit ako. "Kasama ba sa powers mo 'yung paglipad mo kanina?"
"Oh, no." Napailing lang siya sa mga tanong ko sabay lingon ulit sa akin na para bang hinihintay niyang ako ang sumagot kahit wala naman akong kaalam-alam sa mga bagay na 'to. "Seriously? Are you really a banwar?" Pinigilan niyang tumawa. "It's wind manipulation. That's one of Lam-ang's abilities in the epic. Iyon ang tumulong sa kaniya sa paglaban ng tribo sa Norte at maging sa karibal niyang higante. That's one of our basic inherited powers."
Napairap siya. "I can't believe that they also hide those information from you. Kaya siguro walang mag-aakalang ikaw ang tagapagmana ng agimat na 'yan. You don't even had the chance to develop any godly abilities?"
"Bukod siguro sa insomnia at phobia sa higanteng isda, wala na akong ibang namana tulad ng sa 'yo." Dinaan ko na lang sa biro ang mga komento niya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil sa magkaibang-magkaiba ang aming lugar na kinalakihan.
Napansin niya sigurong umiwas ako ng tingin. "We'll, that's all right. Even I can't fully utilized these air powers. I can't literally fly like bird, you know. Nagpapadala lang ako sa hangin gamit itong pawid sa likod ko. I mean, rooster don't fly that high and long-lasting as well, right?"
Nahiling ko na lang sa sarili na sana man lang ay may naikuwento sa akin si Ninong tungkol dito. Bawat Maginoong nakilala ko, tulad nina Gwen at Simm, ay may mga astig na kakayahan at kagamitang panlaban sa masasamang maligno.
Gusto ko po sana siyang batuhin ng marami pang tanong tungkol sa labintatlong taong hindi kami nagkakasama-sama nguni't baka hindi pa siya handa na magbahagi ng karanasan niya. Itinuon ko na lang ang isip sa impormasyon na kakailanganin namin sa paglalakbay na 'to. "Last question," sabi ko. "Binabangungot ka rin ba?"
Nagulat siguro siya sa tanong ko. Narinig ko pa ang paglunok niya ng laway. Ilang segundo bago siya sumagot. "Sometimes. Bakit mo natanong?"
"Palagi kasi akong nananaginip na nalulunod daw ako sa malalim na ilog. Pagkatapos ay may malaking isda na bigla na lang lalabas sa kadiliman para lamunin ako. Ngayon, napagtanto kong pahiwatig iyon ng mas mapanganib pang mga mangyayari, katulad ni Lam-ang noong bago siya kainin ng berkakan."
Akala ko noon, nakuha ko lang sa mga kuwento ni Ninong ang nararanasan ko sa panaginip, iyon pala ay dala ng pagkakaroon ko ng dugo mula sa lahi ni Lam-ang. Ang dahilan kung bakit nasawi ang bayani ay dahil sa isang dambuhalang isda na kumain sa kaniya noong sumisid siya sa ilog.
Patuloy lang siya sa pakikinig, tingin ay tumatagos sa makakapal na ulap sa 'di kalayuan. Saka lamang siya napalingon nang mabanggit ko ang ama namin.
"Ang tatay natin, nitong huli nagpakita siya sa panaginip ko. Siya ang nagsabi sa akin na hanapin ka, na ang mga agimat natin ang makakapagpalaya sa kaniya. Buhay pa siya!"
Akala ko'y masasayahan siya sa balita ko pero walang nagbago sa seryoso niyang mukha. "Bakit? Dinalaw ka na rin ba niya?" tanong ko.
"I seldom dream. Madalas, mas natatakot pa 'ko sa reyalidad. Baka nga mas gusto ko pang mabuhay sa panaginip."
Napahinto ako sa napakalalim niyang sagot. Ni hindi ko alam ang ire-react.
Nakita niya sigurong nakatunganga ako at pinoproseso pa ang sinabi niya kaya't humarap siya sa akin at diretsong binahagi ang nalalaman niya.
"Yes, he did. That's why I went to Ninong's funeral. I know na bukod sa agimat natin, we needed one more ingredient—ang inabel."
"Ang ano?"
"Inabel, telang hinabi sa Ilocano. Ang tapis ni Ines na tanging mga tunay na hinlog lang ni Lam-ang ang maaaring makapagbukas ng lunggang pinaglibingan nito."
Medyo nagising na 'ko sa sinabi niya. "Kung ganoon, tama si Tandang Felicia."
"Sino?"
"Kailangan nating puntahan si Mama. Bukod sa atin, siya na lang ang kilala kong maaaring nakaaalam ng lugar na hinahabol natin. Nasa isang facility siya, sa—"
"Sa Sinait Homes." Ilocos lang dapat ang sasabihin ko pero mukhang mas may alam si Ysa.
"Paanong—? Nadalaw mo na siya?"
Dahan-dahan siyang tumango. Naramdaman ko ang lungkot sa mga mata niya. "Hindi ganoon kadalas. Pinagmamasdan ko lang siya sa labas ng building. Puro matatanda ang mga kasama niya doon, karamihan malapit nang mamatay."
Sasawayin ko sana siya pero nakalimutan kong ganoon nga lang pala talaga siya magsalita. Sa home for the aged pala nila dinala si Mama.
"Never ko pa siyang nakakausap at never pa rin niya akong nakikita."
"Bakit?"
"Yung facility na tinutukoy ko ay iniikutan ng mahiwagang bakod na gawa sa bulanang tanso, lunar copper, isa pa sa mga metal na nagmula sa mga anito. Walang puwedeng pumasok na mahihiwagang elemento tulad ng maligno, kahit pa mga makapangyarihang bagay lagpas ng harang." Hinawakan niya ang suot niyang agimat. "Wala akong ibang pinagkakatiwalaan lalo na ngayon kaya hindi ko puwedeng iwan lang basta ito sa labas."
Ipinatong niya ang mga kamay sa balikat ko at mataman akong tinitigan. "They need us, both of us. I'm not yet sure what to react if we ever reunite again but I guess, I miss them."
"I miss you, too." Akala ko, iyon na ang tamang oras para yakapin siya nang mahigpit pero bigla siyang lumayo at bumalik sa kaniyang pagkakaupo sa ibabaw ng kabaong ni Ninong. Siguro, nahihiya lang din siya sa akin.
Iniba ko ang usapan. "Kung doon nga tayo tutungo, baka makasalubong natin sina Gwen. Hindi naman siguro sila magagalit."
Mabilis na nagbago ang timpla niya. "May iba pang nakakaalam ng plano?" tanong niya sa pagalit na tono.
Hindi ko siya agad nasagot.
"Huwag mong sabihing papunta rin doon ang Klab Maharlika?"
Nataranta ako. Naalala ko ang paratang niya kanina. Wala akong sapat na oras para makapag-decide noon kung sino nga ba sa kanila ni Rome ang paniniwalaan. Parehas ko silang pinagkakatiwalaan. Napalunok ako ng laway. Kung totoo ang sinasabi ni Ysa na may masamang hangarin nga ang samahan nina Rome, baka may masama ring mangyari sa nanay namin. Pero hindi ko pa rin maisip na magagawa nila iyon sa akin.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tumayo si Ysa at lumakad papunta sa dulo ng paragos. Ako ang kinabahan na baka malaglag siya pero marunong nga pala siyang magpadausdos sa hangin gamit ang kapa niya. "Medyo malayo pa tayo sa kinaroroonan ni . . . M-mama." May pagpigil sa pagtawag niya. Isang taon lang siya noong iwan kami ng mga magulang namin kaya naiintindihan ko kung hindi pa siya sanay na tawagin kami sa mas komportableng pangalan.
"Mabuti pa, gisingin mo na ang kasama mo," kalmado na niyang utos sa akin.
Sa haba ng usapan namin, ngayon ko ka naalalang kasama nga pala namin si Rome. Tahimik pa rin siyang natutulog katabi ng kabaong at himalang hindi nadala ng hangin dahil na rin sa taling iginapos sa kaniya ng higante.
Maingat akong lumapit sa kaniya. "Rome, gising na."
Umayos siya ng pagkakahiga. Umuungol. Nananaginip ba siya?
Hahawakan ko na sana ang kamay niya para kagatin ang kaniyang hinlalaki, katulad ng ginawa niya sa akin noon nung binabangungot ako pero naunahan ako ng kasama namin.
Lumapit siya at bigla na lang sinampal si Rome.
Pak!
"Aray!" sigaw ni Rome at napahawak sa kaniyang pisngi. Mulat na mulat na siya at muntikan pang malaglag ang salamin sa mata. Nahimasmasan lamang siya nang makita ako. "Liam!" sigaw ni Rome na halos katunog ng tumitiling baboy-ramo. "OMG. Patay na ba tayo?" Napansin niya ang tali sa kaniyang katawan. "Anong—" Sinimulan niya iyong tanggalin.
"Saglit!" pigil ko. "'Wag kang mag-panic. Dahan-dahan. Tulungan na kita."
Hinayaan niya naman akong alisin siya sa pagkakagapos. Hindi rin naman ganoon kahirap alisin sa pagkaka-hook sa gilid ng paragos ang tali na mistulang seatbelt.
Napakakalmado ng pagkakasagwan ng mga katataoan sa malaki nilang sasakyan. Tantiyado ang taas at lakas ng hangin kaya halos hindi magalaw ang sinasakyan naming paragos, steady at para lamang dahan-dahang kinakaladkad.
"Nasa langit tayo," sagot ng kasama namin. "Sa tingin ko, mga tatlumpung libong talampakan ang taas natin ngayon."
Napakapit na lang si Rome sa jacket ko nang may dumaang grupo ng mga ibon sa gilid namin. "Juskopo! Mamatay na 'ko."
"Kalma lang, makakababa rin tayo," sabi ko sa kaniya.
"Paano?" Nagsimula na naman siyang mag-panic.
"May plano si Ysa."
"Girl, you're still here?" tili ni Rome na parang nawala na isip na nasa ibabaw pa rin kami ng langit at binitawan rin ang jacket ko.
"If I wasn't here, baka kanina ka pa pinulot sa kangkungan."
"You—" Pinigilan ko kaagad si Rome sa pagsugod. "Aray!" Akala ko nasaktan ko siya. 'Yun pala, napakapa siya sa batok niya. Dahil siguro sa pagkakadagok ng kaniyang ulo niya kanina.
"Okay ka lang?" tanong ko.
"Yeah, I'm fine. By the way, where are we na ba?"
Tumayo si Ysa. Hinawakan niya ang malaking taling nakahook sa paragos at tiningala ang dulo noon papunta sa ilalim ng sasakyan.
"What?" pagtataka ni Rome.
Tumayo na rin si Rome. Napakapa ako sa binti niya nang muntikan na siyang matumba pero nagawa naman niyang makabalanse.
"Saan nga ba tayo patungo?" Sinubukan ko na ring bumangon nang dahan-dahan. Stable man ang aming tinutuntungan ay nagkusa nang manginig ang mga binti ko sa lula.
"Malapit na tayo."
Biglang nagbago ng direksyon ang sasakyang himpapawid. Napaupo kaming tatlo at mahigpit na napakapit sa bawat sulok ng paragos. Napapikit kami sa malalakas na daluyong ng hangin. Mukhang pababa na muli ang sasakyan para sa sunod nitong susunduin. Nagsimula na ring dumuyan ang ilan pang paragos na may sakay na mga kabaong sa aming paligid. Mas lalo lang akong naliyo.
Nasilip ko si Rome na malapit nang masuka.
"Pagkabilang kong tatlo, tatalon tayo sa unahan," utos ni Ysa. Ang paragos na nasa unahan ng aming kinauupuan ay dahan-dahang bumababa. Pag tingala ko'y nakaabang na rin ang isa sa mga katataoan sa dulo ng tali niyon sa ilalim ng sasakyan. Mukhang ito ang gagamiting pansundo.
"Ano 'ka mo?" tanong ko kahit naintindihan ko naman ang sinabi niya. "Tatlong dipa ang layo na'n. Saka mas mababa na sa puwesto natin. 'Pag tumalon tayo, babagsak lang tayo sa lupa para mamatay."
"I told you, makakababa rin tayo. Ito lang ang paraan." Nagsimula siyang humakbang padulo at bumuwelo. Itinuwid niya ang suot na kapa sa likod na nagmistulang pakpak ng paniki sa itsura. Walang takot siyang tumakbo at tumalon, sakto sa paragos sa unahan namin. Humawak siya sa kabaong na naroon. "Bilisan niyo!"
Para namang madali lang ang sinasabi niya. Tinignan ko si Rome, sumusuka na siya sa gilid. Nilapitan ko siya at inakbayan. "Sabay tayong tatalon."
Lumingon siya sa akin at tumango, nakasara nang maigi ang bibig na may tumutulo pang laway sa gilid.
Malapit na ang katataoan sa kaniyang pagbaba sa makapal na tali.
Huminga ako nang malalim at inipon ang natitira pang tapang. Sa lakas ng hangin ay lumabas sa damit ko ang kwintas. Muling umiikot ang abuhing hamog sa pendant. Parang binigyan ako noon ng kaunti pang lakas ng loob.
Kumapit ako sa baywang ni Rome nang mahigpit habang siya'y mahigpit ring nakaakbay sa akin. Sabay kaming bumuwelo, tumakbo, at tumalon mula sa paragos ni Ninong.
"Ahhhhh!" sigaw namin habang nahuhulog. Hindi ko na marinig ang bilis ng tibok ng puso ko. Nang maramdaman namin ang kahoy na tuntungan sa kabilang paragos ay mabilis kaming napakapit din sa kabaong. Ilang segundo lang iyon pero pakiramdam ko'y nahuhulog kami nang mas matagal.
Napahiga na lamang si Rome na mukhang mawawalan ulit ng malay.
Naglitawan mula sa makapal na ulap sa paligid ang tuktok ng ilang punong-kahoy. Malapit na kaming makababa. Malapit na rin sa puwesto namin ang higanteng katataoang mukhang hindi pa rin kami napapansin.
Itinaas ni Ysa ang kaliwang kamay at binalot iyon ng kaniyang mahiwagang liwanag. Naghulma ulit siya ng patalim na agad niyang itinutok sa lubid na sumasalo sa sinasakyan naming paragos. "Kumapit kayo nang mabuti."
Hindi ko na nagawa pang umangal dahil agad niyang pinutol ang tali sa isang unday. Saglit akong nawalan ng balanse. Nahuhulog ang sinasakyan namin sa taas na limampung talampakan. Halos mahulog ang kabaong na sakay.
Para akong muling sumisid sa tubig at pinigil ang hininga nang makita ang lupang aming babagsakan sa gitna ng kakahuyan.
Tuluyang bumagsak ang paragos. Tumilapon kaming tatlo. Umikot ang paningin ko. Naghalo ang mga puno sa paligid, ang asul na langit, at ang berdeng damo ng lupa sa aking paningin bago ako bumagsak sa lupa, una ang likod.
Para akong basurang basta na lamang itinapon. Nalamog yata ang bawat kalamnan ko.
Sinubukan kong bumangon. Kumirot ang mga bagong galos na natamo ko ngunit hindi ko na muna ininda.
Inikot ko ang paningin sa paligid. Nasa gitna kami ng isang gubat. Wasak na ang bawat kahoy na bumubuo sa paragos. Nabuksan ang ibabaw ng kabaong na wala palang laman.
"Rome!" sigaw ko nang makita siya sa gilid ng punong sampalok 'di kalayuan. Nakaluhod siya at sumusuka. Mukhang nadala na rin ng pagbulusok namin kanina ang salamin niya sa mata. "I'm okay. I'm okay," bulong niya.
"Nasaan si Ysa?" tanong ko. Napakapit pa akong muli sa sintido dahil sa pagkaliyo.
"Nice spot." Sa taas nanggaling ang boses niya. Tumingala ako at nakitang nakatuntong siya sa isa sa mga matibay na sanga ng puno roon. Nagmistula siyang malaking ibon sa suot niyang kapa. Tinatago ng malapad niyang salakot ang kaniyang mukha. "Malapit na tayo."
"Saan?" tanong kong pinilit na alisin ang pagkainis.
Tumalon siya at lumapat ang sapatos sakto sa ibabaw ng kabaong na walang laman. May bagay siyang nakita roon na ikinagulat niya saglit bago ako hinarap. "Hindi mo ba naririnig ang agos ng tubig?" Nagawa pa niyang ngumiti sa kaniyang tanong.
"Ang alin?" tanong ko. Hindi siya sumagot.
Maliban sa ingay ng mga ibon at hampas ng hangin sa dahon ng mga puno ay parang gripong bumukas ang dahan-dahang pagkakadinig ko sa tinutukoy niya.
"Nasa ilog na tayo."
"Ilog?"
"Ang makasaysayang ilog sa epiko ni Lam-ang, ang kaniyang naging santuaryo matapos ang unang pakikipaglaban, ang Ilog ng Amburayan."
**********************************
The following are some of my inspirations for this chapter.
I found our tales of underworld travel interesting! Kulang ang isang chapter para sa konsepto na 'to. In future installments, I'll go deeper with these myths.
Samal's Imprisoned Naga and Ilocano's moon-eater Olimaw are two different myths. Naa-amaze lang ako na halos bawat pulo sa Pilipinas ay may kuwento about giant winged serpent lurking in the sky. 🐉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top